Like Any Great Love

By Lennon_Leia

11.7K 1.8K 3K

Taong 1917, isa si Francisco Rafael Magsalin, 19 taong gulang, sa mga Pilipinong napili upang ipaglaban ang b... More

Like Any Great Love
ii. Like Any Great Love: Prologue
I. Like Any Great Love: Iniinda ang Lahat
II. Like Any Great Love: Sumuko Na
III. Like Any Great Love: Ang Kahulugan ng Kasunduan
IV. Like Any Great Love: Ako na si Francisco
V. Like Any Great Love: Bintana ng Bagong Pag-ibig
VI. Like Any Great Love: Ang Bulaklak na Mirasol
VII. Like Any Great Love: Ang Pagtitipon!
VIII. Like Any Great Love: Muling Pagkikita!
IX. Like Any Great Love: Nakakapanghina ng Tuhod
X. Like Any Great Love: Wala Nang Atrasan
XI. Like Any Great Love: Sa Kabila ng mga Pagbabago
XII. Like Any Great Love: Unti-unting Nagugustuhan

i. Like Any Great Love: Introduction

1K 186 472
By Lennon_Leia

🌻🌻🌻

IKA-6 NG ABRIL, 1917

Sumali ang Estados Unidos sa Unang Digmaang Pandaigdig (The Great War) upang lumaban sa Ottoman Empire bilang kakampi ng Allied Powers.

Bilang koloniya ng Amerika, nagbigay ng tulong ang Pilipinas sa mga banyagang mananakop. Ito ang dahilan kung bakit binuo ang Philippine National Guard na inatasang makalikom ng mga sundalong Pilipinong mapapabilang sa American Expeditionary Force, ang hukbong tutulong sa digmaang nagaganap sa Europa. Inaasahan ng Amerika ang mahigit labinlimang libong mga sundalong Pilipino na lalaban para sa kanilang bandila. Nagawang makalikom ng Pilipinas nang mahigit dalawampu't limang mga sundalong Pilipino na handang lumaban para sa Amerika at sa Allied powers.

IKA-10 NG MAYO, 1917

"Hindi ka na magkokolehiyo?" Winari ko sa kaniyang mukha kung siya ba ay nagbibiro. Ngunit seryoso ang mga tingin niya sa akin na nagdulot ng kaba sa aking dibdib.

"Hindi na, Mahal. Sumali ang Amerika sa nagaganap na digmaan sa Europa. Kinakailangan nila ng karagdagang sundalong at napasali ako sa listahan ng mga ipapadala sa digmaang iyon." Inabot niya ang aking kamay pagkatapos ay inilapat ito sa kaniyang pisngi.

Kaagad kong iniwas ang aking tingin mula sa kaniya upang itago ang pagtutol ko sa kaniyang desisyon na sumali sa digmaang iyon. Labis ang takot na bumalot sa aking puso dahil sa kaniyang ibinalita sa akin.

"Subalit Mahal, napakalaki ng digmaang nagaganap sa Europa. Maraming bansa ang kalahok doon at marami na ang binawian ng buhay. Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Dinig ko ang pagsusumamo sa sarili kong boses. Napakamakasarili ko para hadlangan ang pangarap niyang maging sundalo. Ngunit hindi ko maatim na siya ay mawawala sa akin  

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Kinuha ko naman ang kamay kong hawak niya at saka tumalikod ng upo mula sa kaniya. Ayokong makita niya ang luhang nagbabadyang umalpas mula sa mga mata ko.

"Pangarap kong maging sundalo katulad ng ama ko, mahal. At hindi ko maaaring tanggihan ang oportunidad na ito dahil si Gobernador Heneral Harrison mismo ang naglagay sa akin sa listahan. Alam mong malaking karangalan na pinagkakatiwalaan ka ng isang mataas na opisyal."

Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko upang muling iharap ng upo sa kaniya. Nagtagpo ang mga tingin namin nang hawakan niya ang mga pisngi ko. Binigyan niya ako ng magaan na ngiti.

"Huwag kang masiyadong mag-alala, mahal. Makakasama ko ang kaibigan ng aking ama na si Tiyo Tomas mula sa Morong, Rizal. Maaaring sa iisang batalyon lang kami mapabilang. Magiging ligtas ako."

Napabuntong hininga ako. Desidido na talaga siya. Wala na akong magagawa upang mabago pa ito.

