Beyond The Lenses (Asia Serie...

yukhhulty

2.6K 45 0

Asia #1. Living in the ordinary crosses the Filipina Stephanie's life from UP Film. Not such time when she me... Еще

Notes
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Notes:

Chapter 25

44 1 0
yukhhulty


"You're welcome, Stephanie.."


Kumalas na ako ng pagkakayakap ng sabihin iyon ni Carlo. Medyo nailang tuloy ako sa ginawa ko. Pero dahil sa labis kong galak, kaya ko siya niyakap. Wala namang mali doon, gawain lang din 'yan ng mga taong nagpapasalamat.


Nakatingin tuloy sa amin ni Carlo ang team, nagtataka kung bakit ko niyakap si Carlo. Di ko nalang iyon pinansin at binigyan ko lang sila ng isang ngiti. 


"Madam," lumapit si Camille sa akin, "Diba nag promise ka na itotour mo kami dito kapag mananalo tayo?" 


"Oo naman, di ko iyon nakalimutan," tinapik ko sa balikat si Camille,


Ngumiti naman siya at napatingin kay Carlo, "Sir, baka gusto niyong sumama..."


"Camille!" tawag ko sa kanya, "Busy siyang tao, I'm sure marami siyang gagawin,"


"Ay sayang," Camille pouted, "Busy ka ba, Sir? Wala kasi kaming tour guide,"


"Actually, I have no plans after this. Wala na akong gagawin," sabi ni Carlo.


"Yun naman pala," napangisi si Camille, "Madam, sasama 'yan si Sir sa atin, diba Sir?"


"I don't know. Just ask your boss if she would agree," ngumuso pa si Carlo sa akin,


"Madam, isama na natin si Sir..." pagpupumilit ni Camille. Mabuti nalang at may mga kamera na nakaharap sa amin kung hindi naitapon ko na sa basurahan itong maingay kong secretary,


"Kayong bahala, it is our team celebration. Sasama lang naman ako." inis kong sabi,


"Pumayag na siya Sir..Pabebe lang talaga ito si Madam," Camille chuckled, inirapan ko lang siya


"Sir, balak namin pumunta sa Cát Bà Island, sikat diba yun?" tanong muli ni Camille kay Carlo,


"Ohh, that Island. It is situated in Ha Long, two hours flight from here," sabi ni Carlo,


"Ang layo naman pala niyan, Camille." napakamot ako ng buhok, "Akala ko sa kabilang dako lang," 


Tinawanan lang nila ako, di ko alam bakit sila tumatawa. May nakakatawa ba? Di ko kasi kabisado ang Vietnam kaya sinama ko silang lahat dito. Sila ang magiging tour guide ko..sana. Pero dahil inimbita ni Camille si Carlo, magsisimula nanaman ang unos sa buhay ko.


Kinabukasan, maaga kaming nagising. Dahil biglaan, sa airport nalang kami nag-walk in at doon na bumili ng ticket. Nag-check in na kami at naghintay na sa boarding gate. Pagpasok namin sa eroplano, katabi ko si Camille, at si Paula. Carlo was in the other side, katabi ang ilang team. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya, bigla akong umiwas.


Camille is in charge of the hotel when we arrived at Ha Long, halos nasa hilagang parte na pala kami ng Vietnam. Sa isang suite, magkasama kami nila Camille at Paula. Samantalang nasa kabilang room si Carlo at solo niya ito. 


Wala kaming ginawa buong maghapon at napagpasiyahan namin na magpahinga muna. Pagsapit ng gabi, lumabas lang kami ng room para mag-dinner. Katabi ko si Carlo at si Camille. Mukhang nararamdaman ko ulit ang pagkailang,


"Lobsters, syet ang sarap naman.." kinuha ni Camille ang malaking piraso ng lobster sa harapan


Pinandilatan ko siya, "Manners, my dear secretary.." I smiled at her,


Ibinalik niya naman ang lobster sa pinggan ng magsalita si Carlo,


"Let her be, baka ngayon lang siya nakakakain niyan," sabi ni Carlo,


"Yes pero sa office, di namin tinuturo ang ganyang etiquette," pagpapaliwanag ko,


"Wala naman tayo sa office," umirap si Camille. Napatawa naman dito si Carlo


Nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Mabuti pa si Carlo, kinakausap nila samantalang ako ay tahimik na kumakain. Mukhang na out of place na ako dito, pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan ko as a director, basta-basta niyo lang akong di kakausapin?


Dumiretso na kami sa room pagkatapos. Nag-aya sila Camille at Paula ng kaunting inuman dito sa suite kaya nandito lahat ng team kasama si Carlo. Nakaupo lang ako ngayon sa kama habang pinapatuyo ang buhok kong kagagaling lang sa pagligo.


