Padabog na binuksan ni Keian yung pintuan nung kwartong pinanggalingan ko kanina at padabog ding sinara.
Tinignan ko siya nang masama at tinignan niya ako ng masama pabalik.
" Why did you have to get out of your bed when you were just drugged" madiin ang pagkakasabi nito at medyo harsh na binaba ako sa kama.
" I'm not even sure I was drugged" saad ko dito.
" Well, yung lalaking pinagtanggol mo kanina yung dahilan nung pagkahimatay mo" tumalikod siya sa akin at lumayo para guluhin yung buhok niya.
" Please, don't kill him" pagmamakaawa ko dito dahil may pakiramdam ako na papatayin talaga nila si Nathan.
Humarap siya sa akin na may hindi makapaniwalang tingin.
" What the f--- Nass? He drugged you."
" So? He's still my friend" lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko.
" Siya yung nanakit kay manang, he drugged you and he's the reason of all this mess. Nass. I don't care if he's your friend" kinunutan ko siya ng noo.
" Sa tingin mo ba na ginusto niyang gawin ito? Isn't he working for someone else? Siguro lahat nung inuutos sa kanya ay dun sa boss niya galing at hindi niya ginusto gawin ang lahat ng ito. So don't accuse him like he's really the reason why this all started. Dapat alam mo na may mangyayaring ganitong bagay bago ka pa magsimula ng sarili mong mafia!" Medyo pasigaw kong sabi dito.
Nakaramdam naman ako ng pagkahilo kaya napapikit ako.
Nagkaroon ng katahimikan and I know na pinag-iisipan niya ang sinabi ko.
" Y-you're right. I'm sorry" nakakuyom ang kamao niya at nakatungo.
Tinitigan ko siya. Napakagulo nung buhok niya at meron pang dugo sa longsleeves polo niya. I'm sure that he's really tired right now.
" Keian" tumaas ang tingin niya sa akin. Hindi pa din nawawala yung intensity nung tingin niya at nakakunot pa rin ang noo pero nag-soften naman.
" Come here" sabi ko. Tinaas niya ang kilay niya sa pagtataka.
" Lapit" demand ko. Umirap ito pero lumapit din sa akin.
Pinalibot ko ang kamay ko sa matipuno niyang katawan at niyakap nang mahigpit.
" Alam kong wala ako sa posisyon na sabihin ito. Alam ko rin na parte ng mafia ang pagpatay but you don't have to kill Nathan, Kei. Please, don't kill Nathan" sabi ko.
Natahimik sandali ang paligid bago niya kami pinagpalit ng pwesto, nakaupo na siya sa kama habang ako ay nakakandong sa kanya. Kahit na nahilo ako ay malaki ang mata kong nakatitig sa kanya.
Hinawakan niya ang pisngi ko.
" I just don't want you to be hurt" he sincerely said.
" It's okay, Keian. I know that you will not let someone hurt me" kumunot ang noo niya.
" You were just drugged! You could have died--- Oh God, you're hurt because of me" mahigpit niyang hinawakan yung bedsheet nung kama at parang mapupunit na ito.
I gently holds his hand, until his grip on the bedsheet is loosened.
" Hindi mo kasalanan iyon, Keian. Walang may kasalanan. And I can protect myself, you don't have to worry" ngumiti ako dito.
Matagal kaming nagkatitigan bago siya bahagyang ngumiti pabalik.
" I'm sorry for my attitude earlier."
" It's okay, sanay naman na ako" sabi ko habang inaayos yung napakagulo niyang buhok. Surprisingly, ngumuso siya at parang nalungkot pa.
Dahil sa gulat ko, napatitig ako sa nguso nito. Bakit parang sa baby yung lips niya? Alam niyo yun? Yung ang pula pula nung lips tas hindi dry? Ahahahaha. Parang kay Brylle.
Kaya napa-peck ako sa lips niya. Ganon gingawa ko kay Brylle minsan eh.
Pagkahiwalay ko sa kanya ay nagkatitigan kami.
Halata naman ang gulat sa ekspresyon ni Keian. Nakabuka ang bibig ang nanlalaki ang mata.
Hinawakan niya ulit ang pisngi ko at hinila ako pabalik sa kanya, muling nagtagpo ang mga labi namin.
Wait...
Wahhhhhh!!!
Did I just kissed him?! As in yung ako ang humalik?
