St. Achelous Academy: The Hid...

By PranzzSipe

32.2K 1K 186

Welcome to St. Achelous Academy! In a secluded school, far away from mortals. No one knows about this except... More

DISCLAIMER
St. Achelous Academy: The Hidden School for Demigods
Chapter1: Secretary Lacy Whitt
Chapter 2: Erebus
Chapter 3: Head Leaders Meeting
Chapter 4: Faded Clues
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: The House
Chapter 7: Unrevealed Secret
Chapter 8: Another Case
Chapter 9: Chasing the Daemon
Chapter 10: Danger Zone
Chapter 11: Started
Chapter 12: Midnight
Chapter 13: Announcement
Chapter 14: St. Achelous Annual Game: Begins
Chapter 15: S.A.A.G - Arachnids
Chapter 16: S.A.A.G - Getting Worst
Chapter 17: S.A.A.G - Under Attacked
Chapter 18: S.A.A.G - Devil in Disguised
Chapter 19: S.A.A.G - Battle of Survival
Chapter 20: S.A.A.G - Battle of survival Pt.2
Chapter 21: S.A.A.G - Escape Plan
Chaper 22: S.A.A.G - Last Day
Chapter 23: St. Achelous Annual Game: End
Chapter 25: Aftermath
Chapter 26: Mandate
Chapter 27: Zeus Warning
Chapter 28: Thalia's Dream
Chapter 29: Unexpected Visitor
Chapter 30: Hermes
Chapter 31: Aristaeus
Chapter 32: Darkness
Chapter 33: Fall of Two
Chapter 34: Bad Omen
Chapter 35: Final Battle
Chapter 36: Rhea's Message
Final Chapter: In Memories

Chapter 24: Revelation of Secrets

99 7 0
By PranzzSipe

dedicated to beautifulhunterghost

---

24. Revelation of Secrets
Austin's POV

"Sa wakas makakaamoy na rin ako ng sariwang hangin." masayang wika ni Kayla habang nilalanghap ang preskong simoy ng hangin. Ipinikit niya ang kanyang mata saka dinama ang hangin na sumasalubong sa kanya. Napangiti na lang ako.

Nandito kami ngayon sa gym. Kakalabas lang namin mula sa maze. Nasa harapan namin ngayon ang lahat ng Minister's, si Head superior pati na rin ang sekretarya nito.

"Welcome back my dear students!" bati ng Head superior na may malapad na ngiti sa labi.

"Ikinagagalak kong nakalabas kayo ng ligtas sa maze sa loob ng dalawang araw. Pero ako'y lubhang nalulungkot din dahil sa pagkawala ng ilan sa inyong mga kaklase," pagpapatuloy nito. Tsskk! Tahimik lang ang lahat habang nakikinig sa kanya. Napansin ko naman ang pagtago ni Valentino ng kanyang kamay sa likuran niya na may hawak na mapa. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa harap.

"Ngayong araw ay pahihintulutan ko muna kayong magpahinga dahil alam kong pagod kayo at hindi pa nakakaligo magmula ng pumasok kayo sa loob ng maze. Bukas we will celebrate our party at 6:00 in the evening.  And we will end at 2:00 in the morning. So enjoy the rest of the day my dear students of Achelous." panapos na sabi ng Head superior.

Kanina ko pa hinahanap si Minister Hemster sa mga Minister na nakatayo sa harapan namin ngayon pero hindi ko siya mahanap.

"You can now proceed to your doorms students." sa pagkakataong ito ang secretary naman ng Head superior ang nagsalita.

"Hayst salamat naman." napabuga ako ng hangin. Nagsimula ng magsi alisan ang mga Ministers at sina Head superior kasama ang kanyang sekretarya.

"Gusto ko ng maligo. Ang dumi-dumi ko na." reklamo ni Thalia sabay tingin sa damit nito.

"Ako nga rin eh. Hindi ko na alam kung ano ang itsura ng tubig." sabi ko. Natawa naman sila sa sinabi ko.

"See you later guys." paalam namin sa ibang sections. Naglalakad na kami ngayon papunta sa aming building.

"My ghad na miss ko na ang kama ko. Kamusta na kaya 'yon? Baka marami ng alikabok at agiw 'yon." sabi ni Katie sabay pa cute.

Tama siya. Maging ako rin ay galak na galak ng makahiga muli sa aking kama. Kahit na dalawang araw lang kami sa maze ay para sa akin ay isang buwan na kaming naroroon. Hayst ang importante ay natapos na ang laro at bumalik na rin ang dati sa lahat.





***

"See you later Austin." paalam sa akin ni Thalia bago siya pumasok sa kanyang dorm.

Nginitian ko na lamang siya saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aking dorm. Nang makarating na ako sa harap ng aking kwarto ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa silid. I'm back! sabi ko sa aking isipan ng makapasok na ako. Huminto muna ako ng maisara ko ang pinto ng aking silid. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking silid. Napangiti na lamang ako. Naglakad ako papunta sa banyo. Pinaandar ko ang shower. Kaagad na tumalsik ang malamig na tubig sa akin. Ahhhh...ang sarap sa pakiramdam. Mukhang sabik na sabik na ang aking katawan sa tubig. Matapos kong maligo ay kumain muna ako. Mabuti na lang at may pagkain pang natira sa reef kaya may nakain ako.

