Maid for the Mafia Boss

By Tehmterzya

2.6M 86.5K 14.3K

Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years... More

Disclaimer
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Epilogue
Epilogue Part 2
Characters:)
THANK YOU PO!
Part II / Book 2
Chapitre 1
Chapitre 2
Chapitre 3
Chapitre 4
Chapitre 5
Chapitre 6
Chapitre 7
Chapitre 8
Chapitre 9
Chapitre 10
Chapitre 11
Chapitre 12
Chapitre 13
Chapitre 14
Chapitre 15
Epilogue
Arigathankz!
BONUS CHAPTER 1(Wedding)
BONUS CHAPTER 2(Honeymoon)
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata 21

27.4K 968 121
By Tehmterzya

" Oh" napatingin siya sa nilapag kong kape sa lamesa niya tsaka bumalik sa pagbabasa ng isang proposal para sa company niya.

" Aish" inirapan ko siya kahit na hindi siya nakatingin sa akin.

Simula nung tinanong ko siya dun sa mafia niya, hindi niya na ako pinapansin.

Hindi naman ako nalulungkot kasi bakit naman pero nakakainis na eh.

Ano ba kasing problema niya? Siya pa talaga yung hindi namamansin? May nasabi ba ako? May nagawa ako? Hay nako, para siyang bata.

" Keian, kanina ka pa nakakulong dito sa study mo. Lumabas ka naman, magpahinga ka sa trabaho" lumamig yung ekspresyon niya.

" Ano bang pake mo?" Masungit niyang sabi. Umirap ulit ako at lumabas na sa study niya.

" Nyenyenye" nakakainis naman kasi siya eh. Halos pitong oras na siya doon sa loob ng kwartong iyon. Nakabukas pa yung aircon, ang laki pa naman nung loob. Sayang kuryente. Para makapagpahinga din yung aircon.

" Argh!" Nakakunot ang noo kong pumunta sa maid's quarters para magpalit ng damit.

Pupunta kasi ako sa Infirmary para icheck yung mga pasyente ko doon. Ang galing nga eh, maid na nga ako, doktor pa.

" Oh Nassandra, ano ba iyang mukha mo" naiinis na sabi ni Ema at napanguso nalang ako.

"Bakit? Si Maître?" Tumango ako kay Jane at padabog na kumuha ng damit sa dresser ko.

Tumawa lang sila habang ako, inis na inis. Haaaayyyy!

Nang makapagpalit ako ay pumunta na ako sa Headquarters nila.

Kadalasan ay binabati ako nung mga guards at bumabati ako pabalik.

" Ma'am Nass! Magandang hapon!" Bati ni kuyang guard na ang pangalan ay Felix.

Siya yung pinagtanungan ko tungkol kila Keian at dahil araw araw kaming nagkikita, naging magclose na din kami. Mabait naman silang lahat eh. Kadalasan ay nagk-kwentuhan kami tuwing pupunta ako dito. Siya pala yung parang pinaka leader nung mga guards.

" Kuya! Kamusta?" Nakangiti akong lumapit sa kanya. Kahit na naiinis ako sa kabaliwan ni Keian. Hindi ko hinahayaang maapektuhan nito yung trabaho ko.

" Mas ayos na! Thank you sa iyo ma'am" tinignan ko yung injury niya at sa tingin ko, magaling na siya.

" Naku Kuya, wala lang po iyon. Okay na po yung kamay niyo. Huwag niyo lang po masyadong biglain. Hayaan niyo po munang magpahinga nang mga dalawang araw" ngumiti siya sa akin at nagthumbs up.

" Sige ma'am! Thank you talaga!" Tumango ako sa kanya.

" Welcome po!" Lumipat ako sa susunod na guard na nakastay dito sa Infirmary.

Nang macheck ko na lahat nung taong nandito, napagdesisyonan kong bisitahin si manang.

Lately, hindi na ako nakakabisita sa kanya dahil busy ako sa 'pagaalaga' sa alaga niya.

Pagdating ko sa harap ng kwarto niya ay nakita kong nakabukas ang pinto.

May iba bang tao na unang bumisita sa akin bago ako?

Tahimik akong sumilip sa pinto.

Una kong nakita si manang na nakahiga sa kama pero may lumapit sa kanya na lalaking nakawhite na polo?

Sino yun? Parang ngayon ko lang nakita yung pigura niya.

Pinagmasdan ko lang kung ano ag gagawin niya kay manang.

Muntik na akong mapasinghap nang makita ang hawak hawak niyang bagay sa kamay niya.

Isang latigo!

Maya maya ay mabilis niyang itinali yung latigo palibot sa leeg ni manang.

Don't tell me gusto niyang patayin si manang!

Mabilis ako pumasok sa loob at napatingin siya sa akin.

Kinuha ko iyong pagkakataon para mabilis na tanggalin yung latigo sa leeg ni manang.

Tinulak ko siya palayo sa kama.

" Sino ka? Bakit mo gustong patayin si manang" tumingin lang siya sa akin at tunahimik lang.

Tinignan ko yung bawat galaw niya, nakaupo lang siya ngayon at walang balak tumayo.

Bigla bigla ay iniangat niya yung dulo ng latigo bago ibaba para matamaan si manang na walang kamalay malay na nasa kama.

Mabilis kong hinarangan ang latigo at hindi maipagkakaila ang sakit na naramdaman ko nung tumama ito sa katawan ko.

Pinigilan kong mapasigaw sa sakit. Mabilis kong kinuha yung dulo ng latigo at hinila ito mula sa may hawak.

Nagulat siya dito pero tuluyan ko nang naagaw yung hawak niya. Kumuha siya ng dagger mula sa lagayan niya sa may paa at mabilis na inihagis ito sa akin.

Inilagan ko ito at tumama sa likod ko which is yung pader.

Hindi pa napupunta yung tingin ko sa kanya mula sa pader ay mabilis niya akong tinulak papunta sa pinto at nasara niya ito.

Hawak niya sa kanang kamay ang isa pang dagger habang ang kaliwa ay mahigpit na nakahawak sa leeg ko.

Nahirapan akong huminga. Nilagay ko yung kamay ko sa braso niya at pinalo palo ito baka sakaling bumitaw siya.

Pero mas diniinan niya ang pagkakasakal sa akin.

Nagsimulang lumabo ang mata ko at nahihilo na.

Mabilis ang paghinga ko dahil sa gustong gusto ko nang makalanghap nang oxygen.

Mamamatay na ba ako? Dito sa kwartong ito? Mamatay lang ako sa ganitong paraan? Nagpakahirap ako nang apat na taon sa lansangan para lang mamatay dito?

Hindi! Hindi ako papayag. Kailangan ako ni Brylle at kailangan ako ni Kei. Kailangan mapagaling yung mga kachildishan nung lalaking iyon!

I inhaled a lot of air that I can get as possible tsaka malakas na pinulupot ang kamay sa braso nung lalaki. Mabilis ko itong inikot palikod niya and I heard a satisfying crack.

Napasigaw ang lalaki.

Nabitawan ko siya dahil bigla akong nanghina dahil sa kakulangan sa hangin.

Napaupo ako sa sahig inuubo at hinihingal.

Ganoon din ang lalaki at iniinda yung kamay niyang nabali.

Hindi ko napansin na kinuha niya yung latigo niya at mabilis na hinampas sa banda ko.

Hindi ako nakailag and I felt a burning pain all over my body.

Sa lakas nung impact ay tumama ako sa pader at ang malala pa ay nagdugo yung ulo ko.

Kaagad akong nakaramdam ng pagkahilo.

Tumayo ang lalaki at hinihiling ko na sana ako din ay magkaroon ng lakas para makalaban pa siya.

Gumilid ang ulo niya sa akin bago ngumisi.

Pumunta siya kay manang at itinali ang latigo sa leeg nito.

" No!" Mahina kong sabi kasi talagang nanghihina na ako.

Bumilis yung tunog ng heart monitor hudyat na malapit nang magflatline.

Kinuyom ko ang kamao ko. Wala nang iba pang mamamatay na tao habang nanonood lang ako. Kung dati ay wala akong nagawa, ngayon, sisiguraduhin kong mamamatay itong lalaking ito.

Napatingin ako sa dagger na malapit sa akin na sa tingin ko ay nabagsak nung lalake.

Mahigpit ko itong hinawakan. Sa ulo ko itatama, para hindi na siya mabuhay.

Inangat ko ang kamay ko at handa na akong ibato yung kutsilyo.

" Anak!"  Bigla kong nakita sa isip ko ang mukha nila mommy at daddy. Mabilis na kumunot ang noo ko at binato yung kutsilyo sa balikat nung lalaki.

Natumba siya at napabitaw sa latigo.

Kahit nanghihina ay pumunta ako kay manang para tanggalin ang latigo sa leeg niya.

Unti unti ay bumalik sa normal ang heart rate niya.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa lalaking nanghihina sa sahig dahil sa dami ng dugong nawawala sa kanya.

Napatingin ako kay manang na payapang nakapikit. Mapait akong ngumiti bago nawalan ng malay.

--------------

Zeke's POV

Sumisipol akong pumasok nang hindi kumakatok sa study ni Kei.

Napatingin siya sa akin at umirap lang nang marealize na ako lang yung pumasok.

" Kei! Wassup!" Kinaway niya lang yung kamay niya.

