Maid for the Mafia Boss

By Tehmterzya

2.6M 86.5K 14.3K

Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years... More

Disclaimer
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Epilogue
Epilogue Part 2
Characters:)
THANK YOU PO!
Part II / Book 2
Chapitre 1
Chapitre 2
Chapitre 3
Chapitre 4
Chapitre 5
Chapitre 6
Chapitre 7
Chapitre 8
Chapitre 9
Chapitre 10
Chapitre 11
Chapitre 12
Chapitre 13
Chapitre 14
Chapitre 15
Epilogue
Arigathankz!
BONUS CHAPTER 1(Wedding)
BONUS CHAPTER 2(Honeymoon)
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata 3

39.9K 1.3K 68
By Tehmterzya

" How many bag of blood does the kid needs?" Tanong nung lalaking kasama ni William sa nurse. Kasalukuyan niyang pinupuno ang pangalawang bag ng dugo para kay Brylle. Sinundan ko siya dito at ito ang dinatnan ko.

" Anim po." Napatingin ako sa nurse.

" Akala ko ba apat lang?" Gulat kong tanong.

" Pasensya na po pero mukhang kakailanganin niya pa ng mas madami pang dugo." Nanlaki ang mata ko. Mga tatlong beses pa siyang kukuhanan ng dugo?! Mas lumungkot ang itsura ko. Mas nakakaramdam ako ng guilty ngayon.

" May isa ng bag diba? If I'm not mistaken, sinasalin na iyon ngayon." Tumango yung nurse.

" Then get 3 more bags of blood from me." Napalingon ako kay Zeke at parehas kaming nagulat ni ateng nurse. Nakakadalawa na siya at sinabi niya nakuhanan pa siya ng tatlo. Hindi ba masyadong madaming dugo ang mawawala sa kanya?!

" Pero sir, baka naman po kayo pa ang mapahamak. Masyado pong madaming dugo iyon." Inirapan ni Zeke yung nurse na nagpapacute sa kanya.

" I don't care" lumingon siya sa akin.

" You don't have to worry on finding more blood for him. Ako nalang ang pagkunan mo." Umiling ako sa kanya, napakunot din ang noo ko.

" Hindi mo po iyon kailangan gawin. Baka mawalan ka ng masyadong dugo at ikaw naman ang mahimatay." Bumuntong hininga yung lalaki at mas nakunot ang noo ko.

" I can manage, malakas ang pangangatawan ko." Ngumisi ito sa akin at tumingin sa mata. Nagkatitigan kami at napataas ang kilay ko. Nakatingin lang sa akin ang nurse at parang hinihingi ang permiso ko.

" You have to find ways Nassandra, tutal ikaw ang dahilan kung bakit nandito si Brylle and I'm the only way." Bumuka ang bibig ko sa mayabang na sinabi niya. Pumikit-pikit ako. Inaabsorb yung mga nilabas nung dila niya. Teka, ako ang dahilan kung bakit nandito si Brylle? Ow wow. Sampal iyon sa akin ah.

Ngumiti ako kay Mr. So Yabang bago tumingin sa nurse.

" Gawin mo kung ano gusto niya" sabi ko dito at umalis na sa harap nung lalaking iyon. Ayos yung lalaking yon ah! Alam ko naman na ako may dahilan bakit kailangan pang iparating sa akin?!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil sa inis. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko at nagulat nalang ako nang nasa tapat na ako ng pinto ng fire exit ng ospital. Binuksan ko ang pinto at naglakad sa pababang hagdan.

Napasinghap ako dahil patuloy na bumabalik sa ala ala ko yung sinabi nung lalaking iyon.

Ikaw ang dahilan kung bakit nandito si Brylle...

Napasabunot ako sa buhok ko.

" Argghhh!" Sumandal ako sa pader at unti unting bumabagsak sa sahig.

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko dahil sa pagiisip na ako nga ang may kasalan ng lahat ng ito.

Paano kung may mangyaring masama kay Brylle at ako ang dahilan noon? Mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala. Ayoko nang may mawala sa pamilya ko... nang dahil sa akin.

Humikbi lang ako nang humikbi dito sa fire exit hinihintay na mapakalma ko ang sarili ko. Siguro ay inabot ako ng mga isang oras. Pasalamat ko nalang na walang dumadating na tao dito.

Nang tumigil ang pagiyak ko,pinunasan ko ang mukha ko at nagdesisyong bumalik kay Brylle.

Naglakad ako sa ward ng ospital at pumunta sa stall nung bata.

Pagpunta ko sa stall ay walang katao-tao doon. Chineck ko kung tama yung number at tama naman. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala sila dito.

Malapit na akong magpanic pero pinakalma ko ang sarili ko.

" Nurse, nasaan yung nakaconfine dito na bata?" Tanong ko sa isang lalaking nurse na nasa desk.

" Ay ma'am. Nalipat na po siya sa private ward sa fourth floor." Huh?

" Excuse me? Si Brylle Del Luna?" Tumango yung nurse.

