The Wicked Liar 1: The Lying...

Bởi kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... Xem Thêm

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #41: Camping

119K 1.4K 60
Bởi kathipuneraaa

Well, Christmas didnt turned out as what I expected. Sa sobrang pagkabigla ko sa mga pangyayari, I barely had time para makapagreact dahil sobrang bilis talaga!

Imagine, yung dalawa kong tito sumali sa isang raffle without thinking kung mananalo ba sila o hindi. Party yun sa pinagtatrabahuhan nila at bilang part ng year end party, nagkaroon nga ng raffle para sa mga empleyado.

Yung sugar company na pinagtatrabahuhan nila is one of the biggest and stable business dito sa Quezon. And for the past few months grabe ang kinita - so much to the employees' surprise na bigatin ang mga premyo sa raffle.

Sa iba, ang 32 inches na LED TV probably ay ang grand prize na. Pero sa kanila consolation lang yun. So yeah, you can think on na kung gaano nga ka bongga ang mga premyo.

Fast forward. Sabi nga nila dumarating ang swerte sa mga taong hindi nage expect.
Nanalo yung isa kong tito ng family trip sa Singapore for a few days vacation. And of course nagkaroon ng discussion kung sino ba ang dapat sumama since hindi naman kaya na lahat kami. Besides, naka sched daw yung sampung tickets before christmas so as you can see, hindi kami makakapagpasko na sama sama dahil isang linggo sila doon. Bahala na lang din sa bagong taon kung ano ang gagawin namin.

Mabuti na lang ang mga pinsan ko hindi spoiled brats at selfish. Pinaubaya namin sa mga matatanda ang bakasyon na yun. Kahit si papa, mama at ang Lola Pipay namin sumama. Naisip namin na sila ang deserving sa bakasyon na yun. After all sila ang nagpapakahirap magtrabaho so dapat lang na kahit paano makapag relax sila. Lalo na si mama. Alam na ng buong pamilya ang sakit niya kaya mas naisip ng mga pinsan ko na magparaya na lang talaga. It seems so impossible dahil isang araw lang nila pinaghandaan ang lahat but then natuloy sila. And maybe because nakalaan talaga yun para sa kanila. Imagine, sakto din sa kanila ang tickets na walang matandang naiwan samin bukod kayla kuya.

But of course, hindi naman kami magmumukmok na lang. Panatag din naman ang mga magulang namin na iwan kami dahil nandito si Kuya Glenn at ang iba pa naming mga kuya na kahit medyo may pagka tarantado, maasahan pa din sa pag aalaga samin. May they're annoying sometimes pero pag kapakanan na namin ang pinag uusapan umaayos sila.

"Darating na daw yung mga bus maya maya" bahagya pa akong nagulat nang pumasok si Louisse sa kwarto waving her backpack in my face. Muntik ko pang mabitawan yung tshirt ko na nilalagay ko sa backpack ko so hinampas ko siya sa braso.

Napagdesisyunan namin na sumama sa camping na sinasabi ng mga kapitbahay namin. Mayroon daw mayaman na nag sponsor. Invited lahat ng sixteen years old pataas. May mga activities daw na gagawin at overnight yun. Sa katunayan onti lang ang nagrespond sa imbitasyon dahil nga bukas pasko na kaya sumama na kami. Besides, this is the first time na maga adventure kami ng mga pinsan ko and we're excited.

"Sigurado ba talaga kayo dito? Paano kung mga kidnapper lang pala mga yun?" tanong ko sa kanya at sinara na yung bag ko. Though gusto ko din naman na ma experience to syempre hindi din maalis sakin ang mapaisip. Anyway, this will make me occupied. Nung pagdating nga namin dito sa sobrang saya ko halos nakalimutan ko na yung buhay na naiwan ko sa Manila. Almost.

After that talk with Elise, hindi naman na yun nasundan. Which is I am thankful of course dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. But for now ayoko muna isipin yun. Nandito ako para makapagsaya and to spend the remaining days of this year with my family.

Robie called last time para lang bumati sakin cause he'll not be able to see me for a few days dahil sa Amerika daw sila hanggang new year. He just promised to bring back gifts for me, that as if mapapasaya ako nun. But then hindi ko na lang din sinabi dahil natural lang naman yun bilang boyfriend ko siya.

