Sprouted Desire ✔

By dyrnevaia

136K 3.1K 804

Hacienda Series I Cresencia More

SD
Love, Dyrne
Paunang Silip
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata

Kabanata 17

1.6K 54 5
By dyrnevaia


Tulala lamang ako hanggang sa nakarating sa harap ng tinggalan. Bukas ang dalawang malaking pintuan at mula sa labas ay kita ang mga nakaimbak na nakasakong pagkain at bigas sa loob ngunit wala ni isang tao.

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isip ang narinig kanina. Totoo bang wala na si Simon at Winona? Kinapa ko ang dibdib para pakiramdaman ang sarili... wala akong makapang ibang emosyon maliban sa konsensya.

Pakiramdam ko'y ako ang dahilan bakit naghiwalay na ang dalawa. Malalim akong humugot ng hininga bago bumaba kay Valir at itinali siya sa labas. Hinawi ko paalis ang suot na sumbrero at naglakad papasok para lang matigilan nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina.

The man I was avoiding for a week came out from my office while holding a dustpan on his left hand. Napaawang ang kaniyang labi at natigilan nang makita ako pero agad ding nakabawi at napaayos pa ng tayo.

"Magandang umaga," bati niya na parang walang ibang nangyari kamakailan at itinapon ang laman ng dustpan sa basurahan na nasa labas lang ng silid.

Naalala ko na naman tuloy ang narinig kanina. Huminga ako nang malalim bago lakas-loob na naglakad palapit kahit pa gusto nang matumba ng aking mga tuhod.

Nanatili siya sa pagkakatayo at pinagmasdan akong makalapit. Hindi ko maiwasan ang mapalunok nang paulit-ulit. A familiar sensation crawled in my nerves as my eyes were locked on his. Hindi ko na yata mapipirmi kahit kailan ang dibdib sa tuwing nariyan siya.

I held my head high and bravely stared at him. "Totoo bang wala na kayo ni Winona?" Hindi ko alam kung saan ko pinulot ang tapang ko.

Mula sa kalmadong ekspresyon ay bahagyang nandilim ang kaniyang mukha. "Saan mo nalaman 'yan?" Sa halip ay tanong niya.

I clenched my fist and narrowed my eyes on him. "So totoo nga? Bakit? Sa ano'ng rason? Kasalanan k-ko ba?" Hindi ako magkandaugaga.

Kung normal lang na araw ito ay tiyak kong hindi ko matagpo ang mata niya dahil sa nangyari sa ilog.

Hindi nagbago ang kaniyang reaksyon. Inilapag niya ang hawak na dustpan sa gilid at ibinulsa ang mga kamao sa bulsa ng pantalon. "Wala kang kasalanan—"

"No!" I immediately cut him off. "Alam kong kasalanan ko kung bakit. I-is it because of what happened in the riverside?" My lips trembled a bit as I uttered that. He deeply sighed and avoided my gaze. Napalunok ako nang malalim. "I'll talk to Winona."

Tumalikod na ako at akmang maglalakad palabas nang agad na akong napigil ng kamay nito. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan," mas lumalim ang kaniyang tono.

Nanginginig kong iwinaksi ang braso at iniwas ang tingin mula sa kaniya. I bit my lower lip but it remained from trembling. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko, nakagawa ako nang malaking kasalanan.

"I-I'm sorry. Oh dang, I just ruined a relationship!" Lubos kong paninisi sa sarili bago napahilamos ng mukha at doon napaiyak.

I was guilty about what happened to them!

"Hey..." he softly murmured and moved closer to comfort me.

Para akong napapasong lumayo sa kaniya at inis na inalis ang mga luha. Sa isip-isip, pinagmumura na siguro ako ni Winona nang ilang beses.

"I-I'm sorry," nausal ko na lang habang pilit na pinapakalma ang sarili. "It's my fault."

Matigas siyang umiling. Gustuhin man niya ang lumapit ay napapaatras naman ako kaagad. "Wala kang kasalanan. Parehas naming ginustong maghiwalay."

"Hindi ako naniniwala."

