She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 21

75.4K 2.1K 177
By Sweetmagnolia


                                    ****

Nagising si Miisha ng bandang alas kuwatro ng madaling araw. Bumangon siya nang makaramdam ng matinding pagkauhaw. Ilang saglit muna siyang naupo sa kama. Kinapa niya ang noo, wala na siyang lagnat pero medyo nahihilo pa rin siya. Wala siyang gaanong maalala maliban sa paghatid sa kanya ni Jacob. Ang huling natatandaan niya ay ang pilit na pagpapakain at pagpapainom nito ng gamot sa kanya.

Tumayo siya at lumabas ng kuwarto para uminom ng tubig. Natanaw niyang may natutulog sa sala. Lumapit siya at nagulat nang makilala si Wendy. Pinagdikit nito nang magkatapatan ang dalawang couch at doon namaluktot. Wala man lang itong kumot o unan. She looks cold with her crossed arms. Napapabuntong-hiningang pinagmasdan niya ito. She wondered what she's doing in her apartment? She shrugged and turned to the kitchen to fetch a glass of water. Pero bago buksan ang refrigerator bigla siyang natigilan. Naisip niya ang kondisyon ng pagkakatulog ng madra-madrastahan.

Napapalatak na pumasok siya sa kuwarto. Naglabas siya ng kumot. Maingat niya munang kinumutan ang natutulog saka itinuloy ang pag-inom ng tubig sa kusina. Napansin niya ang maraming prutas sa tray na nasa ibabaw ng ref. Tiyak niyang bitbit na naman ang mga ito galing Laguna. Nagbungkal siya ng kaserolang nakapatong sa mesa at bigla siyang nakaramdam ng gutom nang makita ang laman nitong lugaw. Kumuha siya ng pinggan, kutsara't tinidor. Ingat na ingat siya sa pagkilos upang huwag maistorbo ang natutulog sa sala. Itinaas niya ang isang paa sa bangko at komportableng nanginain sa kusina.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" 

Napalingon siya kay Wendy na noon ay nakaupo na sa sofa chair at kinukusot ang kanyang mata habang bahagyang humihikab pa.

"Oo.." tipid at napapatangong tugon niya habang sumusubo.

Lumapit sa kanya si Wendy at sinipat ng kamay ang kanyang leeg. " Mabuti naman at bumaba na ang lagnat mo." She took notice too of  the cold porridge she's eating. " Sana ginising mo ako para naiinit ko yan at naipagluto pa kita ng ibang makakain."

"I feel okay now. Hindi mo na ako kailangang asikasuhin," mahinang sagot niya habang nakatingin lamang sa kinakain.

Nagtimpla ng kape si Wendy habang maya't maya siyang nililingon. "Do you need anything?" tanong nito.

Umiling siya at tuloy lamang sa tahimik na pagkain. Umupo ito sa tapat niya at pinanood siyang kumakain habang nagkakape.

"W-Why are you here?" mahinang tanong niya.

"Dahil may sakit ka."

"How did you know I'm sick?"

"Jacob called your dad. Nag-alala ang tatay mo kaya inutusan niya agad akong bisitahin ka."

Muntik ng mabilaukan si Miisha sa narinig. Kahit medyo masama pa ang pakiramdam ay natawa siya. "If he's worried then how come you're the one who's here and not him?" sarkastikong tono niya.

"Para namang hindi mo kilala ang pride ng Dad mo. Nag-aalala sayo yun kaya lang nag-alangan  siyang dumalaw dahil baka mauwi na naman daw sa pag-aaway niyong dalawa ang pagbisita niya."

Miisha raised an eyebrow and smirked. "Kilalang-kilala ko siya. I'm aware my whole life that I'm a daughter of the most coldhearted father in the world." 

Eksaktong naubos na ang laman ng plato niya. " Ang aga-aga pa para pag-usapan natin ang taong sumisira ng araw ko," madiing sabi niya sabay tayo't talikod. "I'll go back to my room now."

"Miisha, I'm sorry I didn't mean to ruin your mood. Don't stress yourself baka sumama na naman ang panlasa mo," sambit ni Wendy na noo'y biglang nagsisisi dahil sa mga sinabi. "I'll go to Farmer's market in a while...Anong gusto mong kainin pagkagising mo? I'm planning to make a soup for you."

"Hindi mo na ako kailangang tanungin. Hindi ako namimili ng pagkain."

"I know nagbabakasakali lang ako na may gusto kang kainin," maingat na sagot ni Wendy. "Sige matulog ka na lang ulit. Aalis ako pag nakatulog ka na. Mabilis lang ako."

