Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]

ShuperShimmer által

118K 2.9K 502

Killing female subjects as a form of living, Adam is probably one of the ruthless persons ever lived. In orde... Több

The Beginning - SEASON 1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
The Ending
SEASON 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 31

1.9K 73 10
ShuperShimmer által

© Shupershimmer

Bumiyahe kaming dalawa ni Irish kalagitnaan ng gabi. Medyo maulan pa nga pero isang oras lang, tumila rin.

I was quiet althroughout the ride. She had tried asking me a few questions which I found as her way of inspecting me but I didn't answer seriously. Just a few words. I was too occupied.

Hanggang sa nakita kong nakatulog na siya habang nakasandal sa bintana. Umiwas agad ako ng tingin pagkalingon ko sa kanya saka pinikit ko ang mata ko.

The moment I opened my eyes, I took a deep breath and thought: Subject ko lang siya; kayang-kaya ko siyang mapabilang sa listahan.

But then, I glanced at her, and I immediately swallowed my words.

"Irish," bulong ko. "Wake up."

Napadilat siya tapos napatingin sa paligid. "Ito na ba?"

Tumango ako habang nag-aalis ng seatbelt. Masyado na kasing madilim sa paligid kaya wala siyang maaninag. Sinunod ko lang naman ang address na binigay ni Miguel bago niya ako iwan. Sinabi niya dito ko raw dalhin si Irish.

"Ba't parang walang tao?" usisa niya bago inalis ang seatbelt. "Ano'ng oras na nga pala?"

"2 am."

Lumabas kami sa kotse at kinuha ko sa compartment ang bag naming dalawa. Hindi naman sa nagplanong magtatagal kami; nagdala lang kami ng bagay na kailangan namin.

A few blocks away, nakatayo ang bungalow style na sa tingin ko, pagmamay-ari ni Miguel. Walang ilaw sa labas pati sa loob, pero hawak-hawak ko ang susi. Narinig ko pa ang pagka-amaze ni Irish nang matanaw niya 'yong pupuntahan namin.

"Wow, Adam," bulong niya. "Sa'yo ba 'to?"

"Hindi, sa kaibigan ko lang."

Hindi na siya umimik kaya binuksan ko ang kandado. Pagkabukas ko ng ilaw, bumungad samin ang walang kalaman-laman na bahay-maliban sa wooden sofas at kitchen table na halatang hindi gaanong gamit.

Wala ring television, o radyo. Malamang, wala ring internet connection. Mas mukha pang abandoned kaysa resthouse.

Pagkaupo namin, nilabas ni Irish sa bag niya ang malaking Chippy saka binuksan. Nakahiga ang ulo niya noon sa hita ko habang kumakain kami pareho.

"May nakalimutan pala akong sabihin sa'yo."

"Ano?" tanong ko.

"Sinumbong mo ba si kuya sa mga pulis?" tinignan ko siya. "Nadampot siya kahapon nang madaling araw sa tinataguan niyang apartment."

"Edi mabuti; nang di ka niya binabantaan nang kung ano-ano."

Nakatingin pa rin si Irish sakin.

"Hindi ko siya sinumbong," kumpirma ko pa.

I truly didn't. But someone did. Nilapit ko sa HoA ang issue na 'to at sinabi kong nakakagulo sa plano ko si Christian kaya di ko matapos-tapos ang dapat gawin kay Irish. The admin was way too serious when it comes to this kind of stuff. They knew it would be a trouble if they let any chance. In short, I lied to Irish.

"Nakausap ko siya kaninang umaga," sabi niya habang dumudukot sa Chippy na hawak niya. "Nagalit pa nga ako sa kanya, e."

"Bakit?"

She didn't meet my eyes. Halata kong gusto niyang umiwas kaya tinitigan ko lang ang mukha niya hanggang sa nagsalita siya.

"Sinabi niyang magtago na raw ako. Wag na wag daw akong magpapakita sa'yo." Hindi ako nakaimik, dahil kinabahan ako. "Nung una, di ko ma-gets yung sinabi niya. Tapos, bigla niya na lang sinabi na delikado raw ang buhay ko sa'yo. Na isa kang kriminal."

Sinandal ko na lang ang batok ko sa sandalan ng upuan, at pumikit. This day was way too tiring.

Silence.

Narinig ko na lang na natawa siya. "Syempre nainis ako. Sobra naman kasi yata 'yong sinabi niya sa'yo. Alam kong ayaw niya sa'yo pero ang sabihan kang mamamatay tao..." nag-hang siya sa part na 'yon habang nakapikit parin ako. "Nakakapang-init lang ng ulo."

