Sprouted Desire ✔

By dyrnevaia

137K 3.1K 804

Hacienda Series I Cresencia More

SD
Love, Dyrne
Paunang Silip
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata

Kabanata 40

2.9K 78 53
By dyrnevaia


"Akin na ang bata." Inilahad ko ang mga kamay sa harap ni Simon nang mapunta na kaming apat sa kusina.

Hindi ko na inabalang igala ang mata sa paligid dahil parang ganito rin ang dining namin noon sa mansyon. Hindi niya inalis ang mata sa akin habang ipinapasa sa aking bisig ang anak namin. Hindi ko naman nang sinubok pa na tagpuin iyon dahil sa inis na kanina pa lumulukob sa akin.

Tumikhim si Donya Melvira kaya't mabilis ko nang inilayo ang sarili nang makuha sa kaniya si Silious. Simon seated in the middle while on his right side was Donya Minerva. Hindi ko napigil ang pasimpleng pag-irap.

Talagang binahay ka na ng matandang 'to Simon at halatang gustong-gusto mo rin ano?

I kept my mouth shut to stop myself from blurting unnecessary words out. Lumapit ang mga kasambahay na may dala-dalang mga pagkain. Nang makita ang mga pamilyar na handa sa hapag ay hindi ko maiwasang ma-miss ang nakaraan.

Nami-miss din ba ni Mamáng ang mga ganitong pagkain?

Tinawag ni Donya Melvira ang kasambahay na siyang dati ko nang nakita at nakausap. Bitbit nito ang isang wooden toddler seat na inilagay sa aking tabing upuan pero hindi ko na binalak na paupuin doon ang anak ko. I prefered him sitting above my lap.

"You can place Silious on his proper seat Cresencia." Donya Melvira suggested but I just shrugged my shoulders.

Tiningnan ko siya na nag-aabang na sundin ko ang sinabi niya. She was in front of me while I was in Simon's left side.

"Hindi na ho, mas gusto ko siya rito sa kandungan ko." Magalang ko pa ring sumbat.

She simply rolled her eyes. "It's up to you then." Kinumpas na nito ang kamay sa ere at doon na nagsisi-alisan ang mga kasambahay.

Naghanda na ito ng sariling pagkain. Pinanood ko lamang siya habang hawak sa mga bisig si Silious. Nang matapos maihanda ang pagkain niya ay kusang tumikwas ang kilay ko nang maging ang plato ni Simon ay nilagyan niya.

"How sweet," I mockingly whispered under my breath.

Nang nakawan ko ng sulyap si Simon ay nakatitig ito sa akin pero wala namang ginagawang hakbang para pigilan si Donya Melvira sa paninilbi sa kaniya. I remained emotionless albeit inside of me was slowly crumbling down.

"Mas gusto mo ng kulubot na mag-aalaga sa 'yo?" I wanted to ask that but I didn't want to sound rude.

I was not against older women with younger men in a relationship. Just that, it was me and Simon's history that made me think of rude things of my replacement. Ilang sandali pa'y umangat ang katawan nito para kunin ang walang laman ko pang plato. Bago niya pa maiangat iyon ay agad ko nang hinarang ang palad. He caught my eyes while his brows were furrowed.

"Kaya kong manguha ng sa akin," I declared casually not minding the sudden erratic beating of my heart.

Lalong nagsalubong ang kilay nito. "Hindi kita kukuhanan ng sa 'yo. Kukuhanan ko ng cereal ang anak ko," malalim niyang saad.

I felt my cheeks heated because of embarrassment. Inalis ko ang nakaharang na palad para gawin nga ang nais niya. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagpipigil ng Donya na huwag matawa. I heaved a deep sigh, trying to calm my nerves.

The tables might turned around but I would never let someone step above my head. Hindi ko papayagang tapakan at pahiyain na lang ako ng kung sino.

"Gusto mo bang gawan na rin kita ng pagkain Cresencia?" Donya Melvira asked after Simon placed the cereal in front of me.

I immediately shook my head. "I already ate breakfast at home."

Sinimulan ko nang haluin ang cereal ni Silious. My son started uttering bubbly things we couldn't decipher. Napapangiti na lang ako habang marahan siyang sinusubuan.

