Every Ending (COMPLETED)

By jazwritee

14.6K 10.4K 501

"In life, we always need to end something to start a new beginning." Amaia Paustina Fellix believes that ever... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
End

Kabanata 8

650 557 15
By jazwritee

Kabanata 8

Pangalan

"Ohmygod! Si Genesis 'yun, ah!"

Napahinto kami sa paglalakad nang makita ni Magnum si Gen.

I swallowed hard and looked at somewhere. Avoiding his stares.

This time, I'm really going to avoid him. For real.

"Genesis!" My friend suddenly shouted. Hindi man lang nahiya sa mga tao dito sa palengke.

Mariin akong pumikit at tinignan siya ng masama pagkabukas ng mga mata ko. Hindi pansin na papalapit na pala ang taong kailangan kong iwasan.

"God! What are you doing here?" Magnum covered her mouth dramatically. "Ano 'yan? Sinusundan mo ba kami?"

Naramdaman kong sumulyap sa akin si Gen kaya naman iniwasan kong mapadapo ang mata ko sa ka n'ya.

"May kailangan lang akong bilhin-"

"Sa Palengke?!" Magnum cut him off.

He chuckled. "Uhm... Yeah,"

I still didn't look at him.

"Wow... What a real coincidence,"

Magnum still looked shocked as she glanced at me once.

"Bakit? Ano bang bibilhin mo?" She was looking at me meaningfully, that's why I rolled my eyes.

I looked around and I'm not kidding when I say that everyone is looking at us now. May ilan pang bulungan at usapan habang nakatingin sa amin. They're probably curious about what's happening here.

I'm suddenly felt uncomfortable. Bahagyang nailang dahil sa mga titig nila. I don't know if they recognize me now dahil kanina lang ay nagpunta 'ko rito.

Pero kahit gan'on. Still now, I'm not used to their stares. Naiilang pa rin ako.

"Just for... mechanical matters," I heard him said.

"Oh.." Tumango si Magnum. "Naabala ka ba namin?... Gosh, Sorry ah!"

I rolled my eyes secretly.

"Hindi naman,"

Napahawak ako sa dibdidb dahil sa gulat nang biglang bumulong si Adam sa tabi ko.

"S'ya 'yung kanina diba ma'am?"

I looked at him.

"H-ha?" I asked. Acting like I didn't hear him.

"Ah, Wala po!"

Bigla s'yang tumahimik at takot na nakatingin sa banda ni Gen.

I looked at him because of that, His brows furrowed while looking at Adam. Curious probably, he did ask me earlier but I didn't answer him so.

At hindi naman kasi halatang driver at bodygoard 'tong si Adam dahil hindi s'ya naka uniforme ngayon.

I looked away when I noticed that he was about to look at me.

Napatingin ako kay Magnum at nakita kong nakangisi siya.

"Ah! He's Adam nga pala... kaibigan namin,"

Wala naman akong problema sa sinabi ni Magnum pero malaking problema ang sunod n'yang sinabi.

"Manliligaw ni Amaia," She giggled.

My eyes widened because of what she said...

"Manliligaw?" Gen asked and raised a brow at me.

"Yes, Manliligaw!"

"Magnum!" ako,

"Ma'am?!" Ang kawawang si Adam.

I glanced at Gen who's still raising his brow while looking at me, I looked away and glared at my friend instead.

"My goodness, Joke lang!" She laughed.

"Hindi nakakatawa,"

"Oo nga po, ma'am." Si Adam.

"Anong sabi mo?!"

"Ah! Wala po!"

Sa takot ni Adam sa amo ay nanahimik na lamang s'ya.

Tsk, tsk... nakakaawa talaga 'tong lalake na 'toh sa amo niya.

"Good, akala ko may narinig akong di maganda, e."

I rolled my eyes because of that. Adam chuckled quietly when he saw me. I smiled at him.

Mabuti na lang tapaga at maunawain 'tong si Adam kundi matagal na siyang nagsawa rito sa kaibigan ko.

Napasulyap ulit ako kay Gen at nakita kong nakataas pa rin ang kilay n'ya habang pinagmamasdan naman ang suot ko.

I looked at myself secretly and I didn't think that there's a problem with what I'm wearing...

right?

Anong ba talagang problema ng Cavallero na 'to?

