Thrizel’s POV
"Kuya." Saka ako yumakap sa kaniya nang mahigpit at doon umiyak nang umiyak. "Sorry, sorry, sorry hindi ko napigilan ang sarili ko."
Wala siyang naging tugon pero nakayakap siya sa akin. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil dito.
"Where's Ryke?!" Galit na sigaw ni kuya sa loob ng cafeteria. Alam kong nandidito pa rin ang Dean. "Nasaan ang gagong lalaking 'yon?"
"I'm here." Boses ni Ryke 'yon. Gusto ko siyang sigawan dahil ang tanga niya. Bakit pa siya nagpakita kay kuya?
Dahan-dahang tinanggal ni kuya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Sa isang iglap ay biglang sinuntok ni kuya si Ryke. Si Ryke naman ay napaupo sa sahig, nakangising nagpupunas ng labing may dugo.
"Fuck you, bastard!"
Biglang tumayo si Ryke at binawian ng suntok si kuya. Tanging panonood na lang ang nagawa ko, hindi ko sila nagawang pigilan.
"Stop!" Sigaw ng Dean na halatang galit na. Inutusan ang dalawang guards na pigilan ang dalawang lalaki 'to.
Maya-maya ay may humawak sa aking braso, tiningnan ko ito at si Amira. Ngumiti ito sa akin ngunit tinanguan ko lang.
"Ang tanga mo talaga, Thrale!" Sigaw ni Ryke kay kuya habang pinipigilan siya ng isang guard. "Kung hindi ko pa sasabihin kay Thrizel, hindi niyo pa malalaman? Pinoprotektahan mo ba talaga ang kapatid mo? O nagpapakakuya ka lang na hindi magawa ang tungkulin niya? Alam mo? Hindi ganiyan ang kuya! Under na under ang kapatid mo sa 'yo! Ni hindi niya magawa ang gusto niyang gawin! Selfish ka! Bakit hindi mo hayaang sumaya ang kapatid mo sa iba? Dahil ba, gusto mo na sa 'yo lang ang atensyon niya? Anong klase kang kuya? Hindi sa lahat ng oras ay magkasama kayo! Hindi sa lahat ng oras ay kailangan ka niya dahil dadating ang araw na ikaw ang mananakit at magpapaiyak sa kapatid mo!" Matigas na sabi nito at pabalibag na tinanggal ang mga kamay ng guard na nakahawak sa kaniya. Galit itong lumabas sa cafeteria. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
Napatingin ako kay kuya. Walang ibang naging kilos 'to, tanging nakatulala lang. Titig na titig sa kung saan ang pwesto ni Ryke kanina. Ang mga kamao niya ay nakayukom pa rin. Ang galit niyang ekpresyon kanina ay dahan dahang nawala.
"Kuya," usal ko sa kaniya at hinawakan ang kamay pero ayaw niya akong pansinin. "Kuya, hayaan mo na 'yon si Ryke."
Wala pa rin siyang naging kilos. Maya-maya ay dumating si ate Anissa at hinawakan ang dalawang pisngi ni kuya.
"Thrale, anong nangyari sa 'yo? Gamutin ko muna ang sugat mo." Doon lang lumingon si kuya nang marinig niya ang boses ni ate Anissa. Tinitigan niya muna ito sa mukha bago yinakap nang mahigpit, napagilid naman ako.
"Follow me, we need to talk." Matigas na sabi ng Dean sabay labas. Sumunod naman ang ibang mga guro doon.
"Ayos ka lang ba, Thrale? Gagamotin ko muna 'yan." Mabilis na sumunod si kuya kay ate Anissa. Nang lumabas silang dalawa ay sumunod naman kami ni Amira.
Halos manlaki ang aking mga mata habang naglalakad kami sa hallway. May mga nakadikit na papel at nakasulat ang 'TRIZHEL WRENT IS A KILLER'. Nang mabasa ko 'yon saka ko lang napagtanto na masama ang tingin ng mga estudiyante sa akin.
"Sino namang punyetang naglagay niyan?!" Inis na sabi ni Amira habang tinatanggal ang ibang nakadikit.
Tiningnan ko si kuya, napahinto siya at tiningnan din ang mga nasa pader. Akala ko ay magagalit siya pero hindi, nagpatuloy lang ito sa paglalakad na parang walang nabasa. Parang ang sikip tuloy ng ginagalawan ko, parang bawat kilos ko ay sinusuri nila. Malaman ko lang talaga kung sinong naglagay niyan.
Dumaan muna kami sa clinic para gamutin ang natamong sugat ni kuya. Humiram ng first aid kit si ate Anissa sa isang nurse para siya na ang maggamot. Kanina ko pa nahahalata na hindi ako tinitingnan ni kuya, ni sulyap ay wala. Kahit ginagamot siya ni ate Anissa ay nakatitig lang 'to sa mukha ng nililigawan niya.
Muli kaming naglakad para pumunta sa Dean's Office. Pagkapasok namin, bumungad si Ryke na seryosong nakaupo, sumunod no'n ay ang ibang guro at seryosong mukha ng dean.
"Take your seat, Mr. Wrent and Ms. Wrent."
Umupo naman kami, mga mapanuya rin ang mga mata ng mga guro kung tumingin sa akin.
Umubo muna ang dean para magsalita. "Alam niyo naman kung bakit namin kayo pinapunta rito?"
"Hindi ho ako ang pumatay kay Kristina Altejano." Agad kong depensa sa aking sarili. Anong motibo ko para patayin iyon? Papatay ako ng hindi ko kilala? Hindi ba sila nag-iisip?
"Huwag kang mas'yadong defensive, Ms. Wrent." Nakangising sabi ng isa sa mga guro. Halata sa mukha niyang pinagdududahan din ako.
