Maid for the Mafia Boss

By Tehmterzya

2.6M 86.8K 14.4K

Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years... More

Disclaimer
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Epilogue
Epilogue Part 2
Characters:)
THANK YOU PO!
Part II / Book 2
Chapitre 1
Chapitre 2
Chapitre 3
Chapitre 4
Chapitre 5
Chapitre 6
Chapitre 7
Chapitre 8
Chapitre 9
Chapitre 10
Chapitre 11
Chapitre 12
Chapitre 13
Chapitre 14
Chapitre 15
Epilogue
Arigathankz!
BONUS CHAPTER 1(Wedding)
BONUS CHAPTER 2(Honeymoon)
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata 69

18.8K 657 143
By Tehmterzya

Warning: Topics for this chapter may be sensitive to others and may be uncomfortable to read.

Napadilat ako at napagtantong nasa may CR pa din ako.

Tumingin ako sa orasang nasa loob at nakitang madaling araw na.

Halos limang oras akong walang malay?!

Huminga ako nang malalim at nanghihinang tumayo.

Nanginginig ako sa sobrang pagod.

Dahil sa nabahala ako sa pagkawala ng malay ko ay napagdesisyonan kong pumunta sa infirmary, sana nga lang ay nandoon si Katie.

Wala akong tauhan na nadaanan nung naglalakad ako sa field.

Buti nalang ay walang nakakita sa akin dahil mukha akong zombie na naglalakad.

Nanghihina akong pumasok sa infirmary at sinubukan kong tumayo nang diretso.

Hindi ako pinigilan nung nga tauhan nang sumakay ako sa elevator at pumunta sa infirmary.

Nang bumukas ang elevator ay dumiretso ako sa may clinic nila Theo at Katie na meron pala sila dito. Nung isang linggo ko lang nalaman.

Kakatok na sana ako kaso lang ay may narinig ako naguusap sa isang kwarto.

Kumunot ang noo ko at lumapit sa may kwarto.

" Don't say that Aedin. Nandito ka na, we are here with you" rinig ko ang boses ni Steven sa loob.

" Pero hindi niyo na kailangang maabala" nagulat ako sa bago at hindi pamilyar na boses. Gentle ang boses niya na parang katulad nung kay Tita Karina, ang nanay ni Keian.

" It's okay. We don't mind. You are more important for us than anyone else" parang lumubog ang puso ko sa boses ni Keian.

Parang ang tagal naming hindi nagkita dahil namiss ko talaga siya...

Nandilim ang paningin ko at hindi ko napigilang matumba sa isang cart. Natumba ito at ang laman ay napunta sa sahig.

Hinihingal akong humawak sa dibdib ko.

Narinig kong nagmamadaling lumabas ng kwarto yung mga nasa loob kaya nagmamadali din akong tumayo, tinayo yung cart at sumandal dito bilang pang-alalay.

Nakita kong lahat sila nandoon. Lahat silang sampu.

Ngumiti ako nang nagtataka silang tumingin sa akin.

" Nass? Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Steven.

Tumingin ako kay Keian na umiwas ng tingin bago sagutin si Steven.

" Uhmm. May itatanong lang sana ako kay Katie" pinanliitan ako ng mata nila Zeke, Devon at Laiza na mukhang pinaghihinalaan ako.

Eh kahina-hinala naman talaga ako eh.

" Bakit?" Hindi ako diretsong makatingin kay Laiza dahil lumalabo yung paningin ko.

" U-uhmm"

Lumapit sa akin si Zeke at mahigpit na hinawakan ang balikat ko.

" Are you spying on us?" Mapait akong napangiti.

" Hindi. May kailangan lang talaga akong itanong kay Katie" ang iba sa kanila ay umirap ang iba ay umiwas ng tingin.

" Tsk" unang pumasok pabalik sa kwarto si Keian na sinundan nung iba.

Hindi naman po masaket...

Naiwan si Katie na bahagyang nakangiti sa akin.

" So...?" Nakatingin lang ako sa sahig na sinagot ito.

" Pwedeng doon tayo sa clinic niyo?" Tinaasan niya ako ng kilay pero tumango at naglakad na papunta sa may clinic niya.

Sumunod ako dito.