"Shiena, timplahan mo na lang ng maiinom si Cresencia," utos ni Donya Melvira na agad tinalima ng kasambahay na tinutukoy ko kanina.

We fell silent afterwards as the breakfast started. Tahimik ko lamang na pinagmamasdan si Silious habang ang kamay nito'y may hawak na malambot na laruan.

"So, Simon told me your schedule would be every Monday, Wednesday and Friday. We've decided to give your salary every Friday, is that okay?"

"Ayos lang kahit huwag n'yo na ho akong bayaran." Marahan kong pinahiran ang nagkalat na rumi sa pisngi ni Silious.

Donya Melvira chuckled. Iba ang dating no'n sa akin pero nanatili akong kalmado. "We knew about your situation right now Cresencia. Huwag ka ng mahiya. Ganiyan talaga ang buhay."

"Kayo na ho ang bahala." Pagkikibit-balikat ko na lang.

Hindi na ako muling sumulyap pa sa gitnang upuan kung saan naroon si Simon. Ipinokus ko na lamang ang buong atensyon sa pagpapakain sa anak ko. Mas nangibabaw ang tuwa na ngayon nga'y muli ko siyang nakasama sa pagkain.

Matapos ang halos dalawampung minuto ay lumapit sa akin si Shiena na may dalang cotton wipes. Inabot ko iyon at nilinis ang maruming pisngi ni Silious. I chuckled when he giggled.

Nalipat ang mata ko sa dalawa na tumayo na. Donya Melvira smiled at me but I didn't smile back.

"Pupunta kami ni Simon ngayon sa planta. Ikaw na ang bahala sa anak n'yo."

Tumango na lang ako at sumabay sa kanila patungong living area. We stopped in the middle when Simon faced me. He stole a glance at me before he stared at our son. He moved closer to us that made my breathing stop for a while.

Tuluyan na akong nanigas nang mas lumapit pa ito sa amin upang patakan ng halik sa noo ang anak namin na yakap-yakap ko sa bisig. His lips remained there for few seconds before he moved back.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya," he seriously muttered.

Atubili akong tumango, hindi tinatagpo ang mata niya dahil sa pagkailang.

"Let's go, Simon. We have lots of work to do." Singit ng Donya.

Tumango ito habang 'di nililingon ang huli. When I caught his eyes, I swallowed hard.

"Aalis na kami." Mahina niyang paalam.

Tipid akong tumango kasabay nang paghigpit ng kapit kay Silious. Pakiramdam ko'y anumang oras ay matutumba na ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod.

"Mag-iingat ho kayo." Usal ko habang papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.

Tuluyan na ngang umatras si Simon para lumapit kay Donya. "Si Shiena ang makakasama mo sa pangangalaga. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa kaniya."

Hindi na lang ako umimik pa at hinatid na lang sila ng tingin papalayo.

Napagdesisyunan namin ni Shiena na manatili na muna sa bakuran kung saan iba't ibang uri ng mga halaman ang mabubungaran. Buhat ko pa rin sa braso si Silious at ayaw pakawalan.

"Puwede mo naman siyang ilagay na lang sa stroller Ma'am," wika nito matapos ang ilang minuto.

Umiling ako bilang pagtanggi. "It's okay. I want to hold him like this. At isa pa, puwedeng Ate na lang ang itawag mo sa akin."

Nahihiya itong tumango bago napangiti nang alanganin. "Hindi ko ho akalaing ikaw talaga ang ina ni Silious." Pagkuwa'y usal niya.

Napakunot-noo ako. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"

She shrugged her shoulders. "H-hindi ko kasi inexpect na... na nagkaroon po kayo ng relasyon sa dati n'yong tauhan." May paumanhin sa ngiti nito.

Tipid akong napatango. "Well, some things happen the way we do not expect to be." Naiusal ko na lang. Nang may pumasok sa isip ay tuluyan ko siyang hinarap. "Kailan ka pa nagtatrabaho rito? It's okay if you'll not gonna answer me."

She chuckled lowly. "Ayos lang naman pong magtanong kayo. May dalawang taon na po ako ritong naninilbihan. Tatay ko po kasi ay trabahador ni Donya Melvira."

