Tierra Alta Series #1: Silent...

By ayiyaa

2.3M 36K 15.2K

Tierra Alta Series #1 | Silent Whisper of the Heart Emerencianna's life changed after her father decided to g... More

Warning
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Wakas
Announcement

Kabanata 4

37.9K 670 254
By ayiyaa

Kabanata 4

Reyalisasyon

Pagdating namin sa mansion ang unang sumalubong sa akin ay si Donya Celeste. Katulad ng dati ay pusturang-pustura ito. Mabilis niya akong nilapitan at sinuri.

"I heard what happened, hija. Are you alright? Nagmamadali akong umuwi dito nang mabalitaan ko ang nangyari sayo." Aniya habang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. She even held my hands.

Tipid akong ngumiti kay Donya Celeste. I really appreciate her concern.

"Nothing to worry about. I'm good, Donya Celeste. Pinalabas din po ako after maging maayos ang pakiramdam ko." Paniniguro ko sa kanya.

Umiling siya.

"Kumain ka daw ng pagkain ng mga trabahador kaya na food poison ka? Si Marian daw ang nagluto." Nag-iba ang kanyang ekspresyon at tono ng boses nang sabihin iyon.

Umiling ako pero mabilis akong naunahan ni Israel na sumagot para magpaliwanag. Tumutol sa sinabi ni Donya Celeste.

"Allergic siya sa pagkaing dinala ni Marian kaya nagkaroon siya ng allergic reaction. Walang may gusto sa nangyari sa kanya, Lola." Depensa niya kay Marian.

Maarteng pinaikot ni Donya Celeste ang kanyang mga mata at hinarap ang apo. Hindi makapaniwala na mas kinampihan pa nito si Marian kesa sa kanya.

"Huwag mo ng kampihan pa ang babaeng iyon! Baka sinadya niya talaga ang lahat ng nangyaring ito kay Sianna! Napansin niya kasing sobrang nagiging malapit na kayo sa isa't-isa! She's jealous, hijo!" Paratang niya kay Marian.

Gusto kong sagutin at sabihin kay Donya Celeste na napakaimposible ng sinasabi niya. Kailan pa kami naging malapit ni Israel? Ni hindi ko nga nakakausap ang apo niya at hindi ko rin nakakasama dahil laging mainit ang ulo sa akin ni Israel sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Nagsisimula pa nga lang akong gumawa ng paraan para mapalapit dito pero sa hospital naman ang kinabagsakan ko.

Sasagot na sana ako para sabihin na tama si Israel na walang kasalanan si Marian sa nangyari sa akin nang matigilan ako. Nagulat ako nang makita ko si Marian na nakatayo sa likod ni Israel. Sabay ata silang pumasok ni Xavier. Alam kong narinig niya ang lahat ng sinabi ni Donya Celeste patungkol sa kanya. Bigla akong nahiya dahil doon. She doesn't deserve those accusations.

Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha nang lumakad siya palapit sa akin at hindi binigyan pansin si Donya Celeste. Nakita ko ang gulat sa mukha ng Donya nang makita siya pero mabilis ding umismid.

Tiim ang bagang ni Israel pero mabilis rin na lumambot ang kanyang ekspresyon nang malipat kay Marian ang kanyang mga mata.

"I'm sorry for what happened, Sianna. Hindi ko alam na allergic ka pala sa seafoods. Alalang-alala si Papa sayo. Pasensya na daw sa nangyari." She apologized as she looked at me worriedly.

Mabilis akong umiling sa kanya. Wala silang kasalanan.

"No, please, don't say that. Huwag kayong humingi ng tawad dahil wala naman kayong kasalanan. You all didn't know that I'm allergic to those foods. It was my fault. Hindi ko tinangihan ang alok niyo kanina kahit alam kong allergic ako sa mga iyon dahil nakakahiyang tumangi sa pagkain. I'm really sorry for causing trouble. Please tell your father that I'm fine at wala siyang kasalanan." Mahabang paliwanag ko.

Ngumiti naman siya at tumango. Mukhang nakahinga ng maluwag nang malaman na hindi ko sila sinisisi.

"Maraming salamat. Mauna na ako. Pumunta lang talaga ako dito para makita kung maayos kana. I'll go ahead, Donya Celeste." Paalam niya kay Donya Celeste bago tuluyang lumakad paalis nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Israel.

Sumulyap kay Israel si Xavier bago hinatid si Marian palabas.

"That mannerless girl! Hindi man lang marunong bumati nang pumasok sa pamamahay ko!" Napapailing na sambit ni Donya Celeste pagkatapos ay binalingan ako ng tingin. "Hija, sa susunod huwag kang kakain ng mga pagkaing galing sa mga trabahador dahil hindi ka sanay sa mga iyon. You will end up back in the hospital again if you do that. Bueno, aalis na ako. Dumaan lang talaga ako para i-check kung okay kana." Niyakap niya ako sandali bago hinarap si Israel.

Lumapit naman si Israel sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo.

"Take care." Ani Israel.

"Thank you, hijo. Ikaw na muna ang bahala dito habang wala kami ng Lolo mo. Babalik na si Icen ng Maynila bukas. He's with your Lolo right now. May inaasikaso lang kami sa resort. Take care of Sianna." Habilin niya sa apo.

Tumango naman si Israel.

