Chapter 18
Matters.
"You want salad, Anne?" alok ni mommy kay Anne ng salad na ginawa nya kani-kanina lang. "Mukhang ayaw mo ng main course." puna nito.
Kanina pa pinaglalaruan ni Anne ang tinidor na hawak nya at tinutusok-tusok ang crab meat sa harap nito pero hindi nya man lang sinusubo. Tatlong araw na syang ganito at ngayon nalang sya ulit nakasabay ng pagkain sa amin dahil lagi syang walang gana o di kaya'y nagsosolo sya.
Umiling naman ito't ngumiti. "I'm fine, Tita." sabi nito. "Maybe later." dagdag nya at saka sinubo ang crab meat na kanina pa nakatusok sa kanyang tinidor.
Tumingin naman sakin si mommy na parang tinatanong kung ano ang problema ni Anne pero nagkibit-balikat nalang ako and she sighed saka muling tumingin kay Anne na pinaglalaruan ulit ang pagkain.
"By the way, Rae, natext ko na si Josh kung anong oras bukas ang party mo para hindi sya malate." masayang sabi ni mommy at muntik ng maibuga ni daddy ang iniinom nya.
Pinanlakihan sya ni mommy ng mata at agad na umayos si daddy saka muling humarap sa akin ng may inosenteng ngiti.
"Kung gusto nyo'y gumala muna kayo ni Anne the night before your party para makapagrelax man lang kayo." ani mommy. "I'll pay for it. Dont worry." dagdag nito.
Sasabihin ko na sana na okay lang kung nasa bahay ako pero agad akong naunahan ni Anne. "Thank you, Tita." bigla nitong sabi. "I really need some relaxation."
Ngumiti naman si mommy dito. "No problem."
Hindi na rin ako umapila dahil baka nga kailangan talaga ni Anne ng isang relaxation. Siguro'y sa Face Basics nalang kami doon sa mall.
"Did you really change your number?" tanong sa akin ni Anne nang nasa kotse na kami papunta sa mall.
It's already my birthday. Sa lahat ng naging birthday ay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dati naman ay nagkaroon na ako ng birthday party pero ngayon lang ako talaga kinabahan.
"Uh, yeah." simpleng sabi ko habang kinakalikot ang librong nilagay ko dito sa sasakyan para lagi akong may binabasa kapag umaalis at bumabyahe.
"You're really going to do it, huh?" hindi makapaniwalang sabi nya't umiiling-iling pa.
I sighed. "I dont want to offend you pero ayokong mangyari sakin ang ginawa sayo ni Henry." I tried to sound not so offensive dahil alam kong sariwa parin sa kanya ang lahat ng mga nangyari. "Look how hurt you are. Nakikita palang kitang ganyan, hindi ko na kaya. Pano pa kung sakin yan mangyari?"
"Not all guys are like Henry, Rae." seryosong sabi nito. "At nakikita kong seryoso sayo si Joshua. You just have to believe him. You have to trust his love for you. Hindi yung binubulag ka ng mga nangyari sakin." aniya. "Me and Henry is a wreck while you and Joshua is a different story. You just have to make it happen. You have to take the risk."
"But I dont want to get hurt.." kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Bullshit!" singhal nito. "Lahat ng nagmamahal, nasasaktan. Kahit gaano pa kayo kasaya't kaperpekto, laging may lapses. Laging may part na hindi mo maiiwasang masaktan ka."
That's why I'm afraid of loving someone. Hindi naiiwasan ang sakit. Kahit hindi maging kayo, masasaktan ka parin. Kahit simpleng pagtingin lang, masasaktan ka pa rin. Mawalan ka nga lang ng kaibigan, masakit na eh. Pano pa kaya kung ang taong mahal mo ang nawala sayo?
Hindi ko alam kung paano nagawa ni mommy'ng lumayo kay daddy dati at kung pano nya kakayanin kung natuloy ang kasal nila ni Daddy Brendt. Hindi ko rin alam kung paano nagawa ni mommy'ng maging mas matibay at masaya magmula ng mawala ang baby brother ko. Pero atleast, may bagong baby brother ulit na nagpasaya sa mommy ko. We're happy again.
"Ugh!" napatingin ako kay Anne nang bigla itong dumaing. "When will you stop?!" inis na sabi nito saka hinagis ang phone na buti't agad kong nasalo nang dahil sa aking adrenaline rush.
"What the hell, Anne?" sabi ko habang hinihimas-himas ang cellphone nito. "Alam kong mayaman kayo pero sayang parin ang cellphone mo."
Mabilis nya itong kinuha sa akin at pinatay saka nilagay sa pagkasulok-sulok ng drawer ko.
"Ano ba yon?" tanong ko dito habang inaayos ang nagusot kong petite cocktail dress.
"He's still texting me." inis na sabi nito. "Anong tingin nya sakin? Tanga na pwede nyang balik-balikan? Once is enough. Hindi ako magpapakatanga para sa kanya. Pinili nya si Camille, panindigan nya yun." aniya. "Hindi ako magiging kabit para sa kanya. If he really wants me, then he should leave her."
"Ano bang sabi nya?" curious kong tanong.
"That he loves me but he cant leave Camille. Hindi daw kaya ng konsensya nya. Camille was there daw when I was not." sarkastikong sabi nito. "Eh di kay Camille na nga sya. Hinahayaan ko na nga sya eh."
