Sprouted Desire ✔

By dyrnevaia

144K 3.1K 807

Hacienda Series I Cresencia More

SD
Love, Dyrne
Paunang Silip
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata

Kabanata 35

2.2K 50 14
By dyrnevaia

Being away from someone you love was one of the most painful things to do. Leaving without saying goodbye could kill your heart too. Sometimes, we tend to sacrifice for our loved ones... sometimes, we're torn in between but we want it right. In my case, I just did the safest plan. May choice akong maging madamot at maging maka-sarili pero hindi ko ginawa. Pinili kong masira para sa ikapapanatag ng iba. Pero hindi lang sila "iba"... magulang ko sila.

Hindi ako naiinis dahil iniwan ko ang anak ko para lang kila Mamáng at Papáng. Naiinis ako dahil sa sitwasyong kinasusuungan. Hindi man lang ako nito binigyan ng ibang paraan. I needed to let go of the other one to get a hold of the other half. I couldn't handle them both because if I would, I'd get ruined.

Kung tutuusin, maaari ko namang kausapin si Simon, sabihin lahat ng problema ko tulad ng ginawa ko kay Babet... pero naduwag ako. Ano'ng mukha pa ang ihaharap ko sa taong harap-harapan kong iniwan kahit pa nagmakaawa na ito? Isa pang pinangangambahan ko ay baka 'pag nilapitan ko siya para sandaling sumandal sa kaniya ay hindi ko na kayang umalis pa at isipin sila Mamáng.

Nakakainis na minsan sa buhay natin ay hindi natin ma-kontrol ang mga pangyayari. Na minsan, hindi man lang tayo mabigyan nang mahabang pagkakataon para makapag-isip sa gagawing hakbang. But that's how life goes on... go with the flow or you'll be left alone.

I looked at the ceiling to prevent my tears from falling. I heaved a hefty sigh and walked inside the room. My lips trembled with the sight of my mother, hugging tightly onto my father's urn. I held my chest because of grief and sorrow.

It's been three months since he passed away. October when we left Philippines. Apat na buwan naman siyang nakaratay sa UCLA Medical Center dito sa Los Angeles. Hindi siya agad nahanapan ng liver na magma-match sa kaniya dahil marami ring nag-aabang at mahaba ang pila ng hinahanapan.

It was third week of February when he jerked out of sleep in the middle of the night. Agad kaming naalerto ni Mamáng nang mahigpit niyang hinawakan ang aming mga kamay.

With the words, "I-I'm sorry," his breathing became shallow until he held his last breath.

He surrended while holding our hands. Mamáng's defeaning weep echoed in that four cornered room while I remained stupefied. Natuod ako sa kaisipang sa isang kisapmata lang ay tuluyan na siyang namahinga habang naiwan kaming sugatan at nagdurusa.

"Mamáng, kain ka na ng dinner." Namamaos kong hayag.

Pagod na rin ako at gusto nang sumuko pero alam kong may mga taong kailangan pa rin ako. In just a snap of finger, our money flew away from our hands. Milyun-milyong dolyar ang nagastos namin sa pananatili ni Papáng nang ilang buwan sa hospital. Nakagastos din kami nang malaki dahil sa agarang pagbili ng house and lot dito na hindi naman namin masyadong natirhan habang binabantayan si Papáng.

Isang buwan matapos mawala ni Papáng, doon ko lang napagtanto na wala na kaming pera. Nakakatawang isipin na sa isang iglap lang ay naglaho na lahat ng mayro'n kami. Ibinenta ko ang house and lot na binili namin dahil sa balance namin sa hospital. Ngayon ay nangungupahan kami ng halos dalawang buwan na rin.

Kung hindi ako kakayod maghapon ay wala kaming mahahawakang pera. Mamáng was still mourning up until now—maging ako rin naman pero hindi ko kailangang maging mahina.

I had no one to ask for help. Wala na sa amin ang hacienda. Kinuha na ito ng mga Delos Santos matapos pirmahan ni Papáng ang kontrata. Hindi ko pa malalaman ang tungkol doon kung hindi ko nakalkal ang gamit nila Mamáng.

Nang nagtungo ako sa Maynila para mag-aral ay doon nagsimula ang utangan. My father was addicted to gambling—bagay na ikinasaya ko noong umuwi ako noon dahil hindi ko na siya nakitang nagka-casino kasama si Mamáng. That was his hobby aside from drinking alcohol. Habang abala pala ako sa pag-aaral sa Maynila ay natalo siya sa malaking halaga na nadagdagan pa nang nadagdagan nang sinubukan niyang bawiin pero mas lalo lang siyang nalubog sa utang.

