Entity Of Promises

By reignlyst

40K 1.3K 70

A woman who values her loved ones deeply. Even though it hurts, she continues to believe in the promise. Her... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Entity of Promises
New Update!

Chapter 16

1K 44 0
By reignlyst


"Hoy. Kanina pa yan tulala. Kausapin mo nga,Princess'

'Ayoko nga'

'Bakit ba yan tulala? Weird'

'Nga no?'

'Baka nagka-amnesia na yan'

'Oo nga eh. Sayang maganda sana pero malas sa pag-ibig'

"Hoy! Mga bungangera narinig ko ang mga pinagsasabi niyo" Kalmadong sabi ko at naghalukipkip.

Umupo ako ng maayos at pinasadahan ko ng tingin si Skiel na nakatayo sa labas. Ayokong lumabas ng classroom. Bakit ba siya ganito sa akin? Nagkakamali lang siguro ako ng mahalin.

"Sorry" tumawa si Ches

Hindi ko nalang sila pinansin at huminga ako ng malalim tsaka tumayo na.

"Hala, saan ka pupunta?" Nagpapanic na tanong ni Shy sa akin pero hindi ko nalang ulit siya pinansin.

Lumabas na ako at may binigay sa akin si Skiel na isang tsokolate. Ano nanaman to? Nagpasalamat na ako sa kanya at bumalik na ulit sa kinauupuan ko.

Tinignan ko ang tsokolateng binigay niya. Napangiti ako. Atleast nag-effort ang loko.

"Oh ito na" saad ko at binigay kina Leoren ang tsokolate.

Hindi naman talaga ako mahilig sa tsokolate at isa pa, ang sakit sa ngipin. Nakita ko na natakam si Shy kaya mabilis niyang kinuha kay Leoren pero itong Ches naman ay natakam din kaya nag-aagaw silang tatlo.

Dumating si Jasi at nakita kong nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
Bakit late itong babae na 'to?

"Oh? Anong nangyari sa mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Leoren.

"Bakit ganyan din ang mukha mo?" Sarkastikong tanong ni Jasi na nagpatawa sa akin. Tinignan ako ng masama ni Leoren.

"Alam mo, Jasi. Ang taray mo. Red days mo ba ngayon?" Natatawang tanong ni Ches habang nasa bunganga niya yung tsokolateng binigay ko.

Halatang nanalo si Ches sa agawan nila dahil siya ang may hawak na tsokolate.

"Lhiane. Huwag mo nga tanggapin si Skiel ulit?"

Medyo nagulat ako sa tanong ni Jasi. Hindi ko inaasahan na tanongin niya ako ng ganyang bagay. Napangisi ako. Too late, Jasi. I'm sorry.

"Bakit naman?" Takang tanong ni Angel habang tinitignan ng masama si Princess.

"Basta" Tanging sagot niya. Ha?

"Kung ako sayo Lhiane hindi ko na ulit tatanggapin si Skiel. At isa pa, niloko na eh diba inamin niya naman sayo na niloko ka niya?"

"Bakit ikaw, Jasi? Bakit ka niya pinagpalit? Bakit?" Naakangising tanong ni Princess kay Jasi

"Syempre nagmamadali iyon. Gusto niya akong ligawan pero hindi ko siya sinagot" Nakasimangot na sagot ni Jasi kay Ches.

Hays. Huminga nalang ako ng malalim. Ano ba ang mga pinagsasabi nila? Hindi ko na sila minsan naiintindihan. Ginawa ko lamang ito dahil ito ang SINABI ni Tita Cariel sa akin at pati sina Mama. Sinunod ko lang ang sinabi nila ah? Mali ba ako?

Ilang araw na ang nakalipas , ganyan pa din ang eksena namin. Walang bago, manloloko pa rin. Joke lang. Nakikita ko naman na masaya si Skiel sa akin. Saan kami pupunta ay nagyayabang siya tungkol sa akin. Kung paano niya ako minahal noon at walang araw na hindi siya humingi ng tawad. Second chance, oo alam ko sa sarili ko na mali ito pero para sa mga taong mahal ko. Kaya kong isuko ang pagmamahal ko dahil ito ang sabi ni Tita Cariel sa akin.

Pero dumating yung bakasyon namin. December na ngayon.

"Saan tayo?" Skiel asked me.

Tinignan ko siya habang nanonood kami ng sine. Oo nga? Saan kami magbabakasyon?

Then, may naisip ako. May beach resort si Papa. Kaya doon nalang kaya kami? May hotel din doon. Hoy! Huwag kayong open-minded. Alam kong may resort si Papa noon hanggang ngayon. Kinuwento niya rin ang lahat sa amin ni Mama na maayos ang pagpatakbo ng resort niya. Nga lang malayo dito. Okay lang kung malayo basta mag-eenjoy kami.

