Entity Of Promises

By reignlyst

40K 1.3K 70

A woman who values her loved ones deeply. Even though it hurts, she continues to believe in the promise. Her... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Entity of Promises
New Update!

Chapter 9

1.2K 55 0
By reignlyst


"Let's go?" Niyaya na ako ni Skiel na umalis na. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsagot ko sa kanya. I have nothing to say! Sino ba siya?

Sumunod lang ako sa kanya. Sasakay kami siguro sa kotse niya. Ilang saglit lang ay tumigil siya at ganoon din ang ginawa ko. Nauna na siyang pumasok sa kotse niya at ako din. Hindi man lang gentleman unlike Gab. W-wait! Bakit ko sila pinagkukumpara na dalawa? Mas lamang si Gabriel kesa kay Skiel.

At isa pa, muntik ko na palang makalimutan ang sinabi ni Kuya Carlos kanina. Anong gagawin ko sa bahay nila mamaya? Sana si Ate Tori nalang ang sinama nila at hindi ako! Naiinis ako ngayon.

"Ang tahimik mo yata, Lhi" Panimula ni Skiel.

Tinignan ko ang kabuuan ng kotse ni Skiel. Nothing new, ganoon pa din. Seryoso lang na nagmamaneho si Skiel. Natatandaan ko pa noon na kapag may lakad kami ito yung kotseng dinadala niya para sa akin. At natatandaan ko din ang sinabi ni Skiel na wala ni isang babae ang sumakay sa kotse niya maliban nalang sa akin. Ewan ko lang ngayon.

Hindi ko nalang sinagot si Skiel. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Mall. Malapit lang naman ang school ko at ang Mall dito. Nauna akong bumaba at hinintay si Skiel. Bakit ko ba ito ginagawa? Huminga muna ako ng malalim kaya nakakuha ako ng lakas para hindi magiging akward yung pagsasama namin ngayong araw.

Natanaw ko na paparating na siya sa direksyon ko kaya ngumiti ako ng peke.

"Let's go?" Tanong ko at tumango lamang siya.

"Anong bibilhin mo rito?" tanong niya sa akin.

Ano ba ang pakialam niya? Diba ang sabi samahan niya lang ako? Wala sa usapan na makikialam siya! Naiinis na talaga ako sa lalaking ito. Ano nga ba ang bibilhin ko? Sana magugustuhan ni Gab ang bibilhin ko para sa kanya bukas.

"Hey. I'm talking to you" Nabalik lamang ang diwa ko kaya tinignan ko siya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Then don't talk to me."Angil ko.

"Lhiane. I'm serious"

"Then I'm serious too" seryosong sagot ko sa kanya.

"Lhi..."

"Ok fine! Bibili ako ng regalo para kay Gab!" Iritadong sagot ko.

Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at huli ko lang nalaman na napasigaw pala ako kay Skiel. Tinignan ko ang paligid ko at maraming tao ang nakatingin sa akin. Napayuko nalang ako sa kahiyaan. Narinig ko pa ang reklamo ni Skiel mula sa akin.

Umalis kami sa aming kinatatayuan at humanap ng pang regalo ko para kay Gabriel.

Ilang oras na kami naghahanap at mukhang tinulungan ako ni Skiel. Pero merong akward sa pagitan naming dalawa habang namimili. Tinago ko yung regalo ko sa bag ko at lalabas na sana ng Mall kasama si Skiel pero napahinto siya dahil nagugutom na siya. Gusto kong umuwi pero no choice kaya sumama ako sa kanya. Hindi naman pwedeng mauna nalang akong umuwi dahil bastos iyon since sinamahan at tinulungan niya akong mamimili ng regalo.

Pumasok kami sa isang restuarant na kung saan pinakilala ni Ate Tori si Kuya Carlos sa amin.

"Umupo ka muna" Utos niya kaya umupo naman ako.

Umupo siya sa harap ko at tinawag yung waiter. Pinapili niya ako kung ano ang kakainin ko kaya agad ko naman tinuro ang paborito kong pagkain at ganon din siya.

"Are you okay?" Biglang tanong ni Skiel at tinignan ko siya na may halong pagtataka. Anong ibig niyang sabihin?

"Yeah! I'm okay" sagot ko.

Ilang saglit pa kaming tahimik na dalawa hanggang sa nagtanong siya na ikinatitigil ng mundo ko.

"Kamusta ka sa loob ng ilang taon?"

Bakit hindi niya magawang manahimik? Sana hindi na niya nalang tinanong na ganyan. Bumabalik kasi ang alaala ko. Alaala na pilit ko siyang kinakalimutan. Bakit hindi nalamang kinalimutan ni Skiel?

Sa loob ng tatlong taon ay malungkot ako pero naliwanagan lamang ng dumating si Gabriel. Ang saya ko. Hindi ko alam na sa kabila lahat ng paghihirap ko ay mapapalitan ito ng tuwa.

