Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (...

By qwertymadness

4.9M 96.8K 7.1K

[Tagalog Story][R-13] The idea of having them both in one place would be impossible. They simply clashed. She... More

[1] Ms. Sungit Meets Mr. Sungit
[2] So, who's the boss?
[3] Boys boys boys
[4] Ipatapon
[5]almost
Chapter 6: Be still
[7]Something Between them
[8]For the Win!
[9]Pektyur-pektyur
[10]School Fest!
Chapter 11: Battles
[12]Battle 2
[13]To be no. 1
[14]Battle of the Bands
[15]Rehearsals
Chapter 16: Mr. and Ms. Sungit esteh.... University
[17]The Bet
[18]Finals
[19]First Date
[20] He can see through my soul
Chapter 21: Before Sem Break
[22]Boy pick-up
[23]Heartmometer
[24]Not-one-of-those-kind-of-dates
[25]Late Reaction
Chapter 26: It's not that easy
[27]Let's get it on
[28]Bratty Judith
[29]The Bully
[30]Saving her
Chapter 31:Rolling in the Deep
[32]Brrrrrrr
[33]Everybody hapii =)
[34]Lovey-Dovey
[35]Officially Yours
Chapter 36: Moving Closer
[37]The Past
[38]B
[39]Confused Feelings and unheard Emotions
[40]Seduction101
Chapter 41: Oh La La
[42]True Colors
[43]Ever After
[44]Fast-forward
[45]Decision Making
Epilogue
Anong Say ko?
Neglect this Note. Thank you
Mr. & Mrs. Sungit SC #1
Mr. & Mrs. Sungit SC #2
Mr. and Mrs. Sungit SC #3
Mr. & Mrs. Sungit SC#4
Mr. & Mrs. Sungit SC #5
Mr. and Mrs. Sungit SC #6
Mr. & Mrs. Sungit SC #7
Mr. & Mrs. Sungit SC #7.5
Mr. & Mrs. Sungit SC #8
Mr. & Mrs. Sungit SC #9
Mr. & Mrs. Sungit SC #10 (To Infinity and Beyond)
Bonus Chapter of MSMMS (PUBLIC)
To be Published
OFFICIAL ANNOUNCEMENT AND OTHER QUERIES
Fara & Josh

Mr. & Mrs. Sungit - A Christmas Special (Dec. 25, 2014)

48.4K 693 55
By qwertymadness

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit


A Christmas Special


A/N: Reminder that the setting and year have been after the Bonus Chapter. It means to say na mag-asawa na sila dito, may kambal na sila at matured na. You can expect that this will be kind of not PG. I hope you enjoy my gift for all of you! Merry Christmas.


**


Alam niyo ba kung ano ang pinakakinaiinisan ko ngayong Christmas?


Oh, huwag niyo naman akong tingnan nang ganyan. Huwag niyo naman akong tingnan na parang malaking kasalanan ang magkaroon ng pinagkakainisan sa Christmas. Tao rin naman ako. Guwapo, oo pero alam mo iyon? Guwapo talaga.



Pero seryoso, nakakainis ngayong malapit na ang Christmas at lahat na lang ata ng tao ay nagsisiksikan, nag-aagawan at parang naghahabol.


Christmas rush.


Napapilig na lang ako ng ulo at napaismid.


Ano pa nga ba?



Anyway, gusto ko lang sabihin sa inyo na mag-asawa pa rin kami ni Fara. Baka kasi magtaka kayo. Puro kami pa-suspense kung ano na ba nangyari sa aming dalawa. Huwag kayong mag-alala, walang sungitan na magaganap. Isang ordinaryong araw lang ito. Ordinaryong araw kung saan nakatanggap na ako ng 10 missed calls at sangkaterbak na texts mula sa misis ko.



"Lalaki, asan ka na? Late na tayo."

 

"Josh!!!"

 

"Kapag wala ka pa rito in 10 minutes, lalayas na ako. Dadalhin ko ang kambal at hindi mo na kami makikita pa!!!!"

