Maid for the Mafia Boss

By Tehmterzya

2.6M 86.8K 14.4K

Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years... More

Disclaimer
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Epilogue
Epilogue Part 2
Characters:)
THANK YOU PO!
Part II / Book 2
Chapitre 1
Chapitre 2
Chapitre 3
Chapitre 4
Chapitre 5
Chapitre 6
Chapitre 7
Chapitre 8
Chapitre 9
Chapitre 10
Chapitre 11
Chapitre 12
Chapitre 13
Chapitre 14
Chapitre 15
Epilogue
Arigathankz!
BONUS CHAPTER 1(Wedding)
BONUS CHAPTER 2(Honeymoon)
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata 39

26.4K 858 103
By Tehmterzya

Napahikab ako pagkababa ng hagdanan. Nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya doon ako pumunta. Baka sila Jane iyon, tulungan ko sila sa pagluluto.

Ala-sais palang ng umaga pero pagkagising ko kanina, wala na si Keian sa kwarto, siguro nasa study niya iyon ngayon at nagt-trabaho.

Inaantok akong pumasok sa kusina.

" Goodmorning" bati ko sa kanila. Napatingin naman sa akin si...

" KEIAN?!" Napasigaw ako sa gulat nang makitang walang pantaas na naka-apron si Keian sa harap ng lababo at naghuhugas ng plato. Ngumiti naman ito sa akin.

" Goodmorning baby"

Nakanganga ko siyang tinignan mula sa paa hanggang sa huling buhok niyang nakataas. Napaka-messy pa nung hair nito. Not to mention walang pantaas.

Ngumisi siya nang mapansin ang reaksyon ko tsaka lumapit sa akin.

" B-bakit ikaw nagluluto? At nang nakahubad?" Tumaas ang tingin ko dito dahil sobrang lapit na namin sa isa-t isa.

Habang ang dalawang kamay ay nasa likod, nag-lean siya sa akin tsaka hinalikan yung noo ko.

" I want to cook for you" maikling sabi nito. Mas napanganga naman ako.

Okayyy...

" But you have maids, Keian. Let us do the chores" Nakangiti itong umiling pagkatapos ay dinala ako sa may upuan sa isang counter sa kusina at pinaupo.

" Just sit down. Matatapos na din yung piniprito ko" matamis siyang ngumiti sa akin tsaka bumalik sa pagluluto.

Nakangiwi ko naman siyang pinanood. Ano ba ang pumasok sa isip ng lalaking itoh? Ang ganda nung gising niya ah, infairness.

At tsaka bakit ba siya nakahubad? Hindi ba niya alam na nakakadistract yung ab---

Oopps... Ano ba Nassandra, tigilan mo nga ang pagtingin sa katawan niya!

Nang tumaas ang tingin ko galing sa may... bandang tiyan niya, nagtagpo ang mata namin ni Keian at todo ang ngisi nito sa akin. Nanlaki naman ang mata ko.

Nakita niya ba akong nakatingin.. doon?

Bigla naman akong namula.

Wahhhh! Nakakahiya!

" Keian, magdamit ka nga" kunwaring inis kong sabi. Umiling iling siya at humarap sa akin.

" Komportable ako sa ganitong damit" saad nito. Napanguso naman ako kasi yung tingin niya talaga eh! Parang may alam na kung anong nagawa ko eh!

" Ni halos wala ka ngang dami---"

" Oy! Ang bango ah!" napatingin kaming dalawa ni Keian sa kadadating lang na si Zeke.

Natigilan siya nang makita si Keian na nasa kalan. Nakanganga siyang lumingon sa akin.

" Anong ginawa mo kay Kei, Nassandra? Bakit nagluluto? Bago iyon ah!" Mapang-asar nitong sabi. BIgla bigla namang nagbago ang itsura ni Keian na bumalik sa may malamig na ekspresyon. Dumilim din yung 'aura' niya. Luh.

" Why are you here, Nic?" malamig nitong tanong. Ngumisi naman si Zeke dahil sa biglang pagbabago ni Keian ng ekspresyon.

" Para kumain."

Tumingin nang masama si Kei kay Zeke.

