The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #46: Sadie Hawkins

92K 1.3K 93
By kathipuneraaa

Kahit gaano mo pala paghandaan ang mga bagay bagay, minsan hindi mangyayari yung gusto mo because of one reality; Life tends to disagree to our plans. No matter na kahit gaano ka kahanda na gawin yun, when life meddles, bitching, walang mangyayari sayo. Isang malaking epic fail ang kalalabasan ng lahat.

Christmas break I had plans of breaking up with Robie. But then hindi yun natuloy. Kaya pala siya hindi pumasok nung monday, sinugod sa ospital yung grandfather niya. Plus the confrontation with Elise. So here I am again back at one.

After that, hindi na muna ako pumasok. Alam ng buong klase ang nangyari at wala akong mukha na maihaharap sa kanila.

Grabe talaga ang pagkakataon. Sakto yung timing ng pagkakabati namin ni Annabeth. Now she's here for me. She too cut classes at pumunta kami sa bahay nila. Imagine, kung wala siya nun, ako lang mag isa. Since si Nico din ayaw muna mangailam.

Robie called and told me the bad news about her grandfather later that night. I can sense the pain and sadness sa boses niya. Paano ako makikipagbreak sa kanya kung ganun ang lagay niya? He's too broken at ayoko na muna dagdagan yun.

So my life continued. Kami pa din dalawa. And as weeks passed by, iniwasan ko si Derick. Hindi ko siya binibigyan ng pagkakataon na makausap ako. Even lapitan. As if he doesn't exist.

Siguro tama ng dahilan yung nangyari para itigil ko na totally. That maybe enough is enough. And at this point, I deserve to be with someone who makes me happy. Someone who doesn't complicate my life. Someone who won't hurt me. At hindi si Derick yun. Hindi din si Robie but then magtitiis na lang ako. Though it freaking hurts, wala naman akong magagawa.

"Pakisulat yung name and signature"

My thoughts landed back to Robie. Kailan ba ang perfect timing na makipagbreak sa kanya? Paano kung tama ang payo sakin ni papa nun? Paano kung masaktan ko siya ng husto dahil hulog na hulog na siya sakin? Dahil sobrang pinatagal ko na?

"Name and signature"

Nagsisisi na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong karapatan magalit kay Elise pero naiinis ako sa kanya. She knew everything but then remained silent? And who knows, right? Baka yung mga paglabas labas namin nun apat was manipulated by her.

Sometimes I just cant help thinking na what if nag iba ang sitwasyon. Kung sa umpisa pa lang sinabi na ni Elise na alam niya ang lahat, will it make a difference?

Hindi na siguro mahalaga yun dahil huli naman na ang lahat. Nahulog na din naman siya kay Derick eh. Wala na akong laban dun. Nagpapasalamat na lang ako at february na. Isang buwan na lang mahigit makakaalis na ako dito. Magkakahiwa hiwalay na kami ng landas.

"Wala ka bang narinig?!"

At sa oras na mangyari yun, I will leave everything behind. Minsan nga natatawa na lang ako sa sarili ko eh. Natatawa ako sa mga naiisip ko. Mahal ko si Derick but then siguro hindi din naman siya ang makakatuluyan ko sa huli. Maybe there's someone out there na para sakin talaga.

"Erica!" nagulat na lang ako ng may humampas sa desk ko ng malakas and shouted right on my face. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko nasampal ko na tong si Princess

"Ano ba yun?" iritable kong tanong. Wala naman kasi siya dyan kanina eh! At unusual na nakasigaw siya dahil mahinhin siya.

She rolled her eyes "Kanina pa ako dito, hindi mo ako pinapansin! Ang sabi ko isulat mo yung pangalan mo dito tapos pirma sa gilid!" she said in a high pitched tone and pointed the paper na nasa desk ko. She handed me a pink ballpen.

There are two columns on the paper at may nakasulat na Name and Signature. Ang nakakapagtaka ano naman to?

"Para saan to?" I asked. Ayoko naman na basta na lang mag sign up sa kung ano na wala naman akong kaalam alam

"JS Prom!"

