If I Could Turn Back The Time...

By terelou1220

8.4M 163K 5K

"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pags... More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41 part 1
Chapter 41 part 2
Chapter 42 part 1
Chapter 42 part 2
Chapter 43 part 1
Chapter 43 part 2
Chapter 44 part 1
Chapter 44 part 2
Chapter 45 part 1
Chapter 45 part 2
Chapter 46 part 1
Chapter 46 part 2
Epilogue
Special Chapter

Chapter 8 part 1

94.7K 1.7K 50
By terelou1220

Chapter 8 part 1

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin matanaw ni Jesica ang tiyahin. Kailangan niyang matawagan ang ina para ipaalam dito na hanggang ngayon ay indi pa rin sila nagkikita ni tita Lucila. Inilabas ni Jesica ang cellphone mula sa kanyang handbag. 

"Mommy, I'm still waiting for tita..." 

"Katatapos lang namin mag-usap ng tita mo. Nasa taxi na daw siya akala kasi niya ay hindi natin siya masusundo." putol ni Lourdes sa mga sasabihin pa sana ng anak. 

Napabuntong hininga si Jesica, hindi pa rin nagbabago ang tiyahin hanggang ngayon ay mainipin pa rin ito. "O-Okay."tanging nasabi na lamang niya. Nakipag-gitgitan siya sa traffic yun pala ay hindi rin siya hihintayin nito, gusto man niyang magreklamo sa ina pero hindi niya maisatinig. 

Walang kamalay malay si Jesica na buhat sa kabilang panig ay may nagmamasid sa kanya. At kung siya ang tatanungin ito ang pinakahuling taong gusto niyang makita. 

“Hi!” hindi nakatiis si Vincent na hindi lapitan ang dalaga.

Halos nanlaki ang mga mata ni Jesica ng mapagsino ang lalaking nasa harapan. Hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ito.

 

“I hope you still remember me dahil ikaw hindi kita nakalimutan.” Nakangising sabi ni Vincent sa dalaga.

Parang gustong sampalin ni Jesica ang kaharap, pakiramdam niya ay binabastos siya nito. Habang kaya niya pang kontrolin ang saril ay minabuti na lamang niyang talikuran ito.

“Hey! I’m talking to you in a nice way..” maagap na nahawakan ni Vincent ang braso ni Jesica.

“Ayokong makipag-usap sayo dahil wala naman tayong dapat pag-usapan.” Nakaismid na baling ni Jesica sabay hila sa brasong hawak pa rin ni Vincent.

“Ikaw pa ang may ganang magalit sa akin, samantalang ikaw ang nagplano ng lahat. But you know what..” inilapit pa ni Vincent ang mukha sa mukha ni Jesica bago muling nag salita. “kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko nakalimutan ang gabing yun.” Pabulong na sabi niya dito.

 

Halos magtayuan ang mga balahibo ni Jesica sa mga pinagsasabi ni Vincent. “Wala akong oras na makipaglokohan sayo Mr. Almonte.” Sabay atras niya para makalayo dito.

Nanghihina na ang mga tuhod ni Jesica ng mga sandaling yun dahil sa kaba sa muli nilang paghaharap ni Vincent. Hindi niya akalain na ganito ang magiging epekto sa kanya ng binata ang buong akla niya ay napaghandaan na niya ang ganitong pagkakataon.

Napansin din ni Vincent ang pamumutla ni Jesica kaya mabilis niya itong inalalayan. “Are you okay? May sakit ka ba?” mababakas ang pag-aalala sa boses nito.

Gustong murahin ni Vincent ang sarili dahil hindi niya maiwasang mag-aalala para sa dalaga, dapat ay galit ang nararamdaman niya para dito.

I’m okay, let me go.” Pag-iwas ni Jesica, ayaw niyang nagdidikit ang mga balat nila.