Tumango si Miisha at muling pumasok ng kuwarto. Napakibit na lamang ng mga balikat si Wendy sa malamig na pakikipag-usap sa kanya ng anak-anakan. Tumayo siya para iligpit ang pinagkainan nito. Ngunit bigla siyang natigilan nang mapalingon sa sala. Unti-unti siyang napapangiti habang tinititigan ang nakaalampay na kumot sa upuan.

                                                                           ------

Ding dong.

Nagmamadaling hininaan ni Wendy ang apoy ng kalan. Naghubad siya ng apron at mabilis na naglakad patungong gate.

Ding dong.

"Andiyan na!" sigaw niya.

Napamaang siya nang buksan ang gate. Tumambad sa kanya ang isang guwapong binatang may bitbit na isang basket ng assorted fruits at bouquet ng mga puting rosas.

"Yes?" kunot noong sabi niya.

Ngumiti ang lalaki at lumabas ang maliit na dimple nito sa kaliwang pisngi. "Good morning ho. Dito ho ba nakatira si Miisha?"

"Yes? I'm her Tita Wendy and you are?"

Inilipat ng lalaki sa kaliwang kamay ang mga bitbit at malugod itong nakipagkamay. "Hi po! I'm Kyle Funtabella, kaibigan at kasamahan ni Miisha sa White Lambs."

Namilog ang mga mata ni Wendy. "Oh really?!" sabay tingin niya sa kaharap mula ulo hanggang paa. Hindi niya akalain na bukod kay Jacob, may itinatago pa palang gwapong kaibigan ang anak-anakan.

"Nandiyan po ba si Miisha?"

Natauhan siya mula sa pangingilatis dito. "Huh? A-Andito! Halika, pasok ka! Pasok!" biglang tarantang aya niya.

"Salamat ho."

Di magkandaugagang pinaupo niya ang bisita sa sofa chair. "Halika, upo ka! Anong gusto mo juice, coffea, tea o soda?"

"Juice na lang po. Kayo po pala ang Tita Wendy na kinukwento ni Miisha. I didn't expect she has such a pretty Tita."

"Naku salamat! Ang gwapo mo na ngang bata ka, ang bait mo pa!" Bahagyang pumalakpak naman ang mga tenga niya sa puri nito. "Pero teka nga totoo ba yung sinabi mong naikwento ako sa inyo ni Miisha?"

"Yes. She mentioned about you while we were eating watermelon. She brought the fruits when we went camping and she really made a huge effort carrying them dahil galing daw ang mga yun sayo. By the way, thank you it was really delicious."

"Y-You're welcome..."

Pansamantalang di nakaimik si Wendy sa nalaman hanggang sa di niya napigilang mapangiti nang medyo may mamasa-masang mga mata.

"Teka tatawagin ko muna si Miisha!" biglang lihis niya upang huwag mahalata ng kausap ang pagkakaantig.

Tarantang kinatok niya si Miisha sa art room. "Miisha, may bisita ka!"

Tipid ang pagkakaawang ng pinto na pinagbuksan siya ng dalaga. "You have a visitor!" aniya nang may abot tengang ngiti.

"Who?" kunot noong tanong ni Miisha.

"Kyle."

"Kyle? Di nga?" halos walang reaksiyong tugon ng babae.

Di makapaniwala si Miisha sa narinig. Ano naman ang gagawin ni Kyle sa apartment niya? Nilakihan niya ang awang ng pintuan at kalmadong sumilip sa sala. Biglang nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa nakaupo sa sofa chair. Si Kyle nga!

Without even thinking in fixing herself, she rushed towards the unexpected visitor. Wearing only a loose shirt and leggings with a messy bun hair.

"K-Kyle a-anong ginagawa mo rito?" takang-takang sambit niya.

"Hi Miisha!" Tumayo ang lalaki at inabot sa kanya ang bitbit na mga prutas at bulaklak.

"For you," nakangiting sabi nito.

"S-Salamat.." medyo litong ika niya habang tinatanggap ang mga regalo.

"Narinig ko kahapon kay Claribel that you're not feeling well. You didn't go to classes today so I'm worried if you're still sick," pahayag ni Kyle.

Ngumiti ng kimi si Miisha. "I feel better now. Hindi lang ako pumasok para makapagpahinga pa ng kaunti. Salamat sa pag-aalala."