They made a contract. Sa halip na singilin si Papáng ng milyun-milyong halaga ay hiniling na lamang ni Tita Helena at Mamáng na ikasal kaming dalawa ni Wendell. That was why when the upcoming wedding was called off, they immediately asked about our debt. Sa mga pagkakataong iyon ay wala akong kamalay-malay na unti-unti na pa lang naaagnas ang kanilang pinaghirapan dahil abala ako sa pagdamdam.

"Your father suggested that we better stay in Marikina so you won't be stressed out 'cause you're already pregnant." Napatitig ako kay Mamáng na bigla na lang nagsalita habang yakap-yakap pa rin ang pinaglalagyan ng abo ni Papáng. "Ayaw niyang masangkot ka sa problema dahil dinadala mo na ang pinakaunang apo niya." Then she smiled while tears were rolling down her cheeks. "Gregorio's love for you is unreserved."

I licked my lower lip to prevent it from trembling more. "M-Mamáng, kain na tayo." Pang-uulit ko dahil tila may sarili na naman itong mundo.

Lalo akong nadudurog sa tuwing pinagmamasdan siya. She was not my Celistina Virantes... she was not my mother. The mother I knew was brave, arrogant and sophisticated. I couldn't see her anymore since we lived in Marikina up until now.

"Kumusta na kaya ang lagay ng hacienda natin?" Pagpapatuloy niya, binabalewala ang sinabi ko. "Mayo na ngayon, dapat ay naihanda na ang mga itatanim pagsapit ng Hunyo."

Suminok ako't lumapit sa kaniyang nakaupo sa dulo ng kama. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at sumubsob sa kaniyang kandungan.

"Mamáng... bumalik ka na please,"

"You'll go out again tomorrow, don't let your skin hit by the sun Cresencia!" Mahina ngunit mariin niyang angil, iba na naman ang tungo ng sinasabi.

Lalo akong napahagulgol at mas niyakap siya sa baywang. "Mamáng, I'm still here... nandito pa ako." Sambit ko sa pagitan ng pagsinok.

Mula sa kawalan ay napatitig siya sa luhaan kong mukha. Umamo ang kaniyang mukha at marahang pinalis ang aking mga luha. Lalo akong napaiyak. "Sshh, stop crying Cresencia. It won't make you beautiful." Matapos no'n ay tiningnan niya ang hawak na vase. "Your father is sleeping. Baka magising siya kaya't tumahan ka na."

Hindi na yata magsasawa ang mata ko sa pagbuga ng luha. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak dahil sa lahat ng nangyari at nangyayari. Pinatiim ko ang aking bagang upang pigilin ang rumaragasang emosyon.

Mahigpit kong hinawakan ang kaliwang palad ni Mamáng at mariin iyong hinalikan. Nanatili akong nakatingala sa kaniya habang siyang blangko ang ekspresyong nakatitig sa akin.

I gave her a reassuring smile. "Konti na lang Mamáng... malapit ko nang mabuo ang perang kakailanganin para sa pamasahe natin pauwi." Huminga ako nang malalim. "Uuwi na rin tayo sa Pilipinas."

Magdamagan akong nagtatrabaho sa fastfood chain na malapit lang din sa aming nirerentahan. Labis kong ikinatuwa nang mabilang ang perang iniipon ko. 'Pag nakuha ko na ang suweldo ko ngayong linggo ay maaari na rin kaming umuwi ng Pilipinas. Nagtabi rin ako ng ilang halaga para sa bibilhin kong bago naming tirahan. Tiyak kasing wala kaming mapaghihingian ng tulong pagkauwi.

"Ay teka!" Biglang tumayo si Mamáng kaya't napahiwalay ako sa kaniyang kandungan. Marahan niyang inilapat sa kama ang urn at may kinalkal sa kaniyang maleta. Ilang saglit pa'y bumalik siya sa aking harapan na malawak na ang pagkakangiti.

Napakunot-noo ako nang mapansing iyon ang cell phone ko. "Bakit iyan Mamáng?" Nagtataka kong tanong.

Tila bata niya itong inilahad sa akin. "Check your gallery!" She muttered in delight.