" What I'm cooking is only for Nassandra" madiin nitong sinabi.

Zeke pouted.

" Uhhh. Bakit? Mukhang andami mo pa namang niluto oh" mas tumulis naman ang tingin ni Kei nang sinubukang kumuha ni Zeke sa ulam na nakatabi sa isang plato.

" Don't you dare" ngumiti lang si Zeke tsaka mabilis na dumampot ng bacon na nasa plato.

Bago pa niya ito masubo ay nahawakan ni Kei ang braso ni Zeke.

" Let go" may pagbabantang sabi ni Kei. Tumaas naman ang kilay ko sa eksenang napapanood ko ngayon.

" No" parang batang umiling si Zeke at pilit na sinusubo yung pagkain na nasa kamay.

" Zeke Nicolas Alexandre" ay. Buong pangalan talaga?

" Hmmm. Okay" bumuntong hininga si Kei pero mabilis na napaluhod dahil literal na binitawan ni Zeke yung bacon... binitawan pabagsak sa sahig.

Nasalo naman ni Keian yung bacon pero hindi nito alam, kumuha ng bagong bacon si Zeke at mabilis na sinubo.

" Hmm... ang sarap" tukso nito. Tumaas ang tingin ni Kei na mas dumilim ang ekspresyon.

Para namang nanalo sa competition yung itsura ni Zeke. Goodluck sa kanya.

Kukuha pa sana si Zeke pero kaagad na tumayo si Keian, tinatakpan yung plato.

" You will pay for that" seryoso nitong sabi. Natahimik naman si Zeke at kinabahan.

" U-uhmm Kei. Bacon lang iyon, huwag mong seryosohin hehehe" nanahimik lang si Keian na nakatungo lang. Pinandilatan ako ng mata ni Zeke na para bang humihingi ng tulong.

Tinaasan ko siya ng kilay at nginisian. Bahala ka dyan.

" Nassandra! Help m---" hindi na natuloy ni Zeke ang sasabihin nang itulak ni Keian si Zeke sa sahig at parang nag wrestling.

Napatayo pa ako kasi baka totoong nagalit si Keian at mapatay talaga si Zeke eh kaso lang nang makita ko yung ngiti sa labi ni Kei, napaupo nalang ulit ako.

Nagpatuloy sila sa pag'w-wrestling' nila sa sahig na parang mga bata.

Hindi ko sila pinigilan at pinanood lang ang ginagawa nila.

" Boss?" tumingin ako kay Erick na nagpakita sa may pasukan ng kusina. Nagtataka itong nakatingin sa dalawang nasa sahig.

Biglang nanlaki ang mata nito at parang may narealize.

Dali-dali siyang lumapit sa dalawa at pinaghiwalay. Halos mabuhat niya ang dalawa dahil sa laki ng katawan nito.

" Ano meron?" seryosong tanong nito. Siguro ay naisip niya na nag-aaway talaga sila.

Hinihingal naman ang dalawa na may magulong buhok at gusot na damit. Ay. Halos wala nga palang damit si Kei.

Nagkatinginan ang dalwa, hindi pinapansin ang tinanong ni Erick.

Maya-maya ay sabay silang natawa.

Napangiti na din ako...

---

Nakakunot ang noo kong nag-lean sa kanya para hawakan yung pasa ni Keiranz sa braso niya.

Bigla naman siyang tumingin sa akin nang masama na sinasabing huwag kong hahawakan yung pasa niya.

Inirapan ko ito pero hinawakan ko pa rin yung gusto kong hawakan.

" Nass" banta nito.

Tinignan ko siya nang masama tsaka pakrus ang brasong sumandal sa upuan ng kotse. Papunta kasi kami ngayon sa bahay ni Tiya. Gusto niya raw makilala si Tiya.

" Bakit naman kasi parang batang nagbugbugan sa sahig?" inis kong tanong dito. Ngumiwi siya sa akin.

" He ate the bacon I cooked for you" inis din nitong sabi. Ay nako, para talagang bata.

" Eh sa madami ka naman talagang niluto sana buong puso mo nalang binigay" sagot ko dito.