I winced "Pwede pakihinaan ang boses? Hindi naman ako bingi. Tsaka hindi ako pupunta" ibinalik ko sa kanya yung papel at ballpen na may feather pa sa dulo pero hindi niya tinanggap

"What?! Are you serious right now?! Last prom na to, sa college wala ng ganito. Ano ka ba naman, wag ka ngang KJ dyan!" nagkamot siya ng ulo and looked at me with dismay

"Eh ano naman? Hindi naman ako mamamatay kapag di ako nakapunta dyan. Requirement ba yan sa college? Isa pa, sayang pera na gagastusin ko sa pagbili ng gown na isang gabi lang naman gagamitin" pagdadahilan ko. May point naman ako di ba? Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit may JS Prom eh. Ano bang essence nyan? May matututunan ba ako dyan?

"Ang dami mong dahilan! Ang sabihin mo kaya ayaw mong pumunta kasi naiilang ka kay Derick at Elise" pang aasar niya. Napatingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig pero mukhang wala naman dahil walang nakatingin samin. Thank God kasi break time at yung iba hindi pa nakakabalik including Derick and Elise. Hindi naman kasi ako kumain dahil wala akong gana.

"Shut up. Ayoko lang talaga"

Umupo sa tabi ko si Princess at umakbay. Gusto ko sana alisin yung braso niya pero hinayaan ko na lang din siya sa trip niya. "Alam mo, hindi naman masama magpakatotoo sa sarili paminsan minsan"

I tsked "So what?"

"Well what I am saying is, never hesitate to say "I love you" because you'll never know when he'll be gone. I know I am not in the position, wala akong karapatan na mangailam pero kasi Erica, ang sakin lang tutal alam naman pala ni Elise, bakit hindi mo pa sabihin ang totoo kay Derick?"

"Anong totoo?" nagtatakang tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan

"Na mahal mo siya"

Hindi ko alam ang magiging reaksyon but before I knew it, tumatawa ako habang umiiyak. Fuck and I dont know why!

Tinitigan lang ako ni Princess habang pabalya kong pinupunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko.

"There is this thing na palaging sinasabi sakin ng parents ko. If you don't fight for what you want, don't cry for what you lost." may dinukot siya sa bulsa ng skirt niya at maya maya pa inabutan ako ng panyo.

Umiling ako. "I did not lose him. I let him go"

"You do? Kahit na mahal mo yung tao?"

Gusto kong kontrahin yung sinabi niya na mahal ko si Derick. But then I am so tired to do it. So tired of pretending na hindi ko siya mahal kung ang lahat ng tao sa paligid namin hindi naman ganun ang tingin.

So I just said "Dahil ang totoong pagmamahal ay mapagpalaya."

Sa kabila ng matinding pagtanggi ko na wag pumunta sa prom, wala na din akong nagawa lalo na nang puntahan ako ni Princess at Annabeth sa bahay at may dalang gown na isusuot ko.

At syempre nanghihinayang naman ako kung hindi ko yun susuotin dahil bukod sa mahal, ang ganda ganda.. Hindi naman siya magarbo pero nagandahan ako sa kulay. Kaya eto kami ngayon sa bahay at nagtutulakan sa full length mirror.

"Masyado atang makapal ang make up mo, Annabeth" simula nung pag uusap namin ni Princess sa classroom, madalas na din naman siya makasama. Okay naman siya kahit na medyo mahinhin pa din. Naaalala ko nung nagyaya siya pumunta ng bar pagtapos ng Christmas party namin nun. Inutusan lang pala siya ni Alex na magtanong tanong pero hindi pala siya sumama.

Na alerto naman ang bestfriend ko at hinawi kaming dalawa ni Princess paalis ng salamin. "Oo nga noh. Huhu, hindi ko na alam ang gagawin!" pagmamaktol ni Annie at tumalikod para kumuha ng tissue na ipapahid sa mukha niya. Sa school gymnasium lang naman gaganapin yung prom pero base sa mga posters na nakita ko, pagagandahin nila yun.

Sadie Hawkins ang them pero wala naman kaming niyayang lalaki. Ugh, niyaya ko naman si Robie pero hindi siya makakapunta. He's still upset about what happened to his grandfather at madami daw silang inaasikaso.

Gusto ko sana sabihin sa kanya na gusto kong dalawin ang lolo niya pero hindi ko na lang ginawa. Ngayon lang nag sink in sakin na wala pa akong kilala sa pamilya nila (well bukod pala kay Minho). At hindi ko din sigurado ang magiging reaksyon particularly yung mommy at daddy niya.

Na sabi noon ni Derick.. Well, hindi ganun kaganda ang ugali.