" What do you want?" Masungit na tanong nito. Natawa nalang ako. Ano problema niya? Ang suplado na naman.

" Nasaan si Nassandra?" Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Tinaas ko naman yung kamay ko sinasabing sumusuko ako sa kanya.

" Chill, hindi ko siya aagawin sa iyo" pinanlisikan niya lang ako ng mata tsaka bumalik sa malamig na ekspresyon.

" I don't know" walang tonong sabi niya. Mukhang nagaway silang dalawa ah! Umiling akong tumatawa sa naisip ko.

Hindi man aminin ni Kei pero halata ko na may gusto siya kay Nassandra. That damn man is in love.

" Anyare? NagLQ kayo?" Hindi siya tumingin sa akin at nagbabasa lang nung isang kontrata na galing sa kumpanya niya.

" Stop bothering me Nic" kinunutan ko siya ng noo pero tumatawa nalang na umalis sa kwartong iyon. Wala sa mood ang mafia boss. Baka ako pa ang mapagbuntungan ng galit.

Pero sanay naman na ako sa kanya. Kahit na suplado ay mabait at mapagkakatiwalaan. Higit sa lahat, sweet na lalaki. Ano ba iyan, nakakabakla pero grabe ang binibigay na effort sa amin ni Kei.

Hindi man niya sabihin at alam kong hindi niya nalalaman na pinapakita niya yung soft side niya.

Tumatawa akong pumunta sa headquarters. Baka nandoon siya, tinitignan yung mga pasyente niya.

Pumasok ako sa infirmary at bumungad sa akin yung mga guards na nainjury.

" Maître" sabay sabay nilang sabi. Lumapit ako kay Felix na pinaayos ang tayo nung mga guards.

" Felix" hinawakan ko siya sa balikat at nginitian.

" Ano po ang magagawa ko para sa inyo maître?" Magalang na sabi nito. Tumingin ako sa paligid. Wala si Nassandra dito.

" Pumunta ba dito si Nassandra?" Tumango ito tsaka tinuro yung direksyon papunta sa kwarto ni manang.

" Kanina po pero bumisita kay Manang Vilma" tumango ako at naglakad na papunta sa kwarto ni manang.

Nakangiti kong binuksan ang nakasara nitong pinto pero biglang nanlaki ang mata ko.

Magulo ang paligid at may dugo?!

Pumasok ako sa loob at nakita na nasa kama padin si manang kasama ang dalawang pigura

Isang nakayakap sa kanya at isang nakahilata sa sahig. Yung nakayakap sa kanya ay isang babae na nakasuot ng pang maid na uniporme.

" Nassandra!" Kaagad akong lumapit sa kanya at nakitang dumudugo ang ulo niya at pati na din ang ibang bahagi ng katawan niya na parang hinampas ng... latigo? Wala din siyang malay. Tinignan ko ang pulso nito at buti naman ay tumitibok pa ang puso nito. Mayroon din akong napansin na namumula na nagv-violet na marka ng kamay sa leeg niya

Kaagad kong pinindot yung smart watch ko na ginagamit para sa communication nung nasa mafia.

Pinindot ko yung linya(channel) na ginagamit naming magkakaibigan para matawagan si Keian.

" Rider to Alpha" nakarinig ako ng tunog na hudyat na narinig ni Kei yung message ko.

" What?" Masungit na sabi nito.

" Pumunta ka dito sa kwarto ni manang. Now!" Sigaw ko dahil nagpapanic na ako. Madami nang nawawalang dugo kay Nassandra at humihina na din ang pulso.

Nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya at sa tingin ko ay tumatakbo na si Kei papunta dito.

Hinawakan ko ang pisngi ni Nassandra. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko.

" Nass" tawag ko dito pero hindi siya nagising.

" Ughhh" napalingon ako sa kung saan nanggaling yung isang boses.

May lalaking nasa sahig na bali ang braso at may dagger sa balikat?

Mukhang may balak na masama ang lalaking ito at pinigilan siya ni Nassandra.

Nandilim ang paningin ko at lumapit sa lalaki.

Tumaas ang tingin ng mga nasasaktan niyang mata sa akin. Nakahawak yung isa niyang kamay sa balikat niya habang hindi naigagalaw ang isa.

Kinuha ko yung isa niyang braso, yung hindi bali, at inikot ito. Napasigaw naman siya sa sakit.

---------------------

Tehmterzya\°_°/

Enjoy reading!

If you enjoyed reading Kabanata 21 of MFTMB, kindly vote for this chapter! Thank you! Much appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 2.1K 38
Would you believe that there will always be someone that will always admire you? Would you believe that this 'someone' is something else, like out-o...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
1.4K 168 32
When the vampire worlds exists it has split in two clan. A light clan and a Dark clan. Lee Ann, A defenseless woman forced to become strong in the...