"But then... Sorry Adam," Magnum said, and trust me.. she didn't mean it. "Amaia." She looked at me with a little smile on her face.

Alam mo 'yung parang nang-iinis?

I rolled my eyes and shook my head in dismay. Damn, Bakit ko ba naging kaibigan ang isang 'to?!

"Gen! Andyan ka lang pala!" Saesar suddenly showed. "Kanina pa kita hinananap, eh," bigla s'yang napatingin sa 'min. "Oh! Kayo na naman?!"

"Well..." I shrugged then I saw Magnum rolled her eyes.

I arched my brow.

Ano bang problema ng mga tao ngayon?

"Tara na, A," Maarteng sinabi ni Magnum. "Marami pa tayong bibilhin."

Marami nga kaming bibilhin pero nakuha pa n'yang makipag-usap kay Genesis.

Tumikhim si Saesar. "Tayo rin Gen, tara na."

Napangisi ako habang pinaglilipat ang tingin ko kay Saesar at kay Magnum. Tignan mo nga naman... isang baliw at isang unggoy.

Sa kakatingin sa kanila ay hindi ko sinasadyang mapatingin kay Gen na ngayon ay mariin ang titig sa 'kin.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Kaya mo 'yan, Amaia.

Hindi pwedeng maging marupok.

"Let's go, Magnum."

Biglang nagbago ang suplada n'yang mukha at napalitan ng nagpapacute na itsura..

"Sige, Genesis, aalis na kami."

I heard Gen cleared his throat.

"Ok," si Gen.

Napatingin ako kay Saesar na biglang nalukot ang mukha habang tinitignan si Gen.

Bahagya akong natawa at kinuha ang atensyon n'ya.

"Ano?" Inis n'yang tanong..

"Bye, alis na kami." I chuckled.

Naging kalmado ang mukha n'ya ngayon. "Sige, ingat."

I rolled my eyes... smiling and turned around where Magnum is. Sabay kaming naglakad nang hindi lumilingon sa dalawang lalake na 'yon. Kung siya dahil kay Saesar, ako naman dahil kay Gen.

We finish buying around 3 o'clock, after that we went back to Sta. Valeria to visit some places like Sta. Valeria's Plaza and their School. Nadaanan rin namin ang lagoon ng mga Cavallero habang papauwi... Manghang-mangha pa nga si Magnum kaya bumaba muna kami saglit d'on dahil magpipicture muna daw s'ya.

I can't blame her though. Sobrang ganda naman talaga ng lagoon na 'yon.

"Wow," ani Magnum. "This is the most beautiful thing that I've ever seen," she added while looking at the photos that she took earlier.

"Ako rin," Tumikhim ako. "Alam mo bang... kela Gen 'yan?" Nag-aalinlangan kong tanong.

"Really?" Napangisi s'ya.

I nod my head and looked away. Baka masamain na naman n'ya ang sinabi ko at iba ang isipin.

"Grabe... it's their property but then they're allowing it to show to the public." She smiled maliciously." Iba talaga ang pamilya ng crush mo, Amaia,"

I looked at her disgustedly, "Pwede ba, Magnum?!"

"What? Ano bang masama do'n, Amaia?" She rolled her eyes. Tapos biglang nagbago ang mukha n'ya na parang naiinis,

"Napapansin na kita, ah! You admitted that you have a crush on him but then you're not showing it!" She said frustratedly, " And I heard Adam said na nagkita rin kayo kanina, tapos hindi mo pa s'ya pinapansin kanina sa palengke," She said dramatically,

"What's that Amaia? Are you avoiding... your crush?" Nanliit ang mata n'ya.

I'm speechless now. Sa totoo lang hindi ko alam na inoobserbahan din nitong kaibigan ko.

Pero siguro 'eto na ang pagkakataon para sabihin sa ka n'ya yung galit ni lola sa pamilya ni Gen. At ang dahilan kung bakit kailangan kong kalimutan ang pagka-crush ko sa ka n'ya..

"Yes," deretsahan kong sagot,

"At bakit?!"

"Hindi kami pwede," Nag-iwas ako ng tingin. "Masyado s'yang mayaman para sa 'kin at...."

"At?"

God, I can't believe we're talking about it now.

"May galit ang lola ko sa pamilya n'ya, kaya ayaw ko ng umasa.." I looked at her, "I don't want to hurt in the end.. again."