 

 

"Ba't 'di mo sinasagot ang phone, sungit!"

 

Yes. Okay lang kami. Wala talagang giyerang magaganap. Mahal niya ako at mahal ko siya, 'yun naman ang importante 'di ba?




Maya-maya ay tinignan ko na naman ulit ang kanina pang umiilaw na cellphone ko. Oo, na-guguilty ako. Pero, para rin naman 'to sa kanya tsaka, gusto ko nga 'yung nag-aalab siya sa galit eh. Nakaka-turn on! Oo, sobrang nakaka-turn on ang misis ko. Sexy na, ang talino pa. Ang swerte ko talaga sa kanya.



Tiningnan ko pa ulit ang mga mensahe at sobrang lapad ng ngiti ko sa nabasa, limang magkakasunod na mga mensahe na naman kasi ang pumasok.



"Baby, are you okay?"

 

"Hui Josh, ba't 'di ka makapagreply? Alalang-alala na kami sa'yo."

 

 

"Baby, where are you?"

 

 

At halos, nag-flood message na siya sa akin. I smirked at first pero sa kalaunan, na-guilty na naman ako. Uggh. Ayaw niya talaga itong ang liit ng pisi niya pagdating sa misis niya. Hayyyy.


Hindi ko talaga matiis si Fara. Ba't ang hina ng tolerance level ko pagdating sa babaeng taeng 'yun?



I simply replied,



"Babe, calm down. I'm on my way."



Pagka-send ko noon, pinatay ko na ang cellphone. Paano ba naman kasi, guwapo ako pero mukha akong tanga nakatingin sa mahabang pila ng mga sasakyan at sa mga bumubusina pang ibang sasakyan na sa tingin ko nanggagaya sa feelings ko. Sa tingin ko, hindi lang ako ang iritado. Wala pa naman ako sa highway, naghahanap pa ako ng ibang route para mas madaling makapunta sa bahay. Alam ko lang na ma-traffic dahil Christmas Eve ngayon.



Yes, Christmas Eve ngayon.


December 24, 20**. Halos ilang taon na rin kaming magkasama ni Fara pero sa tingin ko, hindi naglalaho o nag-wane man lang ang kagandahan niya. Imposible ba iyon? Na imbis tumanda siya sa paningin mo, para atang mas gumaganda ito sa bawat oras? Siguro dahil ang kagandahan hindi lang nakukuha iyon sa maganda at panlabas na anyo. Siguro dahil rin iyon sa dalawang makukulit, at kapag sinabi kong makulit, AS IN makulit talagang kambal namin. Nakikita ko talaga kung gaano kamahal ni Fara ang mga anak namin. At sa tingin ko, wala na akong mahihiling pa.



Akala ko kasi talaga walang tolerance itong si Sungit sa mga bata eh. Naalala ko noon kung gaano siya katakot manganak kasi sa tingin niya hindi siya magiging mabuting ina. Buti tinubuan siya ng mother's instinct! Kung hindi, patay kaming dalawa. Seryoso. Patay talaga kaming dalawa!


At iniyakan pa talaga niya iyon!



Papano daw kapag may pamilya na sila? Hindi naman daw ito marunong ng mga gawaing bahay. Tinawanan ko na nga lang ito noon at hinalikan.


"Paranoid ka lang baby." Pero iniungusan lang siya nito. Tumawa na lang ako. No dull moments when I'm with her.



Ito rin hindi ko naiintindihan sa mga babae eh. They tend to complicate things. Eh kami lang namang mga lalaki, 'di masyadong ma-drama, no'ng nag-suggest naman ako na kumuha na lang kami ng yaya, sermon at isang oras nang dakdakan ang inabot ko. Minsan napapakamot na lang ako ng ulo dahil parang isang maze ang mga babae.



Guwapo lang ako at mapagmahal. Period. Gusto ko lang gawing simple lang lahat. 'Yung asawa ko kasi minsan, ang paranoid. Kaya ngayong pasko, bibigyan ko siya ng gusto niya.




