Left (Season 4): Fear.

By Louiemijj

62.4K 3.9K 1.1K

Thou shall fear humans. --- *Season One: Left.* *Season Two: Returned.* *Season Three: Despair.* Date Started... More

Simula.
Una.
Pangalawa.
Pangatlo.
Pangapat.
Panglima.
Panganim.
Pangpito.
Pangwalo.
Pangsiyam.
Pangsampu.
Panglabing-isa.
Panglabing-dalawa.
Panglabing-tatlo.
Panglabing-apat.
Panglabing-lima.
Panglabing-anim.
Panglabing-pito
Panglabing-walo.
Pangdalawampu.
Pangdalawampu't-isa.
Pangdalawampu't-dalawa.
Pangdalawampu't-tatlo.
Pangdalawampu't-apat.
Pangdalawampu't-lima.
Pangdalawampu't-anim.
Pangdalawampu't-pito.
Pangdalawampu't-walo.
Pangdalawampu't-siyam.
Pangtatlumpu.
Pangtatlumpu't-isa.
Pangtatlumpu't-dalawa.
Pangtatlumpu't-tatlo.
Pangtatlumpu't-apat.
Pangtatlumpu't-lima.
Pangtatlumpu't-anim.
Pangtatlumpu't-pito.
Pangtatlumpu't-walo.
Pangtatlumpu't-siyam.
Pangapatnapu.
Pangapatnapu't-isa.
Pangapatnapu't-dalawa.
Pangapatnapu't-tatlo.
Pangapatnapu't-apat.
Pangapatnapu't-lima.
Pangapatnapu't-anim.
Pangapatnapu't-pito.
Pangapatnapu't-walo.
Pangapatnapu't-siyam.
Panglimampu.
Epilogue

Panglabing-siyam.

976 71 18
By Louiemijj

Panglabing-siyam.

//Kat's//

Pinakinggan ko ang papalayong yabag ni Logan.

This is all I can do, hear his footsteps stepping away from me. Okay na ako sa mga yabag ng paa niya.

Pinalipas ko pa ang ilang saglit ng buksan ko ang pinto at silipin ang hallway. There's no one. Only the tupperware in front of me.

Dinampot ko ang baunan. Papasok na sana ako ng magulat sa nakita ko na naglalakad palapit sa akin.

There's a kid!

What the fuck is this kid doing here? I know there's no kids here! But then I remember na hindi ko pa naman naeexplore ang buong mansion. Hindi ko pa nakikilala ang mga taong nandito at hindi ko pa rin nakikita lahat.

Lumabas agad ako at pinuntahan ang bata na tingin ko nasa tatlong taong gulang lang. He's so small. He reminds me of Jayjay but just a bit bigger and can walk.

Agad kong tinakbo ang pagitan namin at binuhat ito. Gulat na napatingin ito sa akin at itinulak ako.

"Hindi ikaw ate!" Takot na sabi nito sa maliit na boses.

"Hello mabait ako!" Parang kidnapper na nangungumbinse kong sabi lalo na ng ngumiwi ito at parang iiyak. "Anong pangalan mo?"

"Anz po."

"Anz? Asan ang ate mo?"

"Iwan ko e, labas po ako e."

"Saan ba kayo?"

"Baba!" Tumuro ang maliit nitong kamay sa baba.

But instead of going down and giving him back I found myself running to our room like a thief. I'm keeping the kid!

Pumasok kami sa kwarto.

"Hindi ko alam sa baba." Pagsisinungaling ko ng malapag ito sa kama pati ang baunan na bitbit ko.

Tinitigan ko ito. He looks so cute. Akin na siya!

"Ako rin hindi alam."

Oh my god! He's mine now!

"Pwede ka dito. Papakainin kita."

Pinakita ko ang baunan ng pagkain.

"Ah ah." Itinuro nito ang bibig.

Kaya naman binuksan ko ang baunan at pinakain ito habang tinititigan.

Kung buhay pa si Jayjay lalaki siya ng ganito.

"Bubig."

What?

"Bubig!" Tas umakto itong umiinom.

Kaya naman kumuha ako ng tubig sa lagayan ko rito ng mga tubig at pinainom ito.

I watched him drink water.