"Paano kung hindi ka na makabalik mula sa digmaan na 'yon? Labing siyam na taong gulang ka pa lang, Francisco. Hindi ka ba nanghihinayang sa buhay mo?" Natawa siya sa sinabi ko. Napaikot naman ang mga mata ko dahil sa reaksyon niya. "Seryoso ang sinabi ko, Francisco. Malaking digmaan ang gusto mong lahukan. Malaki ang posibilidad na hindi ka na makabalik sa akin! Huwag mo 'kong tinatawanan!"

Pinigil niya ang sarili sa pagtawa. Pagkaraan ay tumango-tango pa siya bago niya kinintalan ng halik ang aking noo.

"Sino bang nagsabi na hindi ako makakabalik? Tiwala akong hindi ako mamamatay sa digmaang iyon. Walang digmaan ang tatapos sa buhay ko dahil kailangan kong makabalik sa iyo. Papakasalan pa kita, mahal. Malaking dahilan na iyon para bumalik akong buhay mula sa Europa."

Pinakatitigan ko siya dahil sa kaniyang sinabi. Wala akong nakikitang takot sa mga mata niya. Marahil dahil ito talaga ang kaniyang pangarap— Ang maging sundalo at ipaglaban ang bayan katulad ng retirado niya nang ama. At sino ba naman ako para pigilan siya sa kaniyang pangarap?

"Mangako ka na babalikan mo ako, Francisco Rafael Magsalin." At saka ko inangat ang hinliliit kong daliri sa tapat niya. Napangiti siya dahil sa ginawa ko. Pero pagkaraan ay pinagsiklop niya ang mga hinliliit namin. Napanood ko ito sa isang dulang itinanghal no'ng isang linggo sa plaza ng mga Amerikanong artista. Sa kultura nila, tinatawag nila itong 'pinky promise'.

"Ipinapangako kong babalikan kita mahal kong Mirasol Leonore Rivera. Inuulit ko. Walang digmaang makakahadlang sa akin sa pagbalik sa piling mo." Pagkatapos ay hinalikan niyang muli ang noo ko. "Hintayin mo ako, mahal. Pangako, saglit lang akong mawawala."

IKA-15 NG DISYEMBRE, 1917

Matapos ang halos ilang buwan na pagsasanay ng mga sundalong Pilipino, ipinadala sila sa Europa upang maging kabahagi ng puwersa ng mga Amerikano.

"Sigurado ka na ba talaga, mahal ko?" At mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nakasuot siya ng unipormeng pangsundalo na may watawat ng Amerika. Bagay ito sa kaniya. Mukha siyang lalaking may prinsipyo at paninindigan.

"Mataas ang moral ng lahat ng mga Pilipinong sundalo na kasama sa misyon na ito, mahal. Gumawa pa nga ng barkong pandigma ang Pilipinas para sa digmaang ito," dinig ko ang pagkasabik sa kaniyang tinig. "At alam mo bang ipinangalan ang barkong iyon kay Rizal. Ang USS-Rizal warship na magagamit upang lampasuhin ang mga kalaban!"

Natawa ako sa sinabi niya. Kahit paano, dahil sa siglang mayroon ang kaniyang boses ay napapanatag ang nag-aalangan kong puso.

"Hintayin mo ako, Mirasol. Babalik ako. Mahal na mahal kita."

Pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko kasabay nang pag-angkin niya sa aking labi. Puno ng pagmamahal at pangako ang halik na iyon. Sapat upang makalma ang labis na pag-aalala sa aking puso.

HUNYO, 1918

Ang huling destinasyon ng 41st Infantry Division ng American Expeditionary Force ay ang bansang Pransiya. Pinamumunuan ito ni Heneral John Pershing at kabilang sa batalyong ito si Tomas Mateo Claudio, mula sa Morong, Rizal. Siya ang unang Pilipinong sundalo na namatay sa Unang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ay karagdagang limampu pang mga sundalong Pilipino ang namatay dahil sa digmaan na naganap sa Chateau-Thierry, France.

"Mirasol! Mirasol!"

Humahangos na nakasalubong ko si Manang Elena na kapapasok lang ng aming tahanan. Kinabahan kaagad ako dahil sa nakikita kong emosyon sa kaniyang mukha.

"Manang Elena, pinapakaba mo 'ko. Anong dahilan ng iyong paghangos?"

Napansin ko ang pag-aalangan ng aking kapatid. Huminga muna siya nang malalim bago niya ako biglang niyakap. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na mas nagpatindi ng takot sa aking puso. Nang humiwalay ng yakap sa akin si Manang Elena, saka naman niya hinawakan ang kamay ko.