"Nandito na ang lahat," sabi ni Camille. "Madam, join na po kayo dito."


"Di ako umiinom," mabilis kong sabi, iniiwasan ko lang si Carlo.


"Talaga ba?" mukhang napaniwala ko siya, "Sayang madam, madami pa naman ito."


"She drinks, Camille." rinig kong sabi ni Carlo, napatigil tuloy ako sa pagboblower.


Matalim ko tuloy tinignan si Carlo. Talagang nandito siya para inisin ako at di mag-relax.


"Si sir talaga, paano mo po nalaman na umiinom siya?" sabi naman ni Paula habang hinahalo ang gin sa juice.


"Ummm..." sabi ni Carlo, napapikit tuloy ako at umaasa na di niya sasabihin ang nakaraan ko, I read on some articles. Sa mga interviews niya that she drinks liquors." 


Nakahinga naman ako ng maluwag doon at inis siyang tinignan. Nakita ko tuloy ang ngisi sa kanyang labi na mas kinainis ko. Ibinalibag ko tuloy ang blower sa gilid ko at saka lumapit sa kanila.


"Madam, wala munang boss boss ngayon 'ha?" sabi ni Camille ng maupo ako sa sahig,


"Tumahimik ka, o wala ka ng sweldo?" sabi ko sa kanya,


"Ito naman si Madam, di mabiro...maglalaro kasi tayo ng truth or dare," she chuckled,


"Ano ba yan, larong pambata" reklamo ko. "Inom lang pwede tapos usap?"


"Ang killjoy naman ni Stephanie," singit pa ni Paula, "Minsan lang ito 'eh."


"Oo nga direk, sumali ka na..." pagpupumilit ng team. Napairap nalang ako at saka pumayag. Oo na, para sa inyo ito. 


Nagsimula na nilang punuin ang mga baso namin ng drinks. Alam kong matapang ito dahil sa amoy. Ayoko sanang uminom pero dahil sa kapipilit nitong mga workmates ko,  susundin nalang natin ang gusto nila.


Habang umiinom, napadako ang tingin ko kay Carlo, medyo malayo siya sa akin. Kinakausap lang din siya ng mga katrabaho ko. Nang ibaling ko na ang tingin ko kay Camille, naghahanda na siya para sa truth or dare, spin the bottle ang gagamitin namin,


"Dim the lights, Yuri." sabi ni Camille doon sa kasamahan namin, saka niya pinatay ang ilaw at binuksan ang led strip lights, nagmukha tuloy romantic ang ambiance,


"Yan maglalaro na tayo," sabi ni Camille habang iniikot ang bote, napapikit ako at nagdarasal na sana di tumapat sa akin, nang tumigil ito, nakaharap na siya kay Carlo,


"Uy, si Sir Carlo.." sabi ng isang ka team namin, "Magtanong ka na Camille."


"Okay..okay.. " Camille rubbed her hands.  "Truth or dare, sir Carlo?"


"Truth." Carlo said.


"Ummm, Sir..may natipuhan na ba kayo?" tanong ni Camille sa kanya


Siniko ko tuloy si Camille, "Ibahin mo nga ang tanong, napaka-lalim naman niyan,"


"Shhh ka nalang, madam. Di ka naman tinatanong," inirapan ako ng secretary ko.


Napatingin tuloy ako kay Carlo at hinihintay ang sagot niya. Nagtama saglit ang tingin namin pero iniwas ko kaagad ito at saka uminom na ng beer. 


"I had..." simpleng sagot ni Carlo,


"Had? So meron na? Dati, ganoon?" tanong ni Paula sa kanya,


Tumango si Carlo, "Yeah, actually naging kami pero naghiwalay kami dahil sa di niya ako pinakinggan," napalunok siya.


Napairap na lang ako dahil ako talaga ang pinapatamaan ni Carlo sa sinasabi niya. Bakit meron pa bang iba? Siguro si Gwen, pero diba nagkabalikan sila. Bakit sa tatlong taong nagkahiwalay kami ni Carlo, ibinabalik niya muli ang ganyang kwento? Di pa ba siya nakaka-move on?


"Ang swerte naman niya," napailing-iling si Camille, napuno tuloy ng katahimikan dito.


"But I'm the most luckiest, siguro di na ako makakahanap ng katulad niya," sumimangot siya bigla


Paano si Gwen? Pinagsasabi niya? Porket wala lang ang girlfriend niya dito, magdedeny na siya? Siguro nahiya lang si Carlo na sabihing may jowa siya. Dapat tapat siya, at di niya tinatago. Ganyan din siguro siya kay Gwen dati noong naging kami pa.


"Hoy! Madam!" 