Inikot ni Louisse ang mga mata niya and crossed her arms "Nakapag empake ka nga tapos saka ka magtatanong? Dont worry hindi naman to hoax since this is not the first time na mag invite sila. Hindi lang kami nakakasama dati dahil nga syempre pasko. Magpasalamat na mga lang tayo at libre to. And thanks to those goddy rich Valencianos!"

Hindi ko kilala kung sino yang mga Valenciano na yan pero base sa kwento ng mga pinsan ko, mayamang pamilya daw yan na mahilig sa mga camping events tapos mang iimbita. Hindi sila mga taga dito, but then may place sila sa bayan since originally taga dito ang mga ancestors nila.

"So tara na nga" nagpatiuna na akong lumabas. Si Louisse na ang nagpatay ng ilaw at nagsara ng pintuan para sakin.

Tig isang bag pack lang ang dala namin magpipinsan. Yung iba kong pinsan naka maong na short at tshirt samantalang ako naman naka pantalon. Gusto ko din sana mag short kaso naisip ko kung paano malamok doon. Mabuti na lang naisip din ni Kuya Michael - ang pinaka excited samin, na bumili ng OFF Lotion.

Maya maya dumating na yung dalawang mini bus. May dalawang babae na nakatayo sa harapan namin na nagsabing tawagin daw namin silang "coach". Binilang muna kami at pinapila according sa gender. Kung tama ang narinig ko, fifty daw kami. At pagdating doon sa camping site hahatiin daw kami into ten groups. At umaasa akong makakagrupo ko ang kahit isa man lang sa mga pinsan ko since bente namin kami.

Medyo may kalayuan yung camping site dahil lumagpas kami ng bayan. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko masyado dahil pinag gigitnaan ako ni Sarah at Sam. Yung mga lalaki kong pinsan nasa pinaka likod at sila lang ang maingay habang may ilang babaeng lumilingon sa kanila.

Serial Flirts. Hindi ko man masabi pero may itsura din naman kasi ang mga pinsan kong lalaki. Lalo na si Kuya Michael na dinagdagan pa ng malaki niyang katawan.

"Napipikon ako dyan sa malanding Drew na yan ah!" dinig kong sabi ni Sam na hindi ko alam kung ako ba o si Sarah ang kausap niya.

"Bakit ba?" tanong sa kanya ni Sarah at tinignan yung Drew. Hindi ko makikilala yun kung hindi lang itinuro sakin ni Sam. Mapayat siya at morena na mahaba ang buhok. Nakikipagtawanan siya sa katabi niya sabay titingin sa gawi ng mga pinsan namin.

"Kanina pa tinitignan sila kuya eh"

"Oh eh, ano naman?"

"For Pete's sake ayoko na may mabingwit yan sa mga pinsan natin. That flirt. Who knows baka nga may AIDS na yan sa dami na ng nakagalaw sa kanya" she said bitterly and flipped her hair. Hindi ko maalis ang tingin doon sa tinawag nilang Drew dahil pilit kong inaalam kung totoo ang sinasabi ng pinsan ko na as if namang mapapatunayan ko sa pagtitig lang.

We were startled nang magsalita yung naka assigned na coach samin na maghanda na daw kami dahil malapit na kami. And as usual naghiyawan ang mga pinsan ko. Kaming tatlo lang ni Sam at Sarah ang hindi nakisama sa ingay nila.

Napanganga ako ng makita ko kung saan kami magca camping. Mula dito may nakikita akong mataas na dingding intended for wall climbing and rappeling. May volleyball net, spider web na gawa sa tali at kung ano ano pang obstacle courses. Instantly, nakaramdam ako ng excitement. May ilang tao na din na probably mga organizers. They welcomed us through smiles and greetings.

May nakatingin sakin na lalaki. Stranger yet familiar. I dont know but I think we already met somewhere dahil nakatingin din siya sakin na parang inaalala ako. Kung hindi lang kami sinabihan nung coach namin na umupo, hindi ko siguro aalisin ang tingin sa kanya.

"First rule. Respect your co campers" simula nung lalaki na supremo daw nitong over all camping. Yung mga pinsan kong maingay kanina ayun tumahimik. Alam kong nai intimade sila sa itsura nitong supremo. May piercing siya sa ilong, labi, tig tatlo sa magkabila niyang tainga and man, grabe ang mga tattoo niya sa magkabilang braso. Malaki din ang katawan niya. And I wonder when was the last time na may nagbiro sa lalaking ito.