Then, after that ay lumabas muna ako sa dorm at nagpahangin. Ang sarap sa pakiramdam na makalanghap muli ng sariwang hangin. Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala atang gumagala ngayon sa Academy. Pati na rin ang council hindi ko sila nakita kanina. Ano kaya ang nangyari sa pagkawala ni secretary Lacy? Hayst! Mukhang andami ng nagbago dito. Napahikab ako. Nakaramdam ako ng antok. Oras na siguro para magpahinga muna ako saglit. Naglakad ako pabalik ng aking silid. Nang maisarado ko ang aking pinto ay kaagad kong binagsak ang aking katawan sa kama. Pagkuway ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa ako ay nakatulog.









Leo's POV

Matapos ang mahaba-habang pagbati kanina ng Head superior ay kaagad akong bumalik dito sa dorm. Sabik na sabik na akong makita si Lacy. Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa kwarto ko. Napangiti ako. Siguro na miss din niya ako. Nandito na ako sa tapat ng aking kwarto. Marahan kong pinihit ang door knob at itinulak ito papasok.

"Mahal nandito na ako." masayang bati ko sa kanya. Pero natigilan ako ng walang Lacy akong nadatnan sa aking kwarto.

Nagtungo ako sa mini-kitchen. Wala siya dito ganun rin si Harley. I check also the comfort room. Wala talaga. Napansin ko ang papel na nakatupi sa mesa. Kinuha ko ito at binuksan. Sulat ito galing kay Lacy. Umupo ako sa aking kama at binasa ito. Kaya pala wala siya rito ay nandoon sila sa bahay sa gitna ng gubat. Nakalagay rin dito ang dahilan kung bakit sila nandoon.

Matapos kong basahin ang sulat ay itinago ko ito sa ilalim ng aking unan. Naglakad ako papunta ng banyo. Nang makapasok na ako sa loob ay pinaandar ko na agad ang shower. Tinanggal ko ang saplot ng aking katawan. Naramdaman ko ang malamig na butil ng tubig na tumatama sa akimg balat.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang isinulat ni Lacy. Kaya pala may Arachnids doon. Sa maze ay dahil sinadya talagang ilagay 'yon ng Head superior. Marami na talagang nagbago mula ng pumasok kami sa loob ng maze na iyon. Kailangan ipaalam kay Head leader ang totoo. Kailangan ko silang mabalaan.









3rd person's POV

Bumukas ang pinto ng Head superior's office. Pumasok sa loob ang Head superior kasama ang secretary nito. Parehong nakangiti ang mga ito ng tuluyan ng makapasok sa loob. Umupo sa kanyang swivel chair ang Head superior samantalang sa mesa naman umupo ang kanyang secretary.

"So nakabalik na ang mga estudyante, ano na ang plano mo?" tanong ng secretary na nakatingin sa Head superior.

"May malaki akong pasabog bukas sa kasiyahan nila. Natitiyak kong magagandahan ka sa sorpresa ko," nakangiting sagot ng Head superior. "Nga pala ang mga alaga natin pakicheck muna sila sa stock room." utos nito sa kanyang sekretarya na kasalukuyang sumasalin ng alak sa wine glass ng Head superior.

"Gutom na siguro ang mga 'yon." natatawang sabi ng secretary bago lumisan sa silid ng Head superior.



***

"Kunting-kunti na lang at mapasasaamin na ang akademyang ito." masayang sabi ng secretary sa kanyang sarili habang naglalakad papunta sa stock room. Nang makarating siya sa tapat ng silid ay binuksan na niya ang pinto. Wala siyang nadatnang tao dito sa loob ng makapasok siya.

"Saan kaya nagpunta ang mga dugyot na iyon?" tanong nito sa kanyang sarili habang ginagalugad ang buong silid. Nang siya ay nagsawa na ay lumabas na ito. Bumalik siya sa Head superior's Hall para ibalita na wala na ang mga ito sa stock room.

"Ano!? Paano sila nakatakas?" sunod-sunod na tanong ng Head superior matapos sabihin ang balita.

"Hindi ko rin alam. Hindi naka lock ang pinto doon ng pumasok ako." paliwanag ng secretary nito.

Ibinaba niya ang wine glass na hawak matapos inumin ang alak na nakalagay dito. Halatang nagdidilik ang paningin nito dahil sa labis na galit.

"Kailangan mahanap silang dalawa. Walang ni sino man ang dapat humadlang sa mga plano natin." giit nito. Nakatingin siya ngayon sa labas ng bintana.

"Paano naman natin sila mahahanap?" tanong ng secretary habang naglalakad papunta sa tabi ng Head superior.

"Akong bahala. Mahahanap din natin sila." ngumiti ang Head superior sa pagkakataong ito.

"Hmmm paano kaya kung patayin nalang natin sila? Ang mga estudyante nitong academy?" mungkahi ng sekretarya.

"Magandang ideya. Nakipag usap na ako kay Kratos. Pumapayag siya na tulungan ako sa kasiyahan na gaganapin bukas ng gabi. At sa gabing din na iyon ay mapapasa akin na ang buong Akademya. Whahahah!" sabi ng Head superior sabay tawa ng malakas.


•••

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 777 58
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
7.2K 385 20
Mint Academy Special Chapters
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...