Hinarap pa ako ni Donya Celeste para muling magpaalam bago tuluyang lumakad paalis. Naiwan kaming walang kibuan ni Israel. Napansin kong titig na titig siya sa akin. For the first time ay tiningnan niya ako ng ganito katagal. Hinintay kong magsalita siya pero hindi iyon nangyari. I shrugged my shoulders and decided to leave.

"Mauna na ako." Paalam ko sa kanya.

Akmang tatalikod na ako nang magsalita siya.

"Are you really alright?" He asked.

Natigilan ako sa kanyang tanong. Hindi inaasahan na itatanong niya iyon. Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nakabawi at dahan-dahan na tumango sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin sa buong katawan. Tinitingnan kung may mga pantal pa rin ako.

"Tomorrow after breakfast ipapasyal kita. Magpahinga kana." Matapos niyang sabihin iyon ay lumakad na siya paalis at naiwan naman akong hindi pa rin makapaniwala.

He will tour me around? I didn't expect that from him. I wasn't expecting him to ask me out to tour me. I thought I would find another way to get closer to him, but I guess I was wrong. A smile slowly creeps onto my lips. I'm excited about tomorrow. I will make sure that I get ready early. I don't want him to wait for me because it might not happen again. This is my chance to prove myself to him.

Matapos kong kumain ng hapunan na pinadala sa akin dito sa kwarto ko, mabilis kong binalikan sa kama ang mga damit na binili sa akin ni Donya Celeste kahit pa nagbilin daw si Israel na matapos kong kumain ay magpahinga na ako dahil kakagaling ko lang sa hospital. Iyon ang sabi ng katulong pero hindi ko sinunod.

Nagkalat sa ibabaw ng kama ko ang mga damit. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin kong suotin para bukas. Ilang beses akong nagsukat pero wala akong napili sa mga isinukat ko kahit pa magaganda naman ang mga iyon.

This is so frustrating!

Pagod kong ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama. I breathe deeply. Bakit ba kasi masyado kong pinaghahandaan ang susuotin ko para bukas? Hindi naman marunong tumingin ng fashion ang mga taga probinsya at mas lalong wala namang pakialam si Israel sa ayos ko.

Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga bago ako tumagilid sa pagkakahiga. Ilang sandali pa akong nagmuni-muni bago napukaw ng isang puting dress na natatakpan ng mga skirt at dresses na sinukat ko kanina ang atensyon ko. Hinugot ko iyon mula sa ilalim at itinaas pagkatapos ay pinagmasdan ko ng mabuti.

It's a sleeveless white dress. Simple lang ang disensyo pero elegante. It's from Dior. Tumayo ako para isukat iyon pagkatapos ay lumakad ako palapit sa salamin para pagmasdan ang sarili. Umabot ang tabas noon hanggang sa gitna ng mga hita ko at saktong-sakto iyon sa katawan ko. Mabilis akong nagdesisyon na ito na ang susuotin ko para bukas. Mag pa-flats na lang ako.

Hinubad ko ang dress at maayos iyong ibinalik sa loob ng closet bago ko iniligpit ang mga damit na nakakalat sa kama at hinanger muli ang bawat isa pagkatapos ay isinabit ko sa closet ko. Matapos kong maglinis ng katawan ay dumiretso na ako sa higaan. Ayokong tanghaliin ng gising bukas.

Humikab ako kaya't awtomatikong napatakip ako ng bibig. Ipipikit ko pa lang ang mga mata ko nang makarinig ako ng katok sa labas ng pinto. Nangunot ang noo ko. May nakalimutan ba ang katulong? Tumayo ako para buksan ang pinto at bumungad sa akin si Xavier.

"Ikaw pala." Nilakihan ko ang siwang ng pinto at pinapasok siya sa loob.

"Chineck ko lang kung maayos ang lagay mo. Hindi kana ba nahihirapan huminga? You scared the hell out of me when I saw you struggling to breathe." Malambot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin, bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

Natatawa akong umupo sa kama.

"Hey! I'm fine. Sorry kung nag-alala kayong lahat sa akin kanina. See? I'm still alive and breathing." Biro ko sa kanya.

Hindi siya natawa sa sinabi ko at nanatiling seryoso ang kanyang ekspresyon habang nakatitig sa akin.

"Don't do that again, Emerencianna. Pinag-alala mo ako." Mariin niyang sambit.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at nagtataka siyang tiningnan.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit ba sobrang nag-aalala ka para sa akin? Don't get me wrong pero bodyguard lang naman kita. You're acting like my father. You're too concerned about my well-being. Do you like me? I'm sorry, but I don't like you. May iba na akong nagugustuhan." Diretsahan kong sabi.

Ayokong umasa siya at masaktan sa bandang huli. I preferred him to be my friend. Isa pa, hindi ko siya type.

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang naubo at may pandidiri akong tiningnan. Umiling-iling pa siya.

"You're so full of yourself, woman. Don't say that ever again. Kahit kailan ay hindi ko na imagine iyang pinagsasabi mo at hindi kita gusto sa paraang inaakala mo." Lukot ang mukhang aniya.

Humagalpak naman ako ng tawa nang may napagtanto ako.