"Malungkot, masakit at isa pa nasasaktan ako." Pilit akong ngumiti sa kanya.

Nakita kong naging seryoso ang mukha niya. Napairap nalamang ako. Wala man lang siya naging reaction sa mga sinabi ko. It doesn't matter to him. Rude.

"Then? How about this year? How about this year?" Napaulit ulit niya ang tanong niya.

"Happy." Maikling sagot ko.

"Kung papipiliin ka," Naputol ang sasabihin niya at tumingin siya sa akin.

Tumingin ang kanyang mga magandang mata sa akin. Puno ito ng hinanakit, paghihinayang at isa pa parang tinatawag ang pangalan ko.

Maganda ang kanyang mga mata. Sarap niyang tignan ng matagalan. Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam na ilang segundo na pala kaming nagkatinginan kaya umiwas ako.

"Ako o si Gab?" Biglaang tanong niya.

Napaawang ang bibig ko sa tanong niya. Ofcourse, I'll choose Gab. I'm happy with him. Pero kung si Skiel? Oo, masaya ako noon pero ibahin na niya ngayon. Hindi na siya yung lalaking mahal ko. Mahal ko na iniwan lang pala ako. Sinayang ako eh anong magagawa ko? Diba wala?

"Ikaw" Nakangiting sagot ko at nakita ko sa mukha niya na nagulat siya sa sinagot ko. Tinuro niya pa ang sarili niya at ngumiti.

"Ang hindi ko pinili" Pagkasabi ko nun ay tumayo ako at nagmamadaling lumabas. Sorry foods.

Pagkalabas ko ay malapit na pala ang dumilim. Hahakbang na sana ako para makaalis na sa lugar na ito pero may biglang humawak sa braso ko. Nagulat ako at tinignan kung sino iyon. Si Skiel. Namumula ang kanyang mga mata. Umiiyak ba siya? Well, paki ko? Pinaiyak niya rin ako noon.

"Nagsisinungaling ka," Nakangiting bungad niya sa akin. Yung boses niya ay namamaos.

Tinignan ko siya at tinaasan ko siya ng isa kong kilay. At bakit ko naman iyon babawiin? Totoo naman ah.

"And why would I?" Seryosong tanong ko.

Nakita kong napalunok siya. At tinignan niya ako ng seryoso.

"Ano... wala" Wika niya.

Sinasayang niya lang ang oras ko. Tinalikuran ko na siya at aalis na sana pero nagsalita siya na nagpatigil sa akin.

"Diba gusto mo ang mga kasagutan kung bakit kita iniwan?" Tanong ni Skiel.

Noon maraming katanungan na gusto kong sagutan kung bakit niya ako iniwan? Pero hindi ko na kailangan ngayon. Pero teka! Bakit ginagawa ni Skiel ito ngayon? Akala ko may girlfriend na siya at yun ay si Skiel!

"No." sabi ko at tuluyan na akong umalis.

I really hate Skiel until now! Naghihintay ako dito mula sa kinatatayuan ko ang isang taxi. Gusto kong umuwi! Bakit ba naisipan kong pumayag na sumama kay Skiel? Sana si Gabriel nalang! Pero kung sasama si Gab ay malalaman niya ang aking regalo para sa kanya.

"Lhiane. Wait for me" sabi ni Skiel. Tumabi siya sa akin at hinila ang braso ko.

Laking gulat ko sa ginawa niya. Niyakap niya ako. Tinutulak ko siya pero hindi siya nagpapatinag. Bakit?

Bakit niyakap niya ako? Dahil mas malakas siya sa akin ay hinayaan ko nalang siya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin at pinatong ang ulo niya sa ulo ko. Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako.

Nasasaktan ako ngayon sa kilos ni Skiel. Bakit niya ako niyayakap? Baka makita pa kami ni Skray.

Habang niyayakap niya ako ay umiyak nalang ako. Hindi ko na kaya. Sa tuwing makikita ko si Skiel gusto ko siyang sampalin. Namalayan ko nalang pala na niyakap ko siya pabalik. Mali 'to. Maling mali ito.

"Sorry for everything"

Napatigil ako.

Kumalas ako sa yakap niya at tinignan ko siya. Namumula pa rin ang mga mata niya.

"Sorry for leaving you. Sorry for everything! Let me explain" Pakiusap niya.

Skiel not now please. Hinila niya ako papunta sa kotse niya at sumakay naman ako. I think he'll going to explain everything pero hindi ko parin iyon tatanggapin. Tama na ang sakit na binigay niya sa akin.

Okay ba talaga ako? O nakulong lang ako sa nakaraan na pilit ko nang kinakalimutam ngayon. Masaya ba talaga ako?

Continue Reading

You'll Also Like

194K 5.2K 97
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
MIRACLE By Ara

Teen Fiction

324K 11.8K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
91.9M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...