"Akin na nga!" kinuha ni Princess yung tissue sa kanya. Hindi ko na sila pinagkaabalahan tignan dahil kailangan ko pang ayusin ang sarili ko. Kinulot ko yung dulo ng buhok ko at naglagay lang ng light make up dahil yun ang nababagay sa damit ko na color beige ang kulay.

"Anak pakibukas" may kumakatok kaya binuksan ko ang pintuan. Pumasok si mama at tinignan ako mula ulo hanggang paa na nakangiti.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko. Kahit hindi mo ako kamukha" sabi niya na ikinasimangot ko. Naaalala ko nung New Year sabi nung kapitbahay namin wala nga daw akong kamukha sa magulang ko. Na kulang na lang pagdudahan nila kung totoong anak ako.

"To naman, di mabiro" bawi niya sa sinabi niya at nagtuloy na sa loob. She was greeted by the two girls at nilingon ako ulit

"Umupo ka at may ikakabit ako sayo" turo ni mama sa upuan na nasa study table ko. Na weirdohan man ako ginawa ko pa din.

Sandali kaming magkatinginan ni mama doon sa salamin hanggang sa nakita kong may dinukot siya sa bulsa niya.

"Ano yan, ma?" tanong ko

"Dyan ka lang" isinuot niya sakin yung kwintas. Yung kwintas na ibinigay sakin ni Derick..

I swallowed hard. Hinawakan ko yung pendant at tumingin lang ng matagal sa salamin. Kailangan ko ba talagang suotin ito?

"Uhm, ma-"

"Bagay yan dyan sa suot mo kaya wag mo tatanggalin" putol niya agad sa sasabihin ko. May isinuot din siya sakin na pearl earings na ingatan ko daw dahil mahalaga yun sa kanya.

"Erica, may sasabihin pala kami sayo mamaya" makahulugang sabi ni Princess na nagpakunot sa noo ko.

"Ano yun?"

"Mamaya nga di ba?" sabad ni Annabeth

Nagtext na ako kay Robie na papunta na ako dahil binilinan niya ako na magtext sa kanya bago umalis para daw alam niya ang whereabouts ko.

Sinundo kami nung driver ni Annabeth na si Kuya Marlon. Bahagya pa siyang nagulat pagkakita sakin dahil matagal na daw nung huli niya akong nakita. Alas syete yung umpisa pero alas otso kami dumating. Na overheard kasi ni Princess sa Student Council nun na alas otso daw talaga ang umpisa. Alas syete lang ang in announce nila dahil alam nilang madaming pa importante at magpapa late - katulad namin. Ugh! Kasalanan naman ni Annie kung bakit kami na late eh. Kinailangan pang ayusin ni Princess yung make up niya.

Halos hindi ko makilala yung mga classmates at schoolmates ko dahil nag ayos talaga sila ng husto. Kahit mga lalaki. Well, ano nga ba ang aasahan ko eh mga mayayaman sila?

Pagpasok namin may photographer na gustong mag picture samin kaya huminto kaming tatlo.

"Oh my gosh. Is she serious?" pipicture an na sana kami pero sabay sabay kaming napatingin doon sa nagsalita. I almost rolled my eyes. Si Eunice na naman.

"Dear, may kaparehas ka ng suot but then I have to admit, you wore it better" sabi niya at nilagpasan na kami kasama yung mga kaibigan niya.

"Saan niyo ba to binili at bakit may kaparehas daw ako?" tanong ko doon sa dalawa na parang nagulat din sa sinabi ni Eunice.

"Ah eh.. Hayaan mo na lang! Baka naman tino troll ka lang nun!" sagot ni Annabeth. Umayos na kami at nagpa picture na.

Starry starry night ang interior ng buong gym. Kinoveran ng itim na kurtina yung mga dingding though hindi ko alam kung paano naging black yung ceiling. Kahit saan ako tumingin may nakikita akong mga stars. Mayroong nakasabit, nakadikit, mayroon pang masscott na star which I found weird.

Marami rami na din tao at kauumpisa lang nung program. Pumwesto kami sa medyo gitna para makita namin yung stage.

"Hey pretty" halos mapatalon ako ng may bigla na lang humawak sakin at humalik sa pisngi ko. Si Nico

Hinarap ko siya at hinampas sa braso "Bigla ka na lang manghahalik!" singhal ko sa kanya dahil medyo nainis talaga ako.

Tumawa lang siya at umupo sa tabi ko. Pang anim na tao naman tong mesa so Annie and Princess dont mind.

