Sprouted Desire ✔

By dyrnevaia

137K 3.1K 804

Hacienda Series I Cresencia More

SD
Love, Dyrne
Paunang Silip
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata

Kabanata 5

2.1K 72 16
By dyrnevaia

Hindi na ako umimik pa nang sumunod ang ilang oras sa manggahan. Paulit-ulit na bumubulong sa aking isipan ang narinig kanina mula kay Aling Isang—ayon sa sinabi niyang pangalan. Mapait ang aking naging panlasa at parang naging hindi maganda ang pakiramdam ko. Parang gusto ko na lang tuloy umuwi.

Ramdam ko ang panay na pagsulyap sa akin ni Simon dahil isa siya sa mga nag-aabang ng mga basket na ibinababa ng mga umakyat gamit ang lubid. Mano-mano ang lahat sa pagpitas ng mangga. Ingat na ingat din ang mga umakyat na huwag maibagsak ang basket na punong-puno ng laman.

Hindi ko magawang mabilib sa mga kalalakihang kayang umakyat ng mga ganitong katataas na puno. Kahit pa siguro ngayon din sila mismo umakyat sa mga puno ng niyog. Kung maganda lang siguro ang pambungad sa akin ay baka kanina pa ang panay kong puri.

Nakatiklop ang aking tuhod at sa ibabaw no'n ay nakapatong ang aking mga braso. Tahimik lang akong tumitingala habang panaka-naka akong kinakausap ni Papáng.

"Sabihin mo lang kung gusto mo nang umuwi Cresencia. Ipapahatid kita," sambit niya nang makita ang nakausli kong labi.

Tumingin ako sa kaniya na nasa aking tabi. "Ayos lang ako Papáng. Natutuwa po akong manood," pagsisinungaling ko.

Ako itong atat na atat kaninang sumama rito, nakakahiya naman kung basta-basta na lang akong uuwi.

Ibinalik ko ang tingin sa taas kung saan abala si Rigor sa pagkuha ng mga mangga at maingat na inilalagay sa basket na nasa likuran niya. Tumingin siya sa ibaba kung saan kami nakapuwesto nila Papáng at ngumiti. Tipid ko naman siyang ginantihan.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang muling pagbaling sa akin ni Simon bago pagod na pinahiran ang pawis sa leeg gamit ang kaniyang sandong suot. Pinigil ko ang sariling tagpuin ang kaniyang mata. Tumayo mula sa likuran ko si Winona, iyong kasintahan ni Simon at tumungo sa kaniya. Gusto kong mapairap sa hangin pero pinirmi ko na lang ang mata sa pagtanaw sa itaas.

Hindi ko ba alam kung sadyang maalaga lang itong si Winona kay Simon o talagang gusto niya lang ipangalandakan na magkasintahan sila. Sa tuwing nakikita ko kasi siya na nakatingin sa akin ay tinataasan lang ako ng kilay. Wala naman akong ginagawang masama pero parang sa tingin niya ay mayroon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ramdam niya bang may gusto ako sa kasintahan niya? Pero 'gusto' lang naman iyon! Wala akong balak makisawsaw sa isang relasyon.

Tumayo ang asawa ni Aling Isang na kasama lang din naming nakaupo sa banig. "Ako naman diyan Simon. Magpahinga ka muna, hindi magkandaugaga sa 'yo si Winona," natatawang hayag ng matanda.

Sumulyap sa akin si Papáng. Gusto ko siyang pagalitan dahil hindi niya man lang inamin sa akin na may kasintahan na pala si Simon. Ano na lang kaya ang iniisip niya kanina sa pinag-usapan namin habang patungo rito? Nag-init ang aking pisngi sa hiya.

Muli akong tumingin kay Winona na abala pa rin kay Simon. Hindi ko naman hilig ang mainis sa isang taong hindi ko pa lubusang kakilala, itong si Winona pa lang. Huminga ako nang malalim bilang pagpapakalma sa sarili. Walang maidudulot na maganda ang pabugso-bugsong damdamin.

Tumigil na nga si Simon at pinalitan na siya ni Mang Canor. Tumungo na ang magkasintahan sa aking likuran kung saan nakapuwesto si Winona kanina. Napatuwid ako ng upo pero hindi pa rin binabago ang posisyon.

"Oh ito, inom ka muna ng tubig," boses iyon ni Winona sa aking likuran.

Wala akong narinig na salita galing kay Simon pero rinig ko ang pag-inom niya ng tubig. Hindi ko man kita ang paraan ng pag-inom niya ay tiyak kong nakakaengganyong pagmasdan iyon lalo na't pawisan siya!

I bit my inner lower lip. Dang, it Cresencia! Get a hold of yourself! He was taken already!

Tumingin si Papáng sa kaniyang relong pambisig. Napatingin din tuloy ako sa akin. Malapit ng mag-alas-dose.

"Tigil na muna! Kain muna tayo, mga kasama!" sigaw niya iyon na umalingawngaw sa kapunuhan ng mangga.

