The Collector

By mrYoDaiChi

9.9K 1.7K 794

Is the urban legend true ? Is the collector really exist? One month of killing spree is on the air. Are you r... More

Meet the Collector
Prologue: Unang Silip sa Lagim
TC 001: Urban Legend?
TC 002: First Blood
TC 003: The Locker
Author's Note 1 (*.*)
TC 004: Friends or Fiends
TC 005: Way Back Home
TC 006: Nightmare
TC 007: Request
TC 008: Trip to Hell
TC 009: The New Class of Class- A
TC 010: The Letter
TC 011: The Plan
TC 012: Where Is He?
SPECIAL ANNOUNCEMENT v1
TC 014: Premonition
TC 015: Truth or Dare?
TC 016: The Time Has Come
TC 017: Memoirs of Death
TC 018: New Classmates
TC 019: Deadly Plan
TC 020: Bloody Birthday
TC 021: Bloody Surprise
TC 022: Escape
TC 023: Revelation
TC 024: Memento Mori
TC 025: The End is Near

TC 013: Survive!

486 80 49
By mrYoDaiChi

"Bilisan niyo naman po sa pagmamaneho! Baka hindi na po tayo umabot nito eh", histerikal na saad ni Ronan sa officer na halos ipaharurot na ang sasakyang pampulis nito upang makarating sa kanilang pupuntahan.


"Ito na ang pinakamabilis na takbo ko Iho. Uminahon ka lang at magiging maayos din ang lahat", sabi nito sa kanila sabay tingin sa may bandang salamin ng kanyang kotse.


"Shit! Kung hindi ko lang sana sila iniwanan doon eh", ang tanging salitang nabanggit ni Dio sa kanyang sarili. Lagi na lamang nito sinisisi ang kanyang sarili sa lahat ng nangyayari samantalang iyak naman ng iyak si Elesis dahil sa nangyari.


Napakabilis ng mga pangyayari.


*FLASHBACK*


"Limeeeee!! Edellllll!", sigaw ni Dio mula sa dalawa. Halos lumabas na ang litid nito sa leeg sa biglaang pagsigaw niya dahil sa malakas na pagsabog ng aming sinasakyang van. Sa lakas ng pagsabog nito ay tumilapon at nagpagulung gulong ang katawan ng dalawa sa may kalsada at nasusunog ang kanilang mga damit. Pinuntahan nila ang mga ito upang tulungan. Paglapit ng mga ito mula sa kanila ay halos hindi na sila gumagalaw. Sunog na sunog ang kanilang balat at halos matuklap na ang mga balat nila at kitang- kita nila ng kanilang mga mata ang kalunus- lunos na nangyare sa kanilang dalawa.


"Hoy! Anong tinutunganga niyo diyan! Tulungan na natin sila", sabi ni Dio para bumalik ang aming presensya dahil sa nakita naming sitwasyon ng dalawa. Pinuntahan ko kaagad si Officer Jessie para ihatid kami sa pinakamalapit na hospital dito.


*End of FLASHBACK*


Nakarating sina Elesis, Dio, Ronan at maging ang officer agad sa hospital (St. Guade Hospital, GAWA GAWA LANG NI AUTHOR YUNG HOSPITAL AH) at dinala agad nila sila sa Emergency Room. Halos magsisigaw na si Dio para padaanin agad kami. Agad namang sinuri ng doktor ang dalawa upang malaman kung anong lagay nila. Pinalabas sila ng nurse at pinaghintay sila sa labas.


"Halimaw na talaga siya! Gusto niya talaga tayong pataying lahat!", galit na wika ni Dio sabay suntok nito sa may dingding. Rinig namin ang paggalatok ng kanyang buto sa kamay at dumadaloy din mula dito ang malapot at masagang dugo nito ngunit tila manhid na ang kamay nito at hindi iniinda ang sakit.


"Dio, dumudugo yung kamay mo", sabi ni Ely kay Dio pero Parang wala itong pakialam at sinuntok muli nito ang pader at kumalat na ang mga dugo nito mula sa dingding.


"Pare, tumigil ka na! Wala ding mangyayari kung sasaktan mo ang sarili mo", saway ni Ronan mula sa kanya pero parang bingi ito at tila walang naririnig. Nangingilid na rin ang mga luha mula sa kanyang mga mata na tila handa ng pumatak mula sa kanyang mga mata.


"Tama na Dio... Walang may gusto sa mga nangyayari. Ipagpasadiyos nalang natin kung anong mangyayari sa kanila", mahinahong sagot ni Elesis sa kanya at hinawakan nito ang kamay ni Dio upang pahupain ang galit na tila inilalabas nito mula sa kanyang mga pagsuntok sa pader.


——-+++++——-


"Ano ng gagawin natin?", maarteng sagot ni Amy na kahit marami nang nangyaring kakaiba sa amin at nagawa pa niyang mag inarte. Nakakairita na itong babaeng ito! Lumabas na naman ang pagiging maldita nito sa katawan.


"Can you please SHUT your DAMN MOUTH! Kanina pa naiirita tenga ko kakareklamo mo eh", sigaw ni Gwenn mula sa kanya dahil sa kakareklamo nito.


"Hey you, Bitch! Ikawang tu—", hindi na nito naituloy ang sinabi nito ng biglang sinampal siya ni Gwenn sa pisngi nito. Halos matumba si Amy sa kanyang kinatatayuan sa lakas ng sampal ni Gwenn. Hindi na bago sa kanila ang makakita ng ganitong eksena sa pagitan nilang dalawa.