Ngumiwi s'ya, "Nonsense... " I glared at her, "Away 'yon ng mga oldies... but I respect your decision," she looked away, "Sino nga bang gustong masaktan 'di ba?" Seryoso n'yang sinabi.

Natigilan ako saglit. She sounded as if she has an experience. Is it Magnum?

"But why are we talking about it? 'Crush' mo nga lang si Genesis di'ba? As if naman na mahal mo s'ya, and akala mo naman ay nililigawan ka nga tao kung makapagsalita ka." Tumawa s'ya.

There, ayan ang kilala kong Magnum.

"Crush nga lang 'di ba? Ha! Maybe you're expecting something?" Makahulgan ang tingin n'ya ngayon. "But... You know, A? kahit crush lang 'yan, masasaktan at masasaktan talaga tayo.. because it's still a feeling, duh!" Maarte n'yang hinawi ang buhok n'ya.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang flow of thinking nitong si Magnum.

Pero may point naman s'ya ngayon.

"At minsan.. naiisip natin na may crush ang crush natin sa 'tin, kahit wala naman talaga!" Tumawa s'ya. "Ang sakit n'on, di'ba?"

Napakunot naman ang noo ko ngayon.

Lasing ba ang babaeng 'toh? Ah hindi! Si Magnum nga pala ang kausap ko, Magtataka pa ba ako sa mga naririnig ko sa ka n'ya?

Napahinto siya sa pagdadrama ng biglang mag-ring ang phone n'ya. Kumunot ang noo n'ya nang makita ang caller.

"Saglit lang, ah, 'di pa tayo tapos." Tumayo s'ya at lumayo sa akin. Sinundan ko s'ya ng tingin habang sinagot n'ya ang tumatawag.

Habang nakatingin sa ka n'ya ay hindi ko maiwasang marinig ang sinasabi n'ya. Lumayo nga ang bruha pero rinig na rinig ko naman ang lakas ng boses n'ya dito..

"What?!" Nanlaki ang mata n'ya at napatingin sa 'kin.. "Kailan? Wha-Ano?! Ngayon na?!"

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa ka n'ya. Ano naman kaya ang problema ng bruha ngayon?

Hindi s'ya mapakaling naglakad papunta sa kwartong gamit niya at talaga namang nanlaki ang mata ko nang makitang lumabas s'yang buhat-buhat ang malaki niyang maleta.

"Aalis kana?" Excited kong tanong...

Kumunot ang noo niya sa naging tono ko.. "Bakit ang saya mo pa ata?"

"Of course!" Masaya kong turan.

Napatikhim ako. Grabe, parang ang sama ko atang kabigan.

"Anyway, Bakit napaaga ata? May problema ba sa inyo?" I asked.

"Si Mommy papunta dito sa Panay," Tumingin siya sa paligid. "Asaan ba si Adam?"

"Nasa labas," sagot ko. "Teka, you mean papunta si Tita dito?"

"Yes, sa bahay namin dito sa Panay," Napangiwi siya, "I'm dead kapag nalaman nyang wala ako doon,"

I made a face. Knowing her mother? Talagang patay siya.

"Patay ka nga,"

Nang hapon ding 'yon ay umalis sila ni Adam. Medyo naging tahimik nga sa bahay dahil nabawasan kami... Oo medyo tahimik dahil as usual, maingay pa rin si lola.

The next next day. As I promise to Saesar, we went to his 'padespedida party'. Ang saya nga ng matanda nung nandoon na kami.

"Naku! Kala ko naman ay nakalimutan mo na 'ko." Napatawa si Saesar sa sinabi ng lola. "'Yun naman pala ay marami kang pinagkakaabalahan."

"Oo nga po lola, eh.. Teka umupo muna po kayo,"

Dinala n'ya kami sa isang lamesang walang sino man ang nakaupo pero medyo marami ang upuan. Tinignan ko ang paligid at wala pa naman masyadong tao.

I shrugged. Mamaya pa siguro... Imposible naman kasing kaunti lang ang dadalo dahil halos buong tao yata rito sa Sta. Veleria ay kakilala ni Saesar.

Umupo na si lola, uupo na rin sana ako pero biglang may binulong si Saesar sa 'kin.

"Wala 'yung... kaibigan mo?"

"Nakikita mo ba dito?" I smirked.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Ayaw talaga ng Ice Cream na 'yon sa akin, 'no?"

