Bad Timing Of Love

By DeeplyLeen

2.3K 143 4

In the realm of love, timing can often be a fickle and unpredictable force. A poignant example of this is the... More

PROLOGUE
Chapter 1: Kyle
Chapter 2: Lolo Min
Chapter 3:Tito Miel
Chapter 4: Textmate
Chapter 5: Zeke?
Chapter 6: Cousin
Chapter 7: Baseball
Chapter 8: Worried
Chapter 9: Suspended
Chapter 10: I like her
Chapter 11: Role
Chapter 12: Fetching Zeke
Chapter 13: Director
Chapter 14: Girlfriend
Chapter 15: Kuya Zane
Chapter 16: Mr. C
Chapter 17: His Voice
Chapter 18: I love it
Chapter 19: Celebration
Chapter 20: Bagay kayo?
Chapter 21: Election
Chapter 22: Love Team of the Year
Chapter 23: San Lucas
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Fiesta
Chapter 26: First date
Chapter 27: Guidance
Chapter 28: I'm sorry
Chapter 29: Happiness
Chapter 30: Interview
Chapter 31: Smile
Chapter 32: Jealous
Chapter 33: Seriously?
Chapter 35: Sorry na
Chapter 36: Partner
Chapter 37: Christmas Ball
Chapter 38: Untitled
Chapter 39: Christmas Wish
Chapter 40: No way!
Chapter 41: Choose
Chapter 42: Goodbye
Chapter 43: Again
Chapter 44: We're not be
Chapter 45: Birthday
Chapter 46: Miss
Chapter 47: He was
Chapter 48: He knew
EPILOGUE

Chapter 34: Tell Her

20 2 0
By DeeplyLeen

JIRO POINT OF VIEW


Kung kelan wala si Kyle tsaka nagpa-interview ang journalism club. Ano bayan! No choice kundi ako nalang magisa. Ang sabi naman ni Mike, challenge lang daw naman yun kaya gagawin ko na.

"Oy, bakit hindi ka pa nag-aayos?"

Napatingin naman ako sa tanong sa likod at nakita ko si Darwin. Nandito kasi ako sa kwarto kung saan kami nagaayos ni Kyle pagmay events na gagawin ang mga media, journalism club at TV club. Ang taga ayos namin ay si Ate Jan.


"Hinihintay ko pa si Ate Jan." Boring kong sagot.

Tiningnan ko naman yung phone ko baka kasi may missed call o texts si Kyle pero wala. Lintek! Kinakabahan ako ah.


Kagabi, hindi ako makatulog kakaisip kay Kyle. Grabe din ang takot ko, napapaisip ako ng hindi dapat eh. Nakakainis.


"Don't worry, nakausap ko siya kanina." Napatingin naman ako kay Darwin ng sabihin niya yun. Si Kyle?


"Bakit?"


"Nalobat daw kasi siya kaya nanghiram kay Tito Miel ng phone. Una daw niyang tinawagan si Sam pero cannot be reach kaya ako ang tinawagan niya." Paliwanag ni Darwin habang priteng priteng nakaupo sa single sofa.


"Bakit daw hindi siya tumawag sakin?" Iritado kong tanong kaya natawa si Darwin.


"Easy dre, hindi siya tumawag sayo kasi alam niyang may magiinterview sayo." Sagot niya kaya inis akong sumandal sa upuan ko.


"Tawagan mo na." Sabi niya pa.


"Lobat siya."


"Nakapagcharge na siguro yun."


"Pano mo nasabe?"

"Hula ko lang, sige alis na ako. Goodluck."



Pagkaalis ni Darwin ay matagal akong nanahimik bago napagdesisyunang tawagan siya. Nanginginig pa ako habang ina-dail ang number niya. Ilang ring naman ay sinagot na niya.



"Hello."


"Kyle."


"Jiro. Sorry pala, hindi ako nakatawag. Nalobat ako eh."


"It's okay. Napaliwanag na ni Darwin."


"Oh okay. So, kamusta yung interview?"


"Hindi pa nagsisimula tsaka hindi daw interview sabi ni Mike kundi challenge. Sayang nga wala ka."


"Oo nga e, sayang pero okay lang naman kasi nandyan ka. Good luck pala hahaha.."


"Kinakabahan mga ako eh."


"Huh? Bakit naman?"


"Kasi hindi ako sanay na hindi ka kasama."


"....."

"Kyle?"


"......"


"Kyle? Are you still there?"


"Jiro.....jiro sorry, ah okay lang yan. Next time nalang siguro..."


"Kala ko nawala kana eh."


"U-uh, hindi no hehehe..."


"Uh, Kyle mamaya nalang. Nandyan na si Ate Jan. Bye..."


"Bye Jiro. Good luck..."




At ineed ko na ang call. Umayos naman ako ng upo dahil nandito na si Ate Jan.


"Si Kyle?" Pagtutukoy ni Ate sa katawagan ko.


Tumango ako. "Opo."


"Bakit pala wala siya ngayon?"


"May inaasikaso po sa Villa nila." Sagot ko.


"Okay lang, para mabawasan naman ang magaganda sa paligid ko." Biro ni Ate Jan kaya nagtawanan kami.