Kaagad akong umupo sa upuan at napabuntong hininga.

" You look very pale. May sakit ka ba?" Umiling ako dito.

" Uhmm, wala naman. I fainted in the guest bathroom" bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

" Ilang minuto kang walang malay?"

" Mga limang oras" dahan dahan itong tumango.

" Uhmm. Dinudugo kasi ako ngayon baka may kinalaman doon yung pagkahimatay ko" ngumiti siya sa akin.

" That's possible. Kailan nagsimula yung period mo?" Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil na din sa nahihirapan akong manatiling gising.

" Hindi pa dapat ako magkakaroon. Normal ang monthly period ko at sa next next week pa dapat ako magkakaroon" nagtaka siya sa sinabi ko.

" So why are you---" napatahimik ito nang marealize kung ano ang posibleng dahilan nung pagdudugo ko.

" You bled after..." tumango ako sa kanya.

" Kaninang umaga ko lang napansin" nakita kong nalungkot ang mata niya at mukhang hindi alam ang sasabihin.

" Uhhmm. Sige, gusto mo icheck ko?"

" Kung okay lang" ngumiti siya at tumango.

" Of course. Pero kailangan nating pumunta sa isang room para maexamine kita" ngumiti ako at sumunod sa kanya.

Wala kasing kama dito sa clinic.

Inalalayan niya akong maglakad papunta sa isang kwarto.

" Kumain ka ba kahapon?" Napayuko ako sa hiya.

Kahit hapunan kasi kahapon hindi ako nakakain, wala akong gana buong araw.

" Oh, Nass. Dapat kumain ka. Baka kaya ka nahimatay ay dahil hindi ka kumain"

" Sorry" bumuntong hininga siya at binuksan yung pinto.

Isasara na sana niya yung pinto nang may sumigaw ng pangalan niya.

Nagkatinginan kaming dalawa at maya maya pa ay nakita namin si Dale sa may pinto.

" Katie! Aedin is flat lining" nanlaki ang mata ni Katie at kaagad akong tinulungang makapunta sa kama.

" Uhmm, Nass. Maghintay ka na muna dito, okay lang? I-I need to---"

" Sige lang" bahagya siyang ngumiti sa akin, isinara at narinig ko na kaagad na tumakbo.

Bumuntong hininga ako.

Ramdam kong mas nanghihina ako ngayon.

Physically and mentally.

Nakaramdam ako ng matinding pananakit sa may ibabang bahagi ko at naalala yung pakiramdam na parang first time na naexperience.

Sa panic ko ay napaalis ako ng kama kaso ay napaupo sa sahig dahil sa sakit.

Gusto ko sanang tumakbo at tawagin si Katie dahil bumabalik na talaga sa isip ko yung mga nangyari pero naisip ko na busy nga pala siya.

Wala akong enerhiya na bumalik sa kama kaya patagilid akong humiga sa sahig.

Pumikit at iniaalis yung larawan ni lolo sa isip ko.

---

Third Person's POV

Hindi na alam ni Nass kung ilang oras na siyang nakahiga sa sahig.

Magisa lang siya sa kwarto at hindi niya maiwasang mapatulala sa pader dahil sa ala-alang bumalik sa kanya.

Nahihilo siya pero ipinagpapasalamat na hindi siya nawalan ng malay.

Nanghihina pa rin siya at wala nang ganang tumayo mula sa sahig.

Samantala, nastabilize na nila Katie at Theo si Aedin.

Tila nakalimutan na ni Katie si Nass dahil sa pag-aalala nito sa malapit na kaibigan.

" Theo?" Tumingin sa kanya si Theo. Parehas silang pagod dahil wala pang tulog at dahil nag-aalala silang malagay na naman sa bingit ng kamatayan si Aedin.

" Hmm?"

" Ngayon ko lang natandaan, nasa isang kwarto nga pala si Nassandra. Sana hindi siya nainip" nagtaka yung lahat ng nasa kwarto.

Sampu silang nagbabantay kay Aedin na natutulog. Ibig sabihin, lahat sila, nandito.

" Bakit? Inadmit mo?" Her eyes flickered to Kei before answering Theo.

