If I Could Turn Back The Time...

By terelou1220

8.4M 163K 5K

"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pags... More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 1
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Epilogue
Special Chapter

Chapter 15 part 1

84.7K 1.6K 81
By terelou1220

Chapter 15 part 1

Nagulat si Jesica ng malaman niyang ikakasal na si Emer dahil wala itong nababanggit sa kanila tuwing magkakasama sila. Kasalukuyan silang nagmemeryenda sa isang bahagi ng hardin habang tinatanaw nilang naglalaro si Venice sa di kalayuan kasama ng kanyang yaya.

 

“Toffer are you sure?” paulit- ulit na tanong niya kay Toffer. Tuwing  may libreng oras si Toffer ay dinadalaw niya si Venice para makipaglaro dito. Napalapit na rin sa kaniya ang bata at mahal na mahal niya na ito.

 

“Ang kulit mo! Kanina pa ako ditong parang sirang plaka na paulit-ulit sa kasasagaot sa iisa mong tanong.” Sabay lagok nito ng juice na nasa harap.

“Do you know the lucky guy?” usisa ni Jesica sa kaibigan.

“Of course kapag ako ang may dala ng balita kumpleto.” Nagmamalaki sabi ni Toffer.

“Sino nga?” nagmamadaling tanong ni Jesica.

 

“I’m sure familiar ka kay Dennis Almonte, right?”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jesica ng marinig ang pangalan ng pinsan ni Vincent. Hindi na muli siya nakapagsalita.

 

“Oh, I remember pinsan siya ni Vincent ang dakilang crush mo noon at ngayon naman ay stalker mo.” Alam ni Toffer ang ginagawang pagsunod-sunod ni Vincent kay Jesica. Ang tanging inililihim lamang ni Jesica sa mga kaibigan ay ang tungkol sa tunay na ama ng anak.

“Hwag nga nating pag-usapan ang lalaking yun, nasisira ang araw ko.” Nakasimangot na baling ni Jesica sa kaibigan.

Mula ng araw na nagpasya ang kanyang mommy na makikipag-usap kay Vincent at saka naman ito hindi na muling nagpakita. Ang naisip ni Jesica ay baka nagsawa na rin ito sa kasusunod sa kanya, parang may bahagi ng kanyang pagkatao ang nalulungkot ng hindi na muling sumipot si Vincent sa restaurant niya. Hindi niya namalayan na umaagos na ang kanyang mga luha habang pinapanood ang anak na masayang nakasakay sa swing.

“Hey! hey! What’s happening to you?” nag-aalalang tanong ni Toffer.

“I’m just happy for Emer because she can start her own family now, samantalang si Venice ay lalaki ng walang kikilalaning ama.” Malungkot na sabi ni Emer habang pinapahid ang mga luha sa pisngi.

“If you want I can be her father.” Ito ang hinihintay na pagkakataon ni Toffer ang kailanganin siya ni Jesica.

Napatawa ng malakas si Jesica sa sinabi ni Toffer. “Tigilan mo nga ako at hwag mo akong gamitin para pagtakpan yang kabaklaan mo. Nakakadiri yang suggestion mo.” Pinanlakihan pa ng mga mata ni Jesica si Toffer.

“Aba, ikaw na nga ang tinutulungan ayaw mo pa. Hindi mo ba alam na pinagseselosan ako ni Dennis?” pagmamalaki nito.

“Really? He didn’t notice that you’re a …”

“Kayo lang naman ni Emer ang nakakaalam ng sekreto ko.” Mabilis na tugon ni Toffer.

“What secret is that?” bungad ni Lourdes sa dalawa.

“Hi Tita!” mabilis na tumayo si Toffer at hinalikan sa pisngi ang ginang bago inalalayang makaupo sa tabi ni Jesica.

“Parang may mga sekreto kayong pinag-uusapan?” muling tanong ni Lourdes.

 

“Wala mommy, ito kasing si Toffer nag vo-volunteer na tumayong tatay ni Venice.” Natatawang sumbong ni Jesica sa ina.

“Nothing is wrong with that, I’m glad if I know the person that you’ll marry. May be this is the right time for you to be happy anak.” Pagsang-ayon ni Lourdes sa ideya ni Toffer.

“Mommy! Parang incest yang iniisip ninyo, hindi ko kayang gawin yan.” Protesta ni Jesica.

Walang kaalam-alam ang dalawang babae sa tunay na nararamdaman ni Toffer ng mga sandaling yun. Masakit para sa kanya na tanggihan ng babaeng matagal na niyang minamahal. Ngayon niya napatunayan na hanggang sa pagiging kaibigan lamang ang kayang ibigay sa kanya ni Jesica.  

I’ll go ahead na tita may dadaanan pa ako. Jessie, we’ll see you tomorrow para mapag-usapan ang details ng kasal at may sasabihin din daw sa atin si Emerald.” Paalam ni Toffer sa mag-ina. Bago siya tuluyang umalis ay pinuntahan muna niya si Venice para magpaalam din dito.

Nang makaalis na si Toffer ay binalikan ni Jesica ang kanyang mommy. Napansin niyang may gusto itong sabihin sa kanya.

“Jessie darating ang daddy mo.” Simula ni Lourdes ng makaupo muli ang anak.

“Huh? Bakit daw?” nakakunot ang noong tanong ni Jesica sa ina.

“He wants to see Venice and he’ll talk to you.”

 

“Mommy pwede bang sa ibang araw na lang siya pumunta?” pakiusap ni Jesica sa ina.

Umiling si Lourdes. “Kaninang kausap ko siya papaunta na siya dito.”

 

“Do you have any idea why he decided to see my daughter? Ang pagkakaalam ko wala siyang interes na makita ang anak ko.” May bahid ng pagtatampo sa ama ang boses ni Jesica.

“May be it’s about Vincent Almonte.”

 

“Bakit naman nasama sa usapan si Vincent? Wala na akong balita sa kanya.”  Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Jesica.

 

“Just wait for your dad, I can’t answer all your questions. Pero ang naririnig kong balita ay nakaset na daw ang engagement ni Vincent sa girlfriend nito.” Tinatantiya ni Lourdes ang damdamin ng anak. Alam niya ang tunay na nararamdaman nito para kay Vincent kahit hindi ito magsalita.

Parang nanikip ang dibdib ni Jesica ng malamang malapit ng ikasal si Vincent, may kirot siyang nararamdaman ng mga sandaling yun pero hindi niya pwedeng ipakita sa kanyang mommy na nasasaktan siya.

“Kaya siguro tinigilan na niya ang pagtunganga sa restaurant mo. Ibig sabihin lang nito ay hindi siya seryoso sa panliligaw niya.” Kibit balikat na sabi ni Lourdes.

“Kalimutan na lang ninyo ang tungkol sa lalaking yun, okay na kami ni Venice hindi naman namin siya kailangan.” Tugon ni Jesica pero sa totoo lang ay ang sarili niya ang kinukumbinsi.

“Dito mo na hintayin ang daddy mo may mga nirereview akong financial reports.” Sabay tayo ni Lourdes.

“Mommy, hindi mo ba kakausapin ang daddy?” hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Jesica na magkakaayos ang mga magulang.

 

“Kayong dalawa ang may pag-uusapan at isa pa ay ayaw ko munang makita ang daddy mo.” Nagpapaunawang tugon ni Lourdes.

Malungkot na sinundan ng tingin ni Jesica ang kanyang mommy. Hindi niya masisisi ito kung hindi pa nito kayang makipag-usap sa kanyang ama

____________

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments :)

Continue Reading

You'll Also Like

5K 250 31
[#SB19_FANFICTION]: Prinsesa and the Five Knights (Completed) 𝐒𝐁𝟏𝟗 𝐢𝐬 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝟏𝟎 𝐲𝐞𝐚�...
1.1M 21.6K 46
Phoenix Ethan Walters the second grandchild of Light Rain and Francheska Paris Walters. Second son of Slate and Iris and twin brother of Bridgette Ma...
214K 6.3K 53
Elren Vasquez is a No Boyfriend Since birth type of a girl, handa na siyang tumandang dalaga. Jasper Darwin Madrigal is a playboy at handang handa na...
4.4K 248 17
"How long do I have to gaze at you alone.."