Like Any Great Love

By Lennon_Leia

11.8K 1.8K 3K

Taong 1917, isa si Francisco Rafael Magsalin, 19 taong gulang, sa mga Pilipinong napili upang ipaglaban ang b... More

Like Any Great Love
i. Like Any Great Love: Introduction
ii. Like Any Great Love: Prologue
I. Like Any Great Love: Iniinda ang Lahat
II. Like Any Great Love: Sumuko Na
IV. Like Any Great Love: Ako na si Francisco
V. Like Any Great Love: Bintana ng Bagong Pag-ibig
VI. Like Any Great Love: Ang Bulaklak na Mirasol
VII. Like Any Great Love: Ang Pagtitipon!
VIII. Like Any Great Love: Muling Pagkikita!
IX. Like Any Great Love: Nakakapanghina ng Tuhod
X. Like Any Great Love: Wala Nang Atrasan
XI. Like Any Great Love: Sa Kabila ng mga Pagbabago
XII. Like Any Great Love: Unti-unting Nagugustuhan

III. Like Any Great Love: Ang Kahulugan ng Kasunduan

421 143 281
By Lennon_Leia

***

HIS P.O.V.

(Franz Rafa Magsalin as Francisco)

🌻🌻🌻

"Francisco! Diyos ko!"

Habol ang mga hiningang nagmulat ako ng aking mga mata. Sunod-sunod ang malalim kong mga paghinga habang inaadjust ko ang aking paningin.

Patay na ba ako?

"Francisco? Mabuti naman at gumising ka na kaibigan."

Nabaling ang tingin ko sa lalaking kanina pa ako tinatawag na Francisco. Bigla ay naalala ko ang madalas kong mga panaginip simula no'ng bata ako. Sa mga panaginip na iyon, ako raw si Francisco. Isa na naman ba ito sa mga panaginip na iyon?

Akmang tatayo ako nang matigilan ako sa aparatong nakakabit sa akin at ang oxygen mask na nasa bibig ko.

Teka? Dahil ba ito sa pambubugbog nila Mercado? Na-confine ba ako sa ospital? Kung gano'n, hindi ito panaginip?

"Francisco, 'wag ka munang masiyadong gumalaw. Batid kong nahihirapan ka pa. Matagal ka ring natulog, kaibigan." At pinilit akong muling inihiga ng lalaking nasa gilid ng kamang kinahihigaan ko.

Matagal na natulog?

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid kung nasaan ako. Natigilan ako nang mabaling ang aking tingin sa gawing kanan ko. May dalawa pang kama, at bawat isa ay may nakahigang mga lalaki na tulad ko ay may iba't ibang aparato rin ang nakakabit sa kanila.

Nasaan ba ako? Isa na naman ba ito sa mga panaginip ko?

Bumalik ang tingin ko sa lalaking kanina pa nakaalalay sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kasuotan niya, uniporme ng sundalo na may watawat ng Amerika. Ito ang parehong uniporme na suot ko sa aking mga panaginip.

Mukhang nanaginip nga ako.

"Na-nasaan ako?" tanong ko sa lalaki na mukhang nakalma na rin dahil sa pagsasalita ko. Hirap ako sa pagsasalita dahil sa tuyo kong lalamunan.

"Narito ka sa kampo. Huwag kang mag-alala sapagkat ligtas ka na. Ligtas na tayo." At saka niya hinawakan ang kamay ko. I can see relief in his eyes. "Tapos na ang digmaan, Francisco. Payapa na muli ang mundo. Nagtagumpay tayo," puno ng saya ang mga sinabi niya.

Digmaan? Kung gano'n, nanaginip nga ako.

"Tatawagin ko lang ang doktor upang suriin ka. Dalawang taon kang nahimlay sa pagkakatulog, Francisco. Akala ko ay hindi ka na gigising. Mabuti nalang at kinaya mo ang hamon ng kamatayan," aniya bago siya nagmamadaling umalis.

Naiwan akong natutulala sa kisame ng silid na ito. Dalawang taong natulog? Kung gano'n, hindi namatay ang Francisco na ito sa digmaan. But he suffered 2 years of being comatose.

Kumuyom ang mga kamao ko nang maalala ko ang huling tagpo bago ako mawalan ng malay. That stranger. Sino siya?

Natigilan ako sa pag-iisip nang bumalik ang lalaking nabungaran ko sa aking paggising. Sa pagkakataong ito ay may kasama siyang banyaga, na nakasuot ng puting roba.