Nang ayaw na nitong kumain ako naman ang kumain at inubos ang pagkain sa baunan habang tinititigan ito. He looks so cute at mukha rin itong mabait.

"Ano pangalan mo?" Tanong niya.

"Ako si Ate Kat."

"3 ako." Pinakita nito ang tatlong maliliit na daliri sa akin. Pinapaalam kung ilang taon na siya. "Ikaw po?"

"20."

"Ate ko rin 20."

"Ano pangalan ng ate mo?"

"Maymay."

"Bakit iniwan mo si ate Maymay?"

"Eh tagal eh, gutom na po!" Tapos tinapik tapik nito ang tiyan nito.

"Ngayon hindi ka na gutom."

"Hindi na! Busog na! Yehey!" Tumalon talon pa ito habang nakaupo.

Nakakatuwa siya kausap kasi hindi siya bulol. Parang sinanay kausapin ng tuwid. Kaya naman buong umaga kinausap ko siya. Tinanong ko siya ng kung ano-ano, ganun din siya sa akin. Naglaro pa kami.

Pero ng mag-aya na itong umuwi ayoko talaga siya ibalik. It's been days since I saw someone other than Bebang. At bata pa. Its like he's meant to be seen by me so I won't get sad anymore at may makasama na ako dito. But I know kung sino man ang ate nito hahanapin siya at kukunin rin sa akin.

Nang magtanghali na at marinig ko ang katok ni Logan. Hindi ako lumabas kahit nagtataka siya sa katok.

"Tao po!" Sabi niya at umakto pa na kumakatok sabay turo sa labas. "Bukas! Bukas!"

"Mamaya!"

"Bakit?"

Nginitian ko lang siya.

Nagalala ako. Mamaya darating na si Bebang. Makikita niya si Anz. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Should I ask her to let Anz with me?

Napatalon ako at napatayo ng bumukas ang pinto.

"Hoy! Sabi ko sayo labasin mo naman si Logan! Tas ngayon di mo pa kinuha tong hinatid niyang pagkain." Salubong nito sa akin.

"Kukunin ko din naman."

"Hay nako-" Natigilan ito ng mapatingin sa kama ko. "Hanz!"

Hanz? So hindi Anz.

"Ate Bebs!"

Magkakilala sila!

"Bwisit kang bata ka! Bakit nandito ka! Kanina ka pa namin hinahanap nila Maymay! Umiiyak na 'yong ate mo tas ikaw nagawa mo pang mambisita ng iba!" Gulat ito habang nilalapitan si Hanz.

"Hindi ako bwisit po!"

"Hehe joke lang 'yon nadala lang sa feelings si Ate oo naman. Pero hindi ka dapat lumabas! Bakit lumabas ka!"

"Eh tagal Ate May eh, gutom na ako e!"

"Kahit na dapat hindi ka pa rin lumabas! Buti nandito ka lang! Hinahanap ka na nila sa labas kasi baka nasa labas ka!"

"Hindi po akyat lang ako dito. Pero hindi ko alam baba eh."

"Hay nako! Sana nagpahatid ka kay Ate Kat!"

"Hindi niya alam baba e."

Napatingin sa akin si B at nagtaas ng kilay.

"Ay oo hindi niyan alam paano bumaba kasi lagi lang 'yan nandito!" Sarkastikong sabi nito, alam na nagsisinungaling ako. "Kidnapper lang te? Hindi marunong magbalik ng bata! Alam ko miss mo kapatid mo pero may naghahanap sa kanya."

"I know. I just want him to stay here."

"Buti na lang bumabalik ako dito."

"Can he stay here?"

"Gaga no! Baliw ka ba! May ate siya! At ngayon nandoon sa baba umiiyak pa rin."

"I'm sorry. I should have take him back."

"Well hindi naman kita masisisi kung hindi mo nga rin naman bet lumabas. Pero seriously lying that you don't know where is baba?"

"I know. I'm sorry. You can take him back."

"Ayan ang dali lang magsorry di ba! Gawin mo rin sa kanila!"

"Shut up!"

"Mama mo shut up!"

Inirapan ko ito.

"Away kayo ni Ate Kat Ate Bebs?"

"Hindi ah!"

"Buti pa kumain ka na diyan! Sumama ka sa akin."

