Encounter (Onze Series #1)

By elayynitea

139K 4.5K 2.8K

Onze Series #1 Jared, an Engineering student from UST, whose dreams and priorities were far from love. For hi... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
Author's Note

23

2.8K 93 83
By elayynitea

"Ang rupok mo," sambit ni Claire.





"Bahala na!" Inayos ko na ang mga gamit ko na dadalhin sa condo para tapusin doon. Kailangan ko na rin pala tapusin ang bahay ni Mr. Corneza para masimulan at matapos na kaagad.




Pumunta muna kami ni Claire sa condo niya para doon mag-dinner. Ayaw ko pa nga sanang umuwi pero siya naman itong tinutulak na ako palabas.




"Ihahatid kita, ang kulit!" Nagpatulak na lang ako sa kanya hanggang makarating kami ng parking.





"Ang damot mo! Hindi ka naman ganito noon!" Pang-aaway ko sa kanya ng nakapasok kami sa sasakyan niya. Dati kasi ay siya pa ang nag-o-offer na matulog ako roon, tapos ngayon siya na ang nagpapa-alis saakin!




"Good night, Val!" Tumawa pa siya na parang tanga bago paandaring muli ang sasakyan niya. I just waved my hand before going inside the building. May mga dala-dala akong blueprints na dapat ng tapusin.




I ended up not doing any of those blueprints kasi nakatulog ako. I just felt so drained last night. Parang ayaw rin gumalaw ng kamay ko, tapos walang pumapasok na designs na utak ko.




Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong maghilamos at nag-toast ng bread. Tulala akong nagtitimpla ng kape, iniisip ko kung anong gagawin ko mamaya pagdating ko sa office.




Nakarating din kaagad ako sa company, kailangan kong i-rush ang iba kong designs. May isa roon na kailangang i-remodel ng bahay kaya naisipan kong ibigay na lang kay IDr iyon dahil interior lang naman ang kailangang baguhin.




"Okay lang naman 'no? Sorry," I gave her an apologetic smile as I hand her the folder.





"It's fine, Architect." Naupo siya sa couch at tiningnan isa-isa ang laman ng ibinigay kong folder.


Patingin-tingin ako sa pinto dahil hinihintay ko si Warren. He's the Engineer kasi and they both don't havean idea that I set them up for this project. Ang bagal kasi ni Warren.




"Hoy Valeriya! Ano nanaman?! Marami na akong ginagawa!"




Iyon kaagad ang bungad niya nang makapasok sa office ko. Tumawa ako bago tingnan si IDr na gulat ring nakatingin kay Warren.




"Joke lang, ano ba 'yun?" I suddenly felt like laughing, buti na lang napigilan ko. Gusto kong matawa sa reaction ni Warren nang makita si Sofia.




"You're here! Thank goodness. Aalis na ako, you two can talk about that project," I sounded so fake pero hayaan mo na. Kinuha ko ang bag ko bago maglakad palapit kay Warren na nakatayo lang sa tabi ng pintuan.




Humawak ako sa braso niya at marahan pang tinapik iyon. "Talk lang ha," I whispered, smirking.




"Siraulo ka," he whispered back.




Lumabas na ako dahil hindi ko na mapigilan ang tumawa. Isinara ko kaagad ang pinto. My phone beeped and I received a message from Warren.



From: Warren

pwede bang gamitin ang office mo? hahahhahaha!




To: Warren

Acceptable. Amen.




To: Warren

galingan mo! ;)




To: Warren

ipa-bless ko nalang mamaya T_T




He immediately replied 'gago' kaya natawa ulit ako.




"Oh my, I'm sorry!" Sa sobrang katangahan ko ay may nabunggo ako. Muntikan pang matapon ang coffee na hawak niya. Marahan ko pang pinunasan ang damit niya nang makitang may kaunting mantsa doon.




"Next time, don't use your phone while walking." Malamig na tugon niya.



I stopped wiping his clothes when I realized who it was. My hands remained on his chest so he lowered it for me. Oh my god.




"Edi sorry!" Sinamaan ko siya ng tingin bago siya lagpasan.




"Hey I'm... Where are you going?" I heaved a sigh when I felt him beside me.
I did not stop walking. Lakad lang ako nang lakad, sunod naman siya ng sunod!



"Why are you following me?"




"Baka maka-bunggo ka ulit," he sounded concerned. "Tanga ka pa naman." Napatigil ako sa paglalakad.



This fucking jerk.



"You were never this harsh," I told him. I was hurt! Bakit parang may hinanakit na 'yon!




"I know. Now, answer my question. Where are you going?" He repeated. Oh god, ang kulit niya! I don't want to entertain him! 




"T. Ave." I still answered and started walking again. Nakita kong malapit na ang elevator kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.