"How dare you? You bitch, humanda ka sa akin!", sigaw ni Amy. Nanlilisik ang mga mata nito habang hawak ang isang pisngi nito kung saan siya nasampal ni Gwenn. Akmang pasugod na ito mula kay Gwenn ng pinigilan siya ng kanyang mga kaibigan.


"Calm down Amy, hayaan mo na", saway ni Arme mula dito pero walang nagawa ang lakas ng dalawa dahil nakapiglas mula si Amy mula sa kanila.


"Nanggigigil ako sa ginawa mo pero hinding hindi ako bababa sa level mo", sabi ni Amy na tinignan mula paa hanggang ulo si Gwen. Parang pinapatay nito sa tingin si Gwenn ngunit kahit ang babaeng ito ay hindi nagpatinag at tila nakipagtitigan pa ito mula sa kanya.


"Pwede ba, maglayo muna kayong dalawa? Hintayin natin yung tawag nila Dio, Ronan at Elesis para malaman natin kung anong gagawin natin", mahinahong sabi ni Lyre habang inaalalayan siya ni Lass na makatayo mula sa kanyang pagkakatumba.


"Sige maghintay kayo pero ako gusto ko nang umuwi. Baka masundan pa tayo ng killer dito eh. Kita niyo kung anong nangyari? Sumabog yung van natin, kung hindi tayo bumaba doon ay siguradong lahat tayo ay pinaglalamayan na. I don't want to suffer like what Lime and Edel done to them! Gusto ko pang mabuhay!", galit na saad ni Amy mula sa kanila.


"Okay sige, itetext ko n lang sila na uuwi na tayo mula sa atin", pagsang ayon ni Luxus mula sa tinuran ni Amy.


——-+++++——-


"Bat ang tagal ng doktor, wala pa rin bang resulta", sambit ni Dio na kanina pa palakad lakad sa harapan nila Elesis at Dio.


"Pre, relax ka lang. Nahihilo na ako sa kakalakad mo eh. Maupo ka nga dito, magiging maayos din ang lahat ok?", mahinahong wika ni Ronan mula dito. Sumunod din ito sa sinabi ko pero bakas pa rin sa mga kilos nito ang sobrang pag aalala sa dalawa.


"Sana okay lang si Edel. Please. Buhayin niyo po sila, give them another chance to live, please I'm begging you", bulong nito sa sarili niya.


"Kilala mo na ba kung sino ang killer?", diretsong tanong ni Dio mula kay Ronan. Hindi ito nakakibo sa sinabi niya.


"Hindi pa.. Kilala mo na siya? Rather sila?Sino?", ganting tanong nito mula sa kanya. Ngunit hindi ito sumagot tila nagdadalawang isip pa kung sasabihin niya ba ito o hindi.


Katahimikan na naman ang bumabalot sa kanilang paligid. Hinihintay nila kung sino man ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.


"Sa tingin ko kase ang killer ay si—",


"Ronan, patulong naman ohhh", biglang sigaw ni Elesis na ikinabigla ng dalawa na siyang dahilan para maputol ang gusto nitong sabihin.


"Sige, teka lang", saad nito kay Elesis na may kalakasan ng boses para marinig niya. May dalawang bag kase itong dala na mukhang nag grocery pa ata ng mga makakain nila hangga't naghihintay pa sila ng resulta kung anong nangyare kina Lime at Edel.


"Pero diba may sasa—", saad ni Ronan mula sa kanya ngunit wala na ito sa kanyang paningin. Tila umalis na ito at tumungo na kung saan.


"Uy, ano na? Ambigat nitong dala ko oh", sigaw muli ni Elesis sa kay Ronan. Dali dali na itong pumunta sa kinaroroonan nito at tinulungan na itong buhatin ang kanyang mga dalahin.


"Mukhang seryoso ata yung pinag-uusapan niyong dalawa ni Dio ah", saad nito agad kay Ronan pagkabuhat ko ng mga dala niya.


"Wala yun, u-usa-pang lalaki lang yun, tama, usapang lalaki nga lang", pagsisinungaling na saad ni Ronan mula sa kaibigan.


——-+++++——-


Tatlumpung minuto na ang nakalilipas ay lumabas na ang doktor sa O.R. (Operating Room). Dito'y mas lalo silang kinabahan kung ano ang magiging balita ng doctor mula sa kanila.


"Dok! Ano na pong balita? Kamusta na po sila?", tanong agad ni Dio sa doktor na kalalabas lang ng O.R.


"I'm sorry", malungkot na boses na tugon ng doctor mula sa kanila at sabay silang napaupo sa kanilang kinauupuan.


"Teka lang Dok. What do you mean sorry? Huwag kayong magbiro ng ganyan Dok. Hindi kayo nakakatuwa ah", saad ni Dio mula sa doktor na kanina pa nakayuko mula sa amin.


"They are dead. Hindi na naming sila nailigtas", walang emosyong wika ng doktor mula sa kanila. Lahat sila ay nabigla sa tinuran ng doktor mula sa kanila.


"Sunog na sunog ang katawan ng kasamahan niyo na halos matuklap na ilang mga balat nila. Halos makita na rin ang mga buto nila dahil sa tinamo nilang mga sugat. Maging ang mukha nila ay halos madeformed na. I'm sorry again", malungkot nitong sabi mula sa amin.


——-+++++———

Continue Reading

You'll Also Like

698K 48.3K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...