Bibigyan ko siya ng hinihingi niya. Alam kong magugustuhan niya 'to. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero... pinagawa ko pa talaga 'to para sa kanya.



Tiningnan ulit ni Josh ang dahilan nang pagiging late niya at napangiti.


This thing is worth every traffic pain that it will cost. He smiled again. Thinking of Fara and how she will react when she sees this one is enough to make him smile even bigger.

 

Makakatikim na naman ako sa asawa ko ne'to pero the hell! Worth it.

 

 

Pero imbis na matakot, tumawa na lang siya, He already knew his wife too well. Too well, he felt like they are one.



Time to go home to his family.



**


Men.are.ten.fold.of.fools! Seriously!


Bakit ko pa pinakasalan ang ugok na iyon?



Mayabang.


Arogante.


Walang pakialam sa oras at ngayon nga heto, LATE!



Napapadyak na lang si Fara sa sobrang irita at humalukipkip. Her husband, Josh Leonard Valdez III is a man.



And just like most men, they can be selfish, chauvinistic pigs ever. Yes. She is exaggerating. Siyempre hindi naman ganoon kagahaman si Josh.



Actually, he's very sweet, very caring, a very good father to our family and a good model to all his work mates. He gets to do the best things in life plus he got the top credentials in our firm.



Yes folks. Our firm. The Valencia – Valdez Firm – Home of the best Engineering Services and Distributions. We've decided to finally do it. Finally do the thing that is worth it. Yes. We've decided to make our own firm.



Charis and Keith are also part of our firm. I don't know with the two but I think they can get to make their own firm if they want to. But that's their problem, not ours. Josh is too simple minded (like all men do) to even think of it but I just thought Cha and Keith would want more you know? Like us. But that again, is another story.



I'm just happy we have good business partners and Engineers. Also, we got Engineer Kevin and his wife to visit us once in a while. Kevin is also an engineer in his Dad's firm. Yes, magkakalaban ang mga firm namin but as much as possible, we just keep on playing the fair game. Kahit naman kami, we also respect their firm.


Their firm is the firm's firm.


Kumbaga, bago ka magkaroon ng firm, doon ka na muna kena Kevin matututo ng lahat ng dapat mong matutunan. I'm just really glad Kevin took it well when we've decided to put our own names on the same line as theirs.



At first thought, Josh and I were both hesitant. Our work as Head Engineers on our former Corp. was superb and on top of the line. But, there's that longing you know? The excitement and risk of making it on our own.



"Did you ever think of Valencia – Valdez Firm?"


Naalala ko pa ang mga katagang iyon na talagang tumatatak sa akin. I thought Josh really loved our former Corp. I'm so afraid to ask him about what he thinks of putting our own name on the line.


I was so dumbfounded at halos hindi ako nakapagsalita.



"Okay ka lang? Alam ko namang gusto mo 'yung trabaho natin as head engineers pero naisip ko lang kasi, parang gusto kong magpatakbo ng firm. Parang kulang kasi 'yung hotness tsaka 'yung pagka-gwapo ko d'on sa firm. Type ko atang mag-business. Kaw ba Sungit?"


Nginitian niya ko 'yung nakakalokong ngiti. 'Yun ngiting nagsasabing,


"You know you want me. You know I want cha. You know you want meeh. You know I want cha... Uno... Dos... Tres... Quatro."

 

Ipinilig ko pa ang ulo ko nang kaunti para matingnan siyang mabuti. Hindi niya kasi matanto kung nagjojoke ba ito o ano. Pero kahit naman sa pagsasabi nito, alam niyang may innuendo ang mga joke nito. Haist.



So she simply replied,


"I thought you would never asked."



There it starts the beginning of nothing.


The nothing that maintained our happy.



The nothing that is now globally known as Valencia – Valdez Firm.



"We wish you a merry Christmas! We wish you a merry Christmas! We wish —-"



"... Oh ba't nakasimangot ka?"



Dahil doon, lumagpas ata ang imaginary sungay ni Fara sa bubong.