"Blind date?" My eyes widened.



"The fuck?"



Napatigil ulit ako sa paglalakad at hinarap na siya. May galit ba 'to saakin?! Ganoon na ba ang tingin niya sa akin?!



"My bad. May boyfriend ka nga pala." Kumibit-balikat siya at nagsimula ng maglakad ulit. Ako naman tuloy ang naghabol!



"Hoy!" Tumigil siya sa tapat ng elevator. "I don't.. have a boyfriend." I whispered. He propably heard that, humarap kasi siya saakin. He looked confused.




"Wha—"




He stopped when the elevator door opened. Sabay kaming napatingin sa tao na nasa loob.



"O, Architect!" Napangiwi kaagad ako ng makita si Deb, siya yon for sure, boses pa lang. He was wearing a black cap, black mask, and black clothes. Oh god, mukha siyang holdup-er.



"Mukha kang kidnapper." Straightforward na sambit ni Jared nang makalabas si Deb sa elevator. Na-miss ko tuloy yung elevator! Maghihintay nanaman ako!




"Napaka-harsh mo talaga. Sure kang hindi ka anak ni Satanas?" Deb fired back. Masama silang nagtinginan. Parang gusto ko na nga lang umalis 'e.




"I should go," I awkwardly smiled at them. Ngumiti naman kaagad si Deb at umakbay kay Jared.





"Okay! Babye!" Kumaway saakin si Deb, he even winked. I just gave him a faint smile before turning around to wait for the elevator to open. "Buti nalang nandito ba Bro, samahan mo ako sa office ni Engr. Fortes." Rinig kong bulong ni Deb sa kanya.




Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na ng elevator nang magbukas ito. May dalawang employee na nakasakay, and they both greeted me. I also did the same. Nagulat pa ako nang makitang naroon pa rin sila Jared.




Tinaasan ko siya ng kilay.



"Ingat," he said, giving me a genuine smile.




Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang magsara ang elevator. Ramdam kong gulat ang dalawa kong kasama rito. Aba! Ako rin 'no! Halos mahulog na ata ang kalamnan ko!




Natraffic ako kaya natagalan ang dating ko sa Taft. Pumasok kaagad ako sa coffee shop na sinabi ni Lorr kanina. Nakita ko silang nag-uusap nung friend  niya raw.



Hindi naman nagtagal ang usapan namin dahil madali lang naman ang process ng pag-lipat ng friend ni Lorr. Bumalik rin kaagad si Lorraine sa Ateneo dahil may klase pa raw siya.




Bumalik na rin naman ako sa company pagkatapos ko roon. Pero dumaan ulit ako sa Taguig para puntahan iyong isa kong project doon. Ang layo ng dinayo ko.



Maghapon lang akong nasa office, puro ko kasi deadline ngayon kaya halos minadali ko na ang iba. Kahit ganon ay tanggap pa rin ako ng tanggap ng ibang project.




Hindi ko rin nakita or nahagilap man lang si Jared. Wala at siya rito maghapon. Pero wala akong pakialam kung nasaan man siya.




Madilim na nung lumabas ako ng company para umuwi. Nakita kong Palabas rin si Warren kaya lumapit ako.



"So, how was my couch?" Bungad na tanong ko. Bahagya pa siyang nagulat pero ngumisi pa rin siya.



"Buti na lang leather," he answered, smirking!




"Oh my god. Ginawa niyo talaga roon?!" Hindi ako makapaniwalang may nangyaring ganon sa opisina ko! Geez, ayoko ng ganoong sex.


"Joke lang! Hahahahaha! Kung gagawin namin yun, sa office ko nalang." He bit his lower lip, looking up like he was remembering something. Oh god, bininyagan talaga nila ang office ko! I actually don't know if he was just joking about doing it inside my office, gosh!




Naghiwalay na kami para sumakay sa sarili naming mga sasakyan. Mabilis akong nakarating ng bahay dahil hindi na rush hour nung umuwi ako.




Naisipan ko ulit magluto, dahil wala lang. Trip ko lang. Malapit na rin kasing maubos ang stocks ko kaya ubusin ko nalang agad para makapag-grocery na ako.




I just cooked a simple cordon bleu. Nagulat pa nga ako nang nakitang kompleto ang kakailanganin kong ingredients para dish na 'yon. May chicken breast pala sa ref ko, hindi ko na alam kung kailan ko iyon nabili. Hindi ko rin alam na bumibili pala ako ng ganon!




Masyado atang naparami ang naluto ko, hindi ko naubos. I called Claire to come over, pero nasa work pa raw siya. First time mag-over time ni gaga. Anyway, itinabi ko nalang muna iyon, pwede pa naman 'yun bukas pang-breakfast.