Bahagya akong natawa. "Ice Cream?" Mapanukso akong ngumiti sa ka 'nya

He arched his brow. "Oo, bakit? Hindi mo alam 'yon?" Mayabang s'yang ngumisi. "English speaking ka pa mo tapos... tsk, tsk." Bigla s'yang tumalikod sa 'kin at iniwan akong nakanganga.

"Anong problema n'on, Amaia?" Si lola.

"Sa utak po la," ako.

"Ano?!"

Gulat akong napatingin sa matanda. Baka mahigh-blood na naman ang matanda dahil sa 'kin.

"Sa 'utang' po lola. Wala raw po kasi s'yang pera ngayon."

Napatango ang matanda at nalalim na nag-isip. "Sabihin mo sa kanya pwede naman s'yang manghiram sa atin. Kung wala na talaga s'yang mahihiraman."

"Sige po, la." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti at saka umupo. Pero bago 'yon inayos ko muna ang suot kong off-shoulder dress na kulay dilaw na hindi aabot hanggang sa tuhod na pinartneran ko lang ng sandals na binili namin kahapon ni Magnum.

Nilagay ko sa likod ko ang nakalugay kong buhok dahil medyo mainit ngayon oras na 'to. Wala pa naman akong dalang ipit.

"Miranda?" Napalingon ako sa matandang nagsalita at sa kasama nito.

"Oh, Ikaw pala 'yan, Helen," Nagmano ako sa matandang babae, gano'n rin si Ric sa lola ko.

"Naku! Eto pala ang apo mo, 'noh?" Umupo sila sa mesa namin.

I smiled at the old lady.

"Oo, si Amaia."

"Ang gandang dalaga mo naman ija," Uminit ang pisngi ko at hiyang napangiti.

Grabe, hindi ako sanay. Bihira lang kasi ang nagsasabi ng gano'n sa akin. Kaya minsan hindi ako naniniwala.

"Salamat po,"

"Magiging kaklase ko po s'ya la." Si Ric.

"Talaga?!" Gulat na tanong ng lola niya.

Ric chuckled and looked at me in a friendly way. "Opo,"

"Kung gan'on ay college ka na rin pala?"

I smiled. "Opo, eh."

"Matalino 'yan, Helen." Mayabang na sinabi ni lola sabay ngisi. "Alam mo bang nakapasa ang apo ko sa exam ng pinakamagandang eskwelahan sa syudad." Proud nitong sinabi.

"Oh?" Manghang tumingin sa 'kin ang matanda.

I bowed my head slightly.

"Ito kasing si Ric ay mas pinagkakaabalahan ang pagsali-sali sa mga organisasyon." Ngumiwi ang matanda habang nakatingin sa apo.

Tumawa si Ric. "Hindi ko naman pinababayaan ang pag-aaral ko la. Requirement rin kaya 'yon para maging officials."

"Ang sinasabi ko lang ay dapat mas pinagtutuunan ang pag-aaral bago ang lahat," Matinis na sinabi ni Lola Helen.

Napatango si lola ko. "Tama 'yon ijo, kaya sinasabi ko rin dito kay Amaia na bawal mo na ang pagkakaroon ng boyfriend hangga't di pa s'ya natatapos sa pag-aaral." Napangiwi ako.

Bakit sa 'kin na naman napunta ang usapan?

"Amaia!"

Tumingin ako sa tumawag sa 'kin at nakita ko si Bea na papalapit sa 'kin ngayon.

"Hi," I smiled at her.

Nagmanao siya sa mga matatanda nang makapapit ay hinarap ako ng nakangiti.

"Punta tayo sa loob," anya at hinila ko.

"Teka lang," Tumingin ako sa dalawang matanda na ngayon ay may pinag-uusapan.

"Punta lang po ako sa loob lola." Tumingin siya sa akin, tumango lang ang matanda at nakipag-usap na kay lola Helen.

"Sama ako!" Si Ric sabay tayo.

Tumaas ang kilay ni Bea. "Bawal ang pangit sa loob,"

"Talaga? Bakit nando'n ka?" Hinampas ni Bea si Ric na tumawa lang at sa huli sumama pa rin sa amin,

Kaya naman pala sinama ako ni Bea ay para tulungan siya sa pag-aayos ng mga pinggan na gagamitin mamaya. Wala naman akong problema doon, mas gusto ko pa nga 'yon para hindi ako mainip.