"Second rule. Mamaya kapag nag groupings, you have to appoint a team leader. And once na may na appoint na you have to respect it" naglalakad siya pabalik balik sa harapan namin na parang iniisa isa kaming tignan. Mabuti na lang at sa bandang hulihan kami at hindi gaano kapansin pansin lalo na ako.

"Third rule. Since nandito na kayo sa loob, bawal lumabas" sadyang nilinawan at nilakasan niya ang pagkakasabi probably para matanim talaga sa utak namin.

"Fourth rule. No cigarettes and alcohols. And also no sexual activities within the premises" tinapunan niya ng tingin ang mga pinsan kong lalaki na nasa likuran namin but they didnt budge. Tumikhim si Kuya Levi at nakangising tumingin kay Kuya Lance.

"May problema ka ba dyan sa likod?" bago ko pa maisip kung sino yung tinutukoy ni supremo, mabilis na siyang nakalakad at nakatayo sa harapan ni Kuya Levi na nanlalaki ang mga mata. Kahit si Kuya Glenn at yung iba pa wala nang nagawa kung di manood lang. "May problema ka, bata?"

Umiling si Kuya Levi at napalunok "Nothing, sir"

Napakapit sakin si Sam at Sarah. At alam kong sa hawak na yun na ninenerbyos sila. Hindi naman ganun ang nararamdaman ko dahil siguro naman hindi sasaktan si Kuya Levi. Camping lang naman to. Hindi training sa pagsusundalo.

Tumalikod na si supremo at bumalik na sa harapan. "Fifth rule. You have to respect the fact, na hindi atin ang lugar na to. Since mga teenagers naman na kayo, at ang iba sa inyo adults na I am expecting of a humane behavior. To make this simple, bawal magkalat"

"Sixth rule. Hindi pwedeng magkatabing matulog ang babae at lalaki. Baka bukas Bagito na" sukat dun nagtawanan ang lahat. Kahit siya na nagsabi natawa na din then eventually back to being serious again.

"Seventh and the greatest rule. Actually this is more of obligatory than a rule. Kailangan pag alis niyo dito may matututunan kayo. Especially sa pakikipag kapwa tao. Is that clear?"

"Sir, yes, sir" we chorused.

Pinatayo kami at binigyan ng tig isang neon green notepad kung saan daw namin isusulat ang mga pangalan namin. Pagtapos ay nilagay yun sa isang box at kinalog kalog ni supremo. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi pa naman siya nagpapakilala.

He motioned us na pumila kagaya nung bago kami umalis which is according to gender. Hindi ko alam kung ano ang nangyari samin magpipinsan dahil hindi na kami nag uusap usap kahit magkakalapit. O nakakaramdam lang kami ng awkwardness dahil sa nangyari kay Kuya Levi kanina.

"Yung mga tatawagin ko pumunta dito sa left side. Group one: Shauna, Lance, Erin, Michael, Drew" nag umpisa na bumunot si supremo ng mga papel doon sa box. Mabilis na gumalaw si Kuya Michael na ngayon pa lang nagpapakita na ng leadership. Papatitij sana ni Sam si Drew kung hindi ko lang siya nakabig palayo.

"Yung mga susunod bahala na kayo kung saan niyo gusto pumwesto. Group two: Sam, Piper, Nathan, Sarah, Louisse" marahas akong napahinga habang yung mga pinsan kong tinawag napa palakpak at napahiyaw. Ang daya naman! Apat silang magkakasama sa isang grupo!

"Group three: Erica, Grace, Thalia, Glenn, Vince" kung kanina medyo naiinis ako ngayon para akong nabunutan ng malaking tinik dahil atleast ka grupo ko naman si Kuya Glenn.

Hanggang sa matapos na ang pag group samin. Well distributed namin kaming magpipinsan bukod sa grupo nila Sam. Mabuti na lang talaga na dito napunta si Kuya Glenn dahil kapag nagkataon left out ako. Hindi naman sa hinuhusgahan ko sila na snob pero hindi kasi ako magaling sa pakikipagkaibigan so definitely baka mapag iwanan ako.