Napansin ko namang napatitig siya sa akin kaya inis akong lumingon sa kanya.

" Sa daan ka nga humarap, baka-----"

" Paano ko maibibigay nang buong puso eh nasa iyo yung akin" natigilan ako sa sinabi niya. Weyt. Ano daw?

Teka, magp-process lang sa utak ko yung narinig ko.

.
.
.

*ting!*

Napapikit-pikit ako ng mata nang marealize ko yung sinabi niya.

Tumingin ako kay Keian na tahimik lang na nakatitig lang sa akin at may seryosong mukha.

Napalingon ako sa kalsada kasi baka nga mabangga kami pero naipit pala kami sa traffic, kaya ngayon nakahinto lang yung kotse.

Humarap ulit ako kay Keian and I intently looked for an injury on his head.

" Nabagok ba yung ulo mo? Do you have injuries I didn't notice?" Tanong ko dito.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Bigla naman akong namula at napangiti. Bwisit na kilig.

" I don't have any injury, Nass. I mean it" umirap ako para hindi mahalata yung kilig ko pero sigurado naman akong napansin niya iyon eh.

Natahimik nalang ako. Ito naman kasing lalaking 'toh eh. Bumabanat. Hindi ko ine-expect na sasabihin niya iyon. Hindi talaga.

Nagpatuloy siya sa pagd-drive at halata naman ang pagkainis dahil sa traffic.

Nang makarating kami sa bahay, nakita kong naka-abang na si Brylle sa pinto kasama si Tiya. Kumaway kaway pa siya at halata ang pagkatuwa.

Nang makapark ang kotse sa tapat ng bahay ay kaagad akong bumaba at sinalubong ang tumakbong Brylle.

" Mama. I miss you!" natawa naman ako tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

" Baby. Kakakita lang natin kahapon" pinisil ko naman yung cute niyang ilong. Sumandal siya sa dibdib ko.

" Na-miss pa rin kita" cute nitong sabi. Yinakap ko ito tsaka binuhat.

Nang maharap siya kay Keian ay parang nahiya pa si Brylle at nagtago mula sa paningin nito.

Nakita ko naman na nagbago ang ekspresyon ni Kei tapos ay ngumiti. Naiintindihan kung bakit nahihiya si Brylle sa kanya.

Lumapit siya sa amin at sumulyap pa sa mukha ko bago tumapat kay Brylle.

" Hi, Brylle. How are you?" masigla nitong tanong.

Bahagyang ngumiti si Brylle at nilabas na ang mukha mula sa pagkakatago.

" I'm okay, Tito Keiranz" medyo mahina nitong sabi.

" Sorry, hindi namin nadala si Leon. Your mama said that Tiya may get sick because of him" saad ni Keian. Nakita kong napatingin sa amin si Tiya kaya ngumiti ako dito as reassurance.

" But is he okay there?" tanong ni Brylle. Tumango si Kei tsaka pinakita ang stuffed toy na wolf na pinabili niya kanina sa mga tauhan niya.

" Of course, Brylle. I am making sure he's alright. Here." tumingin muna sa akin si Brylle, tumango naman ako tsaka niya masayang kinuha ang stuffed toy at niyakap.

" Magkamukha silaaa" mangha nitong sabi. Napangiti namang wagas si Keian.

" Yes. Para ma-feel mo na nasa tabi mo pa rin siya kahit nasa mansyon si Leon" nag-gagalaw si Brylle at mukhang gustong magpabuhat sa kasama ko.

Binigay ko naman siya kay Keian na masaya nitong binuhat.

" Thank you Tito Keiranz!"

" You're welcome, baby" kumunot ang noo ko dahil nung sinabi niya yung 'baby' nakatingin siya sa akin at nakangisi.

" O siya, pumasok na muna kayo dito sa loob at patirik na ang araw. Mainit" napatingin kami kay Tiya na nagsalita.

Nagkatinginan kami ni Keian kaya binuhat ko ulit tsaka kami sabay na lumapit kay Tiya.

Nagmano si Keian kay Tiya.

" Goodmorning po" magalang nitong bati.

Ngumiti si Tiya habang ang taas nung tingin. Ang tangkad naman kasi ni Kei eh.