"Ang init," Reklamo ni Ric.

"Kung gusto mo, lumabas ka na!"

Napatawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Sungit," bulong lang ni Ric at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ayos na ba 'yan?" Tanong ni Tita Cynthia. Mama nila Saesar.

"Malapit na, ma,"

"Sige, sige.. Naku pasensya na kayo ah. May pinuntahan lang kasi si Saesar saglit. Dapat siya ang gumagawa dyan, eh." Tarantang siabi ni Tita Cynthia.

I chuckled. "Ok lang po, tita."

"Oo nga po, may pagkain naman mamaya, eh!" Si Ric.

"Matakaw na 'to." I heard from Bea.

"Sige Pare, pumunta ka, ah! Naku, hayaan mo na si Don Paciano, andito pa naman si lola Miranda kaya baka... alam mo na," Napatingin ako kay Saesar habang may kausap siya sa phone niya.

"Sige, sige.. Mamaya,"

"Sino 'yon kuya? Si Gen?" Excited na tanong ni Bea.

"Oo, bakit?" Masungit niyang sinabi.

"Wala naman," she smiled.

"Ma oh, tignan mo si Bea."

"Bakit?"

"Gen na naman ang tawag niya kay Gen,"

Kumunot ang noo ni Tita. "'Di ba sabi ko naman sa'yo kuya ang itawag mo kay Genesis? Ilang taon din ang tanda non sa'yo!"

"Kuya naman ang tawag ko sa kanya, ah!"

"Kahapon lang sa birthday ng Don narinig kong Gen lang ang tawag mo, Tsk, tsk... Ikaw talagang bata ka,"

"Balita ko pa, Ma, ay may bago na naman syang boyfriend tapos chinachat pa niya 'yung.. sino ba 'yon?!"

"Anong connect?" Romolyo ang mata niya.

"Tss.. two timer," rinig kong bulong bi Ric sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin ng makitang nakatingin ako sa kanya.

Tumaas lang ang kilay ko at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga pinggan.

"Ikaw talagang babae ka, ha, tigilan mo na muna yang pagboboyfriend lalo na't nasa kolehiyo kana,"

"Wala naman akong boyfriend Mama, eh!"

"Isa pa, ha. Kapag narinig ko ulit na 'Gen' pa ang tawag mo sa kuya Genesis mo, malilintikan ka talaga sa 'kin." Napatingin sa akin si tita at biglang nagbago ang emosyon niya.

She smiled. "Ba't 'di mo gayahin 'tong si Amaia, oh, Hindi nagboboyfriend at may galang sa nakakatanda,"

I cleared my throat.

She probably thinks that I'm calling Gen 'kuya'.

Hiya akong napangiti kay Tita.

Ni sa isip man ay 'di ko tinawag ng ganon si Gen. Pano pa kaya sa personal 'di ba?

"Oh! 'Eto na pala si Genesis, eh!"

Wearing a white casual shirt and a pair of khaki shorts. My heart hammered when I saw Gen who's now walking to Tita Cynthia. Nagmano siya rito bilang paggalang.

"Good afternoon, po,"

"Wow! Ang bilis pare ah!"

Nag-iwas ako ng tingin at pinagtuonan ng pansin ang ginagawa. Nang matapos sa ginagawa ay kinuha ko ang pamunas kay Ric at ako na ang nagpunas ng mga pinggan.

"Sige, ikaw na lang," he chuckled.

"Hi, 'Kuya' Gen" Bea said, emphasizing the word 'kuya'.

"Hi," naramdaman kong sinulyapan niya ako.

Binagalan ko ang pagpupunas sa pinggan nga lang ay kahit bagalan ko pa ang ginagawa, konti na lang talaga ang pupunasan kaya agad rin akong natapos.

"Ang dami ng tao sa labas Saesar," His mom said. "Asikasuhin mo na muna ang mga bisita mo at ako ng bahalang maglabas ng mga ulam."

"Sige, ma," he replied. "Tara, Gen."

Lumabas silang dalawa ni Gen nang hindi ko sila tinitignan.

I sighed heavily.

Buti na lang.

"Tulungan na po namin kayo ni Amaia, tita." alok ni Ric.