"Kilala namin si Kristina Altejano, mabait na bata 'yon at tahimik. Bakit niya naman papatayin ang kaniyang sarili?" Base sa kinikilos nito ay mukhang ito ang adviser ni Kristina.
"Mahirap paniwalaan na ikaw nga ang pumatay kay Ms. Altejano, Ms. Wrent. Dahil wala namang sapat na ebidensiya. May nagsabi lang sa amin na may nakakita sa 'yo na pumasok ka sa abandonadong kwartong iyon."
Halos mangunot ang aking noo. "At sinong nagsabi niyan? Uulitin ko! Nakasarado ang kwarto'ng 'yon at wala akong susi para pumasok!"
"Nakita ka ng witness sa oras ng 10:00 pm ng gabi."
"Maaga umuuwi ang kaibigan ko!" Sigaw ni Amira na halatang hindi makapaniwala sa narinig. "At sabay kaming lagi umuuwi!"
"Shut up, Ms. Aquillon." Natuptop naman si Amira.
Napatawa ako, napahalakhak na rin. "10:00 pm ng gabi? Hmm? Ako ang pumatay? Sigurado? Bakit hindi niyo tanungin ang witness? Bakit sa gano'ng oras ay nandodo'n pa siya? Sa gano'ng oras ay sinasarado na ang mga silid-aralan at wala na dapat na estudiyante. Kung ang witness ay 10:00 pm ako nakita, ibig sabihin? Dalawa kaming suspect rito, right, Dean?" Hindi ko alam ang aking irereaksyon. Sarili ko lang ang makakatulong sa akin. Ako lang ang makakadepensa sa aking sarili.
"Dahil sa pinakita mo kanina ay may posible talagang ikaw 'yon. Sinadya mo ba talagang gabi umuwi para kunwari ay nakita mo si Ms. Altejano na nakabigti, dinamay mo pa si manong Ello."
Napatayo ako dala ng inis ngunit ang mga pananalita ko ay ramdam ang lamig. "Bakit? Nakita niyo bang ako ang nagbigti? Saka madilim na sa oras ng 10:00 pm ng gabi, hindi ba? Paano ako makikilala ng witness, lalo na lahat ang mga babae ay pare-pareho ang uniform. Grabe naman katalas ang mga mata no'n kung nakita niya pa ang mukha ko sa dilim. Magbibintang na nga lang kayo, mali pa. Hindi ba kayo naniniwala sa mga pulis na isa iyong suicide at hindi murder? Naiintindihan niyo po ba iyon o hindi niyo lang alam ang ibig sabihi—"
"Bastos iyang bunganga mo!" Galit na sumigaw ang Dean para matahimik ako. Gusto ko lang idepensa ang aking sarili. Alangan manahimik ako. "Gusto kong makausap ng parents ni Ms. Altejano bukas. Kailangan mo rin isama ang mga magulang m—"
"Nagbibintang kayo ng walang sapat na ebidensiya?" Bigla namang sumabat si Ryke. Nandidito rin pala siya. "Paano nalang kung nagsisinungaling ang witness niyo? Nasira niyo pa ang pangalan ng pinagbintangan niyo. Ito na ba talaga ang mga pananaw ng mga tao ngayon? Madaling mauto? Kung si Ms. Wrent ang suspect niyo, bakit dito niyo dinala? Hindi ba’t may mga kasama na kayong pulis? Hindi ito isang bully, nakapatay na ng tao, dapat bantay sarado ang suspect. O baka naman iniipit niyo si Ms. Wrent dahil may galit kayo sa kaniya o hindi kaya mga bayaran kayo para maitago lang ang tunay na pumatay."
"How dare you, Mr. Marquez! Your mouth!" Sa pagkakataon na iyon ay napahampas na ang dean sa sariling desk niya.
"Defensive ka, Dean." Ngumisi si Ryke. "Alam kong estudiyante lang ako rito pero Dean mawalang galang na po, dean ka ng school na ‘to pero ganiyan ang mindset mo."
"Get lost!" Tiningnan muna ni Ryke si Dean bago lumabas na may ngisi sa labi. Hindi ko inaakala ang kaniyang pagdepensa sa akin. Nagawa niyang sumagot para lang sa akin.
"You! Mr. Wrent! Ayoko nang makita muli o gumawa pa kayo ng bagong gulo!" Tumingin naman ito sa akin. "Kakausapin ko ang parents mo, Ms. Wrent, tomorrow!"
"Wala ho ang mga magu—"
"Tomorrow."
Lagot. Paano ko mapapapunta ang aking parents dito dahil ayaw no'n ng pinatawag sila. Sigurado akong mga magagalit sila lalo na't gano'n ang sitwasyon.
Inis akong lumabas at pinagtatangal ang mga nakadikit na tungkol sa akin. Habang nagtatanggal ako ay nakita ko na naman si Dominic na nakatayo habang nakapamulsa at nakatitig sa akin. Aamin kong nailing ako roon pero hindi ko pinahalata.
"Oh? Ang mamamatay tao!" Sigaw ni Demzell nang mapadaan ako sa room nila. "Guys, ang saya ng alam na lahat ng buong campus na killer siya, hahaha." Nagtawanan naman ang lahat sa narinig.
Don't tell me, siya ang nagpakalat n—
Dali-dali akong pumasok sa room nila Demzell. Walang pag-aalinlangan ko siyang tinulak papunta sa board.
"Oww!" Sigawan ng mga kaklase niya.
"Kita mo 'to?" Tanong ko rito habang hawak hawak ang silya. "Kapag napatunayan na hindi ako ang pumatay, ihahampas ko sa 'yo 'to."
"Takot na ba ako?" Umaakto siya na parang natatakot.
"Be ready." Saka ako umalis na puno ng galit ang aking puso.
Itutuloy...