" She fainted daw sa may guest bathroom. Nagising siya 5 hours later. She told me na hindi siya nakakain kahapon buong araw at... dinudugo" kumunot ang noo ni Theo.

" May menstrual period ba siya ngayon?" Napakagat ng labi si Katie na mas lalong ipinagtaka nung mga nasa loob.

" She said that she's not supposed to have her period until next next week and that she has normal monthly period" napatigtig si Keian kay Katie dahil sa sinabi nito.

Napatingin naman ang iba kay Keian. Malinaw kung ano ang gustong ipahiwatig ni Katie.

Bumuntong hininga si Theo at tumayo.

" I'll check her up"

Weird man pero isa sa specialty ni Theo ay gynecology. Inalok lang ni Katie si Nass na siya ang tumingin dahil sa babae siya at may kaunti naman siyang alam sa pagiging gynecologist.

" Nasa may room 207 siya"

Ngumiti si Katie dito bago makalabas si Theo.

Pumunta sa tapat ng kwartong sinabi ni Katie si Theo.

Pagkabukas ng pinto ay nagulat si Theo sa nakita.

Kaagad siyang lumapit kay Nassandra na nakasalampak sa sahig at tulala.

Kita niya ang kaunting dugo na nasa sahig at nasa pang ibaba nito.

" Nass!" Ginalaw ni Theo ang babae pero wala itong imik kahit na nakabukas ang mata. Nakatulala lang siya.

" Shit!" Mabilis na binuhat ni Theo si Nass papunta sa kama.

Naramdaman ni Nassandra ang presensya ni Theo pero hindi niya ito binigyang pansin.

Interesadong interesado siya sa kay puting pader.

" Nass. Nassandra!" Tinapik ni Theo ang pisngi ni Nassndra pero nakatulala pa din ito.

Nag-alala si Theo at mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ni Aedin para kuhanin ang stethoscope na naiwan sa kwarto.

" Theo? Bakit ka nagmamadali?" Tanong sa kanya ni Devon.

Hindi niya ito pinansin at mabilis na bumalik sa kwarto ni Nass pagkakuha ng stethoscope.

Nagkatinginan ang siyam na nasa kwarto ni Aedin.

Tinignan ni Theo ang tibok ng puso ni Nassandra at lagay ng baga nito dahil posibleng bahagyang nasuffocate si Nass dahil saradong sarado ang kwarto.

Mahinang mahina ang tibok ng puso ni Nassandra.

Nabalik sa realidad si Nassandra at kaagad na tumingin kay Theo na alalang alala.

" T-theo?" Almost instantly. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib at pagbilis ng paghinga.

Parang binangungot siya nang gising at ngayon niya lang narealize ang panaginip niya.

" Nass! Calm down okay? Hey Nass!" Nang makitang hindi kayang huminga nang maayos ni Nass nang sarili ay kumuha si Theo ng oxygen mask at kaagad na nilagay sa babae.

Napahawak nang mahigpit si Nassandra sa kamay ni Theo na may hawak ng oxygen mask.

" It's okay. It's okay. Inhale, exhale" nanginginig na tumango si Nassndra at sinundan ang pagbigkas ng inhale at exhale ni Theo.

Sa pag-aalala ay pumunta si Keian sa may tapat ng ng kwarto ni Nass. Nanlaki ang mata nito nang makita ang kalagayan niya.

Nagkatinginan silang dalawa.

" That's it. Now tell me what happened" inalis ni Nassandra ang tingin kay Keian at tumingin kay Theo.

Paulit-ulit siyang umiling.

" Okay. Then let me check your... uhmm. Huwag kang mag-alala, gynecologist ako" medyo nahihiyang sabi ni Theo.

Papayag na sana si Nassandra kaso lang ay may naalala.

" No! Please. Close the door" tumango si Theo para hindi magpanic ang babae.

Inilagay niya ang garter ng mask sa likod ng ulo nito at lumayo para isarado ang pinto.

Malungkot itong tumingin kay Keian na nasa labas at nanlalaki ang matang nakatingin kay Nass.

" Kei" isinarado nito ang pinto at bumalik kay Nassandra.

Tumango si Nassandra pero bago pa macheck ni Theo yung ibaba niya ay hinawakan niya ang kamay nito.