Matagal tagal din akong inayusan ni Ate Jan dahil nagkwentuhan pa kami ng ilang bagay hanggang sa tawagin na ako ng co-member ni Mike.


Mabilis na nakapagintro si Mike kaya mabilis na din akong pumasok sa harap ng camera. Pinaliwagan nasakin ni Mike ang challenge. Bubunot lang ako ng tanong sa question box at kailangan ko itong sagutin. Halo halong Truth ang nandito kaya medyo challenging.


"Let's begin!"


Bumunot na ako at binasa na ang laman nito.


"In your group, who is the bully?"



"Oh, alam niyo naman kung sino yun. Hahaha....kundi si Bryle. Lahat ng makita niya binubully niya pero in not physical way, kung baga asar lang ganon." Sagot ko.

Next!



"Did you farted and blame someone else?"


"Pfftt.... Hindi po ako ganon.... Hindi nga po ako nautot sa harap ng tao eh. Kaya hindi po." Sagot ko. Nakakatuwa to ah.

Next!



"Are you courting someone else?"



"Yes po, may nililigawan po ako." Sagot ko kaya nagtilian yung nasa likod.


Next!



"Do you love music?"


"Yes i do love music."


Next!


"Who is your favorite, mom or dad?"



"Woah! Hahaha..... Parehas eh...."


Next!


"Are you stubborn?"


"Yes po, matigas po talaga ang ulo ko. Hahaha.."


Next!


"Do you have mannerism?"


"Wala po akong mannerism."


Last na pala to.



"Last one!" Sabi ko.



"Call Kyle and tell her that you have feelings for her."



"Woah! Seryoso? Akala ko ba walang dare." Sabi ko pa kaya natawa sila. Wala naman akong nagawa kaya tinawag ko na. Unang dial ay hindi sumasagot pero nung pangalawa....



"Jiro."


Napatingin naman ako sa camera at naririnig kong naghahagikgikan yung nasa likod.



"Jiro...."


"Kyle..."


"Bakit?"


"Anong ginagawa mo?"


"Wala."


"Saan ka?"


"Nasa sofa dito.... Bakit?"


"Are you by yourself?"


"Hindi. Kasama ko si Kuya."


"Can.... Can we talk?"


"Huh? Okay lang naman... Bakit ba Jiro?"


"Yung tayong dalawa lang..."


"Oo na. Magisa na ako sa gazebo."


"U-uh.... "



Natawa ako dahil sa hagikgikan sa likod.


"Hoy...naririnig ko tawa mo... Prank ba to?"


"Hindi."


"Okay.... Ano nga?"


"Naalala mo yung nasa San Lucas tayo?"


"Hmmm....oo bakit?"


"Wala lang, namiss ko lang."


"Pftt.."


"Pati ikaw.."


"Huh? Ako?"


"Oo.."


"Ano?"


"Miss ko."


"...."


"Uy.."


"Hmm....?"


"Hulog na ako..."


"Saan?"


"Sayo."


"....."


"Uy..."


"Prank to eh...."


"Ha? Hindi ah..."


"Eyy...hindi ka maggaganyan sakin eh... Tsaka alam ko na yan!"



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na ako kasabay ng pagtili nila.



"Oh....diba?"


"HAHAHAHAHAHA..... Sorry.."


"Alam ko ng prank to eh. Hay nako."


"Hahahaha.... Hi ka sa camera!"


"Tse..... Hello po!"


"Hahahaha.... Thank you Kyle."


"Ewan ko sayo.... Hahaha.."


"Hahaha.... Babye na... Nasa interview pa ako..."


"Okayy..."


"Tawagan kita after this.."


"Okay bye."


"Bye."




Pagka-end ko ng tawag ay tsaka ako tumawa. Hindi naman nila inaasahan yun kaya nakakatuwa yung mga muka nila.



"Okay... Guys, natapos kona kahit may dare sa huli.... Hindi ko inaasahan yun ah.... Hahaha....sorry kay Kyle hahaha.... Once again, I'm Jareen Antonio Salameda. Bye Guys!"



Pagkatapos kong mag-outtro ay nakapagshake hands pa ako sa mga taga journalism club. Tuwang tuwa kasi may magiging output na daw sila para ilagay sa newspapers ng school.


Inantsawan naman ako ng mga kaibigan ko maski ang mga staff at si Ate Jan. Ngiti lang ang ginanti ko at nabihis na. Kasabay ko naman silang pumasok sa next class pero bago yun ay kumain muna kami sa canteen.


Napangisi naman ako ng maalala ko yung usapan namin ni Kyle. How cute. Maya ko nalang siya tawagan.

Continue Reading

You'll Also Like

395K 13.3K 73
"Do you realise that every cell in my body is screaming for me to sink my teeth into your neck?" I struggled agaisnt him, pushing at his chest. "Stop...
3.1K 494 16
မင်းမကြိုက်တဲ့အကျင့်တွေအကုန်လုံးကိုပြင်တော့မှာမို့ ငါနဲ့ပြန်လိုက်ခဲ့ပေးပါကွာ..ငါမင်းကိုတကယ်ချစ်တာပါ ...
78K 11.8K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙
57.8K 854 21
Y/n, a pirate looking for trouble and some fun. 17 years old and 17 years of trouble. Living on the isle of the lost while she sees all over the TVs...