"Easy! Why are you so mad? Nagtatanong lang naman ako. Hmm... are you gay? Pero hindi halata, ah? You're good at hiding the real you. Sayang ka kung ganon nga pero hindi naman ako against sa lgbtq. Meron din naman akong mga friends na... alam mo na." Lalong nalukot ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"Do I look like I'm fucking gay to you?" Napipikong tanong niya na halos ikinatalon ko sa kinauupuan ko.

"Hindi ba?" Hindi siguradong tanong ko.

Mukha siyang asar na asar na sa akin at kaunting salita ko pa ay mukhang mapipilipit na niya ang leeg ko. Napalabi naman ako. Mukhang nagkamali ako.

"Oh! I thought... I'm sorry!" Mabilis kong hingi ng tawad sa kanya. Nakakahiya! Akala ko talaga.. nevermind!

Maya-maya pa ay nagpipigil na siya ng ngiti habang pinagmamasdan akong hiyang-hiya.

"I don't like you the way you were thinking. You remind me of my younger sister. That's why I've always wanted to protect you." Ngumiti siya pero hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang mga mata.

"K- Kaya mo ba siya hindi nakakasama dahil nagtatrabaho ka bilang bodyguard ko?" Maingat na tanong ko.

Tumango naman siya.

Pareho kami ng nararamdaman. I miss my father too pero wala akong magawa kundi ang maghintay. Ayokong gumawa na naman ng ikakapahamak ng mga taong nakapaligid sa akin lalo na si Daddy. I kept patiently waiting for his call. I want to see him. I wanted to hug him, but I couldn't.

Nalungkot naman ako para kay Xavier. He patted my head before he smiled.

"Hey! Remove your hand. I'm not a dog." Reklamo ko kahit ang totoo ay nagugustuhan ko iyon.

Tumawa siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko. Tuluyan akong sumimangot.

"You're cute."

"I'm not! I'm stunningly beautiful!" Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.

"Ang yabang!" He said in an amused tone.

I rolled my eyes.

"Dahil may ipagyayabang naman talaga ako." Biro ko pa para mabawasan ang lungkot sa kanyang mga mata.

"May ipagyayabang rin naman ako. I'm more handsome than Israel. Pangit naman 'yon." Mayabang niyang saad.

Umangat ang kilay ko.

"Huh! Asa ka pa! Masyadong common ang mukha mo kumpara sa kanya."

Nawala ang nakapintang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi matangap ang sinabi ko. Natamaan ko ata ang ego niya. His eyes narrowed and his forehead creased.

"This face is common?" Turo niya sa mukha niya. "Wala ka talagang taste pagdating sa mga lalaki, sabagay yung mga naging boyfriend mo nga dati mukhang mga surot kaya hindi na ako magtataka na mas gwapo sa paningin mo si Israel." Mayabang na sabi niya.

Nalukot ang mukha ko. Walang pangit sa mga naging boyfriend ko! Lahat sila puro may mga ibubuga pagdating sa itsura at lahat sila ay galing sa altang pamilya! The nerve of this man!

"For your fucking information lahat ng mga naging boyfriend ko pwedeng maihilera sa GQ models!" Pagtatangol ko sa mga ex-boyfriends ko.

"Your mouth, lady. Don't curse me. I'm older than you." Paalala niya kaya't natigilan ako.

Bigla naman akong natahimik sa tonong kanyang ginamit. Seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon at wala ng bakas ng pagbibiro. Tumikhim ako nang mapagtanto na nasobrahan nga ako.

"Bumalik kana nga sa kwarto mo. I need to sleep early. Aalis kami ni Israel bukas ipapasyal niya ako." Inis na pagtataboy ko sa kanya pero hindi siya natinag.

"Don't fall for that man. You will just get hurt. May iba na iyong nagugustuhan at kapag nasaktan ka dahil sa kanya ako ang makakalaban niya kahit pa magkaibigan kami." Sa tono niya alam kong hindi siya nagbibiro sa binitawan niyang salita.

What's with him? Daig pa niya si Daddy sa pagiging over protective!

Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niyang nagugustuhan ni Israel. Hindi ako bulag. It's Marian. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa bandang dibdib sa sinabi niya. Imposible. Napakabilis para mahulog ako kay Israel. Siguro kaya ako nakakaramdam ng ganito dahil hindi ko makuha ang loob niya. Palaging masama ang tingin niya sa akin. Palagi niya akong pinagtatabuyan everytime na lumalapit ako sa kanya. Iyon lang iyon. Wala ng iba. Hindi lang ako sanay na may taong ganito kaayaw sa akin.

Tumawa ako.

Alam kong hindi siya nagbibiro. Wala akong mabasa sa mga mata niyang nanatiling nakabantay sa akin, hinihintay ang sagot ko. Nakatingin lang siya sa akin na parang may gusto pang sabihin pero hindi na magawang ituloy.

"I like him, but I don't love him. I don't easily fall kaya hindi ako masasaktan. I like him, but not to the extent that I'll get hurt and cry over him. Masyadong mababaw ang pagkagusto ko sa kanya. Isa pa, gusto ko lang na maging maayos ang pakikitungo namin sa isa't-isa. I'd like us to be civil with each other, iyon lang." Pagkukumbinsi ko sa kanya o baka sa sarili ko.

"Good. I promised your father that you wouldn't get hurt physically or emotionally."

He even kissed the top of my head before he left my room. Naiwan akong lunod sa dami ng iniisip.