"Sa resort nalang ni Papa. Ayos ba yun?"Nag-alala kong tanong. Narinig ko namang tumawa siya ng mahina.

Hindi ko siya tinignan dahil madilim ang paligid.

"Oo naman. Kung saan gusto mo" Ani niya.

Aba. Bolero talaga kahit kailan.

Ilang oras na natapos ang panonood namin dahil marami kaming pinanood. Masakit na masyado ang mga mata ko kaya kinusot ko ito.

"Napuwing ka?" nag-alala niyang tanong pero umiling lang ako.

Ngumiti lang ako dahil nag-alala siya sa akin. Kumain kami kung saan-saan. Masaya ako ngayon dahil kasama mo si Ga...Skiel. Shit. Bakit siya pumasok sa isipan ko?

Pero kamusta na siya ngayon? Okay lang ba siya? Hindi ko kayang padalhan  siya ng mensahe dahil nahihiya na ako sa kanya pero pagbalik niya daw ay hihintayin niya ako at patuloy na mahalin. Sana Gab. Sana ako nalang. Sana wala nang iba. Hihintayin kita.

"Umuwi na tayo, Lhiane. Gabi na" sabi ni Skiel at binuksan ako ng pintuan. Napangiti ako ulit. Baliw na ba ako? Bakit ako ngiti ng ngiti?

Tahimik lang ang buong byahe namin. Ang. Akward. Namin. Sa. Isa't-isa. Napailing nalang ako. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay. Nakita ko si Kuya Kyroh na masaya. May kausap siya sa phone niya.

"Dito nalang ako. Maraming salamat ha?" Nakangiting pagsasalamat ko at kinuha ko yung seatbelt.

"Ikaw rin. I'm happy. Sana mauulit 'to" matamis siyang nakangiti sa akin at nilapit ang mukha niya sa akin kaya nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa noo! Naku. Bakit niya ginawa yun? Nakakahiya.

"Goodbye" Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako at hinintay ko nalang na umalis siya. Pero hindi eh. Binuksan niya ang bintana at tinignan ako.

"I love you, Lhiane."

Napatulala nalang ako. I can't believe. Bakit ko pa ba ito ginagawa? Nasusuka na ako. Ayokong lokohin ang sarili ko. Hindi ko na mahal si Skiel. Si Gab na yung mahal ko. Sana balang araw mapatawad ako ni Skiel sa gagawin ko.

Hindi ko nalang siya sinagot na 'I love you too' .

Pumasok na ako sa bahay pero napahinto ako na makita ko si Antonette. A-anong ginagawa niya dito sa pamamahay namin? Nagtataka akong tignan siya kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

"Hello Lhiane" nakangiting sabi niya. Ngiting PEKE.

Nakita ko si Mama na hiniwa yung cake. Kilala ba siya ni Mama? Bakit siya nandito?

"Oh Lhi. Umupo ka. Ipakilala kita sa kanya" Nakangiting sabi ni Mama.

May narinig akong boses sa itaas. For sure hindi si Ate Tori yun, ang tinis kaya ng boses ni Ate. Bumaba ito kasama si Ate. Nakita ko si Ate Faith. Nakangiti siya sa akin. Bigla akong tumayo at agad siyang niyakap. Damn! I miss Ate Faith.

Bakit siya nandito? Alam ko naman na nagbalikan sila ni Kuya. Like wth? I'm so happy right now.

Umupo na kami pero nainis ako dahil katabi ko si Antonette. Sino ba siya?

"No need, Mama. Kilala ko na si Antonette" Seryoso kong sagot kay Mama at nakita kong nagulat naman siya.

"Oh. Dapat ay kayong dalawa ang palaging magkasama. Like bestfriend?" natatawa si Mama.

Ayokong magkaibigan sa taong ito. Bakit siya nandito? At isa pa, hindi ko papalitan sina Ches. Parang kapatid ko na rin sila.

"Well, Dear Antonette bakit nandito?" Sarkastiko kong tanong at nakita ko naman na nakangisi siya sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Aba.

"Lhiane. Ano kaba. Siya yung kapatid ni Faith" Pagkasabi ni Ate Tori ay nagulat ako.

Totoo? Kapatid siya ni Ate Faith? Tapos maging sister-in-law ko siya kapag kasal na sina Kuya at Ate Faith? Parang ayoko. Ano ba. Naiinis na ako sa babaeng ito ah.

"Paki ko?" Mataray kong tanong pero sinita lang ako ni Mama. Narinig ko pang tumawa si Antonette. Sige. Mamaya kana sa akin.

Kumain kami ng cake at iba pa. Nagkukwentuhan lang sila habang ako ay tahimik lang. Alam ba ni Skiel na nandito si Antonette? Syempre,hindi.

Continue Reading

You'll Also Like

43.9M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
1M 22.6K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
527K 15.1K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
215K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...