Binigyan kami ng three minutes ni supremo na makapag usap usap bilang grupo at mag appoint na ng leader. Nakakaramdam ako na may nakatitig sakin at tama nga ako. Paglingon ko doon sa harapan, nandun pa din yung lalaki na nakatingin sakin.

"Kuya, ikaw na lang leader since ikaw naman ang pinaka matanda" sabi ni Vince kung tama ang pagkakaalala ko sa pangalan niya.

"Uhm, nope. Ayoko na yan ang dahilan para i vote niyo ako. Isa pa, marami na akong na experience na ganito na naging leader ako so this time gusto ko na kayo naman ang makaranas since hindi naman natin alam kung may next time pa di ba?"

Hindi kami sumagot na apat but we nodded in agreement. Ngayon ako nagkaroon ng pagkakataon na i describe ang mga group mates ko. Medyo may katabaan si Grace at nakasuot ng salamin. Maputi siya at kulot ang buhok. While si Thalia naman maiksi ang buhok, may kapayatan at matangkad. (pero mas matangkad pa din ako) Si Vince naman average lang. Hindi siya maliit, hindi din naman matangkad. Moreno siya at matangos ang ilong.

"Thalia, ikaw na lang" pag voice out ko ng opinyon dahil feeling ko kaya niya maging leader since nase sense ko yun sa aura niya.

"Ayoko eh" she answered furiously shaking her head. Hindi na lang ako nagsalita pa.

"Come on, guys we just got three minutes" apura samin ni Kuya Glenn pero wala naman epekto. Masyado naman kasing maiksi ang tatlong minuto eh. Sana mga ten minutes man lang para nakapagpakilala kami sa isa't isa.

"Time" at senyales na yun na tapos na nga ang tatlong minuto. Nagtatanong na siya kung sino ang leader ng bawat grupo. Sa group one, si Kuya Michael. Sa group two si Sam.

"Group three" walang nagsalita samin kaya napalingon samin ang lahat. Kahit si supremo nanliit ang mga mata sa pagtataka na walang kumikibo samin.

"I repeat. Group three sino ang leader niyo?"

I swallowed hard. Tinignan ko ang mga mukha nila at parang wala silang plano na mag volunteer. So I stepped forward and say "Ako po. Erica" nagpalakpakan yung ibang group sa hindi ko malamang dahilan. Napangiti lang din yung mga groupmates ko at tinapik ako sa balikat habang si Kuya Glenn naman nag thumbs up.

First task: Rappelling. And seems like karamihan samin hindi gusto ang idea na yun dahil mataas masyado yung base. May tinawag si supremo na instructor which made a dramatic entrance through rappelling superman style at in explain nga samin ang tungkol sa rappeling. He said na sixty feet ang taas na dapat namin babain. Hindi naman ako kinakabahan but somehow I dont think I can do it.

Nang matapos na siya mag explain nagtanong na siya kung sino ang gustong mauna. Walang sumasagot kahit ine expect ko na magvo volunteer si Kuya Michael.

"Hindi magvo volunteer si Kuya Michael?" bulong ko kay Kuya Glenn

"It's either may altaphobia yan o nasanay na sa ganyan at hindi na challenging sa kanya"

"Walang magvo volunteer?" supremo asked na nakaangat yung kamay habang hawak yung mga equipments. Luminga linga ako at karamihan nga sa ibang direksyon nakatingin.

"I volunteer" huli na nang ma realize ko na nasabi ko yun. Immediately, supremo motioned me na lumapit sa kanya and I did with heavy steps. Too much from being heroine for today.

"Tie your hair high dahil kapag ayan naipit sa carabiner, malaking problema. You are not listening last time" sita niya habang sinusuot sakin yung harness. Mabuti na lang may ponytail ako so kahit wala ng suklay itinali ko ang buhok ko into a bun. At mabuti na lang din na naka rubber shoes ako. Dapat nga daw boots kaso wala naman na silang magagawa.

"Good luck, first climber" then he winked at me which I found ridiculous considering na ang seryoso niya kanina. O baka natutuwa lang siya sakin dahil pangalawang beses na to na kumuha ako ng atensyon.

