Ruined ✔

By dyrnevaia

112K 2.4K 317

Grenaige Twin: Landon's Check the hashtags & read my bio before you dive in this story. (PUBLISHED but no mor... More

Ruined
Love, Dyrne
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Huling Kabanata

Kabanata 6

3.6K 86 19
By dyrnevaia


TIYAK kong pulang-pula na ang aking pisngi ngayon. Ilang beses ko ring kinagat nang mariin ang labi para saktan ang sarili.

Dang, it! What was I even thinking? Stupid, Arisha!

"Thank you for this," ngisi niya at inagaw mula sa aking pagkakahawak ang damit bago lumayo na sa akin. Nang-iinsulto pa ako nitong tinitigan pataas-pababa. Umiling siya, "You can go now." At tuluyan na akong tinalikuran.

Tila ako binuhusan nang malamig na tubig. Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas ito bago ko nanlalatang ibinigay ang buong bigat sa kabinet na nasa likuran. Inis akong napahilamos ng mukha dahil sa kahihiyan at insultong naramdaman.

The way he looked at me a while ago was like a blow to me. Tila ako nakakadiring tao sa kaniyang harapan at halatang hindi ako pasado sa standards niya para patulan.

And dang it! He was my bestfriends' fiancé! Bakit ko ba 'to nararamdaman?!

Nakayuko akong lumabas ng kaniyang silid. Hawak ang magkabilang kamay ay dumiretso na ako patungong pintuan. I saw him sitting on his swivel chair now. Panigurado sa isip nito ay pinagtatawanan na ako.

Kalahati na ng katawan ko ang nakalabas ng pintuan nang pahabol itong nagsalita. "Call someone to clean this mess. And change your blouse Ms. Mercado. You look like shit." Ramdam ko ang pang-iinsulto sa paraan ng pagkakasabi niya.

Napatiim-bagang akong lumabas nang hindi siya nililingon. Dumiretso ako ng cr ilang layo mula sa conference room. Pinakatitigan ko ang sarili at bahagyang sinabunutan ang buhok nang makitang basa rin ang parte ng itaas kong dibdib. I could see my black brassiere because of the white color of my blouse!

He was right. I looked like shit.

Nagpalit ako ng panibagong blouse. Buti na lang at lagi akong may dalang extra blouse sa bag. Hindi na ako muling inutusan pa ni Landon na ikinatuwa ko naman.

My phone rang. Kinuha ko ito sa gilid ng aking mesa at pinakatitigan ang pangalan ni Niel na tumatawag. Bagot ko itong sinagot.

"Hello babe?" May pag-aalangan sa boses nito. "Sorry. Did I disturb your work?"

Umiling ako nang bahagya kahit pa hindi niya ako nakikita. "Hindi naman. Bakit?" Kaswal kong sagot.

"Can we dine in a restaurant tonight?"

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako natuwa sa kaniyang suhestiyon. Napahilot ako sa aking sentido. Mas nagpadagdag pa siya sa mga iniisip ko.

"I'm sorry, Niel. May tatapusin kasi akong report mamayang gabi." Kagat-labi kong palusot.

Wala ako sa mood para pagbigyan siya ngayon at hindi ko rin alam kung bakit. Dati-rati naman ay ako pa ang unang nagyayaya para lang magkasama kaming dalawa.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Ganiyan na naman ang sagot mo noong nakaraang niyaya kita." Naging malamig ang boses niya.

"Totoo Niel. Busy kasi talaga ako sa trabaho ngayon. Alam mo na, bago na 'yong amo ako." Rason ko habang pinipisil-pisil ang daliri dahil sa kasinungalingang pinagsasabi.

"Nawawalan ka na ng oras sa 'kin Arisha."

Napakamot ako sa tainga dahil tiyak kong magsisimula na naman itong magdrama. "Niel alam mo namang—"

"Ikaw pa ba 'yan?" Natigilan ako sa narinig. "Kasi ramdam kong hindi na ikaw 'yong Arisha'ng girlfriend ko." Mas tumigas ang pagkakasambit nito.

"Ano ba sa tingin mo?" Unti-unti na naman akong naiirita sa takbo ng usapan.

"Arisha, ni hindi na tayo masyadong naglalalabas. Minsan ayaw mo na rin akong ihatid-sundo ka. Hindi ka naman ganiyan dati." May narinig akong pagkabasag sa kabilang linya. "Sabihin mo nga sa 'kin, may bago ka na ba?" Kinilabutan ako sa kaniyang katanungan.

"Huwag mo ngang ipasa sa 'kin kung ano ang ginawa mo noon!" Hindi ko na naitago ang pagkainis. "You know what? We better stop this. Hindi na tayo nagkakaintindihan." Bumilis ang aking paghinga.

"So may bago ka nga?" Galit na niyang turan. "Binabawian mo ba ako?"

"Wala akong bago! Tigilan na lang natin 'to!"

"Hindi." Madiin niyang saad. "Hindi ako papayag!" Pagkasabi niya no'n ay pinatayan na ako ng tawag.

Nanghihina akong napasandal sa headrest ng upuan at mariing ipinikit ang mga mata. Naiinis ako sa mga pagbabagong nangyayari sa akin.

Sa isang iglap lang, gulong-gulo na ako.


"GUSTO n'yo bang magpa-check-up 'Lo?" I asked Lolo while we were busy having our lunchtime.

Sabado ngayon at kahapon bago ako umuwi ay nag-text sa akin si Gandara na parang nahihirapan daw huminga si Lolo. Sa tuwing ganito ang nangyayari ay hindi ako mapakali. Alam ko namang hindi biro ang kaniyang sakit. Wala naman akong sapat na pera kaya tanging mga gamot niya lang ang nabibili ko.

