The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #32: Unexpected

106K 1.4K 303
By kathipuneraaa

"Ano bang nangyari, huh?" tanong ko kay Robie. Sinabihan ko yung dalawa kong pinsan na lumayo muna samin para makausap ko siya.

Alam kong siya naman talaga ang nauna. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganon ang inasta niya. Wala naman akong nakitang mali sa ginawa ni Derick. Natural lang na matapal siya of course basketball to. Physical sports. And why in the hell I was dragged into their quarrel.

"Nothing. What do you expect from a Derick Lusterio? Syempre pikon!" sagot niya sakin sa mataas na boses. I stepped back a bit dahil galit siya. Namumula ang mukha niya and he's brushing his hair in frustrated manner.

"Ikaw ang nauna" sabi ko bago pa mapigilan ang sarili ko. Tinignan niya ako ng masama. As if hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Pardon?"

"Sabi ko, ikaw ang nauna. Nakita ko yung nangyari" ulit ko kahit naman alam kong narinig niya yung kanina.

He shook his head at tumaas ang kilay. He laughed sarcastically na hindi tinatanggal ang tingin sakin "So meaning, siya ang kinakampihan mo? Is that what you are telling me, huh?"

"Hindi naman sa ganun. Ang sakin lang, wala naman talaga siyang ginawa. Oo, tinapal ka niya pero natural lang yun since nagba basketball kayo"

"No. Kaya mo sinasabi yan dahil siya ang mas kinakampihan mo" pilit niya pa din na parang bingi.

"Wala akong kinakampihan! Sa tingin mo ba kung siya ang kinakampihan ko, ikaw ang hahawakan ko?!" sigaw ko sa pagmumukha niya that made him flinched.

"See, babe-"

"Goodbye, Robie. Call me when you grow up" I ended at tinalikuran na siya.

Nakakapikon lang kasi talaga. I know somewhat na siguro nagpapalambing lang siya pero nakakainis pa din. Okay lang naman sana kung aawayin niya ako dahil sa maliit na bagay pero wag naman sana yung may nadadamay na iba.

So ano na lang ngayon? Sigurado ako na magbabago ang tingin ng mga pinsan ko sa kanilang dalawa. Kainis!

"Bakit mo iniwan si Robie?" salubong sakin ni Kuya Michael. Marahil nagtataka siya na nakabusangot ang mukha ko

"Nakakainis lang kasi. Wag mo muna ako tanungin kuya, please" pakiusap ko dahil baka pati siya masinghalan ko. Minsan kasi talaga kapag ganitong naiinis ako, nagiging immature din ako.

"Babe" nandyan na siya sa likod ko pero di ko nililingon. Nakatingin lang ako dun sa iba kong pinsan na naglalaro ng volleyball. Yung mga nagba basketball kanina nakaupo na lang sa bleachers at nakatingin din sa direksyon namin. Kahit si Kuya Michael naglakad na din pabalik dun. Hindi ko makita si Derick at Nico. Probably, magkasama silang dalawa and went somewhere

"Sorry. I know it was immature pero naiinis lang din kasi talaga ako"

"Okay"

"You're killing me. Please, im sorry"

"Wag ka sakin magsorry" sabi ko at nilingon na siya. Bigla akong may naisip. "Kay Derick ka magsorry" mariin na sabi ko

Halata sa mukha niya ang gulat at the same time yung urge na tumutol. Kitang kita ko kung paano niya pigilan yung pag ikot ng mga mata niya. Iniisip niya siguro na isang malaking kalokohan ang sinasabi ko.

"I cant do that" huminga siya ng malalim and tighten his jaw

"Okay lang" akma akong tatalikod na naman pero pinigilan niya ko. Hinagip niya yung braso ko so I am forced to look at him.

"You cant just expect me to apologize that fast, missy. Baka nakakalimutan mo, lalaki ako. And I cant just do that lalo't alam ko naman na wala akong kasalanan sa kanya"

"Ganon ba kahirap ang humingi ng sorry para matapos na?" I asked with slight irritation.