Ito ang unang beses na gusto kong mapalapit sa isang taong ayaw naman sa akin. Hindi ko makita kung ano bang mali sa sarili ko? Bulag ata si Israel.

Ala singko pa lang ay gising na ako para maghanda ng mga pagkain na dadalahin namin sa pamamasyal. Katulad ng dati hindi ko na naabutan pa si Israel habang si Xavier ay tulog pa daw. Hindi pa naman daw nila nakikitang lumabas ng kwarto si Xavier, sagot ng katulong matapos kong magtanong tungkol sa dalawa.

Nalaman kong alas kwatro pa lang ay umaalis na dito si Israel para pumunta ng kwadra. Baka by seven or eight ay babalik na iyon dito para sunduin ako. Para akong nakalaklak ng vitamin c sa sobrang sigla ko.

"Manang, come here. Tikman mo naman po kung masarap itong cake na binake ko?"

Lumapit naman sa akin si Manang. Inabot ko sa kanya ang isang platito na may lamang slice cake. Sumubo agad siya kaya pinagmasdan ko ang kanyang mukha hanggang sa tumango-tango siya.

"Masarap po?" Kinakabahang tanong ko.

"Masarap, hija. May talento ka pala sa pagbebake." Aniya pagkatapos ay sumubo pa ulit ng cake. Natuwa naman ako.

I know how to bake, but I don't know how to cook. Mahilig si Mommy magbake kaya naman bata pa lang ako ay tinuturuan na niya ako. Pagbibake ang bonding namin at nahinto na lang iyon nang nawala siya. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ito ang oras para malungkot ako.

"Salamat po. Ngayon na lang po ulit ako nakapagbake kaya medyo kinakabahan ako na baka hindi masarap."

"Masarap. Tama lang ang lasa. Sino ba ang pagbibigyan mo nito?" Tanong niya.

"Si Israel po."

Nawala naman ang ngiti sa mga labi nito matapos kong sabihin na para kay Israel ang cake.

"Hindi sa nanghihimasok ako pero may pagtingin ka 'ba kay Israel?"

Natigalan ako sa sunod na tanong ni Manang.

Ibinaba ko ang hawak na box kung saan ko dapat ilalagay ang cake. Pilit akong ngumiti at umiling sa kanya.

"Wala po. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya." Maikling sagot ko.

Mukha itong nakahinga ng maluwag dahil sa sagot ko. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib.

"Mabuti naman kung ganon. Ayokong masaktan ka, hija. Mukha ka pa namang mabait na bata." Sambit niya pagkatapos ay banayad siyang ngumiti sa akin.

"Bakit naman po ako masasaktan kung sakaling gusto ko nga po si Israel?" Tanong ko.

"Alam mo matagal na akong naninilbihan sa mga dela Cuervo kaya alam ko na ang bawat kwento nila. Dating nobya ni Israel si Marian. Kilala mo naman si Marian, hindi ba?"

Tumango ako sa kanya. Hindi na ako nagulat pa nang sabihin niyang dating girlfriend ni Israel si Marian. It's obvious that there's something going on between them. It's obvious that he still likes the girl.

"Tutol si Donya Celeste sa kanilang dalawa dahil anak lamang ng hamak na trabahador si Marian kaya nagkahiwalay ang dalawa. Ang gusto ni Donya Celeste para sa mga apo ay yung ka-lebel ng pamumuhay nila. Ang gusto niya ay yung galing sa altang pamilya."

Umiling pa siya habang nakatingin sa malayo.

"Kahit na nagsikap si Marian sa pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho ay hindi pa rin siya nagustuhan ni Donya Celeste dahil wala namang negosyo ang pamilya nila. Nakakaawang bata." Dagdag niya pa.

Pinaglaruan ko ang mga daliri habang nakikinig.

"Sino po ang nakipaghiwalay?" Tanong ko na kusa na lang lumabas sa mga labi ko.

"Si Marian. Ayaw niya sigurong itakwil si Israel ng pamilya kaya naman nakipaghiwalay siya. Pilit kasing ipinaglalaban ni Israel ang pag-iibigan nilang dalawa pero ayaw ni Marian. Umalis dito si Israel matapos nilang maghiwalay at hindi na bumalik pa kaya ganon na lang ang gulat ko nang bumalik ang batang iyon dito kasama ka. O'sya, sige, hija, mauna na ako at may gagawin pa ako." Paalam niya sa akin.

"S- Sige po. Maraming salamat po."

Pag-alis nito ay na paupo na lang ako sa upuan. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri. Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang chocolate cake na ginawa ko. Inilagay ko iyon sa isang box at maingat na isinara. Tinalian ko pa iyon ng ribbon para maging maganda.

Walang buhay kong iniligpit ang lahat ng mga gamit na ginamit ko sa pagbebake ng cake. Pinagpapawisan na ako pero hindi ko inalintana iyon.

"Ay, ma'am! Ako na po d'yan." Alok ng katulong.

Umiling ako sa kanya.

"Ako na. Kaya ko naman. Bumalik kana lang sa ginagawa mo."

Natigilan ito. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Maya-maya pa ay mabilis siyang tumango.

"S- Sige po." Pinagmasdan pa ako nito bago tuluyang umalis.

Matapos kong mahugasan at maibalik ang lahat ng ginamit ko sa pagbibake sa tamang lalagyan ang sunod ko namang nilinisan ay ang counter. Pinunasan ko ang lamesa na nalagyan ng harina at chocolate nang matapos ay ipinatong ko ang box sa ibabaw.