Hindi ko alam kung ano ang mas natatakot. Ito bang pag akyat o ang pagrappell mamaya pababa. Ladder lang tong gamit at maya maya nadudulas yung kamay ko na naka gloves so I stopped for a while para tanggalin muna yun. Hindi ko na muna inisip kung gaano na ako kataas dahil natatakot ako na bigla akong matakot at mag tantrums. Pero alam ko na mataas na ako. There's a man on top na maghihintay sakin that shout encouraging words to me kaya mas mabilis akong umakyat

Pinagpahinga ako ng ilang minuto pagdating sa taas dahil hiningal ako. I was given a water by a woman na nag offer pa ng tissue paper.

"You ready?" tanong sakin nung lalaki with a grin. Tumango ako at tumayo na. Huminga ako ng malalim and say a quick prayer. Kung ano ano ang nilagay sa harness ko na para ngang nabigatan ako. Then pinahawak na sakin yung tali na gagamitin ko pababa. He brief na kapag hindi ko na kaya wag daw akong magpapanic. Sumigaw lang daw ako doon sa naga abang sakin sa baba para ma assist ako.

Then moments later eto na nga at bumababa na ako. Dahan dahan akong humahakbang. Ayoko din lumingon sa mga nasa baba kahit na chinicheer nila ako. Yung lalaki at babae doon sa itaas panay din ang cheer sakin.

Ganito pala ang feeling. Hindi naman na ako natatakot dahil pakiramdam ko naglalakad lang ako patalikod. Until may maramdaman akong kamay na nakahawak sa bewang ko at umaalalay sakin hanggang sa tuluyan na nga akong makababa.

Buong akala ko si supremo yun pala si Vince. Hindi pa man natatanggal sakin yung harness yumakap na sila sakin ni Thalia at Grace. "Galing mo, girl!" puri sakin ni Grace. Habang si Kuya Glenn nakatingin lang na nakangiti.

"Fifty points for group three" anunsyo ni supremo na ikinagulat namin. Wala naman siyang nabanggit na may points pala tong task.

"Unfair naman, hindi sinabi kanina na may points pala" may nagsabi from the crowd.

"Kailangan ba may kapalit para gawin ang isang bagay?" he spit back "Lesson one. If you're going to do something, gawin mo yun na naaayon sa puso mo. Hindi yung dahil may naghihintay na kapalit" and that shut everyone up.

Hindi lahat nagtry mag rappell dahil yung iba may fear of heights. Meron naman na nagsabi na susubukan pero pagdating doon sa taas biglang iiyak at sasabihin na hindi pala kaya. Samin na fifty siguro twenty lang ang nakagawa. Ilan din sa mga pinsan ko ang hindi sumubok like Louisse. Sa grupo namin thankfully lahat naman kami. So yeah, we won.

Hindi clear sa pandinig ko kung anong tawag dito sa next task pero mukhang hindi naman siya mahirap. Dalawang mahabang kahoy na pareho ang size na may mga tali. Kailangan namin isuot yun sa mga paa namin at maglakad hanggang makarating sa finish line na hindi nadadapa.

Akala ko lang pala na madali. Mahirap din pero kailangan talaga ng teamwork. Since ako ang leader ako ang nagbibilang hanggang tatlo sabay hahakbang kami. Dahil kapag hindi kami magkakasabay humakbang, panigurado masusubsob kami particularly ako dahil ako pa naman ang nasa harapan at walang makakapitan. And I dont want that to happen dahil kahit madamo ang lupa, may mga putik pa din kaya medyo madulas.

This time hindi kami nanalo sa task dahil matagal yung oras bago kami makarating sa finish line. Second place kami. Grupo ni Kuya Michael ang nanalo though mas mataas pa din ang points namin dahil nakapagrapell kami kanina lahat. Manalo naman o matalo may puntos pa din naman so no effort will be wasted.

Third task, kailangan namin mapagpatong patong yung mga bricks na at makapag form ng miniature building. Pataasan ang labanan. At kapag gumuho, ulit sa umpisa.

Bago namin gawin to nakapag usap usap na kami na walang magsisisihan. After all medyo pagod na nga kami. Hindi naman mahirap tong ginagawa namin ngayon pero nakaka nerbyos kapag tumataas na. Kasi naman eh, sa hindi namin malamang dahilan, nanginginig ang mga kamay namin. Sabi ni supremo sa pagod daw siguro yun.