"You're pretty, tonight" puri niya sakin

"Ikaw din" sagot ko. Naka all black tux siya na may white rose sa left side. Bagong gupit din siya ng buhok

"You mean, Im pretty too?" I just made a face at hindi na siya kinausap.

First time ko mag prom so na amaze ako sa mga pinag gagagawa sa stage kahit hindi ko alam ang tawag dun. Basta may mga ipinapasa na items yung mga piling fourth year sa ilang third year. Sabi ni Princess, key of responsibilities daw ang tawag. May inabot pang mga papel samin kung saan isusulat namin ang gusto namin maging Prom Queen at Prom King. Tumingin ako sa paligid at si Annabeth Dela Vega ang isinulat kong Prom Queen habang si Alex Cervantes naman sa Prom King. Masyado naman kasing bias kung si Nico ang iboboto ko.

Mga bandang nine pm kami kumain. Masasarap naman lahat pero nagsettle ako sa cordon bleu. Pagtapos daw nito malaya na kaming isayaw ang gusto namin isayaw. Maya maya nakita kong naglalakad si Derick at Elise. Magkahawak sila ng kamay. Naka blue na tux si Derick habang si Elise..

Napatingin ako sa suot ko at sa suot niya. Parehas na parehas. Though mas liberated yung kanya dahil nakalabas ang buong likod niya.

"Akala ko nangti trip lang si Eunice kanina" sabi ni Princess. Exactly my thoughts..

Naramdaman ata nila na may nakatingin sa kanila. Napatingin sakin si Derick so I looked away immediately at sumipsip ng juice.

"Is that the kind of girl na gusto nila Mrs. Lusterio sa anak nila? A slut" sabi ni Annabeth. Tinignan ko siya ng masama but she just shrugged "Nagsasabi lang naman ako ng totoo"

"You should not just someone on the way they dress" napatingin kaming tatlo kay Nico na nagsabi nun

My eyes landed on Annabeth again and silently pleaded to her na manahimik na lang.

Nag awarding muna. Si Elise ang Prom Queen habang si Alex ang Prom King. One vote lang daw ang lamang ni Alex kay Derick. Habang ako naman ang best in gown. Which I found weird since pareho kami ni Elise ng suot. But then sabi nung host, I wore it better than her.

The lights dimmed, the music played and the dance began. Akala ko magiging awkward dahil nga babae ang magyayaya sa babae but it turned out na ang cute din pala tignan. Actually parang wala namang tanungan na nangyayari. Basta na lang manghahatak yung mga babae at ayun isasayaw na.

My first dance was Nico. Then Alex, at ilan pang mga classmates ko maliban kay Derick. Hindi ko na na makita si Annabeth at Princess but I suppose na nage enjoy din sila.

Nang tapos na kaming sumayaw ni Jared, nagpaalam muna ako na kukuha ng maiinom dahil nauuhaw ako.

"Hey" may lalaking biglang lumapit sakin pero hindi ko kilala.

"Uhm, hey" sagot ko out of politeness, sabay lagok sa orange juice na hiningi ko doon sa waiter.

He smiled "Will you ask me to dance with you?" ilang segundo akong hindi nakapag react sa sinabi niya. Ibinaba ko na muna yung baso at hinarap siya uli

"Sige. Can I dance with you?" natatawang tanong ko. He nodded at kinuha ang kamay ko papunta ng dancefloor. On time ang pagdating namin dahil sakto na tumugtog yung You and Me ng Lifehouse.

"I know you're wondering kung sino ako but then let's just say na isa akong concern citizen" he started. Nasa bewang ko yung isa niyang kamay habang yung kaliwang kamay ko hawak ang kanan niyang kamay na nakaangat sa ere.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya "Huh?"

"See, I am here because I am paid by someone" at mas lalo yun nakadagdag sa pagtataka ko. He saw it coming na bibitaw ako sa kanya kaya hinigpitan niya ang hawak sakin

"Do not be afraid. Hindi kita sasaktan. May kailangan lang akong sabihin sayo"

"Sino ang nagbayad sayo?" neutral na sabi ko though deep inside kinakabahan na ako.

"Not allowed to tell"

"Pwes bitawan mo ako" pagpupumiglas ko

"Oh please kailangan mong makinig sa mga sasabihin ko" pakiusap niya habang seryosong nakatingin sakin

I stopped wiggling at huminga ng malalim "Anong sasabihin mo?"

