Sprouted Desire ✔

By dyrnevaia

137K 3.1K 804

Hacienda Series I Cresencia More

SD
Love, Dyrne
Paunang Silip
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata

Kabanata 11

1.7K 45 12
By dyrnevaia


"Magandang umaga."

Napatda ako nang makitang tumayo si Simon mula sa pagkakaupo sa harapan ng aking lamesa. Maang akong napatitig sa kaniya. He was on his usual clothes—shirt and rugged jeans.

"G-good morning," I mumbled before getting inside.

Sinadya ko talagang magpa-late ngayon dahil parang wala akong ganang pumasok. Inalis ko ang sumbrerong suot at isinabit iyon sa gilid bago prenteng umupo sa kaniyang harapan.

He went back to his seat while looking at me. "Hindi ka na muling bumaba kahapon," puna niya at mas tinitigan ako.

Ilang akong nag-iwas ng tingin. "Inaantok na 'ko eh," palusot ko at kunwaring nagbukatkat ng mga dokumento. "Wala ba tayong gagawin ngayon?" Hindi ko siya tiningnan.

I saw him in my peripheral vision, resting his back against the chair. "Wala. Nagsimula na pala sila Rigor na magbungkal ng lupa."

I nodded my head slowly. "That's good."

Silence engulfed us after that. Ayaw kong maka-kuwentuhan siya ngayong araw dahil baka maungkat ang kahihiyan ko kahapon. Pinanatili ko ang mata sa dokumento. Lutang ko lang na pinaparaanan ng tingin iyon.

Tumikhim siya kaya't nagawi ang mata ko sa kaniya. "Kumain ka na ba ng almusal?" Tanong niyang muli.

Tumango naman ako. "I-ikaw ba?"

"Tapos na rin."

"Buti wala kang hangover kagabi..." Nakagat ko ang labi dahil sa pagdaldal.

Hindi ako nakatulog nang maaga dahil rinig na rinig ko pa rin ang boses nila sa ibaba. Siguro malapit nang mag-alas-dose saka lang tumahimik ang paligid.

Nagkibit-balikat lang siya. "Sanay naman kaming uminom." Napatango na lang ako. "Maayos ka na ba? Kita kong tumalsik sa 'yo 'yong mainit na sabaw."

Nahihiya akong napayuko. Bakit ba binanggit niya pa iyon?! "M-maayos na ako," usal ko na lang.

Wala naman akong ibang dapat gawin sa loob ng opisina kaya't nagpasya akong magliwaliw na lang sa labas. Kahit saan naman ako tumungo ay naroon si Simon dahil siya ang nagsisilbing guro ko. Nakakahiya lang isipin na parang mas bagay niya pa ang posisyon ko kaysa sa akin.

Lumabas kami sa tinggalan at tumungo sa kubong pahingahan. Hindi pa tirik ang araw kaya't hindi pa gaanong mainit. Besides, rainy season was fast approaching. Hunyo na ngayon kaya't inaasahan na namin ang tag-ulan na sakto naman sa pagtatanim namin ng palay.

Umupo ako sa isang parihabang upuan na nakapuwesto sa labas ng kubo. Kita ang looban ng kubo dahil hindi nila ito tinakpan sa harapang bahagi. Rason ni Simon ay para kahit nasa loob ka ay malaya mong matatanaw ang taniman nang hindi na lumalabas ng pinto. Pero syempre, naglalagay sila ng harang sa tuwing tag-bagyo't ulan.

Tinanaw ko ang mga kalabaw na kasama nina Rigor para patagin ang lupa. Nakakatawa silang pagmasdan dahil sakay-sakay sila ng mga kalabaw.

"Kailan darating ang truck na kukuha sa mga mais?" Tanong ko kay Simon habang nakatanaw pa rin sa aming harapan.

Mula sa kaniyang pagkakatayo ay tumabi siya sa 'kin. Hindi ko maiwasang maasiwa. "Mamayang hapon na. Alam na ng Senyor."

Tumango na lang ako at muling nanahimik. Inaliw ko ang pagmamasid kahit pa panay ang kalabog ng aking dibdib. Lagi naman kaming nagtatabi, lalo na kapag may itinuturo siya sa aking hindi ko alam pero laging banyaga pa rin sa aking pakiramdam. Siguro nga'y hindi ako masasanay na huminahon kapag naglalapit kami ni Simon.

Ilang minuto pa'y sinilip ko siya sa aking tabi. Seryoso lang din siyang nakatanaw sa kapatagan habang ang mga siko ay nakalapat sa ibabaw ng tuhod.