"Hello soldier. It's nice to see you awake again after two years of being comatose." Sunod ay kinuha niya ang stethoscope at sinuri ako. Napaigtad naman ako nang maramdaman ko ang lamig ng stethoscope. Masiyadong totoo ang lahat ng ito. Parang hindi panaginip.

Makalipas ang ilang sandali ay nginitian ako ng doktor.

"Everything is great. You'll just be needing at least three months for recovery. Then, you and some of your fellow Filipino soldiers may come back to the Philippines."

Napahiyaw naman ang lalaking tumawag sa akin ng Francisco. Tinapik lang naman siya ng doktor sa balikat bago nagpaalam sa amin.

"Narinig mo ba 'yon, Francisco? Maaari na tayong makabalik ng Pilipinas! Nasasabik na akong makita ang aking ina at mga kapatid!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang masiyado nang matagal ang panaginip na ito. Bakit hindi pa rin ako nagigising?

"O? May problema ba kaibigan? May masakit ba sa iyo? Nais mo bang tawagin ko muli ang doktor?"

"Kurutin mo ako," utos ko sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Pagkaraan ay natawa siya.

"Bakit mo naman ako uutusang kurutin ka, Francisco? Ano 'yang pumasok sa utak mo?"

Dahil ayaw niyang gawin ay ako ang gumawa. Kinurot ko ang aking braso at napaigtad ako sa sakit. Sunod ay sinampal-sampal ko ang aking mga pisngi.

"Hoy Francisco! Ano bang nangyayari sa iyo?! Bakit mo sinasaktan ang iyong sarili?"

Natigilan ako nang matapos gawin ang lahat ng 'yon sa aking sarili ay nandito pa rin ako sa lugar na ito. Bigla akong nakaramdam ng takot bago ko binalingan muli ng tingin ang lalaking ito.

Umayos ako ng upo mula sa pagkakahiga. Inalis ko ang mga nakakabit sa akin.

"Hala ka! Nayari na! Ano bang problema, Francisco?! Kakagising mo lang! Hindi ka pa malakas!" Pinigilan niya ako sa pagtayo pero hindi ako nagpatinag.

Nang maalis ko na ang mga nakakabit sa akin ay saka ako tumayo mula sa kamang kinauupuan ko. Pero hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko ay natumba na kaagad ako.

"Francisco!" At kaagad akong inakay ng lalaking iyon upang makatayo. Natutulala naman ako sa nangyayari. Hindi ako si Francisco. Pero bakit nasa katawan niya ako?

"Kumalma ka, Francisco. Alam kong nalilito ka pa sa mga nangyayari at handa ko namang ipaliwanag sa 'yo ang lahat." At saka niya ako muling inupo sa kama. "Kumalma ka. Tatawagin ko lang muli ang doktor upang masu---"

"Hindi ako si Francisco," madiin ang pagkakasabi ko no'n na ikinatigil naman ng lalaking nasa harapan ko.

Pinakatitigan niya ako ng ilang segundo bago siya natawa. He was laughing so hard that he almost lost his breath.

"Seryoso ako. Hindi ako si Francisco. At hindi kita kilala."

He simply shook his head from what I've said. He heaved a deep sigh before he sat at the vacant stool beside my bed. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko bago ako pinakatitigan ng mabuti.

"Mukhang malaki ang naging epekto sa iyo ng dalawang taong pagkakatulog. Nagugulumihanan ka pa sa mga nanyayari," he said before he gave me an assuring smile. "Naiintindihan kita, Francisco. 'Tulad mo ay masiyado rin akong nalito sa mga bagay-bagay matapos kong magising sa mahigit isang taong pagkakatulog dahil sa lala ng pinsalang natamo ko sa digmaan. Ngunit huwag kang mag-alala, kaibigan. Hinintay ko ang iyong paggising upang umalalay sa iyo. Para saan pa at naging matalik na kaibigan tayo ng isa't isa, hindi ba?"

Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko napigilang makaramdam ng inggit sa Francisco na ito dahil mayro'n siyang kaibigan 'tulad niya. Isang tapat at tunay na kaibigan na wala ako.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya.

Kaagad namang napaawang ang bibig niya sa naging tanong ko.