I licked my drying lips. Inayos ko ang pagkakabuhat sa tahimik na si Silious habang subo-subo ang hinlalaki nito. "Would you mind if I ask you some personal questions about Donya Melvira?" She shook her head. I bit my lower lip because of sudden hesitation but my tongue did the job. "Totoo bang lumayas ang mga anak niya nang dumating dito si Simon?"

Sumeryoso ang mukha nito bago tumango. "Opo. Galit na galit po kasi ang magkakapatid dahil nalipat ang atensyon ng ina nila kay Sir Simon at sa... sa baby n'yo po. Eh, sakto pa namang wala pang isang taon na namatay ang Don."

Gustuhin ko mang tanungin kung ano ba ang totoong relasyon ni Simon kay Donya ay hindi ko na lang binalak pa. My eyes as witness were already enough to conclude everything. I wanted to puke about it too but I chose to think rational.

"Nasaan ang mga anak niya?"

Kita kong napaisip ito saglit. "Hindi ko po alam. Pero ang alam ko'y nandiyan lang po sila sa tabi-tabi dahil gusto nilang mapaalis dito si Sir Simon."

"S-sa... sa sampung buwang nandito si Simon at ang anak namin, ano naman ang nagbago bukod sa lumayas ang mga anak niya?"

Bumalik ang pagkatuwa sa mukha ni Shiena. "Naku! Bukod po sa bumalik na sa pagiging masiyahin ang Donya ay dumoble rin po ang kita ng hacienda. Tuluyan na pong nahigitan ng Valdez ang kita ng mga Delos Santos sa dati n'yong hacienda."

Napatango-tango na lamang ako. There was still a bundle of questions running inside of my head but I chose to keep them for myself.

Hindi pa man umaabot ang tanghalian ay nakatulog na naman si Silious sa aking balikat. Pinagpasyahan naming ilagay na ito sa kaniyang silid.

"May sarili pong kuwarto si Silious, Ate." Pang-iimporma ni Shiena habang paakyat kami sa mataas na hagdan.

When we reached the second floor, four huge rooms came to our view. Ang ikatlong palapag naman ay tiyak kong para sa mga anak na Valdez kaya't hindi na ako nang-usisa pa. Naglakad kami sa pinakaunang pintuan na madadaanan. Binuksan iyon ni Shiena at bumungad sa akin ang kulay blue na dingding at mga pambatang kagamitan.

Parang may humaplos sa aking damdamin. Ganitong-ganito ang plano ko sa magiging kuwarto ni Silious noong pinagbubuntis ko pa lamang ito. And despite of what happened, I was beyond thankful that with the help of Donya Melvira although I didn't like her, my son grew up without tasting poverty under her care.

Inilibot ko ang mata sa buong kuwarto. "Si Silious lang ba ang natutulog mag-isa rito?"

Inihanda na ni Shiena ang pambatang kama. Marahan kong inilapag doon si Silious na mahimbing na talaga sa pagkakatulog. Nangingiti kong hinaplos ang buhok nito bago marahang hinalikan sa noo.

"Opo. Pero minsan ay dito ako natutulog o 'di kaya'y si Sir Simon po. Mas madalas po kasing matulog si Sir sa kuwarto ni Donya Melvira eh." Walang preno nitong sambit.

Bahagya akong natigilan. Ikinuyom ko nang palihim ang mga kamao dahil sa kirot na bigla ko na lang naramdaman. Dirty scenarios entered inside of my head. I almost cringed with the thought of it.

"G-gano'n ba?" I wanted to slap myself from stuttering.

Shiena gulped hard and when I faced her, she gave me an apologetic smile. "S-sorry Ate. Hindi ko na naisip ang mga pinagsasabi—"

"It's okay." Agad kong inayos ang sarili. Bakit pa nga ba ako aasa na kahit paano'y mali lahat ng nagiging konklusyon ko? "Wala naman na akong pakialam kay Simon." Pinatigas ko ang timbre ng boses upang hindi manginig.

Nahihiya naman itong napakamot sa buhok.