"Nakakalimutan mo ata na may atraso pa siya sakin. Remember? Two nights ago when I caught him cornering you sa bar?" naging uneasy ako bigla. Bakit nga bigla yun nawala sa isip ko? Kungsabagay, wala naman talaga kaming ginagawang masama nun kaya hindi talaga ako mabo bother.

"He's just talking to me nun. And he was drunk hindi niya alam ang ginagawa niya!"

"You buy that, huh? Erica, there's no such thing! Kahit gaano kalasing ang isang tao alam na alam niya pa din ang ginagawa niya! Except that he cant walk or drive straight dahil nagdo doble na ang paningin niya. But to tell me na hindi niya alam ang ginagawa niya? Bullshit, babe. Plain bullshit" he spit

That shut me up. Bigla kong naalala yung ni research ko nun about sa mga tao kung nagsasabi sila ng totoo kapag lasing. Specifically ang mga lalaki. And if I recall it right.. Oo, alam pa din nila ang ginagawa nila.

Just like how Derick was still aware when he told me he love me.

"Why dont we just stop this nonsense talk? Ano sa tingin mo? Walang may gusto magpatalo satin dalawa eh" I proposed

"Bakit ba hindi mo naiintindihan ang sitwasyon? Okay, I'll be honest. I was really a complete jerk last time but I have my reason. Babe, can you be in my shoe for a while and try to think of this? Hindi naman siguro lingid sating dalawa that your family is fond of Derick. Na mas gusto nila siya kaysa sakin"

I opened my mouth to say something at para kontrahin ang sinabi niya but the words didnt come. Besides, he stopped me right there.

"There's no need for you to say na hindi yun totoo dahil alam naman natin pareho na totoo ang sinabi ko. Right? Yesterday when I came to your house they just smiled at me then nung si Derick na, they treated him like a long lost friend. Can you see my point? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko what will you feel?"

Sa totoo lang hindi ko alam. Dahil hindi pa naman niya ako dinadala sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya. Pero sa tingin ko makakaramdam din ako ng insecurity para sa sarili ko. Hindi ko na lang yun sinabi dahil baka isipin niya na totoo nga ang sinasabi niya.

Our conversation died right there. Nakatayo lang kami in uncomfortable silence at binaling ang mga mata sa ibang direksyon. Me, on the left side while him on the right side.

"Come on, im sorry. If I upset you im so sorry" initiate na naman niya ng usapan

"Wala yun" sabi ko in a neutral voice. Gusto ko sampalin ang sarili ko. I dont know why I am being like this if clearly gusto lang naman niya magpalambing. I dont know I feel so bitchy towards him eh natural lang naman ata na makaramdam siya ng ganito.

Just go fuck yourself, Erica. Pinasok mo ang bagay na yan dahil akala mo ikatatahimik ng lahat so panindigan mo yan.

"Okay na ba tayo?" unsure na sabi niya and played a little smile on his lips. Napangiti na din ako at napatango. Then from there he kissed me. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko and let him in. Pilit binabalewala ang mga tao sa paligid namin.

Siya din ang unang humiwalay pero hawak niya pa din ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal lang na nakatayo dito at nakatingin sa isa't isa but it seems like forever.

Natamaan ako ng bola sa ulo and that caused us to move again.

"Oh my, sorry Erica!" sigaw ni Sarah habang tumatakbo palapit samin. Si Robie ang kumuha ng bola at binigay sa kanya.

"Ang sakit nun ah" sabi ko dahil pakiramdam ko sandaling naghiwalay yung ulo ko. I massaged my temple and put a wounded face.

"Kasi naman eh. Pwede naman kayo doon sa ilalim ng puno mag make out pero dito niyo pa talaga pinili sa gitna ng court. So what do you expect?" napakunot ang noo ko. Para kasing may sarcasm sa boses ng pinsan ko na hindi ko maintindihan.

"Just kidding" nag peace sign siya at umalis na pagkabigay ni Robie nung bola.