Humugot ako nang malalim na hininga. I wanted to have a conversation with him! Gusto kong sapakin ang sarili dahil tila kanila lang ay ayaw ko siyang kausapin!

"Uh, Simon?" Mahina kong tawag, nanaig ang kagustuhang ilabas ang bumabagabag sa kalooban. Umanggulo ang kaniyang ulo paharap sa akin. "Mag-iilang taon na kayo ni Winona?" Kagat-labi kong dagdag. "Curious lang ako ah," pagkikibit-balikat ko pa.

Umayos naman siya ng pagkakaupo at muli akong tiningnan. Nagmistulan akong bata habang katabi siya. Matangkad na ako sa ganitong edad pero pagdating kay Simon ay nanliliit pa rin ako.

"Magdadalawang taon na," tipid niyang sagot.

Napatango naman ako at inilihis ang tingin. Tama nga si Babet. "Balita ko naka-graduate naman si Winona? So why she's still here?" Pinaliit niya ang mga mata sa 'kin. Namumula ang pisnging pinanlakihan ko siya ng mata. "I'm just curious!" I immediately said in a defensive manner.

I heard him chuckle lowly. Parang nagtindigan ang balahibo ko dahil sa baritono niyang boses. "Gusto niyang 'pag aalis siya ng hacienda ay kasama ako." Agad akong pinagbagsakan ng malalaking bato. Hindi ka ba talaga makaramdam Simon? "Kaso malabo eh. Kulang pa ako ng dalawang taon bago makapagtapos."

Marahan na lang akong tumango bago iniyuko ang ulo. I was such a hopeless admirer! "Mahal mo talaga siya 'no?" Kusang nanulas iyon sa aking labi.

Kita ko siyang natigilan sa gilid ng aking mga mata ngunit bago pa siya makasagot ay sumigaw na si Rigor mula sa kalayuan.

"Senyorita!" Kaway niya at malaki ang ngising tumanaw sa akin.

Inalis ko ang bigat sa dibdib at nginitian pabalik si Rigor habang kinakawayan din. Bumaba siya sa sinasakyang kalabaw at may sinabi sa isang kasamahan. Matapos no'n ay nilakad-takbo niya ang aming pagitan.

"Nandito ka po pala! Wala ka bang gagawin sa opisina mo?" Inalis niya ang sumbrero at pinahiran ang pawis gamit ang bimpo niyang nasa balikat.

Umiling ako bago umusog nang kaunti. Tinapik ko ang libreng espasyo sa aking kaliwa. "Upo ka, mukhang pagod ka na," pag-aanyaya ko.

Nahihiya siyang umiling. "Naku! Amoy sinigang ako Senyorita," he kidded that made me chuckle. "Dito na lang ho ako," dagdag niya habang nakatayo sa aking gilid.

"Ayos lang 'no! Hindi naman kita aasarin." Tinaas ko pa ang mga kilay sa kaniya.

Nahihiya siyang tumingin kay Simon na nasa gilid ko bago tumango. Umupo siya sa aking kaliwa pero nagbigay pa rin ng espasyo sa aming pagitan.

Nagsimula na siyang magdaldal kaya't kahit papaano ay nawaglit sa aking isipan si Simon na nasa tabi ko lang. Masayang kausap si Rigor. Palabiro siya at hindi nawawalan ng sasabihin. Nagpatuloy lang kami sa kuwentuhan hanggang sa kailangan niya na uling bumalik para ipagpatuloy ang ginagawa.

"Gano'n ba talaga si Rigor?" Nakangiti ako nang binalingan si Simon.

Nalipat ang kaniyang madilim na mata sa akin. "Ano'ng gano'n?"

"Madaldal? Hindi siya boring kausap!" Tumawa pa ako nang mahina.

Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "So boring akong kausap?" He fired back.

Natigilan ako at nanlaki ang mga mata sa mali niyang akala. "Of course not!" agap ko.

Parang balewala lang siyang tumango at tumayo na. Lito ko siyang tiningala. "Halika na Senyorita. Malapit nang mag-tanghalian. Uuwi ka pa 'di ba?"

Tumayo na ako at sumunod sa kaniya pabalik sa aking opisina. Ang mga tauhan dito ay minsan lang kung umuwi sa tanghali dahil mismong mga asawa na nila ang nagdadala ng kanilang makakain.