"'Di mo alam?!" humalukipkip siya sa harapan ng kanyang asawa. Tama-tama naman kasing nag-iisip siya sa firm nila ay may narinig siyang isang boses na pakanta-kanta ng "We wish you a merry Christmas." At sobrang alam niya kung sino iyon.



Kasi tama kayo, pasipol-sipol at pakanta-kanta pa itong pumasok sa bahay nila na parang hindi ito late ng dalawang oras! Na isang text lang ang natanggap niya rito at halos maloka na siya sa kakaisip kung ano nang nangyari rito! Oo, kaya tama lamang na umalpas lahat ng buhok niya sa ulo dahil sa insensitive na si Josh Valdez! Aakalain mong parang bata ito kung umasta eh!



"Hmmm. Hindi ko alam eh." Pasipol-sipol pa rin ito na lumapit sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paghahalukipkip at nasa sahig ang tingin.




"Hmmm. Asan na ang mga bata?" tanong nito nang mawaring walang ingay sa bahay nila.  Isa sa mga bagay na ipinagpapasalamat siguro ni Fara ay ang pagiging mabuting ama ni Josh sa mga anak nila. At gustung-gusto nitong sinasalubong ng mga anak kapag pauwi na sila.



"Hmmm. Ayaw mo pa rin akong pansinin?" tila ba nag-iisip rin ito at humalukipkip sa harapan niya. Hmmp. Gaya-gaya.



"Pero na-late ako kasi kinuha ko pa ang Christmas gift ko para sa'yo." Nakahalukipkip pa rin ito na parang nag-iisip at para lang nanadya.



"Talaga? 'Di pa rin ako kikibuin? Pero, sungit, hinarass ko pa talaga 'yung owner nito para umabot sa Christmas eh." Patuloy pa rin ito sa pagpaparinig at pagtingin sa kanya.



Pero siya, dahil ma-pride siyang babae, hinding-hindi niya isusuko ang laban! Laban lang! Fight Fara!



Hinding-hindi siya titingin dito at igu-glue niya ang kanyang paningin sa sahig kung kinakailangan. Pa-tweetums na naman kasi itong asawa niya. Pero,




Uggggh. Ano kaya 'yung pinagawa niya?! I want to see.



No brain. Chill ka lang. Huwag kang magpapa-gapi kay Lex Luthor! Si Josh ngayon ay si Lex Luthor at ikaw ngayon si Superman. Hawak ni Josh ang iyong Kryptonite. Manghihina ka Fara kapag tiningnan mo iyon kaya huwag na huwag kang titingin. Sa sahig lang ang focal point mo ngayon.




"Ayaw mo pa ring tingnan? Eh mas guwapo naman ako diyan sa carpeted nating sahig eh. Ayaw mo talagang tumingin ha?"



Dahil naman mas matangkad nang 'di hamak si Josh kesa sa kanya, nangyari ang hindi dapat nangyari.



Bigla siyang dumukwang sa akin at nagkaroon kami ng dulingan portion. Hindi siya face-to-face eh.



Lips-to-lips siya.



His soft mouth landed on mine and I'm struck.


'Yun lang. Nagapi na ni Lex Luthor si Superman agad-agad. 'Yung nagyeyelong galit ni Fara para kay Josh andoon na sa bintana, nag-suicide.




For the char lang naman daw kasi 'yung nagyeyelong galit. Alam naman nating lahat kung gaano ka-mushy at ka-cheesy si Fara pagdating kay Josh.




His soft lips covered hers at an instant. Hindi siya nakagalaw.




But when Josh coaxed her mouth to open, she groaned and let out a sigh. Sometimes, it's really hard to be angry with this man.



Because like all men, women can be as complicated as a map but men are simple. You're angry? They will make you forget about it. Even if it needs to be unrestraint and assaulting.

 

 

Because like most men are (I know because I've been with Keith, Kevin and Josh for all my life now), they are simple and they tend to keep it that way.




Hindi alam ni Fara kung siya ba 'yung bumitaw o si Josh, basta alam niya lang, smudged na 'yung red lips niya.