Bumaba nga lahat ng umakyat na kalalakihan at lumapit sa aming puwesto. Naglatag uli ng panibagong banig si Aling Isang upang pag-upuan ng lahat. Nang makalapit sa amin ang sampung umakyat ay sabay-sabay silang nagsisialis ng mga pang-itaas na damit. Agad akong napayuko.

"May kasama tayong mga babae rito," matigas na bitaw ni Simon na tiyak kong para sa mga kalalakihang naghubad.

Natawa nang mahina si Winona at kita ko pang marahan niyang sinapak sa braso si Simon. "Ano ka ba Simon, sanay na kami 'no!"

"Si Senyorita ang tinutukoy ko," sagot niya at nagnakaw ng sulyap sa akin.

Natigilan ang mga kalalakihang tanging pang-ibabang saplot na lang ang mayroon sa kanilang katawan. Tumikhim ako at tiningnan sila. Nakataas lang ang kilay sa akin ni Papáng, waring nagtatanong kung naiilang ba ako o hindi.

"S-sige lang. Ayos lang. Alam kong naiinitan kayo," nginitian ko pa sila at tila sila nahihiyang tumango sa akin bago sila sabay-sabay na umupo.

"Saka baka sanay na 'yang si Senyorita noong nasa Maynila pa lang siya." Tumingin sa akin si Winona at ngumiti. Pekeng ngiti.

Nagkibit-balikat na lang ako. Wala akong ganang kausapin siya dahil ramdam kong peke lang ang pakikitungo niya sa akin.

Nagsimula na ngang nanguha ng kaniya-kaniyang pagkain ang lahat mula sa pagkaing dala nina Aling Isang at Winona. Sa asta nila ay tiyak kong hindi lang ito ang unang beses na nagsalo-salo sila. Nagbibiruan pa sila at parang alam na alam na ang ugali ng bawat isa.

I suddenly felt out of the place.

Inabot ko ang pagkaing kinuha ni Simon para sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ay katabi ko na siya sa aking kaliwa at sa kanan naman ay si Papáng. Pabilog kaming umupo para kita ang lahat.

Tiningnan ko ang ulam na nasa pinggan—daing na may kamatis at nilagang talong na may bagoong. Nakatikim naman na ako dati ng ganito kaya ayos lang.

"Baka hindi mo gusto ang ulam Senyorita?" Muling nagsalita si Winona. Gusto ko siyang irapan dahil iba ang dating sa akin ng pagkakatanong niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay, walang pakialam kahit nakatingin ang lahat sa akin. "Baka hindi ka sanay sa pagkaing mahirap."

"Hindi naman ako maarte. Kaya kong kainin kahit ano pa ang nakahanda," mababa kong saad.

Sa sobrang pagngingitngit ng aking kalooban ay agad akong kumuha ng daing at agad isinubo pero agad ding napaubo dahil agad kong nilunok iyon nang hindi gaanong nginunguya. Namasa ang gilid ng aking mata dahil sa sakit ng lalamunan. Pakiramdam ko tuloy nagkasugat 'yon dahil sa agaran kong nilunok 'yong matigas na tuyong isda!

Ramdam ko ang agad paghaplos ni Papáng sa aking likuran habang hindi naman ako matigil sa paghaplos ng lalamunan. Lumitaw ang baso ng tubig na bigay ni Simon at hindi na ako nagdalawang-isip na uminom doon.

Nang mahimasmasan ay ginala ko ang tingin. Lahat sila ay nag-aalalang nakatingin sa akin maliban kay Winona na lumagpas na yata sa noo ang pagkakataas ng kilay.

"P-pasensiya na. Nabigla lang ako," at ibinaba na ang baso ng tubig. Tumingin ako sa aking kaliwa, salubong ang kilay at nakatikom ang labi ni Simon habang nakatitig sa akin. "Salamat," halos pabulong kong sambit.

"Kuhanan na lang ba kita ng ibang ulam Senyorita?" Putol ni Rigor sa katahimikan. "Puwede akong magpagawa kung ano ang gusto n'yo."

Agad akong umiling dala ng hiya. Baka isipin ng mga ito na masyado akong pa-importante at paalaga sa kanila.

"H-hindi na. Ayos na 'to, salamat." Nginitian ko siya at tumango na lang ito.

Bumalik ang pagiging masigla ng lahat sa pagkain habang ako ay nakayuko lang at mabagal sumubo ng kanin. May kutsarang ibinigay sa akin kanina pero dahil sa napansin kong ako lang ang naka-gano'n ay tumulad na rin akong magkamay. Kahit sa ganoong paraan lang ay alam nilang marunong akong makibagay.

Ayaw kong iba ang turing sa akin ng mga tao rito kung puwede naman nila akong tratuhin bilang isang ordinaryo lang din. Ayaw ko silang mailang dahil lang sa presensya namin. Gusto ko rin silang makausap at makakwentuhan ng walang iniisip na agwat sa pagitan.

Wala pang dalawampung minuto ay tapos na ang lahat sa pagkain. Kinakabahan akong napatitig sa aking pagkaing kalahati pa lang ang nababawas. Bakit naman ang bilis nila?

