Chapter 22 part 1
Nagtataka si Vincent kung bakit nakiusap ang kanyang pinsan na sa hotel na lang muna siya tumigil. Ang orihinal nilang plano ay sa rancho siya tutuloy para makadalo na rin siya sa salo-salong gaganapin bago ang kasal. Ilang minuto na lamang ay nasa simbahan na siya ng makatanggap ng tawag mula kay Dennis.
“Damn! What happened dude?” napamura pa siya ng sinabi ng pinsan na nasa panganib ang bride nito.
“It’s a long story. I’ll tell you everything later. Where are you now?” sagot ni Dennis mula sa kabilang linya.
“Almost there, just calm down everything will be fine. Hindi naman pababayaan nina tito Francis na may masamang mangyari kay Emer.” Pampapakalma ni Vincent sa pinsan.
“I know. Kaya ikaw mag-ingat ka sa pambabae mo, dump that Mia. She’s not for you.” Panenermon ni Dennis sa pinsan.
Tinawanan lang ni Vincent ang sinabi ni Dennis. “It’s too late dude. I want to settle down and start my family kaya nakapagdesisyon na ako.”
“Don’t tell me…. Nag propose ka na kay Mia? Akala ko ba si Jesica ang nililigawan mo?” lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ni Dennis habang hinihintay ang sagot ng pinsan.
“Napag-isipan ko lang na hindi siya para sa akin. I’ll tell you everything later.” Panggagaya ni Vincent sa kanya.
Nang makarating sa simbahan ay mabilis na umibis si Vincent sa kotse at dali-daling nilapitan ang namomoroblemang pinsan.
“How’s Emer now?” mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Vincent.
“She’s safe. Kung pwede ko lang siyang puntahan sa rancho ay kanina ko pa ginawa.” Nanghihinang tugon ni Dennis sa pinsan.
Nakahinga rin ng maluwag si Vincent sa ibinalita ng pinsan.
Samantalang sina Jesica at Venice ay maagang nagtungo sa simbahan kung saan gaganapin ang engradeng kasal nina Dennis at Emer. Sinabi niya sa kaibigan na huwag na siyang alalahanin nito dahil alam naman niya ang daan papuntang simbahan. Napag-usapan din nila ni Toffer na doon sila magkikita, natuwa siya dahil makakarating ito may makakasama siyang haharap kay Vincent kung sakali mang magtanong ito tungkol kay Venice.
“Mama, your phone is ringing.” Pukaw ni Venice sa pagmumuni- muni niya.
“Oh, I didn’t hear it.” Nakangiti niyang tiningnan ang anak bago dinampot ang cellphone na nasa tabi niya.
“Toffer, malapit na kami.” Bungad ni Jesica ng makita kung sino ang tumatawag.
“Oh God!, akala ko nasa rancho pa rin kayong mag-ina. Nabawasan ang kaba ko.”
“Huh? Bakit?” naguguluhan tanong ni Jesica.
“Bilisan niyo na lang mag-ina magkita tayo dito sa gilid ng simbahan. For sure malelate si Emer dahil may nangyayari ngayon sa rancho.” Pag-iinporma ni Toffer dito.
“Okay, magkita tayo sa gilid ng simbahan.” Nagmamadaling pinutol na ni Jesica ang tawag ng matanaw na ang simbahan.
“Sis!” mabilis na kinawayan ni Toffer si Jesica ng makilala nito ang kotse ng kaibigan.
“Anong nangyayari sa rancho?” mabilis na tanong ni Jesica ng makalapit si Toffer sa kanila.
“Yung ex niya nanggugulo, may mga natanggap daw na threat sina tito Francis.”
“Oh my God!” nanghihinang napaupo si Jesica sa bench na naroroon.
“I’m sure hindi naman sila pababayaan ng mga Almonte. Mabuti maaga kayong nakaalis ni Venice sa rancho.”
“Excited kasi itong batang ito, ang aging nag-yaya dito sa simbahan which is good para hindi pa kami isang aalalahin doon.”
“Dito na muna tayo maghintay, medyo magulo na sa loob ng simbahan dahil nag-aalala ang lahat. At isa pa nasa loob na rin si Vincent.” Sabi ni Toffer kay Jesica.
“Tito, what’s happening?” inosenteng tanong ni Venice.
“ Your tita Emer will be late because she has to attend some important matters.” Alanganin ang ngiti ni Toffer sa bata.
“You’ve said to mama that something is happening to tita Emer.” Nakakunot pa ang noo ni Venice habang nagsasalita.
Nagulat na tinapunan ng tingin ni Toffer ang kaibigan. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya. “Nakakaintindi na ba ng tagalog itong bata?”
Tumango si Jesica bago nagsalita. “Yes, nakakaintindi na yan. Alam mo naman yang anak ko masyadong matalino kaya madaling nakapag adjust dito.” May pagmamalaki sa boses ni Jesica.
“You’re very smart sweetie.” Sabay yakap ni Toffer sa bata.
“Like my mama, she’s also smart.” Ganting yakap rin ni Venice kay Toffer.
“Can you call Emer? Para malaman natin kung ano nang nangyayari sa kanila baka kailangan niya ang tulong natin.” Hindi na rin mapakali si Jesica sa kinauupuan. Halos hindi pa rin siya makapaniwalang may hindi magandang nagaganap ngayon sa rancho dahil kaninang umalis silang mag-ina ay maayos pa ang sitwasyon.
Kinuha ni Toffer ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan si Emer, nakailang ring muna bago may sumagot sa kabilang linya. “Emer, are you okay? Sina tito at tita kumusta? Ano na ang nangyayari diyan?” sunud-sunod na tanong ni Toffer. Mahahalata pa rin sa boses nito ang kabang nararamdaman para sa kaligtasan ng kaibigan.
“Hey, calm down. Papunta na kami sa simbahan, wala ng problema naisaayos na ang lahat.” Kalmadong wika ni Emer sa kabilang linya.
“Thanks God! Nag-aalala rin si Jesica kasama ko ngayon sila.” Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Toffer ng ianunsiyo ng kaibigan na ligtas na ang mga ito.
“Let’s go, sa loob na tayo ng simbahan maghintay. Paparating na ang bride.” Anunsiyo ni Toffer kay Jesica.
Nang marinig ang sinabi ni Toffer ay biglang nagkaroon ng alinlangan si Jesica na pumunta sa loob ng simbahan. Alam niyang posibleng maganap ngayon ang lahat ng mga kinatatakutan niya. Naalala niya ang sinabi ng kanyang mommy noon na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kontrolado niya ang sitwasyon.
_________________
A.N.
Happy Prosperous 2015!!! Enjoy reading guys J
Please don’t forget to vote and leave your comments ^ ^