Napabalik ako sa realidad ng bigla akong siniko ni Camille, tinuro-turo niya pa ang bote na nakaharap sa akin. 


"A-ano?" gulat na tanong ko, "Bakit naka-harap sa akin 'yan?"


"Tunganga pa more, madam." umirap si Camille, "Sa iyo tuloy nakaharap,"


"Di ko nakita, baka dinaya niyo ako. Ulitin niyo."


"Di kami nandaya, friend." sabi ni Paula, "Sayo talaga tumigil 'yan,"


"Fine!" I crossed my arms, at saka naghintay kung sinong magtatanong.


"Madam..." humarap si Camille sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Truth or Dare?"


"Truth. Ayusin mong magtanong, yung may sense." bulong ko sa kanya,


"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend before? Naging masaya ka ba?"


"Ano ba 'yang tanong mo, sabi ko yung may saysay." napakamot ako ng ulo,


"Sige na madam, sagutin mo nalang." sabi ni Camille, napalingon ako sa mga teammates ko at nakatingin sila sa akin. Habang si Carlo naman ay tinignan ako ng walang reaksiyon,


I sighed,  "I had, we broke up three years ago...." napayuko ako.


"Omg." I heard Camille's voice, "Why, madam?"


Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya. Iniisip kong ano ang sasabahin. Ayoko namang magsalita ng masama tungkol kay Carlo, kahit papano maganda rin naman ang naidulot niya sa akin noong naging kami pa


"Naghiwalay kami without a valid reason. I was too deaf with that, di ko siya pinakinggan, tanging galit lang ang nangingibabaw. I caught him with another girl eksaktong anniversary pa namin. For me, it was a painful and cursed day." 


Nangilid ang luha ko habang ikinukwento iyon. Mukhang bumalik ang sakit at bigat sa dibdib ng maalala ko ang nangyari. Para sa akin mukhang nangyari lang siya kahapon. Akala ko naka-move on na ako totally pero hindi, masyado pa palang sariwa ang sugat.


"S-sige p-po, m-madam.." sabi ni Camille at umusog na, "Next na t-tayo,"


Ginawa lang iyon ni Camille dahil alam niyang nasasaktan ako sa binibitiwan kong salita. Tumayo na lang tuloy ako at nagpaalam sa kanila na magpapahangin lang ako sa balcony. Sila nalang ang naiwan doon.


Napadungaw nalang ako sa ganda ng isla, mukha siyang chocolate hills na napapalibutan ng dagat. Nakakawala ng stress, at nakakawala saglit ng problema. Umupo lang ako dito habang inuubos ang beer sa baso ko,


"Hmmm...mukhang may malalim na iniisip,"


I almost jumped on the wooden chair when Carlo appears on my side. He was also holding a bottle of beer while facing the bay. Inayos ko tuloy ang pagkakaupo ko at napatingin sa kanya.


"Why are you here?" suplada kong tanong, "Diba naglalaro pa kayo?"


He hushed, "Boring ang mga tanong nila."


I laughed at him, "Same, kaya lumabas na ako dito."


"Are you sure?" his brows raised, "Or you're still hurt?"


Napatingin tuloy ako ulit sa kanya. Aaminin ko na nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon pero hindi ko kayang ipakita sa kanya, baka sabihin niya na umaasa pa rin ako kahit meron na siyang iba. 


"I don't know, Carlo.." mahinang sabi ko,


"Huh?" nagtataka siyang tumingin sa akin,


"Did you...cheated on me?" napaharap ako muli sa kanya at pinipigilan ang luha na tumulo.


Natahimik lang siya habang nakasandal sa isang upuan, ilang metro lang ang layo namin kaya naririnig ko rin ang bigat ng kanyang hininga, at luha na papatulo sa kanyang mga mata,


"I didn't cheated on you..." he said in a smaller tone,


"Bakit, magkasama kayo ni Gwen noong anniversary natin?" garalgal na ang boses ko. "Bakit kayo magkasama doon sa condo natin, bakit siya palaging nakabuntot sa iyo?" mas lumalakas ang pag-iyak ko ng maalala ko ang lahat.


Lumapit siya sa akin at hinawakan ako, kaya mas lalo akong naiyak. Sinusubukan ko siyang tabigin pero di magawa ng katawan ko, nanghihina ako basta nakadikit sa akin si Carlo,


"Bakit mo ginawa 'yun? Naging tapat naman ako 'ah," umiyak akong muli.


"She is there to help us in our anniversary," Carlo said in a monotone,


"She is there? But Gwen said to you that she is afraid if I could caught you both?" siningkitan ko siya ng mata. Habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata,


"She is making cakes at the kitchen!" sabi niya, "Kasi kapag nahuli mo, di ka masusurprise.."