Tinanaw ko ang aming bahay sa malayuan. Malapit lang ang kuwadra sa bahay pero malayo ang tinggalan dahil sa tabi nito'y taniman. Nang makalapit kami sa labas ng tinggalan ay nanguha si Simon ng pagkain ni Valir at Brisko at ibinigay iyon sa dalawang kabayo.

"I don't like to go home," tamad kong anunsyo sa kaniya nang makapasok kami sa loob.

Hinahanda na ng mga tauhan ang mga basket ng mais na kukunin mamaya ng truck. Tumigil si Simon at nilingon ako. "Bakit?"

Napanguso ako na parang bata. "Tinatamad akong umuwi."

Tumango na lang siya at lumapit sa isang tauhan na binibilang ang mga basket. Sumunod ako sa kanila. Nakakahiyang abala ang karamihan dito sa hacienda pero ako na tagapagmana ay tutunga-tunganga lang. Lumapit ako sa kanila at naki-usyuso kahit pa hindi ko naman 'yon trabaho.

"Puwede naman siguro akong makikain?" I asked Simon after a while.

Sinulyapan niya ako at tumango. "Puwede naman."

Napangisi ako nang malaki. Simula nang ako na ang hinayaan ni Papáng na mamahala rito ay ngayon pa lang ako ulit makikisalo sa kanila. 'Yong una at huli ay 'yong nasa silong pa kami ng mangga.

"Okay, I'll call Papáng!" I muttered happily before taking my phone out of my pocket jeans.

Dahil likas na mabait sa akin si Papáng ay walang pagdadalawang-isip na pinayagan ako nito. Nagpalipas muna kami ng ilang oras bago sumigaw si Simon na kakain na. Masaya akong nakipagsabayan papunta sa kubong pinuntahan namin kanina. Nandoon na ang mga tauhan at nagpapahinga. Malaki ang kubo at may mga upuan pa sa labas kaya't tiyak kong kakasya kaming lahat.

Binati nila akong lahat nang makarating kami roon. "Sasabay ka sa 'min Senyorita?" Ngiti ni Rigor na siyang nagpatango sa akin.

"Oo, gusto kong makikain sa inyo." I chuckled. "Kung ayos lang..."

"Ayos lang po!"

Tulad sa manggahan noon ay umupo na silang lahat pabilog. Sa tabi ko ay si Simon na lihim na nagpatili sa akin.

"Uh, bakit bakante sa tabi mo?" Usisa ko sa kaniya nang makitang blangko roon.

Nasagot ang tanong ko nang mula sa malayo ay kita ko si Winona kasama si Aling Isang at dalawa pang mga dalaga na papalapit habang buhat-buhat ang mga kaldero at pagkakainan. Biglang bumulusok pababa ang aking tuwa.

Bakit ba lagi kong nakakalimutang may Winona pala? Tumayo si Simon at ilang kalalakihan para tulungan ang mga bagong paparating.

Nakangiting nakipagbiruan si Winona ngunit nang mamataan ako ay napasimangot siya. Hindi ko rin itinago ang pagsimangot. Kung kaya niyang ipakita ang pagkadisgusto niya sa akin ay kaya ko rin!

"Kasabay pala natin ngayon si Senyorita," nakangiting puna ni Aling Isang at umupo sa tabi ng kaniyang asawa.

Pilit akong ngumiti. "Opo. Sana ay ayos lang."

"Ayos lang naman Senyorita," singit ni Rigor.

Umupo na ulit si Simon sa aking tabi kasama si Winona sa kaniyang kanan. Bigla akong na out-of-place. Kaharap ko kasi si Rigor kaya't hindi ko siya makausap.

Gumalaw na silang lahat para manguha ng kani-kanilang pagkain. Pinanood ko si Winona na masyadong inako ang pag-aalaga kay Simon. Nanguha siya ng pangdalawahang pagkain para sa kanilang magkasintahan. Pinigil ko ang matang rumolyo.

Inabutan ako ni Rigor ng plato na malugod kong tinanggap. Hindi muna ako gumalaw dahil hinayaan ko muna silang manguha ng kanila. Tiyak kong pagod at gutom sila sa pagtatrabaho.

"Kuhanan n'yo na rin si Senyorita ng makakain, ano ba kayo!" Mahinang paninita ni Aling Isang na siyang nagpa-init ng aking pisngi.

Lahat sila'y natigilan at napalingon sa akin. "A-ayos lang ho. Mauna na kayo," suhestiyon ko pero agad umiling si Rigor.