"Ay! Ang niluluto ko pala! At ang juice mo rin!" biglang bulalas ni Wendy na noon ay enjoy na enjoy na sana sa panonood sa dalawang nag-uusap. Lumapit siya kay Miisha upang kunin ang mga hawak nito. " Amina yan para makapag-usap kayo ng mabuti."

Walang kahit anumang vase sa apartment kaya naglabas siya ng pitsel at doon inilagay ang mga rosas. Ipinatong niya ito sa lababo katabi ng mga prutas. Ngiting-ngiting tinitigan niya ang mga ito na animo'y siya ang binigyan.

Napagitla siya nang maalala ang juice ng lalaki. Tarantang nagtimpla siya habang maya't mayang tinitingnan ang dalawang nasa sala. Kyle is not bad for Miisha. She had a naughty thought of pushing him to her para tuluyan ng mawala ang nararamdaman ng dalaga para kay Jacob. 

"Here's your juice," nakangiting alok niya sa bisita

"Salamat ho."

Napansin ni Miisha ang mga malisyosang tingin ni Wendy. "He's the vice president of White Lambs. He's a kind person and for him visiting a sick member is just normal," kusang paliwanag niya. "He and Jacob's are best friends."

"Really?! Ow, tingnan mo nga naman! Siguro'y natataranta ang mga babae dun sa campus niyo kapag naglalakad kayong magkasama ni Jacob. Aba'y kagagandang lalaki niyo eh!" Nakapamewang na pahayag ni Wendy habang palipat-lipat ng tingin sa nag-uusap upang pag-aralan ang bawat reaksiyon ng mga ito.

Nahihiyang ngumiti si Kyle. "Hindi naman ho. The girls are crazier about Jacob most of the time," mapagkumbabang sabi niya.

Nakangiting tinapik ni Miisha ang lalaki sa braso. "Huwag ka ngang pa-humble. Marami din kayang nagkakagusto sayo, mas garapal lang kasi yung mga babaeng nagkakagusto kay Jacob kaya hindi makaporma yung mga silent admirers mo!" tatawa-tawang salita ng babae.

"How could you tell I've got silent admirers?"

"Siyempre noong mga panahong nagpapaka-stalker kunyari ako kay Jacob, marami din kaya akong mga naririnig na mga babaeng bumubulong-bulong ng pangalan mo at napapansing mga palihim na tumitingin sa ngayon."

"Talaga? Ngayon ko lang nalaman yan ha," natatawang sagot ni Kyle.

"Asus, huwag ka ngang painosente diyan! Alam mo naman yan eh," nakangusong ika ni Miisha.

"Magaling ka na nga. Ang sigla mo na eh," ngingiti-ngiting komento ni Kyle habang tinitingnan ang masiglang mukha ng nang-aasar na kausap.

Napaigtad si Wendy nang muling maalala ang niluluto. "Naku ang nilaga ko! Sige dyan na muna kayo. Sa kusina ko na lang kayo panonoorin?"

"Panonoorin? Anong pinagsasabi nun?" kunot noo at inosenteng sambit ni Miisha.

Kyle shrugged. "Your Tita Wendy is a cool and funny woman."

Sumagot ng simpleng ngiti si Miisha. Napansin niyang hawak-hawak lamang ni Kyle ang pinag-inumang baso ng juice. "Amina yan, pasensiya ka na. bilang na bilang lang ang gamit dito sa apartment. Mag-isa lang kasi ako dito at wala akong kaalam-alam sa pag-aayos ng bahay."

Ipinatong niya ang baso sa monoblock table na pinagpapatungan ng TV.

"Ayaw niya kasing pinapakialaman siya kaya gustuhin ko mang pagandahin itong apartment niya, wala akong magawa," singit ni Wendy na noo'y muli na namang tumambay sa sala.

Palihim na iningusan ni Miisha ang kanina pang pumapapel na kasama. "Di ba may niluluto ka?"

"Matigas pa ang karne," kaswal na sagot nito.

Nahinto ang tatlo nang bumungad sa pintuan ang matandang kapitbahay ni Miisha. May dala-dala itong mangkok na may takip.

"Lola Hilda?" takang sambit ni Miisha.

"Pinagluto kita ng sabaw. Ang dinig ko'y may sakit ka raw." 

"Pano niyo nalaman?" 

"Nabanggit sa akin kagabi nung naghatid sayong gwapong tsinitong tisoy,' ani ng matanda.

Napansin ni Wendy na biglang nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Kyle. Agad niyang kinuha ang atensiyon ng kapitbahay. "Akin na ho yan Nay! Ako na ang bahalang magpakain kay Miisha. Salamat ho!"