Nanonood na ako ng kdrama nang maalalang may isang deadline pala ako bukas! Pinatay ko kaagad ang tv at tumakbo papunta sa kwarto para tapusin na 'yon ngayong gabi.




"Asan na, punyeta!" Padabog ko ko nang hinahalungkat ang mga gamit sa drafting table ko. Hindi ko na kasi mahanap ang draft ko na 'yon!




I called Claire so she could check in my office.




[Okay, daanan ko nalang. Wag ka munang matutulog! Medyo malelate pa ako. Ewan, ang dami kong ginagawa!]



Iyon lang ang sagot niya. Hindi naman siya galit. Ganito rin siya minsan 'e!




"Thank you!" Nakangiti kong ibinaba ang tawag. Bumalik ako sa drafting table at triny kong gawin ulit ang design ng bahay na 'yon pero hindi ko na talaga maalala ang mga nakadrawing roon.




Siguro 30 minutes bago may mag-doorbell. Pinatay ko muna ang ilaw bago lumabas ng kwarto.



"Akala ko ay aabutin ka ng isang—" Natigil ako nang makitang si Jared ang nakatayo sa harap ko.




"Hi?" Alinlangan pa siyang kumaway saakin.



Hindi pa rin ako gumalaw! Ano ba ang ginagawa niya rito?!




"Uh, blueprints?" My mouth instantly formed an 'o' when he showed me what he's holding. "Archt. Arevalo asked me a favor. Matatagalan pa raw siya." Kinuha ko 'yon sa kamay niya.




"Thanks," Sambit ko.



Nanatili akong nakatingin sa kanya. He was just wearing a simple pair of shirt and pants. And oh, his hair. He was not on his usual businessman hairstyle. I thought it was a cut! Inaayos niya lang pala kapag nasa work, or outside? Ewan!



He literally look more hotter now.




"Oh my god," napaangat ako ng tingin nang marealize ang pinag-iisip ko. Valerie! Hindi ka ganito noon! Gosh, nababaliw ka na.



Yumuko ako para makapag-isip isip ng pwedeng gawin. Tangina, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?! Hindi dapat ganito 'e!



"I'll go now," he suddenly said that made me look up to him. He did a gesture, pointing his thumb to his side.





"Wait uh, do.. you want to go inside?" I offered, a bit unsure about my sudden action.



This is so wrong.




"Do you want me to get inside?" He asked back.



Napatingin ako sa wall clock. It's only eight in the evening, baka hindi pa siya nagdi-dinner.




Tumango lang ako sa kanya. I opened the door wider for him to get inside. Tiningnan ko lang siya hanggang sa maka-tungtong na ng tuluyan ang mga paa niya sa unit ko.




"Dinner? Have you eaten?" I tried to make a conversation. Malamang, alangang manahimik lang ako rito!



"Hindi pa," tanging sagot niya. Napangiti ako nang maalalang may natirang ulam roon.



"That's great! May pagkain pa sa kusina!" Biglang sabi ko. Napasapo kaagad ako sa noo nang marealize ang sinabi. Great? Valerie?! Great ba iyong alas otso na tapos hindi pa kumakain?!



Tumawa lang siya at tumingin sa paligid ng unit ko. Na-conscious naman kung gaano kakalat ang unit.



"Still a fan?" Napaharap ako sa kanya. He was pointing the painting of Chanyeol that I did myself.



Wait! Hindi niya nakalimutan?!




"Well, yeah." I just answered. Hinila ko siya papunta sa dining at pinaupo siya roon. "Wait lang," tumakbo ako kwarto para ilagay ang blueprint na hindi ko naman magagawa na kasi nandito siya.



Bakit kasi nandito siya?!



Wrong.



Bakit ko kasi siya pinapasok dito?!




Nahuli ko siyang binuksan ang table cover kaya natawa kaagad ako. Binalik niya sa dati ang table cover nang makita akong naglalakad palapit. Kumuha kaagad ako ng isang plate at utensils na gagamitin niya.



"I didn't expect you to cook this kind of food." He commented.




"Well, people change." I answered him.



I opened the rice cooker and put it in front of him so he could get himself exact amount of carbo. Naupo ako sa harapan niya, watching his actions.




"You did not change, though. Still the same old Valerie." Ibig niya bang sabihin ang appearance? Well, hindi naman gaanong nagbago talaga ako. I still do things that I had been doing ever since I met him.




I actually think he changed. A lot. He got a bit harsher than how he was years ago. His body built. I have no words, his physical appearance changed so much. Though his face is still looking so handsome, he got more matured.




"I changed! I'm not 'that' drinker anymore!" I boasted. Totoo naman kasi!



"Really? Hindi 'yon ang naabutan ko last time." Pang-aasar niya! Ngumisi pa nga! Ginagago ba ako neto?!