Bumibilis na naman ang paghinga niya.

" I'm sorry" nagtaka si Theo sa sinabi ni Nass pero hinigpitan ang hawak sa kamay ng babae at ngumiti.

Ibinaba ni Theo ang underwear ni Nassandra.

Medyo malakas ang pagdudugo ni Nassandra at napansin niya ang tear sa pambabaeng bahagi nito.

Dumako ang tingin ni Theo sa upper thigh niya at nakita ang scars na nandito na parang hiniwa.

Nanlaki ang mata nito.

" K-kei?" Maikli nitong tanong.

Pinakalma ni Nass ang sarili at umiling.

Nang malinawagan si Theo ay napakuyom ito ng kamay.

He let out a shaky breath.

" The tear is not really big. Kung gusto mo kumuha ako ng test sample to be sure"

Nassandra's POV

Tumango ako kay Theo. Halata sa kanyang nagpipigil siya ng galit.

" I'll get you under I.V. Ang sabi ni Katie hindi ka daw kumain maghapon kahapon"

" Hmm" ang tanging sagot ko dito.

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang ulo ko.

---

Nakatulog ako saglit pero nagising na nakapatay ang ilaw.

Nakita kong nakapatong ang ulo ni Theo sa may gilid ng kama ko at natutulog.

Ewan ko pero siguro mga alas kwatro na ng umaga ngayon.

Nakabukas na ang aircon at nakatakip sa katawan ko ang isang makapal na kumot.

Naalimpungatan si Theo kaya nagkunwari akong natutulog.

Naramdaman kong inangat niya ang kumot ko papunta sa leeg tsaka hinagod yung buhok na nakaharang sa mukha ko.

" Theo" rinig kong tawag ni Keian na kakapasok lang sa kwarto.

" Kei"

" W-what happened to her? Did I...?" Pansin ko ang lungkot sa boses ni Keian at bahagyang gumaan ang loob ko.

" No. Nahimatay siya dahil wala siyang kinain kahapon. But you managed to put a tear on her lower part Kei" parang may pagkainis na sabi ni Theo dito.

" I-I'm sorry" bumuntong hininga si Theo.

" Why don't you stay with her?" Nagkaroon naman ng katahimikan.

" Baka kapag hindi ako nakita ni Aedin na wala sa tabi niya, baka magkapanic attacks siya" napalunok ako sa narinig ko.

" So she's more important than Nass?"

" Bakit? Hindi ba't may mas pakialam ka pa kay Aedin kaysa kay Nassandra?" Bahagyang lumakas ang boses ni Kiean.

" You left her alone yesterday morning after almost raping her" bahagya akong dumilit at nakita kong kinwelyuhan ni Keian si Theo.

" You don't know anything! Gusto mo lang akong pagbantayin kay Nass dahil ayaw mong magstay dito!" Unti unting namasa ang mata ko.

" Hindi ko iyon ginagawa. Diba mahal mo siya?! Bakit mas mahalaga pa yung iba keysa sa kanya?!"

" Matagal ko nang nakasama si Aedin! Halos limang taon ko na siyang kasama! Nassandra will not die while lying on the bed but Aedin will!"

" Just leave me alone... please" napatingin sila sa akin. Gulat na nagising ako.

Eh sa pagsigaw ba naman nila, sinong hindi magigising?

Ngumiti ako sa dalawa.

" Leave me alone" balak sanang lumapit ni Theo sa akin pero tumalikod.

Binigyan niya si Keian ng matalim ng tingin tsaka lumabas.

Alam kong nakatingin sa akin si Keian pero hindi ko itinaas ang tingin ko.

Nang makalabas si Keian ay kaagad akong napabuntong hininga.

-------------------
Tehmterzya\˚_˚/

Enjoy reading! 

If you enjoyed reading Kabanata 69 of MFTMB, kindly vote for this chapter! Thank you! Much appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

164K 4.5K 45
How does it feel to be one of the Greys Property? (Second Gen.) Date Started: May 9 2020
34.1K 984 5
"You can run but you cant hide, there's no way you can scape from me because YOU ARE MINE!! ONLY MINE ALTHEA !!"
263K 18K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
33.1K 1.5K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...