" Naku, sir. Kayo po ba ang boss ni Nassandra? Masunurin naman po siya diba?"

" Wala naman pong problema kay Nass" nakita ko naman ang ngisi sa labi nito at parehas naming alam na hindi naman ako ganoong masunurin sa mansyon.

" Naku, mabuti naman. Pero iho, hindi ako papayag na mamaltratuhin mo si Nassandra. Aba. Ipapapulis kita." Naku, tiya. Baka hindi makayanan ng pulis si Keian.

Tumango ang lalaki na hinawakan pa ang kamay ni Tiya.

" Hinding hindi ko po iyon magagawa kay Nassandra. I care for her" kuntentong tumango si Tiya tsaka kami pinapasok.

" Kahit na kanina lang nagsabi si Nassandra, mabuti nalang ay may naluto akong pananghalian. Dito muna kayo kumain bago kayo pumunta sa mall" pinaupo kami ni Tiya sa tapat ng lamesa sa may kusina.

Inupo ko naman si Brylle sa baby chair niya.

" Ngayon po ang check up ni Brylle, Tiya?" Parang nagulat pa ito dahil sa sinabi ko.

" Oo nga pala. Nakalimutan ko na"

Tinignan niya kaming dalawa at napangiti.

" May gagawin kasi ako mamaya kaya hindi ko siya madadala sa doktor. Pero sa pwede ko siyang ibilin sa kakilala ko doon at sunduin nalang sa hapon"

" Isama nalang po namin siya ni Keian sa mall para hindi na namin kayo masyadong maabala" saad ko. Tahimik lang na nakikinig si Kei habang kumakain na si Brylle.

" Ay nako Nassandra, kadadala lang sa kanya ni Sir Zeke kahapon sa mall at ibinili ng mga gamit. Ayoko namang masyado siyang mapunta sa mall at baka maging spoiled" tumaas ang kilay ko kasi wala akong kaalam-alam na nag de-tour pa sila Zeke kahapon bago makauwi. Ganoon din ang reaksyon ni Keian.

" Ako nalang ang susundo kay Brylle. Para naman makapag date kayong dalawa. Tsaka isa pa, gusto kong dumalaw sa clinic" napangiti si Keian habang ako, namula. Aba! Sino nagsabing magd-date kami? Hindi naman ah!

" Thank you po" sagot ni Kei. Pinanlisikan ko naman ito ng mata.

" Anne, nasaan yung aking----" napatingin kami sa may kwarto ni Tiya kung saan lumabas ang natigilang si William na naka suit na.

Nanlaki ang mata nang makita si Keian na nakaupo katabi ko tsaka mabilis na yumuko.

" Maître" bati nito.

Tumango naman si Kei.

" It's okay, William. You're not working anyway" napabuntong hininga ito.

" Thank you po" nagkatinginan sila ni Tiya bago bumalik ulit sa kwarto si William.

Oo nga pala, nagkasama na silang nakatira dito...

" Oh, kumain na at baka lumamig yung mga pagkain"

Habang kumakain ay nagtanong si Keian kay Tiya at minsan sa akin, gusto talagang makilala nang husto yung nakapaligid sa akin.

Napangiti naman ako nang tumawa si Kei sa sinabing joke ni Tiya.

Wala siyang ginagawang trabaho, ni hindi nawawala ang ngiti at yung madalas niyang pagtingin sa akin.

" Mama?" napansin siguro ni Brylle na nakatitig lang ako sa matipuno kong boss.

Ngumiti ako kay Brylle tsaka ginulo ang buhok.

" Kain ka lang, anak"

...

----------------------

Tehmterzya\°_°/

Enjoy reading!

If you enjoyed reading Kabanata 39 of MFTMB, kindly vote! Thank you! Much appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

263K 18K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
34.1K 984 5
"You can run but you cant hide, there's no way you can scape from me because YOU ARE MINE!! ONLY MINE ALTHEA !!"
5.8K 347 60
Until when are we going to keep this secret? Is there any chance that this relationship will flourish? Will our love stand the test of time? #kensus...
33.1K 1.5K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...