"Tsaka, hindi na kita gusto ngayon." I honestly said. I wanted to make it sound playful pero parang ang seryoso ng pagkasabi ko!



Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya kaya nagpanic ako. I gulped, thinking of something to say. He was chewing the food so harshly! Nakikita ko kung paano gumalaw ang panga niya!




Naguilty tuloy ako dahil sa nasabi ko. I was just telling the truth! Ano ba yan! Parang kasalanan ko pa na hindi ko na siya gusto!




"How.. how are things going on with Arch. Domingo?" I asked the dumbest question ever. Ano bang pakialam ko sa dating life niya?! Pero at least iba na ang topic.




"We're good. We're friends." Napatango na lang ako.




"That's great." I smiled.




"What's 'great' about it?" He sound confused. Gosh, napaka-slow naman niya




"Great dahil friends lang kayo," sambit ko at kumibit-balikat.




Tumayo ako para kumuha ng water sa ref. Nagsalin ako ng tubig para sa kanya. Tapos naman na ata siyang​ kumain.




"I'll wash the dishes!" Inagaw ko sa kamay niya ang sponge at tinulak siya palikod. "You're the visitor, sit there." I pointed the stool near us using my mouth. But I instantly pursed my lips when I saw how his gaze went down to it.




Nang makaupo siya, nagsimula na akong hugasan ang pinagkainan niya. Ang konti lang naman no'n kaya natapos rin kaagad.




"Why are you here alone?" Biglang tanong niya.




"I'm not alone. You're here right now," I quickly answered. Ang tanga niya rin, kita niyang dalawa kami rito tas tatanungin niya ako ng ganon!




"I mean, your friend, Claire, she's not here." He reasoned out. Nang maibalik ko na sa dishrack ang plato at utensils, humarap na ako sa kanya.




"She can't always be here." I told him. Naglakad ako papunta ng living room. Ramdam ko namang sumunod siya kaya inayos ko ang ilang kalat sa couch para makaupo siya roon.




"How about your.. boyfriend?"




"Sino sa kanila?" I playfully asked back as I sit. He sat beside me, well not really beside me since may space saamin, nasa kabilang dulo siya ng sofa.



"Seriously, Valerie?" He gave me a bored look kaya ngumiti ako.




"Wala ako nun. Ang lungkot diba?" Nakanguso ako habang binubuksan ang ang tv. Binigay ko sa kanya ang remote para sana siya ang pumili ng papanoorin pero umiling lang!



We were so casual, akala mo ay walang nangyari saamin noon. Hindi mo aakalaing iniwan niya ako noon!




"Engr. Vergara?" Natigil ako sa pagpindot nang banggitin niya formally si Warren.




"Don't tell me naniniwala ka sa mga pinagsasasabi sa trabaho?!" Gulat akong napatingin sa kanya.




"Why not? You look like you're a couple." He shrugged.




"Hah! Baka patayin pa ako ni IDr!" His brows furrowed. Hindi niya ba kilala? My god, kailan ba siya pinanganak?




"So.. hindi kayo?" Natawa kaagad ako sa itsura niya ngayon!




"Hindi! Ano ka ba! Kadiri!" Itinuon ko nalang ulit ang atensyon sa panunuod. Gosh, pati siya nagpapaniwala roon?




"I should go. It's already late. Matulog ka na," tumayo na siya. Aalis na kaagad?! Ang bilis!





"Huy wait," tumayo na rin ako pero hindi niya ako pinansin! Dumeretso lang siya sa pinto at nagsuot uli ng sapatos.




"Bakit ka sumunod?"




"I should at least send you off?" Naguguluhang tanong ko rin. "Bawal ba?" Umiling lang siya at binuksan na ang pinto.




"Go back, I can manage." Ngumiti siya bago tuluyang lumabas. Humawak kaagad ako sa doorknob para hindi niya masara iyon. "What?"




"Ingat," I said as I give him a small smile.




Akala ko ay tatalikuran niya lang ako pero nanatili siyang nakatayo. He was.. just looking straight to my eyes. I felt my cheeks turning red right now. The way he looks at me might melt me.




"You're confusing me, Valerie." He suddenly said, sounding so emotionless.

_________________________________________________________________________________________

;>

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
19.1K 878 54
growing up in a family entangled in the rigidity of tradition, evelyn harper sought solace in the embrace of soccer. the soccer field was her sanctua...
37K 697 27
Luffy's twin sister Monkey.D Y/N. Has been looking for her brothers, Luffy and Ace. Once she finds Luffy, she's going to join him and his crew on the...
335K 4.9K 33
@KianLawley requests to follow you She never thought she would love anyone like him. Never thought she would actually meet him. Until one day, when h...