"Still angry Baby?" tanong nito sa malumanay na tono. Alam mo 'yun? 'Yung tonong sa'yo niya lang ginagamit? 'Yung ika nga medyo swabe na dating? Bruuuuuh. Nakakainis din eh!




Pero imbis na patulan na naman ang ka-cheesihan nito, naglahad na lang siya ng kamay.




"Where's thy gift?" she sheepishly smiled. At dahil doon, alam na rin nito ang kasagutan sa tanong nito kanina.



"Aha! I know you'll never be angry at me! But you know what, I keep thinking that I'm really turned on right now. So, why don't we —— you know." He sheepishly replied to her.




Hindi ko talaga masasabing manyak si Josh at talaga namang active ang part ng life naming iyon. Pero alam mo iyon, I know I've enjoyed it because he give it to me always and more. Pero Christmas?!




"Babe, why don't you give me my gift because I got one for you too!" she smiled back instead.



"Akala ko makakalusot!" bigla itong napasimangot at umalis.




Umalis sa harapan niya na para bang hindi sila nag-uusap. So Josh.




"Huy Lalaki! Maswerte ka kaya kitang pagtiisan! Asan na regalo ko? 'Di uso walkout sa bahay na 'to. Tandaan mo 'yan!" hinihingal na sabi niya. Pero dahil kanina pa naubos ni Josh ang energy niya kakaisip dito, umupo na muna siya sa recliner seat nila.



"Babe, I'm not walking out! I'm going to get your present! Sorry." He shouted back at her. Minsan, kapag sila lang talagang dalawa, para talaga silang mga bata. They can be very foolish at pati na rin sina Keith, Charis, Kevin at Doctora ay palagi na lang nagsasabi sa kanilang dalawa.



"Oh you're shouting at each other again? Great. Let me get some popcorn and we're all set. Don't start yet; not until we get our VIP seats ready to watch your show."

 

 

Or


"Oh you two started the scene without us? Poor me. Can we watch an encore or something for this episode?"

 

 

No. she is not kidding. Our friends are so tolerating they keep on throwing those lines and keeping us from tearing each other's head off. They keep us sane. Kaya, sobrang mahal na mahal niya 'yung mga best friends niya eh. Sila lang kasi nakakatagal sa amin ni Josh.



Imagine us both in one firm trying to get the best plans for our clients and arguing at the same time? The brain storming process for 1 project will take 3 days or more just because we don't agree to a simple small detail. That's how dead serious we are on our projects and job. It's actually insane how we manage to keep up with each other.



Maybe it's the fact that Josh is my other half. The soul mate. The one. All cheesiness applied.



Or maybe, we are just really crazily made for each other.



Naka-ilang balik ata ang Christmas jingle ng Jollibee before pa pumasok si Josh at may dala-dalang malaking box.



'Yung box, matangkad pa siya kay Josh. Papano niya iyon nabuhat, hindi niya alam. Siguro nga ito si Lex Luthor. Whatever.




"Wew. Sorry medyo natagalan. So heto na gift ko sa'yo Sungit!" lapad-lapad pa nang ngiti nito abot hanggang tainga.



"Alam mo ba kung nakailang ulit ako ng,


Sa jolly-jolly joy!

Lalong jumu-juicy sa bawat kagat!

Pasarap nang pasarap nang pasarap...

Sa Jollibee lang........."



Bigla namang natawa si Josh dahil para siyang eng-eng na sinasayaw 'yung kanta ni Sarah G. at para siyang ewan. Kunwari may hawak siyang Chicken Joy.




"Aba, mas bagay ka palang ipalit doon ah."



"Tangerks. Siyempre mas magaling si Ms. Sarah ano. Ano na ba 'yang regalo mo?"




"Ay tama. Hindi ka pwedeng lumabas sa TV, baka malaman nang sambayanang Pilipino na meron akong maganda, sexy at matalinong asawa. Mamaya niyan, offer-an ka ng FHM ng front cover sa magazine nila. Huwag na lang." napaisip rin ito at napakamot ng ulo.