"H-hindi mo ako kilala?" At tinuro niya pa ang sarili. Umiling lang naman ako bilang sagot. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako si Francisco na kaibigan niya. "Paanong nangyari iyon? Bakit hindi mo ako maalala, Francisco? Magkaibigan na tayo mula no'ng tayo'y mga bata pa. Hindi ito maaari. Tatawagin ko ang doktor upang sabihin ang kalagayan mo. Hintayin mo ako rito."

At nagmamadali siyang tumakbo palabas ng silid na ito. Napabuntong hininga naman ako nang maiwan na akong mag-isa ro'n. Ano bang nangyayari?

Inilibot ko muli ang aking tingin sa paligid upang humanap ng kahit anong clue na puwedeng magpaliwanag sa akin ng lahat.

Natigil ang paningin ko sa isang lamesa na nasa pinakasulok ng silid. Nakapatong do'n ang isang lumang makina na sa picture ko pa lang nakikita. If I was not mistaken, that's a telegram machine. Then my gaze went to the typewriter next to it. Mayro'n ding ilang pahina ng papel 'tapos ay may pluma at tinta na nakapatong dito. Those things are too old. May computers at android phone na.

Sunod na nagtungo ang tingin ko sa kalendaryo na nasa itaas na bahagi lang ng mesang iyon at nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata ko nang makita ang taon na nasa kalendaryong iyon. February, 1920.

Bigla ay bumalik sa akin ang mga panaginip na mayro'n ako mula no'ng bata pa ako. Bukod do'n sa paulit-ulit na tagpo na isa akong sundalo at nakikipaglaban ako sa isang digmaan, mayro'n din akong mga panaginip na kasama ko ang mga taong hindi ko kilala at luma ang mga suot na damit namin. Lahat sila, tinatawag akong Francisco. Posible bang totoong nasa katawan ako ni Francisco?

Bigla ay natakot ako sa posibilidad na naisip ko. Kung gano'n nga ang sitwasyon, ibigsabihin ay bumalik ako sa nakaraan? Year 1920?

And suddenly the memory of that weird stranger whose wearing an all black suit came back to me. Siya ba ang may kagagawan nito?

"Kung nanaisin mo, Franz. Maaari mong ibigay ang natitira mong oras sa ibang tao na limitado lang ang pananatili sa mundong ito. Ayaw mo nang mabuhay 'di ba? Kung gano'n, ibigay natin ang nalalabi mong oras sa taong nais ituloy ang buhay."

Kaagad akong napahawak sa palapulsuhan ko. Doon ay nakita ko ang isang mahabang pilat na tila ba hiniwa ito. Therefore, this is what that strange man is talking about? I should continue the life of Francisco?

Nawala ako sa malalim kong iniisip nang bumalik ang best friend ni Francisco na kasamang muli ang doktor na kaninang sumuri sa akin.

"Francisco, your friend told me you do not remember him. Is that true?" the doctor immediately asked. Sinagot ko naman kaagad ito ng tango.

Natigilan ang doktor bago malungkot na tiningnan ang best friend ni Francisco.

"I think he's suffering from amnesia. The head trauma he suffered during the war was possibly the reason behind this. I'm sorry Herardo. But I think you need to do some things to help Francisco remember you and everything about himself," the American doctor explained before he returned his gaze to me. "Do you, somehow, remember your full name, Francisco?"

Iling muli ang isinagot ko. Kaagad namang napabuntong hininga ang lalaking tinawag ng doktor na Herardo.

"Indeed. He's suffering from amnesia. But you don't have to worry about this. We will conduct some tests to see if he's suffering from other complications in his brain aside from having an amnesia. Nevertheless, having this condition is nothing serious." At tinapik ng doktor ang balikat naming dalawa ni Herardo bago nakangiting bumaling sa'kin. "The time will come that his brain will recover. Then, he will be able to remember everything. For the mean time, it will be a great help, if you'll tell him some of the things he needs to remember, Herardo. Like his full name, family background and such. This will hastens his recovery."

Nang tuluyang makaalis ang doktor ay saka ako bumaling sa matalik na kaibigan ni Francisco, ang may-ari ng katawang ito. Nakonsensya ako nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Wala ka talagang naalalang kahit ano?" tanong niya sa akin.

"Nakakaintindi ka ng Ingles?" tanong ko naman sa kaniya. Sa haba ng sinabi no'ng Amerikanong doktor na iyon ay mukhang naintindihan niya naman ang lahat ng sinabi nito.

Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi mahusay ang mga Pilipino noon sa wikang Ingles.

Herardo looked at me as if I am some kind of a weird specimen in a biology class.

"Huwag mo sabihing sa aking nakalimutan mo na rin ang pagsasalita ng Ingles?" nagugulat na turan niya.

"Marunong kang magsalita ng Ingles?"

Lalong nanlumo ang itsura ni Herardo. He brushed his hand through his hair before he heaved a deep sigh.

"Ingles ang gamit sa pag-aaral mula primarya hanggang tertiyarya sa Pilipinas mula nang sakupin tayo ng mga Amerikano, taong 1898. Malamang, marunong akong magsalita ng Ingles, Francisco," nanlulumong sabi niya bago muling naupo sa upuang nasa gilid ng kama.

Namangha naman ako sa sinabi niya. Hindi ako mahilig sa history kaya wala akong gaanong alam tungkol dito. Kaya naman pala madali para sa mga Pilipino ang pagsasalita ng Ingles. Parte kasi ito ng kasaysayan.

"Don't worry. I can still speak English. Fluently," ika ko na naging dahilan ng pagkagulat niya. Natawa ako sa reaksyon niya.

"'Buti pa ang Ingles, hindi mo nakalimutan! Habang ako na kababata mo mula no'ng tayo'y nasa pimarya ay kinalimutan mo nang gano'n lang," panunumbat niya na lalo kong ikinatawa.

"Sabi ng doktor, makakalala rin naman daw ako kapag nakarecover na ako," tugon ko na nagpakunot ng noo niya. "Bakit? May mali ba akong nasabi?"

"Paumanhin, Francisco. Ngunit ano ang iyong sinabi? Na-nakarecover?"

Natigilan ako sa tinuran niya. Shoot! Hindi pa ba ginagamit ang taglish sa panahong ito? Lintek. Kailangan ko pa lang mag-ingat sa paraan ko ng pagsasalita. Bukod sa taglish ay minsan hindi ko namamalayang nagiging conyo ako.

"Wala. Wala iyon. Ang ibig kong sabihin ay magiging maayos din ang lahat kapag nakaalala na akong muli." At binigyan ko siya ng isang ngiti. Tumango naman siya.

"Masama ang loob ko dahil nakalimutan mo ako, Francisco. Sa kabila no'n, hindi naman kita masisisi. Ang digmaan ang may gawa nito sa 'yo. Kaya hayaan mo akong muling ipakilala ang aking sarili." At mula sa pagkakaupo ay puno ng tindig siyang tumayo sa harapan ko. "Ako si Herardo Procorpio Katigbak, 24 taong gulang mula sa bayan ng Los Baños sa probinsya ng Laguna. Ako ay matalik mong kaibigan mula no'ng tinulungan mo akong makapasa sa pagsusulit natin sa asignaturang Ingles noong tayo ay nasa ikalawang baitang sa primarya." At bahagya pa siyang yumukod bago inilahad sa akin ang kaniyang kamay.

Natawa naman ako sa ginawa niyang pagpapakilala. I took his hand for a shake.

"Ang suwerte ni Francisco dahil mukhang tapat at tunay kang kaibigan sa kaniya," wala sa sarili kong komento.

"Ikaw si Francisco. Kaya mapalad kang kaibigan mo ang isang 'tulad ko." Natawa ako sa sinabi niya. Kailangan kong itatak sa isip kong ako si Francisco kung ayaw kong magkandagulo gulo ang lahat.

"Ngunit huwag kang mag-alala. Tutulungan kita upang mas mabilis bumalik sa iyo ang iyong mga alaala. At sisimulan natin iyon sa iyong buong pangalan." 'tapos ay tinapik ni Herardo ang balikat ko bago seryosong tumingin sa akin. "Ikaw si Francisco Rafael Magsalin."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.9K 51
Ang love story na pagkain lang ang third party.
Owned By The MVP By Anne

General Fiction

153K 4.1K 18
#SAAVEDRASERIES3 Si Stephen Ryan Saavedra ay isang kilalang basketball player ng Montreal University. Makulit, masayahin, mayaman, matalino at higit...
1.7M 89.9K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
35.6K 482 20
| A SERIES OF COLLABORATION | Nang mamatay ang totoong August. Walang nagawa si Penelope Salazar nang iabot ng isang pulis ang pulang sobre nag lalam...