Umiling agad ako.

"Don't worry hindi kayo magkikita ng mga kaibigan mo sa pupuntahan natin."

Tumango ako. Maybe it's time to go out from here.

Kaya naman nagumpisa na akong kumain. Sinusubuan ko rin si Hanz.

"Mauubos na pala stock natin ng tubig dito." Sabi ni B ng mapansin ang mga bote na wala ng laman.

Nagiimbak kasi ito ng tubig dito sa kwarto para hindi na siya bababa kapag nauuhaw at para sa akin.

"Kukuha lang ako sa baba."

Tumango ulit ako at nagpatuloy kami sa pagkain ni Hanz. May mga munting tanong din ito habang kumakain kami na agad ko namang sinasagot.

Paubos na ang pagkain namin ng bumalik si B at may bitbit pang baunan.

"Kulang 'yan. Ito pa." Inabot niya sa akin ang baunan na agad ko namang tinanggap. Kasi kulang talaga. Malakas kumain si Hanz.

"Don't tell me nagshare din kayo sa pagkain mo kaninang almusal."

"Oo." Sagot ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos nagpahinga lang kami saglit. Si B naman ay bumaba ulit para ibaba ang mga baunan ng pagkain at mga bote ng tubig.

Nang makabalik ito agad nitong binuhat si Hanz.

"Tara."

Tumayo ako at sinundan ito.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko na ikinatigil nito at gulat na hinarap ako.

"Is that you?"

"Hindi."

"Girl tangina nakakagulat ha! Pero oo kumain na ako."

Umirap lang ako na ikinatawa nito. Tss nagtanong lang naman ako.

"Bad Ate Bebs. Mumura ka!"

"Sorry na."

"Okay."

"Wag mo nga akong ginugulat Kat! Bawal magmura sa harap ng mga bata!"

"Tss hindi ko kasalanan na nagulat ka."

"Eh paano sanay ako na wala kang pake sa akin at utusan mo lang ako na tagababa ng mga tupperware sa baba at taga akyat ng mga tubig."

"Hindi kita inuutusan no! Kusa mo 'yon na ginagawa!"

"Syempre kasi hindi ka bumababa! Jusku aamagin ang mga baunan kapag hindi nahugasan at nakatambak lang! Baka sa palad ni Logan ilagay ang pagkain na ihahatid niya sayo. O di kaya sa bibig tas halikan na lang kayo ipapasa niya yung kanin at ulam sa bibig mo."

"Will you shut up! There's a kid." Sigaw ko. At sumabay sa paglalakad nito pababa sa hagdan.

"Tss hindi niya alam 'yon."

"Kahit na."

"Oo na!"

Binaybay namin ang hallway sa second floor nagulat pa ako ng may makitang naghahalikan na bigay na bigay. Ang sarap nila bigyan ng banig.

"Putangina niyo! Gusto niyo ipagdikit ko 'yang mga bibig niyo mga ulupong kayo!" Sigaw ni B habang binabaon ang mukha ni Hanz sa leeg nito.

Agad naman naghiwalay 'yong dalawa.

"Magkwarto kayo mga punyetang 'to! Dito pa talaga."

"Sorry Bang!" Sabi noong lalaki na nakangisi sa amin kinindatan pa ako na inirapan ko naman. May babae ng kasama haharot pa sa iba.

Nagulat pa ako ng tapikin si B sa pwet na agad naman nitong hinarap at sinipa sa tagiliran na agad nitong ikinasigaw. Masakit 'yon lalo pa at mukhang malakas sumipa ito at rinig ang pagtama

"Putangina ka! Putulan kita ng kamay kang hayop kang pangit ka!"

"Sorry na! Grabe ka sumipa kabayo ka ba?"

"Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin putangina ka!"

Kumakamot na umalis ito. Hila hila ang kamay ng kahalikan nito.

"Your fucking mouth." Sigaw ko.

"Your mouth too!"

Napailing na lang ako. At sinundan ulit ito.

"Nandito na tayo!" Tumigil kami sa isang pinto. Kumatok ito saglit, mayamaya lang bumukas ang pinto.

"Hanz!" Sigaw ng babae sa loob na nagbukas sa amin.

"Ate Maymay!" Sigaw ni Hanz.