"Babe, pwede umuwi na tayo sa inyo tapos ipapaalam kita? There's something I need to show you" umakbay sakin si Robie at yung isa niyang kamay nasa bewang ko.

"Sige. Magpaalam na tayo sa kanila"

Hanggang mamaya pa daw tanghali sila kuya doon so nauna na kami. Naka park sa likuran ng court yung kotse niya so nagkaroon pa ako ng pagkakataon na tignan yung mga nadadaanan namin. May isa pang court sa kabilang side pero tennis naman. Pinagbuksan niya ako ng pintuan tapos umikot na siya sa kabilang side. Pagpasok niya may bag siyang inabot sa likuran at binuksan yun para kumuha ng isang tuwalya. Sinabit niya yun sa leeg niya kaya nagmukha siyang driver.

Wala sa loob na napatawa ako kaya napatingin siya sakin na nagtataka "What's so funny?" tanong niya

"Mukha kang driver" sagot ko sa maliit na boses kasabay ng tawa

"Yeah, basta driver, sweet lover" natatawa niya ding sabi and focused on the road. Since subdivision to, mabagal lang ang takbo namin. May mga batang naglalaro sa gutter at nakakatakot na baka bigla na lang sila tumawid kaya mabuti na din na mabagal kami.

Then my eyes caught somone. Si Derick at Nico na naglalakad pabalik sa court. Nakadamit na si Derick. And by the looks of it parang may pinagtatalunan sila. Considering their faces, lalo na si Derick. Nakita din sila ni Robie so we pulled on the side at binaba niya ang bintana niya.

"Mauuna na kami ni Erica. May pupuntahan kami" he said it formal as possible na para bang walang nangyari kanina. Napahinto yung dalawa at napatingin samin.

"Oh sure, paki ingatan na lang siya" Derick answered with a teasing smirk. Nagpatuloy na sila maglakad so pati kami nagpatuloy na din. Throughout the three minutes travel pabalik sa bahay neither of us say a word na ipinagpapasalamat ko.

Robie sighed at tinignan ako. Huminto yung mga mata niya sa hita ko so uncomfortably I clasped my hands at ipinatong ang mga yun dun.

"Next time, baby dont wear that short short. It's too short" sabi niya. Gusto ko sana siya pilosopohin gaya nung ginawa ko kay Derick kanina but I just held my words back. Unlike him, si Robie may karapatan na sitahin ako since im his girl.

"Ang aga niyo naman ata" salubong agad samin ni mama. Nakaupo siya sa labas ng bahay at inaayos yung halaman niya.

"Mamaya pa sila kuya. Nauna lang kami kasi may pupuntahan kami" sagot ko sabay beso kay mama. Nagmano naman si Robie at nagbatian sila gaya ng kadalasan na ginagawa nila.

"Uhm, tita. Pwede ko po ba hiramin si Erica? May pupuntahan po kasi kami. Baka gabi ko na din siya mauwi" uneasy na sabi niya. Napahawak pa ako sa kamay niya kasi parang hihimatayin siya. Funny, kapag kay papa hindi naman siya ganito pero kay mama parang kabado siya.

Pero kungsabagay, between kay mama at papa mas laid back si papa. Nakakatuwa nga minsan kasi parang baliktad.

Parang nagtaka naman si mama sa sinabi ni Robie because she narrowed her eyes on him. Then she said "Hindi bagay ang anak ko na hinihiram, Mr. Zhang. But anyway, sige. As long as maiuuwi mo pa din siya samin ng buo at hindi umiiyak"

Medyo nakaramdam ako ng awkwardness doon sa unang sentence ni mama. Napansin naman niya ata yun so tumawa lang siya and dismissed us. Pumasok na kami sa bahay at naligo ako ng mabilisan. Wala naman siyang sinabing dress code so I put on a simple shirt and pair of jeans. Pinatuyo ko ang buhok ko and tied it in a ponytail. Ewan ko pero pakiramdam ko gusto niya na nakatali ng ganito ang buhok ko.