"Isang telegrama mula sa Europa ang natanggap ni Don Magsalin." Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa panimula ni Manang Elena. "Namatay na raw si Tomas Claudio, ang kaniyang kaibigan, dahil sa digmaan. Bukod do'n ay may limampu pang ibang Pilipinong sundalo ang nabawian ng buhay, Mirasol."

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko dahil sa masamang balita na iyon. Kasama ni Francisco sa batalyon ang Tomas Claudio na iyon... Hindi maaari.

"Imposible, Manang Elena. Nangako si Francisco sa akin. Ang sabi niya ay babalik siya. Hindi pa siya patay, hindi ba? Hindi siya kabilang sa mga namatay. Nararamdaman ko. Buhay pa siya," sa kabila ng aking sinabi ay hindi ko pa rin napigilan ang aking sarili sa pagluha.

Niyakap naman kaagad ako ni Manang Elena.

"Malaki ang digmaan na iyon, Mirasol. Maaaring kasama si Francisco sa mga nabawian ng buhay," bulong ni Manang Elena na lalong nagpasidhi ng sakit na nararamdaman ko.

IKA-11 NG NOBYEMBRE, 1918

Natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig nang tuluyang magapi ng Allied Powers ang Ottoman Empire. Mahigit siyam na milyong mga sundalo ang namatay at dalawpu't isang milyon ang sugatan. Tinatayang walumpung porsyento ng mga sundalong nabawian ng buhay ay nasa edad na 15 anyos hanggang 49 anyos. Labis ang pinsala na nangyari sa bansang Germany at France.

Bukod sa pinsala ng digmaan ay marami rin ang namatay dahil sa epidemyang kumalat sa Europa. Ang Spanish Flu Epidemic ay kumitil ng mahigit 20 milyon hanggang 50 milyong katao.

"Mirasol... 'Ayos ka lang ba?"

Nag-angat ako ng tingin sa aking ina na kapapasok lang ng aking silid. Labis na habag ang mayro'n sa mga tingin niya habang minamasdan ang patuloy kong pagluha.

Lumapit siya sa aking kama 'tapos ay naupo sa gilid nito. Tinapik niya ang kaniyang kandungan. Nahiga ako ro'n at marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Ikinalulungkot kong hindi kasama si Francisco sa mga sundalong nakabalik mula sa Europa, Mirasol." At naramdaman ko ang paghalik ng aking ina sa noo ko. Nagpatuloy naman ang aking mga luha sa pag-agos mula sa aking mga mata.

"Bakit hindi siya bumalik, Mama? Nangako siya sa akin," ani ko kasabay ng masaganang mga luha at hikbi dahil sa sakit na dulot ng pangungulila ko para kay Francisco. "Ang sabi niya'y walang digmaan ang makakapigil sa pagbalik niya sa akin. Kaya naghintay ako para sa pagbabalik na ipinangako niya."

Pinahid ng aking ina ang mga luha ko pero wala itong silbi. Sobra ang sakit. Napakahapdi.

"Madalas na nawawasak ang mga pangako kaysa sa natutupad ito, anak. Gano'n ang buhay. Kaya pakiusap ko, Mirasol. Pagkatapos mong magluksa para sa hindi pagbalik ni Francisco... Siguraduhin mong bibitawan mo na ang pangako niyang pagbabalik."

Natigilan ako sa sinabi ng aking ina. May malungkot na ngiti sa mga labi niya at patuloy lang ang paghaplos niya sa aking buhok.

"H-hindi ko po kaya. Ma-mahal na mahal ko si Francisco, mama. At alam kong gano'n din siya sa akin. Babalik pa po siya."

"Hindi na siya babalik, Mirasol. Kinuha na siya ng digmaan mula sa iyo."

Continue Reading

You'll Also Like

35.6K 482 20
| A SERIES OF COLLABORATION | Nang mamatay ang totoong August. Walang nagawa si Penelope Salazar nang iabot ng isang pulis ang pulang sobre nag lalam...
1.1K 83 8
Lancelot James (Lance) Santibañez was caught by his father having an indecent affair with his classmate-- Gio Sandoval. Gio is the son of his father'...
38.2K 1.1K 6
WAS IT HARD TO TELL THE TRUTH? Who's the innocent? And who is the traitor? Will she find the truth after everyone confessed? Or the truth will remain...
1M 28.9K 51
Ang love story na pagkain lang ang third party.