Loving My Brother #1: Thrale'...

Por ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... Más

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 14

5.4K 181 85
Por ziryanggg


Thrizel’s POV

Halos ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni kuya. Nakikisabay naman ako sa pagtatampo niya sa akin. Siya ang nauna at wala naman akong nagawang mali. Ngayon ay nasa paaralan ako, pinagkakaguluhan ng mga estudiyanteng babae. Tanong sila nang tanong kaya wala akong ibang nagawa kun’di ang sumimangot. 

"Kayo ba ni Dominic?"

"Wahhhh! Bakit kayo ni Dominic?!"

"Huhuhu, wala na ang papa natin."

"Dominic ko 'yon, e!"

"Hindi kami." Malamig na aking sabi. "Isa kayong malaking tangang nilalang kapag naniwala kayo sa usap-usapan." Umirap muna ako bago umalis doon. Nakakairita kasi! Porque magkasama ay kami na? Mga pananaw nga naman ng mga tao. 

Dumiretso ako sa silid-aralan para kunin ang aking bag. Nakita ko pa si Amira sa pintuan na halatang kanina pa ako hinihintay. Nang maayos ko ang aking mga gamit ay pumunta ako sa kaniyang gawi. 

"Tara na?" Pagyayaya ko. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. "Lalakad lang ba tayo?"

"Ikaw ba?"

"Ikaw? Kapag maglalakad ka, maglalakad din ako."

"Maglalakad ako."

"Maglalakad din ako."

"Baliw ka talaga, Thrizel. Hahahaha!"

Wala kaming ibang ginawa sa kalsada kun’di ang magkwentuhan tungkol sa kung saan-saan. Napahinto lang kaming dalawa nang may humarang. 

"Oh, nakita kita ulit? Hihingi ka na ba ng tulong?" Lumapit ito sa akin habang naninigarilyo. Siya, siya ang nagyayaya sa akin na maging referee sa suntukan nila. 

"Ikaw na naman?" Inis na aking sabi. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayoko."

"Nakikipagkita ka sa kaniya, Thrizel?" Sabat ni Amira. 

"Nakita, hindi nakipagkita."

"Hahaha, malay ko bang magkikita tayo rito? Basta kapag gusto mo ng tulong, puntahan mo lang ako rito!" Sabay turo niya pa sa aming pwesto. Tsk, ano ba siya? Dito nakatira?

"Tara na, Amira?" Tumaray pa ako rito ngunit siya ay nginisihan lang ako kaya mas lalo akong nainis.

"Adik ba 'yon, ba't ang daming tattoo? Sayang, ang gwapo pa naman."

"Hindi adik 'yon," sagot ko. "Mayaman iyon, sadyang gano'n lang ang itsura."

Hindi naman na kami nag-usap ni Amira hanggang sa makarating sa aming bahay. Kumaway muna siya bago pumasok sa loob nila. Papasok na dapat ako nang mapansin ko si Elkhurt sa bintana ng kaniyang kwarto na nakatayo, naninigarilyo pa. Nakatingin ito sa akin na parang sinusuri ang kabuuan ko.

Takte, ano ba 'to?

Hindi ko na siya pinansin, pumasok na lang ako sa loob. Pagkapasok ko ay sila kuya at dad ang bumungad sa akin.

Nagmano ako kay dad. "Papasok na ho kayo?"

"Oo, anak, kailangan ako ni Chief."

Pulis kasi si dad kaya madalang lang siya rito sa bahay lalo na't maraming nangyayari dito sa ating bansa. Tumango ako at tumingin kay kuya na ngayon ay nanonood sa telebisyon. Nagpapanggap na hindi niya napansin ang presensiya ko.

"Oh, 6:00 pm ka na nakauwi, anak? Ang tagal mo naman." Puna ni mom na pababa ng hagdan.

"Naglakad lang ho kami ni Amira." Magalang kong sagot habang hinuhubad ang aking sapatos. "Masaya naman din po."

Nang makababa si mom ay lumapit ito kay kuya. "Thrale, kung isabay mo nalang sila Thrizel at Amira pauwi tutal minsan mo lang naman ihatid si Anissa."

Nilapag ni kuya ang remote at tumingin ng seryoso kay mom. "Kasama niyo ho lagi si Dominic, paano ko masasabay kung hindi ko nakikita?"