Umakyat na ako sa taas para makapaglinis ng katawan. Pagharap ko sa salamin nakita kong punong-puno ng harina ang mukha ko pati na ang buhok ko. Napangiwi ako sa itsura ko.

Mabilis akong naglinis ng katawan. Matapos kong maligo ay nagpahid ako ng lotion sa buong katawan. Dinamihan ko para mas maamoy ang bango. Wala akong perfume kaya sa lotion ako bumawi. Sinuot ko ang white dress na napili ko. Tama lang ang sukat ng dress sa katawan ko. I really like Donya Celeste's taste. She saved my life by choosing this dress. Napatawa ako sa naiisip ko.

Mabuti na lang at hindi na masyadong halata ang mga pantal sa katawan ko kung hindi ay kitang-kita iyon sa balat ko dahil maputi ako.

Kinuha ko ang itim na doll shoes at isinuot iyon sa mga paa pagkatapos ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.

Tinaas ko ang mahabang buhok.

"Hindi bagay." Ngumuso ako.

Hinayaan ko na lang nakalugay ang buhok ko. Nagpapasalamat ako na mamula-mula ang mga pisngi ko kaya hindi ko na kailangan pa ng blush on. Kinagat-kagat ko ang labi para mas maging kulay rosas.

"Okay na 'to."

Nakarinig ako ng mabibigat na yapag ng kabayo. Mabilis akong lumabas ng teresa para silipin kung sino iyon. Tama nga ako nariyan na si Israel!

He's riding a black, handsome stallion. Pinagmasdan ko siya. He's wearing a white sando and black pants. Nakaboots din ito.

Mukha itong magiting na mandirigma na nakasakay sa kabayo. Damn those thick muscles. Kitang-kita ang matitigas niyang braso at mauugat na kamay dahil sa suot na hapit na puting sando. Seryoso ang kanyang mukha habang pinapatakbo ang kabayo.

He's really a living distraction.

Mabilis akong lumakad palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Dumiretso ako kitchen at kinuha ang isang malaking paper bag na may lamang sandwiches at juice. Pinasok ko doon ang maliit na box ng cake pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng kitchen.

Sa pagmamadali ko ay bigla akong nadulas. Akala ko ay lalagapak ang katawan ko sa sahig pero may sumalo sa baywang ko at nasandal ang likod ko sa isang matigas na bagay. Pag-angat ko ng tingin malalalim na mga mata ang sumalubong sa akin. Nahigit ko ang aking hininga at umawang ang mga labi ko.

Titig na titig ako sa kanyang mukha hanggang sa dumako ang mga mata ko sa makakapal niyang mga kilay at madako ang mga mata ko sa matangos niyang ilong at mapupulang mga labi. Makinis ang kanyang mukha ngunit kabaliktaran naman noon ang kanyang panga na alam kong magaspang.

Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya. Ang tagal niyang nagtrabaho sa rancho pero imbis na mag amoy araw ay kabaliktaran ang naging amoy niya. Mabango pa rin siya na parang hindi pinagpawisan o baka mabango talaga pati ang kanyang pawis.

Ngayon ko lang napansin na hindi na pala ako humihinga sa lapit naming dalawa. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Are you alright?" Paos niyang tanong habang titig na titig rin sa akin.

Doon lang ako natauhan. Mabilis akong umayos ng tayo at mabilis na lumayo sa kanya.

"I- I'm sorry."

Nabaling ang kanyang mga mata sa hawak ko.

"What's that?" Kunot-noong tanong niya.

"Ito?" Tinaas ko pa iyon para ipakita sa kanya. "Mga pagkain para hindi tayo magutom mamaya. I prepared this."

Tumango naman siya.

"Let's go." Kinuha niya ang hawak ko kaya ibinigay ko iyon sa kanya.

Sabay kaming naglakad palabas ng mansion. Patingin-tingin ako sa kanya habang naglalakad kami. I don't know what to say to lessen the awkwardness between us.

"Marunong kang magluto?" Maya-mayang tanong niya.

Umiling ako.

"U- Uh... Hindi, but I can learn!" Mabilis na sagot ko na ikinataas ng sulok ng kanyang labi.

"Sinong nagluto nito sila Manang?" Tukoy niya sa mga pagkaing laman ng paperbag.

"Sandwiches and cake lang ang ginawa ko. Yung juice si Manang ang nagtimpla." Nahihiyang sabi ko.

Sana pala pati juice ako na ang gumawa para maipakita ko sa kanya na marunong ako.

Nakarating kami sa tapat ng kabayo niya. Hindi ako lumapit dahil mukha iyong galit at handang manakit. Mana sa amo.

"You know how to bake?" Tanong pa niya.

Sinulyapan ko siya.

"Yes. I like baking kaya naisipan kong ipagbake ka. Masarap 'yan. It's my favorite chocolate cake." I proudly said.

Talagang sinarapan ko ang paggawa para wala siyang maipintas. Maaga akong gumising para lang ipagbake siya. Mabuti na lang at kumpleto ang ingredients sa kitchen kaya nakagawa ako.

He licked his lower lip. "I don't eat chocolate."

Hindi ko napigilang manlumo matapos kong malaman iyon. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Pinaghirapan kong gawin ang cake na iyon para sa kanya tapos ay hindi naman pala siya kumakain ng chocolate.

Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Oh! Sayang naman. Siguro ibibigay ko na lang kila Popoy at Japet." Wala sa sariling sabi ko.

His forehead furrowed.

"You said you baked this cake for me. Bakit mo ibibigay sa iba?" May bahid ng inis ang kanyang boses.

"Oo nga. Ginawa ko yung cake para sayo pero sabi mo hindi ka naman kumakain ng chocolate kaya ibibigay ko na lang sa iba para hindi masayang." Kunot-noong sagot ko sa kanya.

Nanghinayang ako pero anong magagawa ko kesa masayang yung cake e'di mabuti pang ibigay ko na lang sa iba. Nag-effort pa naman ako pero next time na lang ulit. Babawi ako. Magtatanong na talaga ako kay Donya Celeste kung anong favorite food ni Israel pati yung mga ayaw niya para naman hindi na masayang ang effort ko katulad ng nangyari ngayon.

"I'll eat the cake." He suddenly said.

Gulat naman akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Huh?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"How did you know Popoy and Japet?" Inis niyang tanong.

"Nagpakilala sila sa akin." I even shrugged my shoulders.

"You told them about your identity?"

Mabilis akong umiling sa kanya. Mukhang galit na naman ito sa akin.

"No! Sinabi ko lang yung pangalan ko, iyon lang."

Hindi na siya sumagot pa sa akin at pinalapit na ako sa kanyang kabayo. Noong una hesitant pa akong lumapit dahil hindi katulad ng kabayo ni Icen yung kabayo niya. Mukhang mabagsik ang kabayo pero kahit natatakot ay lumapit pa rin ako.

"Touch him." Utos niya pero hindi ko siya sinunod.

Baka kagatin yung kamay ko.

Nang makita niya ang takot ko ay siya na mismo ang kumuha ng kamay ko para ihawak sa ulo ng kabayo. Gumawa ng tunog ang kabayo kaya napaigtad ako sa gulat.

He chuckled while amusingly staring at me.

Nahinto ang paningin ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na tumawa siya at ako ang dahilan.

I wish I had captured that.

Nanatili ang kanyang kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko.

"He likes you." He said.

Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ako sa baywang. Sa gulat ko ay napahawak ako sa mga braso niya. Iniangat niya ako pasakay sa kabayo. Nakatagilid ang upo ko katulad ng upo ko noong isinakay ako ni Icen sa kabayo niya. Bakit ba kasi wala man lang binili na pants sa akin si Donya Celeste at puro mga mini skirts at dresses!

Pinahawak niya ako sa tali ng kabayo bago siya sunod na sumampa sa likod ng kabayo habang hawak pa din ang paperbag sa isang kamay. Hindi ako mapakali nang makasampa siya sa likuran ko dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga na tumatama sa pisngi ko.

Inabot niya sa akin ang paperbag kaya hinawakan ko iyon habang ang isang kamay ko ay nakahawak pa rin sa tali. Nakakulong ako sa magkabilang mga bisig niya. Pigil na pigil ang paghinga ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ready?" Tumama ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Mahigpit akong napakapit sa tali ng kabayo bago dahan-dahan na tumango.

Ramdam ko ang bawat tingin niya sa mukha ko. Mula sa mata, ilong, pababa sa mga labi ko. Hindi ko magawang lumilingon sa kanya dahil magtatama ang mga ilong namin sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Bigla niyang hinila ang tali ng kabayo kaya napasandal ako sa kanyang dibdib. Habang ang kabilang parte ng pisngi ko ay nasa kanyang leeg. Ramdam ko ang init ng balat niya. Matulin ang takbo ng kabayo. Pinilit kong huwag mapasandal sa kanya pero bumabalik pa rin ako sa kanya.

"Don't move." Utos niya.

Sinunod ko siya. Hindi na ako gumalaw sa pagkakasandal sa kanya. I relaxed myself. Pinanood ko na lang ang bawat nadadaanan naming puno palabas ng rancho hanggang sa makarating kami sa guardhouse.

"Sir! Good morning!" Bati ng nakangiting guard.

Tinanguan lang niya ito. Suplado talaga.

Nang makalabas kami ng rancho ay puro berdeng damo at puno pa rin ang sumalubong sa mga mata ko. Sariwa ang simoy ng hangin na humahampas sa aking balat. May mga kabahayan na akong nakikita matapos ng ilang minutong pagtakbo ng kabayo. Maliit lang ang iba ang iba naman ay katamtaman ang laki pero walang tatalo sa laki ng mansion nila Israel.

Siguro may ibang mayayamang pamilya din dito pero hindi lang namin nadadaanan ang mansion nila.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko.

"I will bring you to our flower plantation." Maikli niyang sagot.

Nagulat ako dahil ngayon ko lang nalaman na may flower plantation sila. Ibig-sabihin maraming iba't-ibang klase ng mga bulaklak doon. Sayang at wala akong camera para mapicturan iyon.

Gusto kong ipinta ang lugar na ito. Ang daming magagandang pasyalan dito sa Tierra Alta. Sana noon ko pa nalaman ang lugar na ito. Siguradong gugustuhin din nila Aya na magpunta dito. I miss my friends. Siguradong nag-aalala na sa akin ang mga iyon lalo na at hindi nila ako ma-contact.