Napakuyom ako ng kamay, I never knew that they were planning to surprise me,


"Bakit kasi ganoon? Sana man lang sinabi mo na pumunta si Gwen sa condo at umisip ng rason. Kaya marami ng pumapasok na di maganda sa isip ko," hinampas-hampas ko siya sa dibdib.


"I'm sorry, Stephanie. I didn't tell you.." he cleared his throat, "Baka kasi di ka maniwala,"


Halos di ko na maaninag si Carlo dahil sa luhang nakabara sa mata ko,


"Malaki ang tiwala ko sa iyo. Pero wala, nasira..." mas lalo akong naiyak.


Tanging hangin lang ang dumadaplis sa balat ko. Mas lalo tuloy ako nanginig kaya mas hinigpitan ni Carlo ang pagkakahawak nito habang patuloy ako sa pag-iyak.


"Noon pa lang. Carlo..nagdududa na ako sa babaeng iyan. Kung ano ba talaga ang turing niya siya. But she always said to me na magkaibigan lang kayo. Magkaibigan ba ang tawag sa sobrang magkalapit sa isa't-isa, napapagkamalang mag-jowa?" mas lumakas muli ang pag-iyak ko, "Akala ko lalayuan mo na siya, pero hindi. Nag-stay ka. Hindi naman sa nagiging selfish ako, may nararamdaman din ako. Sa tuwing natutulog tayo, di mawala sa isip ko kung kaya mo ba akong lokohin, o kaya mo rin bang matulog na may iniisip ding iba..."


Di nagsalita si Carlo at nakatitig lang sa mata ko. Ramdam niya ang bawat salitang binibitawan ko. Sana naman matapos na itong dinadamdam ko. Nakakapagod makipaglaro sa tadhana, kung gusto ko ng sumuko, matagal ko na itong ginawa.


"Putangina, masakit pa rin hanggang ngayon, Carlo.." basag na ang boses ko.


"Stephanie, I'm sorry..." naging matamlay na rin ang boses niya at bumibigat ang paghinga,


"Pero alam mo, nagpapasalamat pa rin ako kasi minahal mo ako kahit sa kaunting panahon," nagpunas ako ng luha. "Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng isang katulad mo.."


Tahimik lang siya habang umiiyak, habang ako ay nakatingin sa itaas.


"I needed you by that time but you were gobbling your feelings," sabi niya sa akin..


"I was to deaf for that, Carlo...Kasalanan ko rin.." napayuko na ako.


Natahimik lang ako habang pinapakinggan siyang magsalita, nasasaktan din ako na makitang dinidibdib niya pa rin ang emosyong nakatago sa kanyang puso.


"For me, Stephanie. You are the best girl I've encountered. The day we broke up, it was so devastating for me. Kinasusuklaman ko siya, pero ng bumalik ka..mukhang nagbago ang pag-iisip ko sa araw na iyon," napabitiw siya sandali ng kamay dahil pinupunasan niya ang luha niya,


"I'm so sorry, Carlo.." bulong ko. "Naunahan ako ng pagkaduda.."


"Minsan naitanong ko sa sarili ko kung may tiwala ka pa ba sakin?" his hands trembled. 


"I have trust for you since then, Carlo...." I stopped for a while. "But when I see you with that girl, nagmukha na akong posporong nagliliyab sa galit,"


"I understand you..." he sniffs. "We are weak by that time, Stephanie..."


Tumango-tango lang ako at di nagsalita. Tunog lang ng hangin ang naririnig pati ang tawanan ng mga kasamahan ko sa loob. Mabuti na lang at di nila narinig ang pagdadramahan namin ni Carlo. Mabuti naman ngayon at medyo nagkakaliwanagan na kami.


I was about to say something but his phone rang,


"Hello?" he said to the other line, "Clark, bakit?"


It was Clark, napatingin tuloy ako sa kanya.


"Gwen is rushed in the hospital?" his voice raised, "Why?"


Nagsisimula tuloy akong kabahan, hawak-hawak niya pa rin ako sa isang kamay,


"Pupunta ako diyan, makakahabol pa ako sa last flight." kinakabahang sabi niya,


"Anong nangyari?" tanong ko na may pagdududa.


"Gwen was critical...she is in the hospital. Kailangan kong bumalik ng Ho Chi Minh."


"Bukas nalang, masyado ng late." sabi ko sa kanya,


"Gwen needs me, she's in ICU." 


"But I need you too."


................................................................................................................................................................












Продолжить чтение

Вам также понравится

"Defend Me, Attorney." (Law Series #1) Josh

Любовные романы

10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
The Demon General's Young Wife Ms. Thaiii

Любовные романы

229K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman Ms. Patch

Любовные романы

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
The God Has Fallen Jamille Fumah

Любовные романы

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...