Umiiyak na kinuha ni Maymay si Hanz sa bisig ni B.

"Saan ka ba pumunta!?"

"Nagutom kaya lumabas!" Sagot ni Bebang. "Sinasabi ko na sa inyo na 'wag niyo iiwang bukas ang pinto! Para hindi 'to mangyari!"

Pumasok si B kaya sumunod ako. Nagulat ako sa nakita sa loob ng kwarto.

It's a big room. Full of kid's toys and beds. And there are kids inside!

May mga bata pala dito sa NY.

"There are kids here." I said.

"Yeah. Pero tinatago sila dito." Sagot ni B.

Ako naman kung saan saan tumingin.

"Hindi sila puwede lumabas aside sa takot sa lefters ang mga bata, they can't go out because of the people living here. Example na diyan ang tukaan sa labas na nakita mo. Iniiwasan na makita nila 'yon. Kids can't see that kind of view."

"Good thinking." Knowing how shit other people living here. Plus si Uno pa na nagwawala! Kids can't see that violence.

"Syempre matalino kami eh!"

Napairap ako.

"Ano reaksyon nila sa mga gun shots kagabi?" Mahina kong tanong.

"Sanay na sila. Tyaka sinasabi namin pumapatay kami ng aswang."

"Aswang?"

"They call lefters aswang."

Napatango ako.

"So dito lang umiikot ang buhay nila?"

"Oo! Mas mabuti na 'to kesa naman na hindi na umikot buhay nila."

"How many kids are here."

"Twenty-one. 3 newborns. 5 teens, nandito rin sila they can't go out that much. Anim na bata na 2 years old, dalawang 3 years old. Isang 6 months old, isang ten years old, isang seven years old, isang nine years old at isang four years old."

"They don't have parents?"

"They have, kinukuha sila dito kapag gabi. Pero they need to stay here kapag umaga they can't roam around you know why. Ang tangi lang nilang labas kapag pinapaarawan sa balkonahe at kapag kinukuha ng parents."

Tiningnan ako nito.

"You look so shocked." Sabi niya.

"'Cause I am!" Sagot ko. "I don't even know that this room exists!"

"Now you know. Ngayon may pupuntahan ka na bukod sa kwarto natin."

I looked at her.

"Thank you." I said.

"Grabe girl tangina 'wag mo nga akong ginugulat diyan kanina ka pa ha!"

Inirapan ko siya.

"'Yan irapan mo lang ako! Nagugulat ako sa thank you mo!"

Iirapan ko sana ito ng lapitan kami ni Maymay.

"Hello! Ako si Maymay Ate ni Hanz."

"Hi I'm Kat."

"Thank you sa pag-aalaga kay Hanz! Naiyak ako akala ko nakalabas na ng mansion!"

"'Yan ha! Maging aral na laging maglalock ng pinto."

"Oo Ate Bebs."

"Sige Kat, you can play with them bababa na muna ako."

Tumango ako at nagumpisang lumapit sa mga batang nakaupo na naglalaro sa malambot na carpet.

If Jayjay is here may kalaro na siya.

//Louie's//

"Wala na akong damit." Sabi ko kay Blake.

"Bukas babe maglaba tayo."

"Sige, kukuha muna ako sa baba ng damit."

"Samahan na kita."

"Wag na ako na lang. Babalik din agad ako. Alam ko pagod ka sa mga pinagbubuhat mong basket ng gulay ngayong araw."

"But remember lagi lang ako sa tabi mo."

Natawa ako ng ipaalala niya ang usapan namin na lagi lang siya sa tabi ko.

"Sige na okay lang ako. Tyaka saglit lang ako."

"Okay. Ingat!"

Natawa ako at lumabas na ng kwarto.

Dapat makapili agad ako ng damit at makabalik bago kami bumaba para sa hapunan. Gusto ko humiga muna, napapagod pa ako.

Pinihit ko ang doorknob ng kwarto para sa mga damit at agad pumasok ng makitang bukas.

Palapit na ako sa lagayan ng mga damit pang babae ng may makita ako.

Kat.

She's naked waist up while scanning the box in front of her.

Pero nanlaki ang mata ko sa napansin.

"What the fuck?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88.1K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
688K 48.2K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
2.2M 74.9K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...