That's when I opened my eyes.

I searched for her eyes, her soul. "Ba't di ka naniwala sa kanya?"

"Kilala ko siya. Bata pa lang kami, puro na siya kasinungalingan."

"Kuya mo siya; dapat naniwala ka."

"Magkaiba kami ng tatay." Umalis siya sa pagkakahiga, at humarap sakin. "Pagtatalunan ba natin 'to?"

"Hinde," sagot ko. "Pero pano kung totoo ang sinabi niya? Paano kung delikado nga ang buhay mo sakin?"

Napakurap siya nang ilang beses. "A-Ano bang sinasabi mo dyan?"

Napaayos ako sa pagkakaupo habang nag-iisip ng sasabihin. Kung paano ko ba dapat sabihin.

"You don't know me, Irish. Hindi mo alam ang kabuuang nangyari sakin bago tayo nagkita. Maraming kang hindi alam." I felt my jaws clenching in tense.

Umusog siya palayo sakin. "Ano'ng gusto mong iparating, ha?"

"You treat love way too serious," pabulong na sagot ko. "Bakit, sa tingin mo ba aabot tayo sa puntong aalukin kita ng kasal? Hindi 'to magtatagal, Irish. Balang araw, magsasawa tayo."

Napansin kong napalunok siya sa narinig. Dinampot niya ang nangangalahating bote ng tubig sa sahig at nilapag ang hawak na pagkain.

Hindi na rin siya nakaharap sakin. Nakaupo lang siya at nakaharang ang buhok niya sa gilid ng mukha kaya hindi ko siya makita. Hanggang sa narinig ko na lang na humihikbi na siya.

Sinubukan kong hawakan ang kaliwang braso niya pero pumalag siya.

"Wag mo kong hawakan!" sigaw niya. "Pinapunta mo 'ko sa lugar na 'to para lang sabihin lahat 'yon? Alam mo... hindi ko alam kung tama ba ako ng iniisip pero pinagtutulakan mo 'ko palagi. Tanggap ko namang di ka romantic, e. Di ka expressive, pero sana sinabi mo na lang dati pa na ayaw mo sakin."

"Wala akong sinabing ayaw ko sa'yo."

"What, you like me for temporary? For fun?" Her voice was awfully shaking. "'Yon kasi ang pinararating mo. Wag mo nga akong gawing tanga. Ginawa ko naman lahat ng kaya ko.... Tapos malalaman kong wala naman pala akong halaga sa'yo?"

"You are important to me."

"No!" she answered angrily. "You didn't love. You just loved yourself the whole time, Adam! At ang laki kong tanga dahil hinayaan ko ang sarili ko." Tinignan niya ako sa mata nang may halong sakit. "Mahal kita, at nang marinig ko ang mga sinabi mo..., hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sarili ko."

Pinunasan niya ang luha niya gamit ang likod ng palad niya. The moment she cried with sound, it eventually broke me inside. Everything inside me seemed to be malfunctioning. Why was it fucking hard to do?

Pinagdaop ko na lang ang dalawang kamay ko at napatingin sa sahig. Maya-maya, napahilamos ako habang naririnig ko parin siyang umiiyak.

I had thought of crying, too, but I couldn't. Sa totoo lang, mabigat na rin ang nararamdaman ko. Parang sasabog na sa sobrang bigat at hindi ko alam kung paano pa siya kokontrolin. Maraming gumugulo sa utak ko na pakiramdam ko, mababaliw na ako.

I loved her. That, is what I was certain of.

I had accepted the fact na hindi ko na 'yon madedeny sa sarili ko. Hindi ko maloloko ang sarili ko sa parteng 'yon, pero hindi gano'n kadali na tanggaping niloko ko ang sarili ko. Mas madaling lumayo kaysa ipilit.

And I was too afraid to kill her.

I'd been convincing myself I could but seriously... I couldn't. I would not kill her. Mahal ko siya, paano ko magagawa 'yon? She had the weakest certain spot in my heart that any of my subjects hadn't had.

Wala na akong choice. Niyakap ko na lang siya, at doon, sa balikat ko, naramdaman ko ang tindi ng sakit niya. Parang kumonekta sakin ang bigat ng nararamdaman niya.

I had the rushing urge to just kiss her to stop her from crying. But I didn't.

"Irish, makinig ka sa sasabihin ko," bulong ko sa tenga niya. "Totoo ang sinabi ni Christian sa'yo. Kriminal nga ako. At ikaw ang biktima ko."

***

A/N: I missed this story! Keep on reading and commenting. Hihi.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
23.4M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1.2M 36.1K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
10.1M 126K 21
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...