Kita ko kay Winona kung gaano niya kamahal si Simon na tipong ayaw nitong malingat para lang sa lalaki. Hindi ko man alam ang tunay na rason ng kanilang hiwalayan ngunit alam kong malaki ang parte ko roon.

"Bakit ngayon ka lang pumasok?" Pagpapalit niya ng usapan.

Awang ang bibig ko siyang tinitigan. Hindi ako makapaniwalang parang wala lang sa kaniya ang aming pinag-uusapan!

"Wala muna akong balak bumalik sa trabaho," saad ko na lang bago tumalikod sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" Ramdam ko ang kaniyang pagsunod.

Suminghot ako dala ng madaliang pag-iyak kanina. "Uuwi." Hindi ko talaga kayang makasama siya ngayon lalo na't bukod sa nangyaring halik ay mukha ni Winona ang naiisip ko sa tuwing nagagawi kay Simon.

Mabilis kong inalis sa pagkakatali si Valir at agad sinakyan bago pinatakbo iyon nang mabilis nang hindi na nilingon ito. Nadaanan ko ang kubo at kitang napatayo ang mga tao roon pero mabilis ko lang silang nilampasan at hindi pinansin kahit pa may nagtawag sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.

Pagdating sa tapat ng bahay ay iniwanan ko na si Valir kay Mang Dorio na taka akong sinundan ng tingin. Pagpasok sa bahay ay gulat ding napatitig sa akin ang mga kasambahay.

"Oh kaaalis mo lang kanina Senyorita ah?" Kunot-noong sita ni Babet habang may hawak na mga kurtina.

Ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya, "Si Papáng pala?"

"Ah, naroon sa library."

Mabilis akong nagpasalamat at humakbang na pataas sa hagdan. Mabibigat ang yabag kong tumungo sa library at biglang binuksan iyon. Napatingin sa akin si Papáng mula sa pagbabasa sa dokumentong hawak niya.

"Anak? Ba't ang bilis mong umuwi?" Taka niyang bungad.

Marahan naman akong napangiti bago lumapit sa kaniya at umupo sa katapat niyang upuan. Humugot ako nang malalim na hininga bago siya ninakawan ng tingin.

"Uhm... Papáng can I request something?" I made sure that I fluttered my eyes properly.

He removed his reading glasses and gently put his hands together above the table like he was about to negotiate with me. "Of course anak. Ano ba'ng nais mo?"

I mentally swallowed the lump in my throat before avoiding his eyes. "Uh, kung puwede sana Papáng, palitan ko na lang si Simon? Si Rigor na lang po sana." Halos mapigti ang hininga ko sa pagsambit.

Nagsalubong ang kaniyang kilay at waring hindi nagustuhan ang aking sinabi. "Bakit? Maayos at maaasahan si Simon kaya't siya ang pinili kong kasa-kasama mo."

I bit my lower lip. "Eh... kasi Papáng—"

"May nangyari ba sa inyong dalawa na hindi ko alam?"

Nanlaki ang mga mata ko at napailing nang paulit-ulit. "Wala Papáng!" pagdedepensa ko.

Mataman niya lang akong tinitigan. Kinalma ko ang sarili at napayuko na lang.

He withdrew a deep breath afterwards. "I'll think about it first."

Napahinga ako nang maluwag bago tumango. Tumayo na ako at nginitian siya na parang walang nangyari. "Thank you Papáng. I'm going now!"

Lutang akong lumabas at dumiretso na lang sa kuwarto para magmuni-muni. Wala na talaga akong balak bumalik sa tinggalan dahil sa nalaman. I did nothing but to stare at my ceiling the whole day. Buti na lang at hindi nila alam na nagmumukmok lang na naman ako sa kuwarto maghapon.

At exactly eight in the morning, I was now ready to go out. Nakaligo na ako't nakabihis para pagkatapos kong kumain ng almusal ay diretso na akong aalis. Wala akong balak magtrabaho ngayon kaya't kagabi pa lang ay nakahanda na ang mga gagamitin ko sa pagtambay sa tabing ilog mamaya.

Palapit na ako sa dining nang mapakunot-noo dahil sa ingay ni Mamáng.