"Yung boyfriend mo. May pakakasalan na iba"

The lights darkened, the music stopped playing and the people around us seems to disappear. Inaasahan ko na pagtapos niyang sabihin yun tatawa siya ng malakas at sasabihin na binibiro niya lang ako but it didnt come.

"I know it's hard to believe pero yun ang totoo. He's engaged to be married to someone else"

Umiling ako "No.. No.. No.."

"Have you ever wonder kung bakit kahit kailan hindi ka man lang niya pinakilala sa magulang niya?"

"You're lying"

Sabi ko at ginamit ang buong lakas ko na makawala sa kanya. Nagmadali akong bumalik sa mesa namin. Sakto naman na nandun si Annabeth at Princess.

"Uhm, Erica favor naman" sabi sakin ni Princess.

"Ano yun?"

"Pwede pumunta ka sa CR sa fifth floor? Nandun kasi yung pinsan ko eh nasa kanya yung pouch bag ko. Pakikuha naman sa kanya"

I rolled my eyes "Bakit hindi ikaw ang kumuha?"

"Masakit kasi ang mga paa ko. May sugat nga oh" lalapitan ko sana siya para tignan pero pinigilan nila ako ni Annabeth to much to my surprise. Ano bang problema ng dalawang to?

"Sige na, Erica please"

"Besh, samahan mo ako"

"Wag mo na isama si Annie. Huhu walang magbabantay sakin" sabi ni Princess in a sour face. Mukha ngang masakit talaga yung paa niya.

Nag nod na lang ako "Ano bang kulay ng damit nung pinsan mo?"

"Mahaba ang buhok niya at nakaputi" tumalikod na ako para lumabas at umakyat sa fifth floor

Sa pagkakaalam ko may CR naman dito sa third floor, bakit kailangan doon pa? Tsk, anyway umakyat na lang ako.

Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako dahil ang dilim. Pero mula dito nakikita ko yung pinto ng CR na nakabukas at yung ilaw sa loob na maliwanag. So may tao nga sa loob.

"Hello, nandito ba ang pinsan ni Princess Piñero?" sigaw ko pagpasok ng CR pero walang sumagot. Naglakad ako at inisa isa yung mga cubicle.

"Whoa!" sisigaw na sana ako pero paglingon ko sa pintuan parang nalunok ko yung dila ko dahil nakita ko si Derick

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.

Bago pa siya makasagot, nakita ko si Annabeth at Princess na papasok din dito at mga nakatawa pa. Ang akala ko papasok sila pero laking gulat ko ng hilahin nila yung door knob at kinulong kaming dalawa ni Derick.

"Hoy palabasin niyo kami!" sigaw ko at kinalampag yung pinto. Pinihit ko yung doorknob at hinatak pero mas malakas sila syempre dahil dalawa sila.

Tinignan ko si Derick na nakatingin sa salamin at inaayos ang buhok niya "Hindi mo man lang ba ako tutulungan?!" frustrated na tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya "Nope"

"Erica, about pala doon sa sasabihin namin, uhm.. Si Derick yung bumili niyang damit mo!"

Nanlaki ang mga mata ko "Palabasin niyo na kami hindi na nakakatuwa!"

"Hahaha. Dyan na lang muna kayo hanggang sa masabi mo na kay Derick na mahal mo siya. Hahaha. Tsaka malay mo makita niyo yung pinsan ko na nakaputi at mahaba ang buhok. Awoooo!" pang aasar ni Princess at maya maya pa naririnig ko yung mga yabag nila na papalayo na.

Sumuko na ako dahil hindi ko na kaya. I dont know how come na nai lock nila eh nandito kami sa loob

"Naka padlock tayo" sinagot ni Derick ang tanong ko

Tinignan ko siya ng masama "Ano bang problema mo?! Bakit hindi mo man lang ako tinulungan?!"

"Ako nagsabi na ikulong nila tayo so bakit kita tutulungan?"

"HUH?!"

He covered his ears "Sweetheart, please. Ang sakit sa tenga ng boses mo"

"Eh bwisit ka eh!"

"One"

"Oh bakit ka nagbibilang?!"

"Two"

"Three, four, five, six, sev-" and I was cut off by a kiss

Continue Reading

You'll Also Like

179K 3.1K 29
Started: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED
32.8K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
262K 17.9K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
7.7M 201K 39
She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mother's friend together with her two daughte...