Hindi nalang ako nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang i-aadvice ko sa kanya. Masyado nang naging komplikado ang sa kanila ni Henry.
"Lyrae.." rinig ko sa isang boses na matagal ko nang hindi naririnig kasabay ng tatlong beses na marahan na pagkatok sa pintuan ko.
Nagmamadali akong pumunta sa pintuan ko at nakita sa tapat nito ang lalaking miss na miss ko na agad kong niyakap ng napakahigpit.
"Daddy Brendt!" tuwang-tuwang sambit ko sa pangalan nya as I saw my dad grabbed my mom's waist tighter while looking at us. "Miss na miss na miss na po kita."
Humiwalay naman ito sa pagkakayakap at ngumiti sa akin. "Miss na miss na miss na rin kita." he uttered at hindi ko mapigilan ang yakapin sya ulit.
"Ahm, eto nga pala ang Tita Angel mo." pakilala sakin nito sa isang babaeng hindi ko agad napansin sa tabi nya. Siya ba 'yung sinasabi ni mommy na bagong babae sa buhay ni Daddy Brendt or maybe, not?
"Hello po." I greeted her happily.
"Hello rin." anya at ngumiti. "Happy birthday." bati nya at agad akong nagthank you sa kanya.
"She's my cousin, Rae. Sabi ng mommy mo sakin ay pwede ko syang isama kaya sinama ko sya." ani daddy Brendt at agad akong nalungkot.
Bigla akong napaisip kung sino kaya ang bagong babae sa buhay ni Daddy Brendt. Ang sabi pa nga ni Daddy ay kasal na sila. Bakit kaya hindi siya ang kasama ni Daddy Brendt ngayon?
"Doon po sa garden nakaset ang mga table." sabi ko nalang para may topic kami nang makababa na kami.
"May upuan na kami ng Tita Angel mo." sabi naman nito. "By the way, here's my gift." sabay labas nito ng isang medyo may kaliitang light blue na box na sumisigaw ng tatak na Tiffany & Co. "Para sa mga nagdaang taon na hindi ko nacelebrate ang birthday mo." nilabas nito ang isang bracelet na may librong pendant. "Your mom told me that you like to read books that's why I chose this one. Hope you like it."
Tumango naman ako habang sinusuot nya ito sa akin. "I love it, dad. Thank you po!" masayang sabi ko at muli syang niyakap.
"Anything for you." sabi nito at akmang magsasalita akong muli nang biglang may tumugtog galing sa garden.
"Looks like there will be a performer. Did you invite a guest?" tanong ni Daddy Brendt habang lumilinga-linga sa may garden.
"When the visions around you. Bring tears to your eyes."
Nang matunugan ko ang boses ay agad akong humarap sa may garden at kitang-kita ko ang nakatayong si Joshua sa mini set-up stage na hawak-hawak ang mic.
"And all that surrounds you, are secrets and lies."
Biglang namatay ang main lights sa may garden at maging dito sa loob ng bahay.
"Looks like my little girl is already a grown up." rinig kong comment ni Daddy Brendt. "May manliligaw na." he added chuckling.
Mas lumapit ako sa may mga nakasinding Christmas lights upang mas makita ang ginagawa nito.
Why are you doing this, Josh?
Kumuha ito ng isang long stem white rose at saka lumakad patungo sa akin. "I'll be your strength. I'll give you hope. Keeping your faith when its gone. The one you should call, was standing here all along." binigay nito sa akin ang bulalak at unti-unti ko itong kinuha sa hindi malamang dahilan.
Dinala ako nito sa stage at patuloy parin sa pagkanta. "And I will take, you in my arms. And hold you right where you belong." hinawakan nito ang aking kamay at saka ngumiti. "'Til the day my life is through, this I promise you."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang lahat ng binuo kong pader para harangan at pigilan syang tuluyang makapasok sa puso ko ay nagiba na ng tuluyan.
"Without you in my life, baby. I just wouldn't be living at all." diretsong nakatingin sa akin ang mga mata nitong mayroong mga nagtatakang luha na bumagsak.
You're making it very hard for me, Josh. You're making me suffer just by seeing you being like this.
"Every word I say is true, this I promise you. Oh, I promise you." pumikit ito ng marahan at tuluyan ng tumulo ang kanyang luha saka ngumiti.
He sighed and chuckled. "Since first year highschool intramurals, you're the only girl who made me crazy just by loving her so much." panimula nito at agad na akong kinabahan. Kaya ba ako nakakaramdam ng kakaibang feeling kaninang umaga? "I never laid an eye for anyone else. Lyrae, it's just you." he stated.
"Lyrae Sirius Talavera Sarmiento." huminga ito ng malalim saka lumuhod sa akin. "W-Will you be my girl?" nauutal nitong tanong at para akong nawalan ng dilang hindi makasagot sa tanong nya.
Maybe there's something I want to say. I'm afraid to say. Someone I'm afraid to love; or even somewhere I'm afraid to go. But I know that it's gonna hurt. It's gonna hurt because it matters.
"I-I'm sorry.." kasabay nito ang pagtulo ng aking luha at agad akong tumakbo sa loob without minding the people calling me.
It matters because I love him.