"Ang dami niyong negosyo! Ano pang meron kayo dito?" Manghang tanong ko at bahagya siyang tiningala.

Hindi ko akalain na ganito sila kayaman.

Lumunok muna siya bago nagawang sumagot. Nakasandal pa rin ako sa dibdib niya.

"We have a paddy field, a sugarcane plantation, a mango plantation, a coconut plantation, a coffee plantation, and a rancho with a large number of stallions." Walang mababakas na kayabangan sa boses niya.

"And a flower plantation!" Paalala ko sa kanya.

Into crops pala sila. Ang dami nilang business.

"Who manages all of that?"

"Noong una rancho lang ang meron and the paddy field. Namana ni Lolo sa parents niya. Yung flower plantation regalo ni Lolo kay Lola, then Lolo ventured into other businesses such as mango, coconut, sugarcane, and coffee." Mahabang paliwanag niya.

I must say na swerte si Donya Celeste sa kanyang asawa. He gave her a flower plantation as a gift! Kung ang iba ay boquet ang ibinibigay sa kasintahan ang asawa naman ni Donya Celeste ay platansyon! Hindi ko pa man nakikita ang asawa ni Donya Celeste pero masasabi kong mahal na mahal niya talaga ang Donya, not because he gave her a flower plantation, but because he knew that Donya Celeste loved planting and flowers.

"Siya lang lahat ang gumawa?"

"With the help of Lola. Kasosyo niya rin yung asawa ng kapatid niya."

Napatango ako.

Nagulat ako nang makita ko si Popoy na nakabisikleta. Humahangos itong tumigil sa harapan namin. Pinatigil naman ni Israel ang kabayo para harapin siya. Pawis na pawis si Popoy dahil siguro sa bilis ng pagpapatakbo niya sa bisikleta. Sandali niyang pinagmasdan ang ayos namin ni Israel kaya umayos ako ng upo.

"Sir, kanina ko pa po kayo hinahanap!" Aniya habang hingal na hingal.

"What's the problem?" Kunot-noong tanong ni Israel.

"Si Marian po kasi ang taas ng lagnat pero ayaw naman pong magpadala sa doktor!"

"Nasa bahay ba nila?" Madaling tanong ni Israel.

"Opo!"

Hindi na nito nilingon pa si Popoy at mabilis ng pinatakbo ang kabayo paalis. Sa sobrang bilis ng takbo mahigpit akong napakapit sa damit niya. Takot na takot akong mahulog.

I hardly bit my lower lip.

Dumulas ako sa pagkakaupo. Ang akala ko ay mahuhulog na ako pero mabilis niyang hinawakan ang baywang ko gamit ang isa niyang kamay at ipinirmi ako sa pagkakaupo.

"Kumapit ka sa akin." He said with authoritative voice.

Mahigpit naman akong kumapit sa kanya. Ilang sandali pa ay huminto kami sa isang bahay. Up and down ang bahay. Katamtaman lang ang laki.

Bumaba si Israel sa kabayo pagkatapos ay ibinaba niya rin ako. Sumalubong sa amin ang tatay ni Marian.

"Israel, pasensya kana sa abala pero ang tigas kasi ng ulo ni Marian ayaw mag padala sa hospital. Mataas pa rin ang lagnat niya tapos ayaw pang kumain. Pasok ka." Nag-aalalang sabi ng matanda at hindi na ako napansin pa.

Malalaking hakbang ang ginawa ni Israel papasok sa loob ng bahay matapos niyang maitali sa puno sa tapat ng bahay ang kanyang kabayo habang ako ay naiwan na nakatayo sa labas bitbit ang paperbag na may laman na pagkain.

Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko para sundan siya sa loob. Nanatili akong nakatayo kung saan niya ako iniwan habang pinagmamasdan ang mga sasakyan, trycicle, at mga taong dumadaan sa harapan ko, matiyagang naghihintay sa kanya. Tumingala ako sa kalangitan at napansing kumulimlim ang langit. Mukhang uulan. Naghintay ako ng naghintay na balikan niya ako pero lumipas ang ilang sandali ay hindi pa rin siya lumalabas.

Sabi ko sa sarili ko na ayos lang, maghihintay pa rin ako. Gusto ko kasing makita yung flower plantation na sinasabi niya sa akin kaya matiyaga akong tumayo at naghintay na balikan niya ako hanggang sa may pumaradang isang itim na kotse sa labas ng bahay nila Marian at lumabas doon ang isang lalaking nakasuot pa ng puting coat. Isang doktor.

Nagmamadali iyong pumasok sa loob.

Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad papasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa second floor at lumakad papalapit sa isang kwartong nakabukas ang pinto. And there, I saw Marian lying on the bed while Israel was sitting beside her. Nakatayo sa gilid nila ang doktor pati na ang tatay ni Marian. Hindi nila ako nakikita dahil nakatalikod sila sa gawi ko.

May hawak na bimpo si Israel at maingat niya iyong ipinupunas sa mukha ni Marian.

"Wake up. Narito na ang doctor." Malambing na gising niya kay Marian.

Umungot si Marian pero nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko naman mahal si Israel kaya bakit ako nasasaktan? Bakit umiinit ang sulok ng mga mata ko? Bakit nagkakabikig ang lalamunan ko? Bakit naninikip ang dibdib ko?