Kung pagmamasdan ang dalawa sa malayo ay hindi mahahalatang may namumuong tensiyon sa pagitan nila, bagkus iisipin ng mga nakakakita na may relasyon sila. At ito ang iniisip ni Mia ngayon habang tinatanaw ang dalawa pero hindi siya makakapayag na mawawala sa kanya si Vincent. Dali-dali niyang nilapitan ang dalawa.

“Hi, sweetheart!” sabay pulupot nito ng mga braso sa leeg ni Vincent at pinaglapat pa nito ang kanilang mga labi.

Kitang kita ni Jesica ang ginawa ng babae, hindi niya maintindihan ang sarili dahil inis na nararamdaman para sa babaeng kayakap ngayon ni Vincent. Gust na niyang umalis sa lugar nay un pero hindi niya maihakbang ang mga paa.

“Mia, wait!” marahas na binaklas ni Vincent ang mga braso ng babae at agad na hinapit nito ang beywang ni Jesica.

“Honey this is Mia, one of my friends. She will be here for a vacation.” Malambing na baling ni Vincent kay Jesica at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayapos sa beywang nito.

Nagtataka si Jesica sa itinatakbo ng pangyayari hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pinapakitang sweetness ni Vincent sa harap ng babaeng ito.

 

“I’m not just a friend Vincent! Sabihin mo sa babaeng yan ang totoong relasyon natin!” malakas na ang boses ni Mia at nakakaagaw na sila ng pansin sa mga taong naroroon.

“Mia, you don’t need to shout pwede naman ninyong pag-usapan yan.” Malumanay na sabi ni Jesica sa babae.

“Ang yabang mo! akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na pinaglalaruan ka lang ni Vincent? Hwag kang maniwala sa mga pinagsasabi niyan dahil walang balak na magseryoso yan sa babae” galit nag alit na turan ni Mia kay Jesica.

“Will you please shut up!” pinipigilan ni Vincent ang galit. “Let’s go, ihahatid ka namin sa hotel.” Inakbayan ni Vincent si Jesica at pinisil pa ang kaliwang balikat.

“I’ll go ahead, dala ko ang kotse ko.” Kanina pa gusto na ni Jesica na makaalis sa lugar na yun. Wala siyang balak na makiaalam sa relasyon ng dalawa.

“Honey, we’ll just use your car.” Sabi ni Vincent sabay halik pa nito sa tuktok ng ulo ni Jesica. Ito na ang pagkakataon niyang malaman kung saan nakatira  ang dalaga at hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito.

Napapitlag si Jesica ng maramdaman niyang hinalikan siya sa ulo ni Vincent, may kilig siyang naramdaman pero dapat niyang kontrolin ang sarili. Ang dapat niyang isipin ay pinagpustahan lamang siya ng magkaibigan at ngayon kaya masyadong sweet ito sa kanya ay ginagamit lamang siya para maitaboy nito ang babaeng nasa harap.

 

“Hwag kang tanga Jesica.” Bulong niya sa kanyang sarili.

 

“May pupuntahan pa ako, may inuutos sa akin si mommy.” Palusot niya para hindi na siya kulitin pa ni Vincent.

“We’ll just drop her in the hotel, sandal lang naman tayo.” Pakiusap ni Vincent sa dalaga. Masyadong apektado ang buong pagkatao ni Vincent habang nakaakbay kay Jesica, kung wala lamang sila sa public place ay baka kanina pa niya ito niyakap ng mahigpit.

Naitirik na lamang ni Jesica ang mga mata, alam niyang hindi siya titigilan ng binata kaya sa ngayon ay pagbibigyan niya ito. Pero ito na ang una’t huling pabor na ibibigay niya dito.

___________________________________

A.N.

Happy reading guys :D

Continue Reading

You'll Also Like

289K 22.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
332K 6K 52
Estranged hearts, broken souls and shattered well-being. Where did the promise of forever go? Sapphira made her way back to New York, where all it s...
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
212K 6.2K 53
Elren Vasquez is a No Boyfriend Since birth type of a girl, handa na siyang tumandang dalaga. Jasper Darwin Madrigal is a playboy at handang handa na...