"Ako na ang kukuha Senyorita. Pasensiya ka na," inilahad niya ang kamay sa aking harapan, kinukuha pabalik ang plato mula sa akin.

Tumikhim si Simon kaya't napatingin ako sa kaniya. "Ako na ang kukuha Rigor," hayag niya at kinuha na sa akin ang hawak na plato.

Nahihiya akong napayuko ng ulo nang gumalaw na nga si Simon para kuhanan ako ng sariling pagkain. Ramdam kong may tumititig sa aking gilid. Sinundan ko 'yon ng tingin para lang matagpo ang nanlilisik na mata ni Winona. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

Inabot ko ang pagkaing hinanda sa akin ni Simon. "S-salamat," wika ko at tiningnan ang mga kaharap.

Nagsimula na silang kumain at halatang sarap na sarap sa pagsubo. Naghugas ako ng kamay dahil magkakamay din akong kakain tulad nila. Pinakbet ang ulam na may maraming ampalaya. Gusto ko mang umayaw sa ulam ay pinigil ko dahil ako naman ang may gusto nito.

Inilapit ko ang pinggan sa akin at nagsimula nang sumubo. Pasimple kong iginigilid ang mga ampalaya dahil hindi ako kumakain no'n.

"Ayaw mo ba ng ampalaya?" Napatda ako nang bumulong si Simon sa aking tainga.

Nilunok ko ang nginunguya bago umiling-iling. "G-gusto ko, hinuhuli ko lang," palusot ko at para patunayan ang sinabi ay nanguha ako at biglang isinubo.

Ramdam kong pinagmamasdan ako ni Simon kaya't pabibo kong nginuya iyon. Nalukot ang mukha ko dahil sa pait na kumalat sa aking dila. Gusto ko mang ilabas ang kinakain ay nakakahiya namang gawin iyon. Marahil ay hindi na maipinta ang mukha ko dahil inabutan na ako nito ng isang baso ng tubig.

Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko iyon at uminom doon para tuluyang malunok ang mapait na gulay na 'yon!

Bakit ba ang pait ng ampalaya?!

"S-salamat," nahihiya kong saad at nagpatuloy na sa pagkain.

Tumango na lang siya at bumalik din sa sarili niyang pagkain. Patapos na kaming lahat nang makarinig nang mabibigat na yabag ng kabayo. Lahat kami ay napalingon para lang masilayan si Wendell na kunot ang noong pinapasadahan kami ng tingin. Dahil malaki ang katawan ni Simon ay tiyak kong natakpan ako nito.

"Is Cresencia here?" He muttered with an air of arrogance.

Nagtinginan ang lahat sa akin. Nahihiya akong napayuko bago tumayo. "I'm here."

Lumambot ang kaniyang mukha at bumaba sa puting kabayong sinasakyan. "I'm searching you in your house. Nandito ka lang pala," sumulyap pa siya sa aking likuran kung saan sila kumakain. "Why are you eating with them?"

"Wala ka ng pake ro'n," mahina kong sabat dahil sa sumibol na inis sa tinig niya. Suko akong napabuntong-hininga bago sila nilingon. Natigil silang lahat sa pagkain at nag-aabang lang sa amin. "Uh, aalis na muna ho ako. Pasensiya na talaga..." paumanhin ko at isa-isa silang tiningnan. "At, salamat po sa pagkain!"

Tumango naman sila at ngumiti. "Ayos lang naman Senyorita," sagot ni Aling Isang.

Hinanap ng mata ko si Simon na nakatitig din pala sa akin. "Babalik din ako," sambit ko sa kanila pero na kay Simon ang mata. Kita ko siyang tipid na tumango bago nagpatuloy sa pagsubo.

Tumalikod na ako at sumunod kay Wendell. Sumampa siya sa kaniyang kabayo at inilahad ang kamay sa akin.

"Let's go?" He asked and smiled at me.

Hindi ko ginantihan ang kaniyang pagngiti. Sa halip ay nagsimula akong naglakad pabalik kung saan nakatali si Valir. I heard him snort but followed me after. Inis akong sumampa kay Valir at agad siyang kinabig paalis patungo sa bahay. Sumunod naman sa aking likuran si Wendell.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
112K 2.4K 25
Grenaige Twin: Landon's Check the hashtags & read my bio before you dive in this story. (PUBLISHED but no more reprints)
60.7K 2K 44
COSTA ESTRELLA SERIES # 1 Being the only heiress of their family's legacy, Thalia Soriano is promised to marry a man that she never met for the sake...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...