Nakanguso akong napalingon kay Papáng. Napahinga ako nang maluwang nang abala pa rin siya sa pagkain at sarap na sarap na nilalamutak ang daing. Napangiti ako nang inangat niya ang kamay at sinubuan ako ng nilagang talong.

"Ubusin mo 'yang pagkain mo Cresencia," bilin niya at nagbalik ulit sa pagsubo.

Nakangiti akong nagpatuloy, ginanahan dahil kasama ko pa si Papáng.

Bumalik ang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa. 'Yong ibang kalalakihang natira ay nagsimula nang magbuhat ng mga basket patungo sa tinggalan kung saan pinaglalagyan ng mga naaaning tanim sa hacienda.

Nagpaalam muna saglit sina Aling Isang at Winona para iuwi na ang mga dalang pinagkainan para mamaya raw ay wala na silang bibitbitin. Halos mapatalon ako sa tuwa nang makaalis sila pero hindi ko ginawa dahil hindi pa umaalis sa aking tabi si Simon.

Tumayo si Papáng at inangat ang keypad na cell phone—malayong-malayo sa gamit namin ni Mamáng. "Sagutin ko lang 'to," paalam niya at tumalikod na para lumayo sa amin.

"Ayos ka lang ba?" Simula ni Simon nang nanaig ang katahimikan sa amin.

Napatingin ang mga ibang tauhan sa amin pero wala namang sinabi. Tumingin ako sa kaniya. Ang dalawang palad niya ay nakalapat sa banig sa kaniyang likuran, sumusuporta sa kaniyang bigat habang nakaunat ang mahahabang binti. Tumingin din siya pabalik sa akin na siyang nagpaiwas agad sa akin ng tingin.

Baka kung anu-anong mabubulaklak na salita na naman ang maisip kong pamuri sa kaniya. Dang myself for thinking that this handsome man beside me was still single!

"Ayos lang naman." Pinilit kong pinakaswal ang boses.

"You're not okay, Cres." Halos ibulong niya iyon para walang makarinig sa pagtawag niya sa akin.

Napaangat ang sulok ng aking labi dahil sa matigas niyang pag-ingles. In fairness, he was good at speaking English huh? Hindi naman sa masyado ko siyang minamaliit pero parang hindi lang ako sanay na nagsasalita siya ng wikang banyaga. But indeed, it sounded hot!

"I am okay," pagpipilit ko pa rin.

"Hindi mo ako gaanong pinapansin."

"Kailangan ba ay pansinin kita lagi?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay.

"Hindi naman." Namula ang kaniyang tainga. "Ang sigla mo kasing kausap kahapon. Ngayon ay parang umilag ka."

Hindi ko na siya pinansin pa at tinanaw na lang si Papáng na parang problemado sa kausap sa kabilang linya. Nakita ko pang napahilot siya sa sentido.

"Ano'ng problema?" Pangungulit ulit ni Simon.

Huminga ako nang malalim at humalukipkip habang nakaupo. "Wala nga."

"Ramdam kong mayroon."

"Ano naman ngayon kung mayroon?"

"Cres..." mas bumaba ang tinig ng boses niya.

"May kasintahan ka na pala, bakit hindi mo sinabi?" Hindi ko napigilang sabihin. Parang may bumara sa aking lalamunan pagkaisip kay Winona.

Yumuko ako agad para kagatin nang mariin ang labi dahil sa kagagahang sinabi.

Why did I sound so jealous? Dang you, Cresencia and your mouth!

Hindi siya agad nakasalita. Gigil kong kinagat uli ang pang-ibabang labi dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ba masyado akong apektado na may kasintahan siya? Ano naman ngayon kung sila ni Winona?

Bahagya kong nakapa ang naninikip na dibdib. Tila ito tinutusok nang malalaking karayom. Umasa siguro ako sa kaniya dahil gusto ko siya kaya ko nararamdaman ang ganito.

"You don't have to answer it," malamig kong dagdag. Napahaplos ako sa aking labi dahil nakalasa ako ng parang metal. Tiningnan ko ang aking daliri at nagulantang sa nakitang dugo. "Oh my gosh!" tili ko at agad pumikit.

Dang, it! I hate seeing blood!

Nagawi ang mga mata ng lahat sa akin. Maging si Papáng ay nag-aalala akong nilingon.

"P-Papáng! There's blood!" Muli kong tili bago bahagyang nahilo.

Lahat ay natigilan sa ginagawa at nakangangang napatitig sa akin. Lumapit sa aking harapan si Simon at hinawakan ang aking labing tiyak na dumudugo dahil sa maririin kong pagkagat kanina.

"Cres..." Pagpapakalma niya pero nablangko na ang isip ko.

Kita ko ang pagbulsa ni Papáng sa kaniyang cell phone at dali-dali akong nilapitan pero tuluyan nang nandilim ang aking paningin.





---

Tinggalan—kamalig (Barn, Storehouse)

Continue Reading

You'll Also Like

12.2K 399 50
An Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya...
527K 15.4K 41
She's Maria Aragon. At ang tanging hiling lang sa buhay ay matulungan ang pamilya niyang naghihirap sa buhay. But then, mukhang may saltik ata ang t...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...