May kumatok sa pintuan kaya't nalipat ang tingin namin doon. Nakita ko ang isang kasambahay na sa tingin ko'y ka-ederan lang din ni Shiena, sumisilip sa siwang ng pinto.

"U-uh, pasensiya po sa istorbo pero pinapatawag po saglit si Shiena sa kusina." Pagkatapos ay tumingin ito sa binanggit. "Hinahanap sa 'yo ni Ate Pet 'yong pinatago niyang pagkain sa 'yo."

Napatampal sa noo si Shiena. "Oo nga 'no?" Tahimik lang akong naupo sa dulo ng kama habang nakikinig sa kanila. "Ate, baba muna ako saglit. Dito ka po muna kung gusto mo." Paalam niya na agad kong tinanguan.

Marahan kong tinapik-tapik ang binti ng anak ko. "Sige lang. Dito muna ako para bantayan siya."

Tumango ang dalawa bago tuluyang lumisan. Naiwan ako roong mag-isa, nakaupo sa dulo ng kama habang ang utak ay lumulutang dahil sa sinabi ni Shiena kanina. Marahas akong bumuga nang malalim na hininga at ipinilig ang ulo, pilit iwinawaksi ang ideyang iyon.

Tumayo ako at marahang nilibot ang silid. I saw two wooden huge cabinets. When I opened them, it was full of baby stuff that was surely for my son, Silious. Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Ito ang mga bagay na hindi ko man lang mabili sa kaniya bilang isang ina. Nakakayurak sa aking pagkatao na mula pa sa ibang taong hindi namin kadugo ang kayang makapagbibigay ng mga pangunahing kailangan niya.

I bit my lower lip to stop my emotions. Sa isang sulok ay kita ko pa ang malaking crib at sa baba nito'y walker na halatang 'di pa nagagamit.

Napangiti ako nang mapait. Gusto kong pagtawanan ang sarili dahil sa pagnanais na makuha ang anak ko samantalang mas naibibigay naman sa kaniya lahat ng mga kailangan niya rito.

Muli kong itinuon ang mata sa nakabukas na cabinet. Akma ko na itong isasara nang may nahagip ang aking mata. Kunot-noo kong pinulot ang photo album na 'di maayos ang pagkakatago.

I went back to my son's bed and sat at the edge of it while the photo album was on my hand. Sinulyapan ko ang anak kong tulog pa rin bago sinimulang buksan ang photo album.

Lumitaw ang malaking ngiti sa aking labi nang mapag-alamang photo album iyon ni Silious simula noong sanggol pa lamang siya. My heart ached with the sight of every picture of him with his father, Simon, and some pictures of them with Donya Melvira.

They looked happy on every page I flipped. Hindi ko napigilang mapasinghot. For sure, they looked fine during those days while I, on the other hand, was suffering abroad with my family.

Ang photo album na iyon ay nagsilbing timeline nang pagpapalaki nila kay Silious. Simon was right, may karapatan nga naman si Donya Melvira sa anak namin dahil nandoon siya habang lumalaki ito.

Nang malapit na ako sa dulong bahagi kung saan ang mga litratong makikita roon ay ang pagdiwang nila ng unang kaarawan ni Silious ay natigilan ako. Dahil sa pinakahulihang parte ng photo album ay ang isang litratong nakataob.

Out of curiosity, I flipped the picture to look at. Nahigit ko ang hininga kasabay ng mumunting pagtusok ng karayom sa aking puso nang makitang litrato iyon ni Simon habang buhat-buhat ang sanggol pang si Silious. Nakaupo sila sa harapan ng isang puntod...

Puntod ni Aling Carmen.

Continue Reading

You'll Also Like

12.2K 399 50
An Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya...
35.6K 1K 34
Ang buhay ay sadyang mapaglaro. Ang dating malayang buhay na kinagisnan ni Viviene ay bigla-bigla nalang nawala noong na aksidente ang kanyang kuya a...
14.2K 210 43
Bridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for th...
32.2K 909 44
𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦𝘴𝘵 𝘦𝘯𝘦𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘪𝘴 𝙛𝙖𝙩𝙚. A story written by 𝐀𝐑𝐓 Started: 09/17/2021 (Official start d...