My mouth agape when for the first time after a year and how many months, my cell phone was now on my hands. Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Hinayaan kong matuyuan ang luha sa mga pisngi para lang muling mabahiran ng pagkabasa nang makitang punong-puno ng litrato ni Simeon ang gallery ko.

Maang ang bibig kong tiningnan ang 'di mabilang na mga litratong iyon. Binalot nang matinding pangungulila at pagkasabik ang aking puso. Nalula ako nang makita ang mga litrato mula sa pagkapanganak ko kay Simeon hanggang sa unti-unti niyang paglaki. Maging ang litrato niyang kalaro si Papáng, nasa kandungan siya ni Papáng at maging sa kaniyang pagtulog nang mag-isa at kasama ako ay naroroon.

Binalingan ko si Mamáng na hanggang ngayon ay hindi maalis ang ngiti sa labi. "Did you like it?"

Para akong tangang paulit-ulit na tumango. Napayakap ako sa kaniya nang mahigpit. I heard her hearty laugh. "Salamat Mamáng..." I uttered wholeheartedly. Mas lalo akong ginanahan sa pagtrabaho para sa huli'y makita at makasama na ang anak ko. Kumalas ako sa kaniya at napangiti. "We'll go home. Makikita na rin natin ulit si Simeon."

Sinamyo ko ang mainit na paghampas ng hangin sa aking pisngi. Dinagsa ng libu-libong pakiramdam ang buo kong pagkatao. I bit my lower lip to stop myself from breaking down.

Finally! After ten months of staying in Los Angeles, we are now here in our homeland! Malungkot man na hindi kami nakauwi bago mag-isang taon ang anak ko ay iwinaksi ko na lang ang bagay na iyon. Inabot kami ng Setyembre bago nakauwi dahil ang perang itinago ko ay bahagyang nagalaw nang ipinatingin ko si Mamáng sa psychiatrist nang muntik na nitong kitilin ang sariling buhay.

But what wass more important now was were finally home! Inalalayan ko ang tahimik na si Mamáng palabas ng NAIA. Rumagasa ang pagkasabik sa aking kaibuturan sa kaisipang muli kong masisilayan ang aking anak. Wala akong maaaring ma-contact dahil nang nag-chat kami ni Babet noong nakaraang buwan ay nalaman kong umalis na pala ito sa mansyon bago pa man pumalit ang pamilya Delos Santos doon. Wala na rin daw itong komunikasyon sa ibang tauhan.

We stayed in a cheap hotel to take a rest before going to Sorsogon. Napangiti ako ulit nang malaki at hinaplos ang larawan ni Simeon sa aking cell phone.

"Malapit na kitang makita anak," bulong ko sa hangin.

We've been apart for ten months but it felt like ten years already. Sobra-sobra ang aking pangungulilang nadarama. I couldn't stop thinking...

How are they now?

Gaano na siya kalaki?

Kaya na ba niyang maglakad?

Kaya na ba niyang magsalita? Ano'ng unang kataga ang nanulas sa labi niya?

Halos 'di ko mabilang ang mga katanungang pumalibot sa aking isipan. Tiyak kong malusog at mas malaki na siya lalo na't nasa pangangalaga ng kaniyang ama. Tumibok nang malakas ang aking dibdib pagkaisip kay Simon.

Sa wakas ay masisilayan ko na rin siya ulit. Wala pa man ay naiiyak na ako.

Makikita ko na ang mag-ama ko.

Kinabukasan nang madaling araw ay agad na kaming bumiyahe patungong Sorsogon. All through out, Mamáng was quiet. Hindi na ako nagulat doon dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa siya bumabalik sa dati. She still talk things that were out of the topic. She even talk to herself most of the time.

Mas ikinasaya kong ganiyan na lang kaysa ang kahindik-hindik na pagsusubok niyang wakasan ang sariling buhay. Nakausap ko ang psychiatrist niya sa Los Angeles at sinabi sa aking may pag-asa pa naman siyang bumalik sa normal kung matututukan. Kaya ang plano ko, kapag nakahanap na ako ng matitirhan ngayong araw mismo ay maghahanap din ako ng psychotherapists niya.

Bandang alas-kuwatro nang madaling araw kami nagbiyahe at nakarating din ng Sorsogon bandang alas-tres ng hapon. Habang ninanamnam ang panghapong init at makulay na paligid, dumagsa ang masasayang alaala sa akin. Mas lalo akong binuhay nang pananabik.