"Oh sure hijo. Just wait on her—oh, narito na pala si Cresencia." Mamáng chirped the moment she saw me.

I mentally grimaced when Wendell stood up with a big smile plastered on his face. "Good morning Cresencia," he greeted and went on me to give me a peck on my right cheek. "Naisip ko lang na dalawin ka dahil wala naman akong masyadong trabaho ngayon." He get the bouquet and handed it to me.

Sapilitan akong napangiti lalo na't marami ang matang nakatutok sa amin. "Thank you. Nag-abala ka pa."

"Nah, that's okay."

I placed the flower above the table and greeted my parents. Wendell sat beside me and gave me my breakfast. My mood suddenly changed. I wanted to unwind and have my rest alone in the river later on but seemed like it wasn't gonna happen anymore.

"Bakit hindi mo kasama si Helena?" Mamáng queried in the middle of our breakfast.

"Busy po sila ni Papa ngayon."

Tumango na lang si Mamáng habang si Papáng ay tahimik lang tulad ko. "Your visit is a blessing in disguise hijo. My daughter seems so bored here for the past few days, maybe you can lift her mood again!"

Muntik na akong mabilaukan dahil sa narinig. Pinanlakihan ko si Mamáng ng mata ngunit ngumisi lang siya sa akin.

"Gano'n ba Tita? Plano ko rin po sanang pumasyal ulit sa inyong hacienda. Maybe we'll ride a horse again, what do you think?" Nilingon ako nito.

Gustuhin ko mang tumanggi ay alam kong hindi naman iyon uubra kay Mamáng kaya't tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"That's great! You two have fun later!" Kulang na lang ay pumalakpak na si Mamáng.

Like what was told. Dumiretso na kami ni Wendell sa kuwadra matapos naming magpaalam. I fell silent the whole time going there. Wala naman kasi akong masabi.

"I want to ride the same horse Cres." Wendell blurted out when we entered inside.

"Sure," I replied before unlocking Brisko's cage.

Tumungo na ako sa pinakadulo kung nasaan si Valir at inilabas na rin. Pinauna kong pinalabas si Wendell sa kuwadra at sumunod ako. Nanguha ako ng libreng sumbrero na nakasampay sa loob at ibinigay kay Wendell.

Nakangisi nitong tinanggap iyon. "Thanks."

Tumango na lang ako at sumampa na sa likuran ni Valir. Gano'n din ang ginawa ni Wendell at pinagalaw na si Brisko. I slowly pulled the reins that made Valir started walking. Hindi pa lang kami nakakalayo sa kuwadra nang matigilan ako pagkakita kay Simon na patungo sa aming pinanggalingan.

Natigilan siya sa paglalakad at napatitig sa akin bago sa aking kasabay na si Wendell. I couldn't help myself but wander my eyes around him. He was sporting a dirty brown sleeveless shirt that showed his biceps paired with his usual rugged tattered jeans.

"Cres..." Agad akong napabaling kay Wendell na nauuna na pala sa akin. His forehead creased. "Any problem?"

Mabilis akong umiling bago sumulyap muna kay Simon na hindi pa rin gumagalaw mula sa pagkakatigil. Ang madidilim na mata nito ay nakatutok pa rin sa amin. I gulped hard then avoided his gaze. Hindi ko alam sa sarili kung bakit parang gusto kong magpaliwanag sa kaniya para hindi siya bumuo ng konklusyon sa nakikita.

Upang iwaglit ang iniisip ay pinabilis ko na lang sa paglalakad si Valir at hindi na muling lumingon pa tulad ng ginawa ko kahapon.

Ipinasyal ko muna si Wendell sa palayan ngunit agad din siyang nabagot doon. Muli kaming nagpagala-gala hanggang sa bigla siyang tumigil. Nasa kalagitnaan na kami ngayon sa pagitan ng manggahan at palayan. Kanina pa tumatagaktak ang aming pawis dahil sa init.

"I want to go there," he uttered before pointing to the river.

Hindi ako agad nakaimik. I knew the river wasn't mine but I wanted it only for myself. Wala akong gustong ipunta roon maliban kay... napailing na lang ako.