"Feeling ko type kong mag-FHM." Saad niya rin dito sa seryosong boses na tila ba iniisip talagang maging model ng isang men's magazine (again with the men!)




"Maghunus-dili ka asawa ko. Dahil baka mapa-bilibid ako nang wala sa oras dahil sa'yo." Saad rin nito sa mababa at para bang matalinhagang tono.



"Oh giliw, hindi ko alam na poet ka na pala ngayon. Gusto ko lang sabihin sa iyong po-wet mo nga. Hahaha"



"Ouch asawa ko. Ako ay nagugulumihan sa iyo. Pwede bang buksan mo na itong aking mumunting regalo nang malaman natin kung ito'u gusto mo. Pero alam kong oo." At nag-wink pa ito sa kanya.



Alam niyang hindi rin ito papatalo kaya naman pumunta na siya sa may box.




"Ref ba 'to?" tanong ni Fara kay Josh.



"It's not "ref" it's fridge or refrigerator." Kumunot rin ang noo nito.



"So ref nga 'to?!" nanlaki naman ang mata ni Fara sa narinig. Aanhin pa nila ang isang refrigerator?!



"Hindi. I'm just correcting your grammar usage. Please don't say ref. Ref is informal for referee not refrigerator. Huhuhu Babes." Parang nagmamakaawa talaga ito sa kanya.



Cute.



"Did you just say "huhuhu" out loud?" At natawa na lang si Fara.



"Yes Babes. Huhuhu" at talagang inulit pa talaga nito! Ang cute!




"You're so adorbs. Don't go grammar-nazi on me every time you know. I'm just teasing." And she smirked.



"Don't say adorbs in front of the kids. It's not a word." Napakunot naman ng noo ulit si Josh.



Dahil mas feel ni Fara mang-trip, talagang mas aalaskahin niya si Josh.




"Now I thought I was the perfectionist." She rolled eyes and almost laughed her ass off nang nanlaki ang mata ng asawa niya.



"I'm not a perfectionist okay? I just don't want our children to grow up in some kind of a strange language!" defensive na sabi naman nito.



"Relax! Take a chill pill. Okay, I'll be as perfect as possible." Natutuwa pa rin siya sa discomfort ng asawa niya nang bigla niyang narinig ang parang may umuungol na bumabahing.




"What's that?" tanong niya naman dito.



"What's what?" pasimple at namimilog na namang tanong rin nito.




Mas nilapitan niya iyong box at nalamang doon nga nanggagaling ang ingay.



"Josh, ba't gumagalaw 'yung box? Ang creepy." Namimilog at puno nang pag-aalala si Fara. Naiisip niya baka bigla pala niyan ay may lumabas na stripper sa box na mas matangkad pa sa asawa niya.



"Open it." Mungkahi naman nito sa kanya.



Unti-unti niyang kinuha ang box at mas nanlaki ang mata niya sa nakita.



"No way." Hindi talaga makapaniwala si Fara.




"Yes way."




"No way!" Namimilog pa rin ang mga mata ni Fara habang nakatingin sa regalo niya.




"Yes way."




"Wow."



"Wow indeed."




"You know I told you many times we can't get them because I don't feel like getting them? But I always thought about your disappointed face and I can't sleep!" panimulang sabi nito sa speechless pa ring mukha niya.



"I thought you hate dogs."  Nanakaw na nang buong-atensyon ni Fara ang mga beagles na nasa kahon.



"No. I don't hate them. I just don't like them. But I think, I will like these beagles. Look, they love you already!" kinuha ni Josh ang isa mula sa kulungan ng mga ito at inabot kay Fara.




"Wow." Sa sobrang tuwa ni Fara, hi-nug niya ang kanyang asawa. Hinagkan niya rin ang lips nito at napatili.




"Eeeeeeeeeeek!"




"Anong nangyari, okay ka lang?!" puno nang pag-aalala si Josh para sa kanyang asawa. Papano ba naman bigla na lang nitong nabitawan ang aso (buti na lang nasalo niya).




Pero ang mas ikinagulat niya ay ang pagtawa nito,




"Inihian ako ni Bantay!" Tapos tumawa pa ito nang pagkalakas-lakas. Damn this woman.