Ayaw mo lang talaga.

"Dominic?" Sabay na tanong ng aming mga magulang habang nakakunot ang mga noo.

"Wala po iyon, hehe." Hindi nila pwede malaman na napagbintangan ako. Malamang ay susugod sila sa aking paaralan. "Akyat na po ako, maliligo rin ako dahil mainit."

"Sige, anak."

Umakyat na ako sa kwarto, hinubad ko na ang aking uniform at sapatos. Bago ako pumasok sa banyo ay napansin ko ang idenfication ni Redelyn Gauniria. Nasa akin pa pala ito. Kanino ko naman ibibigay ito, niwala ngang nakakakilala, e.

Tinago ko na lang iyon sa cabinet at saka na nagdala ng tuwalya papasok sa banyo. Hinubad ko na ang aking suot, binuksan ko na ang shower at hinayaang tumulo ang tubig nito sa aking katawan.

Habang nagshashampoo ako ay biglang nawalan ng tubig. Takte! Hindi ko na nababanlawan ang aking ulo. Kinuha ko ang towel, tinapis ko ito sa aking katawan at lumabas.

"Mom!" Sigaw ko mula sa taas ng hagdan.

"Oh, anak?" Tanong ni mom na may dalang walis.

"Wala ng tubig!" Pagmamaktol ko.

"Oo nga pala, hindi pa pala naayos ang sa 'yo. Diyan ka nalang muna maligo, bukas papa-ayos rin natin. Nakalimutan ko." Tukoy niya sa kusina kung saan may banyo pa.

Bumaba na ako, tiningnan ko pa ang sala kung nandodoon si kuya pero wala. Buti naman, nakakahiya kasi nakatapis lang ako.

"Sige, magwawalis lang ako sa likod ng bahay, nakakainip kasi. Umalis na rin ang daddy mo."

"Sige po."

Pumunta na ako sa kusina at pumasok na sa banyo. Tinanggal ko ang aking tapis at sinampay ang tuwalya sa pintuan. Nag-umpisa na akong maligo. Dito may tubig tapos sa kwarto ko wala! Psh, ano naman kayang sira no'n?

Habang naliligo ako ay may nagbukas ng pinto at gano'n na lang ang gulat ko. Agad kong tinakpan ng kamay ko ang aking katawan. Kitang-kita ko si kuya na gulat rin sa kaniyang nakita. Dali-dali nitong sinira ang pinto kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Bakit nakalimutan kong i-sarado ang pinto? Nasanay kasi ako kapag doon ako naliligo sa kwarto ay hindi na nagsasarado.

Mabilis kong binanlawan ang aking sarili saka nagtapis. Hindi ko alam kung lalabas ako dahil mas nangunguna ang aking hiya. Nahihiya ako kay kuya, baka mailang ako sa harap niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ang unang bumungad sa akin ay si kuya na nakatayo, halatang naghihintay sa paglabas ako. Nang makatinginan kami ay agad nagsi-iwasan ng mga mata.

"D-Dumaan ka na!" Inis na sabi niya habang nakatingin sa kung saan.

"Paano ako makakadaan kung nakaharang ka?!" Balik inis na sigaw ko.

Umurong siya para paraanin ako. Tumingin muna ako sa kaniyang mukha bago siya hinawi at naglakad. Akala ko ay doon na matatapos ang kahihiyan pero hindi pa pala.

Sinusumpa ko ang sabon sa buong mundo!

Bigla akong nadulas dahil may sabon pala akong naapakan. Akala ko ay babagsak ako sa sahig ngunit nasalo ako ni kuya. Agaran niya akong hinawakan sa baywang. Nakatitigan kami, nawala lang ang tingin ko rito nang maramdaman kong unti-onting lumuluwag ang tuwalyang nasa katawan ko.  Sabay kami ni kuyang hinawakan ang tuwalya para hindi ito matanggal sa aking katawan pero ito na yata ang mali naming nagawa dahil pareho kaming natumba sa sahig.

Sinusumpa ko na rin ang tuwalya sa buong mundo!

Ramdam kong nasa leeg ko ang mukha ni kuya kaya hindi ko maipinta ang aking mukha. Ramdam ko rin ang labi niya kaya mabilis akong kumilos.