Hindi pumayag si tita nung una pero wala naman na siyang nagawa nang kunin na namin ang ibang tray na lalagyan ng ulan para ilabas.

When we went out, I saw my Lola who's talking to Lola Helen while looking at someone.

Her eyes are narrowed while staring at Gen. While Gen? He's now talking to Saesar, and I think if we continue to walk towards the table where we'll place the tray, madadaanan namin sila. Hindi, nakaharang pala sila kaya kailangan pa naming mag-excuse.

"Excuse me, mga Kuya!" Since si Ric ang unang naglalakad— mabuti na lang. Siya na ang nag-excuse para sa 'min.

Kahit nakayuko ako ay naramdaman kong tumabi sila sa dadaanan namin.

"Kuya ka dyan!" Umamba si Saesar ng suntok.

"Bakit? Sabi ni tita Cyn, respetuhin raw ang matatanda, 'di ba Amaia?"

"O-oo," I stammered.

"Tsk, tsk, 'diba?"

"Ano, Amaia? Hindi mo nga ako tinatawag na kuya, eh,"

Napatawa kaming dalawa ni Ric. Kung siya sobrang lakas ako naman tumatawa ng pasimple.

"Sige, Kuya na ang itatawag ko sa 'yo." I said while smiling.

My smile fades when my eyes drifted at Gen. He's now looking at me in a serious way that made my damn heart pounded a bit.

Humalakhak si Ric at nilagay na ang ulam sa mahabang mesa. Nilagay ko rin ang hawak ko para makaalis na kami.

"Salamat, mga kuya!" Pahabol na sigaw ni Ric habang papalayo kami do'n.

"Gago!"

"Mukhang mabait naman ang Apo ni

Isabela at Paciano, Miranda. Mukhang nagmana sa ina,"

Napatingin ako bigla kay lola Helen. Simula nang maupo kami ni Ric sa lamesa namin ay puro tungkol kay Gen ang pinag-uusapan nila. Habang kami naman ni Ric ay pinag-uusapan ang nalalapit na pasukan.

"Sana nga," Ani lola habang titig na titig kay Gen.

"Tara, Amaia, Kumuha na tayo ng pagkain," Inginuso niya ang mahabang lamesa.

Tumingin ako sa paligid at mukhang kami na lang ata ang nakaupo ngayon maliban sa mga kasama naming matatanda na may nakahanda ng pagkain.

"Sige,"

Tumayo na kami at nagpunta sa mahabang lamesa. Medyo nakakahiya pa dahil kaming dalawa lang ang kumukuha ng pagkain. Malayo siya sa 'kin dahil mukhang ibang putahe ang gusto niya habang ako ay kumuha lang ng chapsui at minudo.

Kukuha na sana ako ng kanin pero may biglang kung sinong humarang sa lalakaran ko.

Kinabahan akong bigla at nagkunwaring kumukuha pa ng ulam. Nahinto ako sa ginagawa nang kusa akong lagyan ni Gen ng kanin sa pinggan ko.

I looked at him with my eyes widened and with my lips slightly parted.

He's so serious while doing it. While my face is probably looked stupid now while looking at him does that.

Dalawang sandok ng kanin ang binigay niya na sobra-sobra na para sa 'kin.

After that, he looked at me and our eyes met. This time, I can't look away.

It's just... there's something in his eyes that sent shivers down my spine and even I already knew that it's a very bad thing. Here I am, still answering his stares.

"Salamat," Aalis na sana ako pero may bigla siyang sinabi na talaga namang ikinagulat ko.

"Huwag mo akong

tatawaging... kuya," Pumungay ang mata niya.

"A-ano?"

He raised his eyebrow. "I said don't call me kuya, we're not related or something,"

I frowned while looking at him.

"H-hindi naman kita tinawag na kuya, ah?"

He looked away and put some dishes on his plate while I'm still waiting for his words. I rolled my eyes, maybe wala na siyang sasabihin pa. I was about to walk away when he said something again.

"Yeah right. As if we're close or something." He looked at me one more time after he's done serving himself.

"Hindi mo nga ako tinawag sa pangalan ko kahit isang beses, 'di ba?" Then he walked out.

_____________________

_____________

-jazwritee

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
23.5K 834 22
I just learned that not because we got married, we're meant to be. Maybe your loyalty wasn't for me. Dangerous Man's Book 2
449 243 33
Aldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Som...
799K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...