Tunay ngang kung saan ka nanggaling ay doon ka pa rin babalik. Nag-arkila ako ng tricycle at doon pinagkasya ang aming mga bagahe. Kita ko sa karamihang drivers ang gulat nilang mga ekspresyon.

Ipinasok ko na si Mamáng na hanggang ngayon ay wala pa ring imik bago ako sumunod. Sumampa na si Manong at sinilip kami.

"Saan tayo Senyorita?" Para akong sinampal sa kaniyang inusal. Nanikip ang aking dibdib.

"Saan pa ba? Sa aming hacienda, estupido." Supladong singit ni Mamáng na doon lang na naman nakapagsalita.

Humalakhak si Manong na tila may nakakatawang narinig. "Ayan 'Senyora', nasobrahan n'yo ang pagmamataas, ano ka ngayon? Ang hacienda n'yo ay pagmamay-ari na ng Delos Santos."

Napatiim-bagang ako sa kaniyang turan. Buti na lang at tila nalunod na naman sa malalim na pag-iisip si Mamáng kaya hindi na nakasagot pa pabalik.

"Ihatid n'yo na lang kami sa barangay na katabi ng dating hacienda Manong," may bumikig sa aking lalamunan.

Hindi ko kayang lunukin ang katotohanang ang pinaghirapan ng aking mga magulang ay nasa kamay na ng iba. Akala ko ay naka-move-on na ako sa parteng ito pero hanggang ngayon ay masakit pa rin pala.

Pagkababa sa tapat ng waiting shed ay pilit kong inaalala ang dating paupahan dito. Iniwan ko muna saglit si Mamáng na tahimik na naman sa waiting shed kasama ang aming mga gamit. Lumapit ako sa munting tindahan para magtanong.

Bahagya pang nanlaki ang mata nito nang makilala ako. "S-Senyorita! Ano pong kailangan nila?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at bahagyang ngumiti, "May naalala akong paupahan dito. Maaari mo bang ituro sa amin?"

Kita ko ang malaking katanungang lumitaw sa kaniyang mata ngunit hindi naman nagbalak na magtanong. Napahinga ako nang maluwag nang lumabas ito't sinamahan kami sa aking tinutukoy.

Bitbit ko ang aming mga gamit habang ang dalagang aking pinagtanungan na si Kristine ay nagpresintang tumulong sa pagbuhat. Halos bawat bahay na aming nadadaanan ay may lumilitaw na ulo at mga mukha. Kita sa kanilang mga ekspresyon ang pagkagulat at pagkalito. Alam kong hindi na lingid sa kanilang kaalaman ang sinapit namin ngayon. Marahil ang pagtatakang nakikita ko sa kanilang mukha ay ang paghahanap sa presensiya ni Papáng.

Mahigpit kong pinaglapat ang mga labi. Wala akong panahong magmukmok at maghinagpis ngayon.

Nakarating kami sa isang lugar na may tatlong maliliit na bahay na 'di masyadong magkakadikit. Tinawag ni Kristine ang isang matandang naroon na siyang may-ari pala ng paupahang bahay.

She was shocked and speechless when she saw us but immediately regained her composure. Nag-usap kami nang masinsinan ukol sa balak kong pag-okupado ng isa niyang bahay sa pinakadulo. Maayos naman siyang nakausap. Kaya ko namang bayaran ang renta, tubig at kuryente kung makakahanap ako ng trabaho rito. Naibayad ko na rin ang kalahati sa pera ko para sa aming advance payment.

Bago kami tuluyang makapasok sa munting bahay ay may nahagip ang aking pandinig.

"Mapaglaro talaga ang tadhana ano? Tingnan mo na sila ngayon. Kawawa naman."

Isinara ko na lang agad ang pinto matapos makapagpasalamat kay Kristine na kusang tumulong sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

38.1K 1.1K 34
Ang buhay ay sadyang mapaglaro. Ang dating malayang buhay na kinagisnan ni Viviene ay bigla-bigla nalang nawala noong na aksidente ang kanyang kuya a...
14.1K 450 33
Alani Mireille Tejada feels incomplete even though she has it all already. Beauty. Talent. Wealth. But when she meets Giovanne Zabala, she knows that...
2.3M 58.6K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
96.4K 1.3K 54
Galina Isabella Higuera is the most popular girl in school. Her beauty is very alluring na kahit ang pinaka populyar na lalaki sa school ay nahumalin...