Sabay kaming tumayo at...

"Ano bang ginagawa mo rito?!"

"Mag-ingat ka nga!"

Sabay na sigaw naming dalawa sa isa't isa. Ako itong nakahawak sa tuwalya ng maigi dahil sobrang kahihiyan na naman kapag nahulog pa ito. 

"Walang tubig sa kwarto ko kaya rito ako maliligo!" Sagot niya sa aking tanong.

Kadiri ‘yong pagdikit ng labi niya sa leeg ko!

Hindi ko na siya pinansin at mabilis na akong naglakad patungo sa aking kwarto para magbihis. Nang matapos ako ay pumunta ako sa likod para puntahan si mom. Dinidiligan niya ang halaman kasama ang isang katiwala namin.

"Mom!"

"Anak?" Harap nito sa akin na nakangiti.

Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang mga tanim na rosas. Mahilig si mom sa mga bulaklak kaya maraming halaman rito.

"Mom, ba't ang strikto ni kuya sa akin?" Biglang tanong ko habang inaamoy ang mga bulaklak.

"Ini-ingatan ka lang niya dahil ayaw ka niyang masaktan," sagot into habang ginugupitan ang halaman.

"Gano'n po ba 'yon?" 

"Oo."

"Dati po kasi, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag lalapit siya."

Sa sinabi ko ay napaharap si mom. "Paano?" Kunot noong tanong niya.

"Tapos parang ang sakit sa puso kapag may kasama siyang babae."

"Inlove ka yata, ma'am, sa kuya mo, hahahaha!" Sabat ng aming katiwala.

"Rina, 'wag kang magbiro ng ganiyan." Suyaw ni mom ngunit tumawa lang ito. "Natural lang iyon dahil nagseselos ka."

"Ako po nagseselos?"

"Oo, dahil mas sweet ang kuya mo sa ibang babae kaysa sa 'yo."

Oo nga 'no?

"Ma'am, baka naman po hindi talaga sila magkapatid kaya nararamdaman iyan ni ma'am Thrizel hahaha!" 

Napatingin ako kay ate Rina sa sinabi niya. Kami?

"Hahahaha!" Napatawa si mom. "Galing sa sinapupunan ko ang dalawang 'yan kaya magkapatid sila. Mga kamukha ko pa, hahaha!"

"Nagbibiro lang, ma'am. Hahahaha."

"Sige, anak, umakyat ka na roon. Malamok rito lalo't magdidilim na. Tinatapos lang namin ngayon 'to dahil may pupuntahan ako bukas ng umaga. Hindi ko ma-aasikaso."

"Sige po," sagot ko at pumasok na sa loob. Umakyat na ako sa hagdan, didiretso na sa aking kwarto ngunit bumukas ang kwarto ni kuya.

Kailan kaya ako makakapasok diyan?

Lumabas si kuya sa kaniyang kwarto at bahagya pang nangunot ang kaniyang noo nang makita ako. Basa pa ang kaniyang buhok, mukhang kakatapos lang maligo.

"Thrizel!" Tawag niya sa aking pangalan. Lumapit ito ngunit kinunotan ko lang siya ng noo.

"Kuya!" Inis na sabi ko dahil bigla niya akong tinulak sa pader sabay kinulong sa kaniyang mga braso. Anong kailangan ng lalaking ito?

"Layuan mo si Dominic," bulong nito saka mabilis na lumayo.

Tiningan ko siya ng masama at dali daling nagtungo sa kwarto. Baka hindi talaga kami magkapatid ni kuya? Pakshet! Anong isip iyan, Thrizel?!

Itutuloy...

Seguir leyendo

También te gustarán

24.4K 564 31
BKDK STORY !!! we are two years further than in the normal anime they should be all arround 17/18 Uraraka and Izuku have been dating .But the relat...
743K 22.5K 66
it all started when jimin followed a savagesuga on instagram. the rest is basically history. - where jimin is oblivious to the fact min yoongi is a...
10.4K 605 26
3 stories... At 3 different places, different stories unfolding in Thailand... "Hey Mr.! Finish it or I will make you bathe in this honey and you wil...
53.5K 1.1K 34
date started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.