Lumapit ang doktor para suriin si Marian.

"Mataas ang lagnat niya. She needs to take her medicine and eat some food para bumaba ang kanyang lagnat. Bakit ba siya nilagnat?" Tanong ng doktor.

"Naulanan kasi ang batang iyan kagabi. Galing sa mansion ng mga dela Cuervo nang maabutan ng malakas na ulan. Basang-basa siya nang umuwi dito sa bahay. Kinagabihan ay nilagnat na siya." Paliwanag ng tatay ni Marian.

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Israel. Natigilan siya sa narinig mula sa tatay ni Marian. Pinagmasdan niya si Marian ng ilang sandali bago sinimulang punasan ulit ng basang bimpo. Maingat ang bawat dampi niya ng bimpo sa balat nito. Tulog na tulog pa rin si Marian. Hindi nakikita kung paano siya alagaan ni Israel at kung paano ito mag-alala sa kanya.

Pinunasan din ni Israel ang leeg at braso ni Marian. Ungot lang ang tanging nagagawa ni Marian.

"Pasensya kana talaga sa abala. May doktor na naman kaya ayos lang kung babalik kana sa trabaho mo o baka may pupuntahan kang importante?" Baling ng tatay ni Marian kay Israel.

Hinintay ko ang sagot ni Israel. Umaasa na maaalala niya ako sa labas. Umaasa na tatayo siya at pupuntahan ako sa kung saan niya ako iniwan.

Umiling ito.

"Dito lang ako. Wala naman akong gagawing importante." Sagot niya habang ang mga mata ay nanatiling na kay Marian pa rin.

Nang marinig ko iyon ay mabilis kong inihakbang ang mga paa ko paatras bago tuluyang tumalikod at lumakad paalis. Hirap akong napalunok. Hindi man lang niya ako naalala. Hindi man lang niya ako binalikan para tingnan kung maayos lang ba ako. Nabura agad ako sa kanya dahil kay Marian.

Wala sa sarili akong tuloy-tuloy na lumakad palabas habang pinipigilan ang sariling huwag mapaiyak dahil wala naman talaga akong dapat iiyak pero hindi ko mapigilan ang sariling mangilid ang luha sa magkabilang mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko. Dahil sa panlalabo ng mga mata ko hindi ko napansin ang lalaking papasok sa loob ng gate kaya nagkabunguan kami. Malakas na tumama ang likod ko sa pinto ng gate. Napangiwi ako sa sakit.

"Ma'am Sianna?"

Nag-angat ako ng tingin sa nakabanga ko at nabungaran ko ang namumutlang anyo ni Popoy habang nakatingin sa akin. Tinulungan niya agad akong tumayo ng maayos.

"Sorry, Ma'am! Hindi kita napansin sa pagmamadali ko. Pasensya na po talaga!" Taranta niyang hingi ng tawad.

Tipid akong ngumiti sa kanya para ipakitang ayos lang ako kahit ang totoo ay masakit ang likod ko.

"Ayos lang." Sabi ko pagkatapos ay nagbaba ng tingin sa hawak kong paperbag at inabot iyon sa kanya.

Nagtataka naman niya iyong tinangap.

"Ano po ito, Ma'am? Nakakahiya naman po." Tanong niya habang sinusuri ang laman ng paperbag.

"Sayo na lang. Wala rin naman kasing kakain pa at kung ayaw mo naman pakitapon mo na lang. Sige mauna na ako." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at nauna ng lumakad paalis.

Narinig ko pa ang makailang ulit niyang pagtawag sa akin pero hindi ako huminto sa pagkalakad para harapin siya hanggang sa hindi ko na siya marinig pa. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng hindi lumilingon sa likuran ko.

I want to pull my hair. Nagagalit ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako. Bakit ako nasasaktan? Isang tanong na hindi ko masagot-sagot.

Alam ko naman talaga ang sagot pero ayokong aminin sa sarili ko. Ayoko. This can't be. Hindi ko matangap. Bakit sa kanya pa? Napahilamos na lang ako ng mukha. Ganito ba yung pakiramdam ni Sandro? Yung mahulog ka sa taong ayaw naman sayo.

Wala pang isang buwan, e. Hindi ko pa siya lubos na kilala pero bakit ang bilis kong nahulog? Hindi ako ganito. They say that it takes years to fall in love pero bakit ako wala pang isang buwan?

Sana nakinig na lang ako sa mga taong nagbabala sa akin. Sana noong una pa lang binalaan na ako ni Xavier hindi ngayong huli na.

I have so many problems right now! I don't have time for these feelings! Then I suddenly remembered what Aya once said. Follow your heart, but take your brain with you.

But I guess she was wrong. Hindi mo pala pwedeng pagsabayin ang paggamit ng puso at utak. You will just end up in a mental hospital.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 30.8K 44
Dion Andrius, a determined and overachiever college heartthrob of BS Biology, made his goal clear to himself already, and it is to become a professio...
192K 5.2K 18
As Cassandra struggles to piece together her shattered memories, what will a photograph unfold about her forgotten yesterday?
106K 5.3K 68
They say that if they drink my blood their life will be prolonged. If they eat my body- they will never get old and be immortal. And if he takes me a...
26.6K 280 4
Caleb was stuck in a mysterious island. His life became hopeless at the moment of scary realization, yet there's a mysterious person who will help hi...