Lumipat yung kamay niya sa may likod ng ulo ko to make the kiss more passionate.
Ohhh myyyyy!!!
Pumikit nalang ako at hinayaan yung nangyayari ngayon.
Nang magkahiwalay kami ay ako naman ang nakabuka ang bibig at nanlalaki ang mata... dahil sa kahihiyan. HUHUHU!
Malapad naman ang ngiti niyang tumingin sa akin.
HInawakan niya ang baba ko at sinara ang bibig ko.
" You better close your mouth or else... I won't be able to control myself" pumikit pikit ako sa sinabi nito.
Ano daw???
Tumitig ulit siya sa akin at maya-maya ay hinalikan ulit ako.
Napatalikod naman ako sa kanya at mabilis na dumapa sa kama para takpan ang mukha ko nung unan mula sa kahihiyan.
" Sinara ko naman yung bibig ko ah!" I muffled.
" Guess I really can't control myself" may pagka 'meh' na tono nitong sabi.
Tumingin ako sa kanya at pinanlisikan ito ng mata.
" What?"
" Ikaw kasi eh!" parang bata kong sabi dito. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.
" Anong ginawa ko?" nakangisi nitong tanong.
" Hmph!" bumalik ako sa pagtakip ng mukha ko gamit ang unan.
" Hahahahahaha!" kumunot ang noo ko nang makarinig ng napakalakas na tawa.
Bumalik ang tingin ko kay Keian. He's laughing! Laughing really loud! HIndi pilit or kung ano. Mukhang tuwang tuwa talaga siya.
Umupo ako sa kama at pinanood siyang tumawa, napangiti naman ako.
" Oh. I'm sorry. Ngayon lang ulit ako nakatawa nang ganon ah" tumigil siya sa pagtawa nang mapansing pinapanood ko siya.
Lumapit siya sa akin at umupo katapat ko na nasa gitnang bahagi nung kama. Buti at medyo malaki-laki itong kama.
He put his hands on my waist.
He stared right through me. Parang may hinahanap sa mata ko.
" Benzodiazepine" kumunot ang noo ko nang magmention siya ng isang uri drugs. Sumeryoso ang mukha nito.
" That's the reason you passed out. But this benzodiazepine is more modified, it can kill people. Marques Manufacturing modified the common effects benzodiazepine para mapatulog kaagad yung mga kalaban using smoke. Someone modified our product and that's what caused you to faint but manang is now back in coma" nag-alala ako sa impormasyong sinabi sa akin ni Keian.
Is he saying that Diego has someone in his circle modify this for him? Oh no.
" Bumalik sa coma si Manang?" malungkot itong tumango
" When we checked the security cameras, you and Nathan are the only one who entered manang's room before she woke up. Then we checked your friend's belongings and we found a smoke emmiter"
" Then how come na hindi siya nahimatay tulad ko? Wala naman siyang suot na mask nung nasa kwarto siya ni manang"
" He somehow inhaled the drug and survived it. Theo thinks that Nathan's now addicted to the drug and also immune to it" napatungo kasi posible nga iyong mangyari and I know someone who can do that thing...
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Tumayo si Keian tsaka ako hiniga sa kama at kinumutan.
" You. Will stay here. Rest up. I know that you're still dizzy. So please, stay here" kumunot ang noo ko.
" O-okay" tumaas ang isang kilay nito.
" We will go in a mission in the middle of the night cause we gained information from Nathan. You're safe here, so stay here." Curious man ako sa gagawin nila ay tumango nalang ako dito.
Bahagya siyang ngumiti sa akin at hinalikan ang noo ko.
" I'll be back" hinawakan ko ang braso nito.
" Be careful" he touched my hand and gave it a squeeze before walking to the door.
Pinanood ko siyang isara ang pinto at kaagad na napabuntong hininga.
I don't know what I'm feeling right now.
Naghalo halo na.
I'm confused of Nathan's actions, scared of what will happen and worried about Keian's mission tonight.
Katulad kanina ay may masamang mangyayari na naman akong nararamdaman.
Idagdag pa na sigurado akong, buhay pa pala yung isang taong nasa past ko na...
Hayst.
Itutulog ko nalang ito...
-----------------
Tehmterzya\˚_˚/
Enjoy reading!
If you enjoyed reading Kabanata 54 of MFTMB, kindly vote for this chapter! Thank you! Much appreciated.