"Pero mamaya ay magtatanghali na," pasimpleng kontra ko.

"Hindi pa naman ako gutom. Gusto kong maligo ro'n." Pagkasabi niya no'n ay agad na niyang pinatakbo si Brisko.

Pinaglapat ko nang mahigpit ang mga labi bago walang sabing sumunod sa kaniya. I had no choice but to let him invade my haven. Habang papalapit ay hindi ko maiwasan ang pagdagsa ng emosyon dahil sa naalala.

This river witnessed my aggressiveness that night. I felt my cheeks burn because of that.

Wendell removed his shirt after tying Brisko on the tree. Iniwas ko ang gawi nang bigla itong lumingon sa akin.

"C'mon Cres. Let's take a dip!" Hindi na nito hinintay ang sagot ko dahil binagsak na niya ang sarili sa tubig bago sumigaw at humalakhak.

Napailing na lang ako habang pinagmamasdan siyang tuwang-tuwa sa ilalim ng tubig. He shouted and signaled me to join him. Nagkibit-balikat ako bago agarang inalis ang suot na boots. Buti na lang pala at maong short ang suot ko at ang nakasanayang manipis na polo shirt.

Inilubog ko ang sarili at pumunta sa bandang ilalim na malayo kay Wendell. Sinangga ko ang pag-agos ng tubig at kay ganda sa pakiramdam ng lamig niyon kahit pa tirik ang araw.

Nalukot ang mukha ni Wendell nang balingan ko siya. I raised my left eyebrow. "What?"

"Why don't you remove your clothes? It's okay if you want to remove them."

I shook my head immediately and let myself sank deeper. "I'm fine." Tuluyan akong lumubog sa ilalim ng malinaw na tubig para maiwasan ang pakikipag-usap sa kaniya.

Hindi ko maiwasang mapasimangot sa isip. My plan for today was ruined because of this man. Kung maliligo man sana ako sa ilog ngayon, gusto ko ay ako lang mag-isa at naka-two piece pa!

We spent almost an hour in the river. Napatili pa ako nang biglang siyang lumitaw sa harapan ko at agad akong sinabuyan ng tubig sa mukha. Umalingawngaw ang aking tili hindi dahil sa tuwa kundi sa inis. Wendell barked a laugh and did it twice again.

Sa inis ko ay sinabuyan ko rin siya pabalik na mas lalo atang nagpasaya sa kaniya. Gantihan lang kami sa pagsaboy ng tubig ngunit dehado ako. Napatili akong muli nang makainom ako ng tubig na siya na namang kinahalakhak ni Wendell.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinigilan na lang. "Nakakainis ka!" asik ko at tuluyan siyang tinalikuran para sana umahon na nang namilog ang aking mga mata sa gulat. Dinamba ako ng kakaibang pagtibok ng puso. "S-Simon!" I stuttered like a caught cat.

He stood there like mighty while his brooding eyes stared at mine. Suwabe lang na nakasuksok ang kaniyang mga kamao sa bulsa ng pangharap na pantalon. Ang labi ay mariing nakatikom na parang nagtitimpi sa isang bagay.

"Sino 'yan?" Ramdam ko ang paglapit sa akin ni Wendell at pag-aalalay na makaahon.

Hinamig ko ang sarili nang makatayo. Humapit sa akin ang suot na pang-itaas dahil basa ito. I shyly bowed my head. Pakiramdam ko'y hubad ako ngayon sa kaniyang harapan.

Walang sumagot sa tanong ni Wendell. Sa halip ay iba ang sinabi ni Simon.

"Pinapatawag ka ng Senyor... Senyorita," mababa niyang turan bago kami tinalikuran at lumapit sa kabayong malamang ay kaniyang sinakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

60.7K 2K 44
COSTA ESTRELLA SERIES # 1 Being the only heiress of their family's legacy, Thalia Soriano is promised to marry a man that she never met for the sake...
435K 10.3K 36
Zahara Ivy Aguirre has always been in the mood to play the game but not with Phoenix Figueroa. It's all just fun and game but his intense gaze would...
12.2K 399 50
An Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya...
216K 4.5K 55
The original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya nama...