" Bakit? Sino nagpalipat sa kanya sa private ward?" Diniinan ko yung salitang private. Kahit na gusto ko siyang dalhin sa isang private room, hindi ko afford yung ganong kamahal na bill na aabutin. Private hospital pa naman itong pinuntahan namin.

" Sorry ma'am pero may form po ako dito nung mismong nagpalipat. Siya na daw po ang magbabayad ng lahat ng expenses niyo." May binigay sa akin na papel yung nurse at tinignan ko yung pangalan nung nag fill up.

Mr. Zeke Nicolas Alexandre

Kinuyom ko ang palad ko dahil sa inis pagkakita palang nung pangalan niya.

" M-ma'am pwede po bang huwag niyong lukutin yung papel" tinignan ko nang masama yung nurse at nagulat naman siya. Narealize ko yung ginawa ko at napatingin sa lukot na papel sa kamay ko.

" Ay hehehe." Nilapag ko yung papel sa desk at sinubukang idiretso yung lukot na papel.

" Sorry" nakangiti kong sabi dito.

" Okay lang po. Nasa room 408 po si Brylle Del Luna." Tumango nalang ako dito at sumakay na sa elevator tsaka pinidot ang 4th floor.

Pumunta ako sa tapat ng room 408 at tinignan yung board na may pangalan sa katabing pader nito.

Brylle Del Luna
4 years old
Dr. Elliot Mendoza

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa kwarto. Binungad ako ng malamig na hangin galing sa aircon na nadito at maluwang na kwarto.

Tumingin ako sa gilid at nandon ang isang kama kung saan nakahiga si Brylle. Hindi pa din siya gising.

" Nassandra " tumingin ako kay tita na napatayo mula sa isang sofa sa loob ng kwarto.  Bumuntong hininga ako tsaka isinara ang pinto.

" Tiya, bakit naman po kayo pumayag na ilipat si Brylle?" lumapit ako sa tabi ng bata at hinawakan ang pisngi nito. Napansin ko din na mayroong nakaturok sa kanya para nasalinan siya ng dugo.

" Nako iha, napakabait ng amo ni William. Sabi niya dito nalang raw si Brylle siya na daw bahala sa gastusin." sabi nito na hindi pinansin ang tanong ko. Tinignan ko si Tiya at mukhang masayang masaya siya sa ginawa ni Mr. So Yabang. Palihim akong umirap.

" Pero tiya, malaking utang na loob iyon. Anong hinihingi niyang kapalit?" napaisip siya.

" Wala siyang sinabi Nassandra, siya na daw bahala."

" Sinong tao ang gagastos ng malaking pera para sa isang batang hindi niya naman kakilala at binigay pa talaga lahat ng dugo niya" lumakas na ang boses ko dahil naiinis na talaga ako sa lalaking iyon.

" Nassandra! Tumutulong na nga yung tao ayaw mo pa. Hindi ba pwedeng isa siyang good samaritan?" tinignan ko si tita nang aalang ekspresyon.

" Bakit sa atin lang kung good samaritan?" sagot ko dito.

" Paano mo nalaman na sa atin lang siya tumutulong? Malay mo ay libo libo na ang natulungan niya." umiling nalang ako kay Tiya.

" Ipapalipat ko ng kwarto si Brylle. Ako ang magbabayad ng gastusin sa pagkakaospital niya." tumayo siya at lumapit sa akin.

" At saan ka kukuha ng pera? Wala ka namang trabaho." natigilan ako sa sinabi ni Tiya.

" Hahanap po ako ng paraan."

" Nassandra----"

" May trabaho pa po kayo diba?" sabi ko dito, hinihiling na matapos na yung paguusap namin. Bumuntong hininga siya.

" Kukuha ako ng mga gamit sa bahay. Itext mo nalang yung mga kailangan mong gamit. Ako na ang magdadala dito." Tumango lang ako sa kanya at hinintay siyang lumabas.

Napatakip ako ng mukha habang nakapatong ang ulo sa kama ni Brylle.

" Mama " nakarinig ako ng mahinang pagtawag at nalatingin ako kay Brylle. Gising na siya!

" Brylle" mabilis ko siyang niyakap iniingatan na hindi masagi yung mga nakakabit sa kanya.

" Sorry, hindi kita naalagaan mabuti." umiyak ako habang nakayakap sa kanya. Yumakap naman siya pabalik.

" Don't cry mama." mas lalo akong umiyak sa sinabi niya.

Deserve niya ba ako?

The love of a mother, whether foster or not is unbreakable
---------------

Tehmterzya

Enjoy reading!

If you enjoyed reading Kabanata 3 of MFTMB, kindly vote for this chapter! Thank you! Much appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

897 57 13
Isang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang nina...
127K 2.2K 33
itong Story nato ay tungkol sa GANGSTER kong paano magmahal ang isang gangster sa isang innocente na babae Dahil walang kahit na sino ang nakaka alam...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
65.1K 1.3K 33
(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality