The Final Exam

By BestRoleInLife

91.9K 4.3K 559

Section Gold; a classroom that was meant to be a sanctuary for high school teenagers quickly turns into a nig... More

The Final Exam
Prologue
TFE 1: Genesis
TFE 2: Phantasm
TFE 3: Section Gold
TFE 4: Love, Bladespawn
TFE 5: Class Picture
TFE 6: Redemption
TFE 7: The First Game
TFE 8: Don't Look
TFE 9: Chronicles of Death
TFE 10: Flames of Burning Sins
TFE 11: Fallen Despair
TFE 12: What Lies Ahead
TFE 13: The Promised Sanctuary
TFE 14: Dark Waters
TFE 15: Not a Safe Place Afterall
TFE 16: Triple Six
TFE 17: Through the Darkness
TFE 18: "It Wasn't Me!"
TFE 19: New Beginnings
TFE 20: Deja vu
TFE 21: Blood Note
TFE 22: Just What The Hell is Happening?
TFE 23: Cannot Scream
TFE 24: Life is But a Dream
TFE 25: Hide, Seek and Kill
TFE 26: The Neverending Night of Horror
TFE 27: Things Are Only Getting Weirder
TFE 28: Mary Hill Woods
TFE 29: You Have Been Warned
TFE 30: The Hunt Is On!
TFE 31: Trust Issues
TFE 32: Raining Bullets
TFE 33: I Know What You Did
TFE 34: Soothing Venom
TFE 35: Altogether Again
TFE 36: Barnyard Bloodbath
TFE 37: Cabin Fever
TFE 38: River of Pain
TFE 39: It's Not Over Yet
TFE 40: And the Madness Continues
TFE 41: Riddle Me This
TFE 42: Everlasting Cold
TFE 43: Double Trouble
TFE 44: No One Escapes
TFE 45: The Honrada Initiative
TFE 46: The Story Continues
TFE 47: Collection of Dead Friends
TFE 48: One Bad Move
TFE 50: Adrenaline Rush
TFE 51: Truth Be Told
TFE 52: Butterfly Effect

TFE 49: Annual

1.3K 64 7
By BestRoleInLife

“Lalaine, sigurado ka ba talagang gagana ang plano niyo ng mga sinasabi mong mga kasamahan mo?” Tanong ng dalagang si Heide sa kaibigan, habang patuloy pa rin sa paglalakad mula sa tahimik na kalsada ang mga ito, patungo sa sinasabing building ni Lalaine, kung saan daw naka-held captive ngayon ni Bladespawn iyong iba...

“Basta, magtiwala lang kayo sa'kin,” sagot ni Lalaine.

“Papaano kami magtitiwala kung ayaw mo namang sabihin samin kung sino-sino yang mga tinutukoy mo?” Ani naman ni Ian, “Heck, we don't even know if you're telling the truth! Baka mamaya, ikaw pala si Bladespawn at—”

Lalaine sighs in disbelief.
“Alam mo, Ian, kaka-overthink mo yan eh,” anito. “Sa tingin mo ba talaga ako 'yong tipo ng taong kayang pumatay ng napakaraming tao?”

Ian paused for about three seconds before replying...
“I mean... Who knows? Even wolves hide in sheep's clothing just to target some prey. Are you some kind of wolf, Lalaine?”

Sa puntong iyon naman ay si Lalaine ang hindi muna nakapagsalita.

Naging seryoso ang atmosphere nilang tatlo.
“Maniwala man kayo o hindi, I am most definitely not the killer. Kilala mo ako, Ian. Simula mga bata palamang, matagal na tayong magkasama. You know I couldn't hurt a fly,” aning muli ni Lalaine.

Dahil naman dito'y si Ian naman ang napabuntong hininga.
“Okay, I know. Sorry,” aniya, ngunit nagtapong muli ng isang matalim na tingin s kaibigan.
“But I'm warning you, if you ever do something bad...”

Lalaine rolled her eyes in annoyance.
“Yeah, yeah, yeah, whatever!"

Sa kalagitnaan ng nangyayari'y hindi na napigilan pa ni Heide ang sarili, at sumabat na siya sa magkaibigan...
“So.... What's the plan? After nating makapunta roon, ano nang susunod nating gagawin?”
Tanong niya.

Dahil dito nama'y napangisi nalamang si Lalaine.

“And then, we wait..." Sagot niya.

“For your friends?” Muling tanong ni Heide, dahilan upang mapatango lang si Lalaine.

“Pero... Papaano kung hindi lang nag-iisa si Bladespawn? Papaano kung marami sila?” Tanong nama ni Ian.

“Edi lalaban tayo,” sagot muli ng dalaga sa kanilang mga katanungan.
“It's now or never. I'm pretty sure kung mga karakter tayo sa isang libro? We're finally reaching it's final chapter.
In order to make it out till the end, it's either we kill...

....or be killed....”










BestRoleInLife
Proudly Presents...







THE FINAL EXAM







CHAPTER 49:
ANNUAL







+++








Maniwala kayo sa'kin! Hindi nga sabi ako ang pumapatay! Hindi ako si Bladespawn!”

Sa kabilang dako naman ay kasalukuyang nasa loob ng isang selda ngayon ang dalagang si Nicole.

Hindi siya pinapalabas no'ng isa sa mga bantay na pulis no'ng presinto, dahil naniniwala itong kung hindi man si Nicole ang tunay na mastermind, ay maaaring isa ito sa mga taong pumapatay.

"Yeah, yeah, whatever! Alam mo miss, iyan din kasi ang sinasabi no'ng ibang nakukulong na rin ngayon sa presintong 'to kagaya mo eh! Every single time, sinasabi nilang hindi sila ang killer, o hindi sila ang gumawa ng krimen, kahit mas maliwanag pa kaisa sa sikat ng araw na sila naman talaga. Magbubulag-bulagan pa ba kami kung halatang may ibedensya na?” Monologong pagkakasabi no'ng officer na si Mike, habang tahimik lamang na nakaupo't nagbabasa ng isang diyaryo, at nakasaray pa ang mga binti sa isang kalapit na mesa.

“At anong klaseng mga ibedensya naman yang pinagsasasabi mo, abir?!”

Dahil dito'y kaagad na napatayo ang binata, at lumapit doon sa selda no'ng dalaga. May kinalukat siya mula sa kanyang bulsa, at inilabas ito. Pagkatapos ay ipinakita sa harapan ni Nicole.

At iyon ay mga litrato.

Napakaraming litrato kung saan makikitang naroroon siya, duguan, may mga hawak-hawak na mga patalim habang katabi lamang ang mga bangkay ng kanyang mga patay ng mga kaklase.

Isang bagay na halos hindi paniwalaan ni Nicole, dahil hindi naman talaga nangyari ang mga bagay na iyon. Isa siyang inosenteng tao!

“A--Anong...?! S--Sa'n mo nakuha yang mga yan?!” May halong panginginig sa boses ng dalaga, dahil sa mga magkahalong emosyong kanyang nararamdaman...

Officer Mike smirked...
“Oh diba? May mga ebidensya nga kami. Kaya kahit anong mga pagsisinungaling ang gawin mo, hinding-hindi yan tatalab! Huli ka na sa akto, Bladespawn!” Muling sunod-sunod na iniwika nito.

“Tinatanong kita!! Sa'n mo nakuha yang mga litratong yan?!” Muling bulyaw na naitanong ni Nicole.

“It doesn't matter,” sagot ni Mike.
“Malalaman mo rin yan once na nasa isang court trial ka na. For now, enjoy rotting in this mini-prison,” anitong muli, at pagkatapos ay muling bumalik sa kanyang inuupuan at kaayusan kanina.

“I'm telling you! Hindi nga ako yan! S--Siguro may nag-edit lang ng mga pictures na yan para maging kamukha ko! Someone's clearly trying to frame me! The real killer's still out there and all of my friends are still in grave danger! Please! Maniwala kayo sa'kin!” Muling sunod-sunod na pagpoprotekta ni Nicole sa kanyang sariling mga rason.

“Ano ba?! Sabi nang tumahimik ka na eh! Sawang-sawa na 'ko sa boses mo!” Galit na bulyaw lamang sa kanya ni Mike...

"Alam ng Diyos na inosente ako, kaya pakawalan mo na 'ko rito!!”

"Well, sorry dearie... pero sa mundong ito, wala nang inosente..." Sagot muli no'ng binatilyong pulis...

Nagulat naman si Nicole sa sinabi nito...

"Te--Teka.... Anong sinabi mo?”

“Bingi ka ba, o ano?”

“Sabi mo, dearie... Isang tao lang ang kilala kong mahilig bumigkas ng ganyan!”

"Ahh 'yon ba? Wala... Narinig ko lang na sinabi no'ng babaeng kumuha do'n sa papatayin mo na rin sana kanina para dalhin sa hospital. Naisip ko, parang ang cool i-immitate. Pa-mysterious mode eh. Hindi ba, dearie?” Sagot dito ni Mike.

"Oh shit, no! I almost forgot about Faye!”

"Gulat ka 'no?” Dahil alam mong may iba pa palang nakaligtas sa mga pagpatay mo? That means, mas mapapatunayan na talagang ikaw nga ang pumatay do'n sa iba! Do'n sa mga kaibigan mo!”

"Hindi! You don't understand! Kung nakaligtas si Faye, then that means nanganganib ang buhay niya ngayon! You idiot, you let the killer took her away! Kaya kailangan mo na talaga akong pakawalan dito!” Dahil doo'y muli lamang na nagpanik ang dalaga, na halos sirain na ang seldang kanyang kinalalagyan, ngunit kahit anong gawin niya'y talagang matitibay ang mga metal na nakakabit mula rito.

At hanggang ngayo'y hindi pa rin siya pinapaniwalaan noong pulis.
"Sorry, babe! Pero kahit anong gawin mo, talagang hindi na sa'kin tatalab yan! So please, enjoy your stay! Mag-kape lang ako saglit. Sweet goodbye, babe!” Sarkastikong huling mga sinabi pa ni Mike kay Nicole, at pagkatapos ay umalis na...

"NO! NO! TEKA! BUMALIK KA! PAKAWALAN MO 'KO RITO!”

+++

Sa may hospital naman, kasalukuyan ngang naroroon ang dalagang si Faye...

Hanggang ngayo'y wala pa rin itong malay, at mahahalatang kakaayos lang sa kanya no'ng mga nurse...

Mayamaya nama'y may isang babaeng naka hood ang bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ni Faye...

Walang kahit na sinong bantay mula roon, kaya ito nakapasok ng gano'n-gano'n lang.

Napangiti pa siya nang makita ang mukha ng mahimbing lamang na natutulog na dalaga...

“Ilang oras nalang, at magaganap na ang susunod na kabanata,” bulong na wika nito sa sarili. “Just gotta have to get rid of these other furnitures left,” aniya pa...

At nang magising na sana si Faye, bigla siyang tinakpan ng sako no'ng babaeng naka-hood at walang ano-ano'y bigla nalamang siyang ipinasok mula rito...

"Hoy! Anong ginagawa mo sakanya!?” Agarang isinigaw no'ng kakarating lamang na nurse, na nakita ang ginawa no'ng babaeng paalis na sana.

Dahil dito'y napahinga nalamang ng malalim ang babae.
“I really really hate killing off supporting characters,” anito, at pagkatapos ay nilingon iyong nurse, “But since you just happen to be in this situation, I gotta have to get rid of you too,” anito, bagay upang magbigay ng kalituhan at takot sa buong systema noong nurse.

“H--Huh? A--Anong ibig mong—”

“DIE!!”
Bigla nalamang may inilabas na isang patalim ang babaeng naka hood mula sa kanyang bulsa at walang ano-ano'y bigla nalamang ginilitan ang leeg no'ng babaeng nurse, dahilan upang makaramdam ito ng matinding paghihirap at sakit, habang hinahabol ang sariling buhay na unti-unti nang nawawala...

"No one will escape! Everyone will die and suffer!" Huling iniwika pa no'ng babaeng naka-hood, habang nakatitig lamang doon sa babaeng nurse na nag-aagaw buhay...

+++

Mula sa loob ng building naman kung saan kasalukuyang naroroon ang mga wala nang buhay na mga katawan nina Erron, Justin, Theresa at no'ng iba pa'y makikita ang dalagang si Juvy na tahimik lamang na nakatitig sa mga bangkay nito, habang parami na ng parami ang mga pulisya at mga medics na dumarating mula sa eksena.

One medic assisted her, and guided her near an ambulance car, upang maidala siya mula sa hospital.

Walang kahit na anong emosyong makikita mula sa kanyang mukha...

Mayamaya nama'y naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone mula sa loob ng kanyang bulsa, kaya nama'y kinuha niya ito mula roon at agarang sinagot. Hininaan niya lang ang kanyang boses, upang hindi siya marinig ng mga tao mula sa paligid niya. Though, she couldn't care less about them.

“Yes?” Juvy responded...

“It's all set na. Nakuha ko na rin mula sa hospital si Faye. Buti nalang hindi ako pinagsuspetyahan no'ng mga pulis na humuli kay Nicole kanina. They let me take Faye to the hospital, kaya ginawa ko muna. I actually wanted to kill her there too on the spot, pero ayokong mabisto ako no'ng mga pulis, kaya naghintay na muna ako ng tamang pagkakataon. I killed a nurse! Too bad for her...”

“Good. What about Ian and Heide?” Pabulong na tanong ni Juvy sa likod ng tawag, still not making any kind of facial expression...

“No worries, I'm about to lure them to their deaths. And based on my intel, Lalaine's with them. She's gonna die a second time!” Sagot naman no'ng tao, at pagkatapos ay napatawang muli.

“And what about the other clone of Mell? Na-locate niyo na rin ba siya?” Juvy asks again.

“Err... About that, not yet actually. But we're already working on it,” sagot namang muli no'ng kanyang kausap.

“Then hurry it up,” medyo pabalang ngunit kalmado pa ring sabing muli ni Juvy. “I have let you guys helped me this time around dahil pinangako niyo sa'king tutulungan niyo 'ko sa game na 'to. Find the rest of them, so we can finish this once and for all and make another restart. I'm already getting bored.”

“Masusunod po, ma'am,” huling isinagot naman no'ng tao. At matapos iyon ay ibinaba na ni Juvy ang tawag...

Napagpasyahan ng dalagang pumasok na mula sa loob no'ng ambulance car...

Ngunit bago siya pumasok, tiningnan niya muna isa-isa ang kanyang mga kaklase... na wala nang mga buhay, at unti-unting napapangiti...

Lumingon naman siya sa kawalan at parang may mga kung sino-sinong kinakausap...

“The 50th annual game will soon commence...
The Honrada Initiative... The Final Exam...”

“I did it again.... Mother...”
She whispered...

+++

Habang sa may lugar naman nila Heide.... Kanina pa nakakaranas ang tatlo ng isang hindi maipaliwanag na  pakiramdam...

Na para bang, may tumitingin sa mga bawat kilos nila...

Kasalukuyan na sila ngayong nasa loob ng isang building, at tahimik at dahan-dahang naglalakad sa bawat mga pasilyo nito, sinusubukang hanapin kung nasaan na nga ba nakatago iyong iba...

"Lalaine, a--are you sure na papunta talaga ang daang ito sa kung nasaan man ngayon ang iba?”
Tanong muli ni Heide sa kasama.

“At nasa'n na 'yong mga sinasabi mong kaibigan mo na magiging back-up natin?”

“They're gonna be here...”
Sagot nalamang ni Lalaine. “I'm positive...”
Kahit na maging siya, ay mahahalatang binabalutan na rin ng kaba...

Basta ang naaalala niya lamang na planong sinabi sa kanya no'ng kanyang mga kaibigan ay ang kaswal na pumasok sa loob ng building na ito, as baits doon sa killer, para mahuli na nga nila ito sa pinaka huling pagkakataon, at doon na sila aatake.

But Lalaine feels something different.

Like, there's something wrong going on.

Kanina niya pa sinusubukang kontakin ang ilan sa kanyang mga kasamahan, but she couldn't get any response...

“Basta, sundan niyo lang ako,” sabing muli ni Lalaine...

~-+-+-+-~

Mayamaya lang ay nakaabot sila sa isang kwartong nakabukas...

“Tingnan niyo do'n!”
Turo ni Heide rito.
“Parang... Parang may nakikita akong gumagalaw,” aniya pa.

“Isa na kaya kina Justin yan?” Natanong naman ni Ian sa sarili.

“Mag-iingat kayo,” sabi naman ni Lalaine. “Hindi pa rin tayo nakakasiguro kung isa na nga sa mga kaibigan natin yan, for all we know, it might be the killer," aniyang muli.

Pare-pareho muna silang nagkatinginan sa isa't-isa, at pagkatapos ay dahan-dahan itong nilalapitan...

Pagkalapit nila roon ay wari ba'y parang may naaaninag silang isang taong parang nakaupo at nakagapos sa isang upuang nasa mismong kalagitnaan noong kwarto.

"Te--Teka, hindi ba yan si—”
Hindi na ipinagpatuloy pa ni Ian ang kanyang sana'y sasabihin, dahil matapos niyang makilala iyong taong nakagapos mula sa may upuan ay dali-dali na siyang nagtatakbo mula roon upang iligtas at pakawalan ito, isang bagay na ikinagulantang namang pareho nina Lalaine at Heide.

“Teka, Ian! Baka may kung anong trap na nakatago rito!” Bulyaw ni Lalaine sa binata.

But luckily enough, no sharp or heavy object came chasing down Ian after he just suddenly ran towards one of his friends, ibig sabihin, walang nakatagong kung anong mang trap mula roon.

Dahil naman dito'y parehong dahan-dahang napasunod nalamang sina Heide at Lalaine sa binata.

"Oh my gosh! It's Faye!” Naisambit nalamang ni Heide nang makita ang kalagayan ng dalaga.

Habang si Lalaine naman ay palinga-linga lamang mula sa buong paligid, sinisiguradong walang masasamang taong umaaligid sa kanila. Sinusubukan niya ring hanapin ang prisensya ng iba niyang mga kaibigan, but still... There's no sign of them.

She then became to wonder...

Did their plan failed?

Where are they?

Nahuli na rin ba sila no'ng killer?

Are they too late?

Habang kinakalagan no'ng dalawa ang hinang-hina pa ring si Faye ay doon lamang napagtanto ni Lalaine kung ano na nga ba ang mga nangyayari...

"Faye... S--Sinong nagdala sa'yo rito?! Sino??” Naitanong nalamang bigla ni Lalaine...

"Si--si... Si C--Claire...”
Hinang-hinang naisagot ni Faye. Isang bagay upang magulantang naman iyong iba...

"Te--Teka... Ano?! Si Claire?? Pero... Ang akala ko ba patay na siya?!” Naisambit ni Ian dahil sa gulat.

Dahan-dahang napa-iling naman si Faye. “H--Hindi... Sh--She's also working for Juvy,” aniya pa.
“I--It's a trap!” Pahanol niya pang ibinigkas.

Dahil dito'y tuluyan na ngang nakaramdam ng matinding kaba si Lalaine.

"Masama 'to! Dali! Wag na tayong mag-aksaya pa ng panahon! Umalis na tayo rito!” Bulyaw ni Lalaine sa mga kasama, bagay upang kaagad naman siyang sundin no'ng iba.

Dali-daling kinarga ni Ian si Faye, at sabay-sabay silang nagtatakbo papalapit sa nakabukas na pinto upang tuluyan na sanang makalabas, ngunit hindi pa man sila nakakalapit doon ay nagulantang sila nang bigla nalamang itong sumara ng kusa!

They arrived too late, and the door was already locked!

"Shit! Lalaine! What's going on!? Ano nang gagawin natin ngayon?!” Nagpapanik nang naitanong ni Heide.

"We're trapped!"

At di nag minuto, bigla nalamang nagliyab ang kuwartong pinasukan nila, bagay na mas nagpagulat at nagpagimbal lamang sa kanilang lahat.

Nagsisigaw nalang sila sa sobrang init na kanilang nadarama.

Kahit ano man ang gawin nilang pagsira mula roon sa pinto'y hindi nila iyon magawa dahil sa sobrang tibay nito...

They were already too late...

+++

Sa may prisinto naman, mag-aalas dose na ng gabi ngunit hindi pa rin makatulog mula sa kanyang selda si Nicole.

Sino ba naman kasi ang makakatulog sa sitwasyon niyang iyon.
Hinuli siya ng mga pulis dahil inakala ng mga itong siya ang killer, habang ang tunay na killer ay malaya pa ring nakakalakad mula sa labas at muling iniisa-isa ang kanyang mga kaibigan, malamang sa malamang ay hindi talaga siya makakatulog.

Ang tanging nagagawa niya nalamang ngayon ay ang magpaikot-ikot mula sa loob ng makitid na selda...