"Bantay? Wala na bang mas magiging typical na pangalan para sa aso Far? Bantay?! Sure na ba 'yan?" pang-aalaska niya rito.



Sa narinig naman ni Fara ay bumalik ang pagkainis niya sa asawa.



"Bakit?! Akin siya 'di ba? Regalo ko siya. Eh sa Bantay gusto kong pangalan niya eh. May angal ka?" taas-noong tanong sa kanya ni Fara.



"Wala! Sinong nagsabing may aangal? Wala akong angal. Wala. I love you, Bantay! Good doggie." Tapos hinimas-himas niya pa si Bantay.



"Alam mo pa-suspense ka rin. Nilagay mo si Bantay sa karton ng "ref" tapos hindi naman pala siya kataasan. Hay naku Josh." Napailing na lang si Fara sa pagiging OA ng asawa niya.




"Baby, dapat mong malaman na lahat ng regalo hindi dapat maging obvious. Get's mo?"



Nang sinabi iyon ni Josh sa kanyang asawa, para namang may kumislap sa mga mata nito at may kung anong masamang pangitain ito sa kanya.




"That reminds me! Hindi ko pa nabibigay regalo ko sa'yo." Tumataas pa ang magkabilang kilay ni Fara.



"Ba't parang 'di ko gusto 'yang ngiti mo Babes?" nag-aalalang tanong ni Josh sa asawa niya.



But Fara only chuckled.



"Give me 10 minutes. Magbibihis lang ako. Eew. Parang ayaw ko na ng aso pero joke lang."



"Fara!"


Pero tumawa lang ito sa kanya.



**



Now it's Josh's time to gape at his wife.



"No way" he said.




"Yes way."




"No way." He said again.



"Yes way." This time, Fara chuckled.




"Wow."



"Wow indeed." Nakangiti rin si Farang nakatingin sa kanyang asawa na nakatulala ngayon sa kanya.




"Damn. Seryoso ka talaga sa sinabi ko sa'yo about sa roleplaying?!" nanlalaki at hindi makapaniwala si Josh. Hindi niya kasi lubos maisip na game si Fara i-try mag-roleplay sa kama.




Oh sht. He's getting a hard on.



"Aren't you going to say hi to your wife, Santa?" she winked at him.



She's wearing everything in red. She got this spiky heels and corset and ribbons and black buttons and... and.. ugggh!



"Far, andyan ang mga bata."




"Hmmm. Bukas na lang daw natin sila kunin sa mga mamita nila." Sabi nito sa mas pinalamyos na tinig.




"No way. So... w-we've got the whole house just for the two of u-us?" Hindi na malaman ni Josh pero parang ba't ang init-init.



Mas lalo pa atang uminit nang naglakad ang sexy niyang asawa sa harapan niya.




"Hmmm. You can say that." She whispered. She purred.




Damn this woman.




"Mrs. Claus..." he cleared his throat and looked at the woman in his arms.




"Hmmm"



"This is the best Christmas ever."




**


A/N: Merry Christmas everyone! So ganito, meron akong isang reader na gumawa ng isang vid (halos 5 minutes rin ang duration niya) at sobrang cute! Andoon 'yung parang mini-story na rin nina Josh at Fara. Kahit ako, kinilig. Hahaha. 'Yung college life nila, pati mga pick-up lines! Naalala niyo pa pala 'yun? Grabe kayo. Hahaha. Tsaka mga cute scenes.


 Para mapanood niyo, please click the external link. Pagkapunta niyo sa facebook profile ko, scroll down lang kayo ng kaunti at makikita niyo 'yung isang video na naka-highlight! ♥ Ang itsura ng video ay 'yung nasa photo section. :)


Salamat sa mga mambabasa ko. Solid kayo! What do you think of my Christmas Special? Hehe.






 

 














Continue Reading

You'll Also Like

241K 6.5K 53
(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paan...
25.4K 903 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
909K 27K 101
Dalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gus...
439K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)