Palitan kaming lima sa paglalagay ng brick dahil hindi pwedeng isang tao o dalawa lang ang gagawa. Paglagay ko nung akin gumuho so we started again. Kahit na alam kong wala naman sisihan nag sorry pa din ako.

In the end hindi din kami nanalo. Pang third lang kami. Group ten ang nanalo dahil magaling naman talaga sila at mabilis. Lamang pa din naman kami kaya at ease pa din kami.

Final task bago ang dinner. Spider web. Hindi naman siya web talaga ng spider pero ganun ang itsura. Instead of web, mga tali ang naka connect sa wooden frame nito. And our task ay isa isang lumusot sa mga butas. Once na napasukan na yun ng team mate mo, hindi ka na dun pwede dumaan kaya kailangan mag usap usap at magtantyahan kung saan magkakasya ang bawat isa. Hindi din pwede sumagi sa tali. And we cant cheat dahil may something daw doon sa mga tali na kapag dumikit ang ano man part ng katawa namin o damit, magkakaroon ng kulay.

May katabaan si Grace so napagdesisyunan namin na siya ang unang papasok doon sa pinakamalaking butas na nasa gitna. Susunod si Kuya Glenn at pagtutulungan nila kaming dalawa na saluhin sa kabilang side.

Mukhang hindi na naman kami mananalo dahil dumikit si Thalia sa tali. Actually halos karamihan naman meron stain so binase ni supremo ang pagpili ng first place sa pinaka onti ang stain sa mga damit, which surprisingly is us.

At dahil nga kami ang nanalo over all, may reward kami. There is a special dinner waiting for us sa isang tent. Nagtataka ako kung nasaan yung iba pang tent dahil iisa lang ang nakikita ko at para samin lang daw.

"Well for the other groups, kailangan niyong libutin ang buong place to find your supplies. Lahat kayo may tent at pagkain. Ang kaibahan lang kailangan niyo pang gumawa ng apoy at lutuin ang mga yun. So kung ako sa inyo, habang maaga pa hanapin niyo na kaysa maghintay kayo na gumabi pa" nagtakbuhan na ang ilan leaving just the five of us kasama yung mga organizers. Nandyan na naman yung lalaki and this time iniisip ko na parang gusto niya lumapit.

"Erica, kanina pa nakatingin sayo yan. Akala ko kanina hindi ikaw ang tinitignan pero ngayon na tayo na lang ang nandito, sure na sure na ako" bulong sa kin ni Thalia.

"Hindi ko nga alam eh. Para din kasing nagkita na kami dati" pag amin ko

"Ayeee yung mga ganyan linya alam ko na yan. Baka soulmate mo" pangbubuska ni Grace na nakikinig pala sa usapan

"Anong pinag uusapan niyo?" sabad na Kuya Glenn pero umiling kami.

"May crush ka ba dito?" tanong siya sakin sa malakas na boses

"Wala ah!" tanggi ko

"Defensive much, tinatanong lang?"

I just snorted hanggang sa kinausap na kami ni Supremo. He lead us sa malaking tent kung saan kami mags stay. Pagpasok namin may fried chicken, spaghetti, fresh fruits at pizza doon sa mesa.

Umupo kami kaagad at pinalibutan ang mga yun. Ni hindi kami naghugas ng kamay dahil wala namang tubig.

"Congrats, group three. Well deserve, win" sabi ni supremo at umalis na. We say grace at nilantakan agad yung mga pagkain. I settled with spaghetti and chicken thigh. Probably pagod kami at the same time gutom na gutom dahil hindi namin magawa makapagkwentuhan ng mga nangyari kanina.

My thoughts landed to Derick. Upong thinking of him may naramdaman akong tightness sa loob ng sikmura ko and suddenly a hollow inside me. Kamusta na kaya siya? May kasama kaya siyang magno noche buena mamaya? Nandun kaya ang parents niya? Ang lolo niya?

And I have this urge to call him. But at the same time natatakot ako dahil baka si Elise ang makasagot.

Napatingin ako doon sa pizza at may naisip na paraan..

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.7K 623 157
Amare Monter and Eashana Esler have been friends since they were children. Always get along, have the same passion, and are always willing to assist...
1M 31.8K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...
9.6K 115 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...