Di natinag ang matanda sa kinatatayuan. "Kumusta na ang pakiramdam mong bata ka? Di ka kasi nagkakain ng mabuti kaya madali kang dapuan ng sakit," sermon nito hanggang sa mapuna ang bisitang lalaki. "O sino naman ito? Iba to ah kesa dun sa naghatid sayo kagabi."

"Si Kyle. Kasamahan ko sa club sa school namin. Kyle si Aling Hilda, ang kapitbahay kong makakalimutin," prangkang salita ni Miisha.

Tumayo si Kyle at nagmano sa matanda. "Magandang araw po Nay."

Kukurap-kurap na tinitigan ni Aling Hilda ang nagmano sa kanya. "Aba'y kagagawapong binata naman pala ng mga bumibisita sayo Miisha!" 

"Lola Hilda lumabas na naman kayo. May dala ba kayong susi ng gate?" nakaingus na wika ni Miisha na noo'y medyo naririndi na ang mga tenga sa obvious na pagbibigay ng ibang kahulugan ng mga kausap sa pagbisita sa kanya ni Kyle. 

"Ay oo nga pala ang susi!" Agad na namilog ang mga mata ng matanda.

"Ayan na naman kayo," ani Miisha.

Kinapa ni Aling Hilda ang suot na daster at nakahinga ito ng maluwag nang makapa ang susi sa bulsa. "Dala ko. Hay buti naman. O siya aalis na ako, kainin mo yung hatid ko ha." 

"Sige ho," kaway ni Miisha nang may pilit na mga ngiti. "Bye Lola salamat!"

Tumalikod ang matanda ngunit nangangalahati pa lamang ito sa bakuran ay biglang pumasok ng gate si Jacob. May dala rin ang lalaki na mga bulaklak at prutas. Dali-daling bumalik si Aling Hilda sa loob ng bahay ngunit pagdating niya sa sala ay tanging si Wendy na lamang ang naroroon.

"Huh nasaan si Miisha?" medyo hinihingal na ika ng matanda.

Nagtatakang tinuro ni Wendy ang art room.

Lumapit sa pinto ng nasabing silid si Aling Hilda. "Miisha may isa ka pang bisita! Yung tsinitong tisoy andito!"

When Jacob entered the house, si Wendy ang nabungaran niya. "Hi Tita!"

"Oh H-Hi Jacob!" medyo asiwang bati ng babae.

"Where's Miisha? How's she?"

"Ahmmmm..." napapalunok na sambit ni Wendy. "She's there-"

Bago pa matapos ang sinasabi ng kausap, napatingin si Jacob sa art room. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang lumabas dito si Miisha at napansing may sigla na ang mukha nito. But... his smile slowly faded away nang sumunod na lumabas sa nasabing silid si Kyle. Ilang saglit siyang natigilan at nawalang ng reaksiyon. Hanggang sa unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa mga prutas at bulaklak.

"Hi Bro!" kaswal na bati ng kaibigan.

"Oh h-hi..." sagot niya nang may pilit na ngiting unti-unting nagiging ngisi.

"Sabi ko na nga ba maganda ka talagang bata ka, Miisha. Akalain mo yan parang kelan lang ay parang wala kang kamuwang-muwang sa mundo samantalang ngayo'y meron ka ng kapopoging mga manliligaw!" walang prenong komento ni Aling Hilda.

Jacob and Kyle didn't mind what the old woman said. They remain motionless while staring at each other. Parehong nakaangat ang isang sulok ng mga labi habang nagpapalitan ng mga makahulugang tingin. 

Napansin ni Wendy ang tensiyon sa titigan ng dalawang lalaki kaya minabuti niyang basagin ang pansamantalang katahimikan. Dali-dali siyang lumapit kay Jacob. "Para kay Miisha rin ito di ba? Akin na baka mangalay ka." Kinuha niya ang mga bitbit ng binata sabay lingon niya kay Aling Hilda. "Ano ka ba Nay! Hindi ho sila mga manliligaw ni Miisha... magkakaibigan lang ho silang tatlo!" 

"Di ba Kyle? Di ba Jacob? Di ba Miisha?" dagdag niya habang tinitingnan ang mga ito isa-isa.

"Yes.".... Tanging si Miisha lamang ang sumagot.

Continue Reading

You'll Also Like

760K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
776K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
183K 2.9K 6
ALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)
854K 27.9K 34
Standalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2...