"Ano ba? Ako ang nahihilo riyan sa ginagawa mo eh! Hindi ba pwedeng umupo ka nalamang diyan at umiyak ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay? Nakaka-imbwerna ka rin eh!” Naiinis na iniwika sa kanya noong tagabantay na pulis na si Mike.

"Eh potangina mo rin eh! Ikaw pa talaga ang may ganang magreklamo?! Uubusin na no'ng totoong killer ang mga kaibigan ko! Kung ayaw mong mamroblema sa'kin, edi sana kanina mo pa ako pinakawalan!!” Hindi na napigilan pa ni Nicole ang kanyang pagtitimpi't napamura at napasigaw nalamang doon sa lalake...

"Chill!” Mike laughed.
“Uubusin sila no'ng killer, o ikaw ang uubos sa kanila? Talaga bang kating-kati na yang mga kamay mong makapatay ulit? Well, it's too late, dearie! We've got you now!"

"Stop saying that fucking word!!” Muling bulyaw ni Nicole kay Mike, dahil sa pag gamit niya nanaman ng salitang dearie...

Mayamaya nama'y biglang nakarinig ng ingay ang dalawa mula sa main lobby ng opisina, dahilan upang pareho silang mapatingin mula sa sulok na iyon.

“Shit...”
Kinakabahang nasambit bigla ni Nicole...
“It's him... I--It's the killer,” aniya pa.

Ngunit napatawa lamang si Mike dahil sa kanyang naging reaksyon.
“Yeah right," at pagkatapos ay magtutungo na sana sa may main lobby, ngunit muli siyang sinubukang pigilan ni Nicole...

“Te--Teka, sandali!” Tawag niya kay Mike...
“Sinasabi ko sa'yo, officer Mike, kung ang killer na nga talaga yan, pareho ngayong nanganganib ang buhay natin!" Aniya rito, but as usual, the cop did not believe a single thing she's saying...

“Sweetie, why would I be afraid of the killer, if she's already behind bars?” Tanging kalmadong sagot lamang ni Mike. "Baka si Sheriff Bravo na yan. You better watch out miss. He's not someone you should be messing around with,” huling sinabi pa ni Mike, at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas mula roon upang magtungo na nga sa may lobby...

Hindi niya na napigilan pa iyong lalake.

At dahil naman sa sobrang kaba ay naisipan nalamang ni Nicole na sumuksok mula sa seldang kanyang kinaroroonan, at ihanda ang sarili sa kung sino man ang maaaring sunod na magpakita sa kanya sa harapan ng kanyang selda.

And in just a few seconds, he suddenly heard a loud scream coming from the lobby.

At hindi siya maaaring magkamali, boses nga iyon ni Mike.

Madali lang ang naging pagsigaw niya, as she heard a short & loud thud next...

Nicole thought to herself...

He's gone...

He's already gone...

And she's next!

Tanging panginginig nalamang sa takot ang nararamdaman ngayon ni Nicole...

She doesn't really wanted to die.

Not like this...

++

Ngunit makalipas lang din ang ilang segundo ay may isang tao ang bigla nalamang nagpakita mula sa harapan niya...

Biglang natigilan si Nicole nang dahil dito at lubusang nagtaka...

“Teka...”

“I--Ikaw??”

“ANGEL?”

Napangiti naman ang dalagitang kasalukuyang nasa harapan niya ngayon, at mahinhing napakaway pa...

“Hi, Nicole... Long time no see...”

At mula naman sa likuran ni Angel ay may isa pang taong bigla nalang ding sumulpot.

“Wag kang mag-alala, pinatulog ko lang 'yong pulis..." Maangas na wika pa nito, habang nakapamulsa pa.

“R--Richard??!!”

Hindi makapaniwala ang dalaga, na dalawa sa mga kaibigang inakala niyang matagal nang patay ay bigla nalamang nagpakita sa harapan niya...






Ano na ang mga susunod na mangyayari?






T O B E C O N T I N U E D . . . . . . .











Continue Reading

You'll Also Like

219K 563 1
[Full version now on Dreame] "As the war ended, another life begun." Written by: itsmaidenblack
695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
56.6K 3.5K 17
What could possibly go wrong when you leave Netherworld to escape an engagement with the devils? She's a demon who went missing in hell and fled to...
53.3K 2.5K 77
With nobody else to lose, the 26-year old presidential daughter Margot Villaroel had a brilliant plan of taking her father down at the expense of her...