"Hindi na apo. Masyado ka na namang nag-aalala." Kinumpas pa niya ang kamay na tila dini-dismiss ang aming usapan.

Humugot ako nang malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagkain. "Basta ho 'pag may nararamdaman kayong kakaiba ay sabihin n'yo lang po sa akin."

Naging tahimik ang buong maghapon ko matapos kong makapaglaba ng damit. Masaya rin ako dahil hindi ako binigyan ng gagawin ngayong Sabado. Panay ang kulit sa akin ni Niel kanina na lumabas daw kami dahil gusto niya akong i-date. Tinanggihan ko siya at sinabi kong busy ako. Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kaniya dahil sa huli naming pag-uusap.

Abala ako sa pagpupunas ng buhok dahil handa na ako sa pagtulog nang tumunog ang cell phone ko para sa isang tawag. Wala sa sariling napairap ako sa kawalan dahil tiyak kong si Niel na naman iyon.

Tumungo ako sa maliit kong kabinet at bumunot ng damit pantulog. Hindi pa rin matigil ang pag-ring kaya't dabog kong nilapitan ang cell phone sa gitna ng aking kama at akmang papatayin nang mapakunot-noo.

Unregistered number ang tumatawag. Itinapon ko lang uli ang cell phone at tuluyan nang nagbihis pero wala pa ring nangyari, patuloy pa rin iyon sa pagtunog. Inis kong inilagay ang basang tuwalya sa sampayan sa loob ng aking banyo bago kinuha ang cell phone para sagutin.

Pinigil ko ang sariling mairita. "Sino 'to?" bungad ko.

Maingay ang background sa kabilang linya. Tiningnan ko pa ulit ang screen bago ibinalik sa aking tainga.

"Come here." Dalawang salita lang iyon pero agad akong tinayuan ng balahibo. Mula sa pagkainis ay agad napalitan ng kaba. "Cortez Residence. I'll wait you," paos ang boses nito.

"W-wait... sino 'to? At, ano'ng gagawin ko diyan?" Muli kong pang-uusisa kahit pa may hinala na ako kung sino ito.

Gusto ko lang makasigurado na siya nga. Hindi ba't ayaw niya sa presensiya ko? Bakit niya ako pinapapunta roon ng ganitong oras ng gabi?

And it was Saturday! Wala na kami sa opisina para utusan ako!

"Don't act like dumb. Just come here. I'll text you the exact house number." Pagkasabi niya no'n ay pinatayan na ako ng tawag.

Maang kong tinitigan ang screen bago sukong napatingala. Muli akong bumalik sa aking kabinet at naghanap ng fitted black blouse at jeans. Nagsuot din ako ng sneakers bago lumabas ng kuwarto. Tiningnan ko ang cellphone nang mag-vibrate ito. Nandoon na nga ang exact address na dapat kong puntahan.

Tahimik akong gumalaw palabas ng kuwarto. Alas-otso y media na kaya't alam kong tulog na si Lolo. Hindi naman ako natatakot iwan siya mag-isa dahil ni-lock ko naman nang maigi ang pinto.


NAKARATING ako sa saktong address na iniutos niya sa akin. Sa labas pa lang ng bahay ay marami ng tao ang nagkakasiyahan. Maaliwalas ang paligid at lahat ay nagsasaya. Nahihiya akong pumasok sa loob pero tinatagan ko ang sarili.

I felt so out of the place. Women were wearing their bikinis while men were on their board shorts and trunks. Naghiyawan muli ang mga naroroon habang itinataas ang mga kamay na may hawak na baso ng alak nang may tumalon sa malaking pool na pinalilibutan nila.

Iginala ko pa lalo ang tingin sa paligid baka sakaling mahagip ko si Landon ngunit wala siya roon. Muling nag-vibrate ang aking cell phone.

Inside.

Pagkabasa sa text niyang iyon ay dali-dali akong tumungo sa nakabukas na pinto nang malaking bahay. Two storey iyon at parang gising na gising dahil sa ingay ng mga tao. May mga babae pang tinaasan ako ng kilay at nagtawanan nang mapadaan ako sa kanilang harapan.

Lakas-loob akong pumasok sa loob. Halos marindi ako sa halu-halong tugtugin at mahilo sa nagkikislapang mga ilaw.

Hindi ko ma-imagine kung gaano kagulo ang bahay na 'to 'pag nagsisialisan na lahat ng mga tao.

"Higher! Higher! Higher!" Sigaw ng mga nagkumpulang tao sa isang gilid.

Nagawi ang tingin ko roon at lumapit dahil naaninag ko ang likuran ni Landon. Tiyak kong siya iyon dahil kabisado ko ang kaniyang pangangatawan.

Tilian ang sumunod nang mas makalapit ako at muntik nang lumuwa ang mata nang makitang dinidilaan ni Landon ang inner thigh ng babaeng nakahiga sa lamesa! Hiyawan ang mas nanaig sa loob ng bahay at pinagtatapik pa si Landon sa balikat nang matapos nitong magawa iyon. Ang babae namang naka-two piece red bikini ay tila hindi na makabangon sa kalasingan.

Napangiwi ako sa nasaksihan. Parang walang kahihiyan ang mga taong naririto at hindi man lang mandiri sa mga 'di makataong pinaggagawa. 

Continue Reading

You'll Also Like

282K 15.3K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
20.8K 393 43
(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the f...
377K 15.1K 56
Behind her innocent looks, she was a famous and the most wanted Hitman/assassin who possessed both Intelligence and Beauty. Being such a young girl s...
174K 5K 29
Status: Completed Start Posted: October 16, 2020 End: December 4, 2020 Kapag ba kinasal ka, nasisiguro mo ng maayos ang lahat? kapag ba nasayo na ang...