"Ready?" tanong niya sakin pagkababa ko. Sakto naman na pumasok si papa kaya nilapitan ko siya para humalik sa pisngi niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na nakangiti

"Ngayon na lang kita ulit nakita magsuot ng ganyan. Looks like really you" sabi niya sakin at lumagpas na papunta ng kusina.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Robie. Nakapag ayos na ako at lahat hindi ko man lang alam kung saan kami pupunta.

"Surprise" bulong niya sakin and pecked a quick a kiss on my lips. Okay, now I know the reason kung bakit gusto niya na nakatali ang buhok ko. So he can touch my neck and use it to kiss me properly. Hindi ko mapigilan mapangiti pagkaisip yun.

"Bakit ka ngumingiti dyan?" hinawakan niya yung labi ko and traced it with his finger.

"Wala lang" sagot ko na natatawa. He kissed me once more at nagpaalam na kami kayla mama na aalis.

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapatulog. Noong una ayoko pero ngayon nare realize ko na mukhang malayo yung pupuntahan namin. So I positioned myself na matulog. Nagising lang ako nung huminto kami sa toll gate. Medyo nagpanic ako. Lalabas kami ng Manila.

"Wag ka mag alala hindi naman kita itatanan. Actually malapit na tayo dun" nakangising sabi niya na parang nang aasar. Siguro nakita niya yung takot sa mukha ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" I know baka naririndi na siya dahil paulit ulit ko ng tanong sa kanya pero di ako magsasawa hangga't di niya sinasabi. Hindi ko alam kung dapat pa ba ako maging excited eh wala na kami sa Manila. Paano kung may mangyari samin? I mean, paano kung mapahamak kami?

"Okay, I give up. Amusement park" sabi niya at huminga ng maluwag. Bigla din siyang sumimangot na ipinagtataka ko.

"Oh bakit bigla kang naging malungkot?" tanong ko

He sighed "Wala na, na spoil na kasi yung surprise ko sayo" sagot niya and shrugged his shoulders.

"Well, I was surprised ten seconds ago" pag refer ko sa kabiglaan ko na nagbabayad siya sa toll gate.

After thirty minutes, nakarating na kami doon sa amusement park na sinasabi niya. Naaalala ko na nakapunta na ako dito noong grade three nung field trip namin pero parang ang dami na din pagbabago. Katulad na lang nung isang ride na natatanaw ko mula dito sa labas. Wala pa yan dati dito eh.

"Come on" inakbayan na ako ni Robie and guide me papasok kahit na alam ko naman. Pinakita lang namin yung tickets then may binigay silang papel na gawin daw naming bracelet. Si Robie ang nagkabit nung sakin, ako naman sa kanya.

Siguro may ibang school na bakasyon na dahil marami din tao. Me and Robie are walking hand in hand. Hindi din naman ako bumibitaw sa kanya. And I dont think I will.

"What to ride first?"

"Hmm gusto ko sana carousel" dahil naaalala ko nung unang punta ko dito yun yung unang sinakyan ko.

"You're too old for it, baby. Anyway let's give it a shot"

Masyado na daw akong matanda para sa carousel pero mas grabe nga siya pagkasakay namin. Tawa siya ng tawa habang hawak hawak pa din yung kamay ko. Pinagtitinginan na nga kami nung ibang mga bata. Parang sila pa yung naa out of place.

Madami pa kaming sinakyan. Pagtapos namin doon sa anchor's away, nagpahinga kami. Namutla kasi siya at parang biglang sumama ang pakiramdam. Kungsabagay, kahit naman ako medyo sumakit yung tyan at nahihilo.

"My world is spinning like hell" sabi niya at sinubsob yung mukha niya sa buhok ko.

"Gusto mo ba bilhan kita ng tubig?"

"Yes, please babe" sagot niya na may pagka groggy. Tumayo ako at pumunta doon sa isang stall na nagbebenta ng mga drinks na malapit lang din sa kinauupuan namin. Bumili ako ng dalawang mineral water. Pagbalik ko may babaeng nakaupo sa pwesto ko at parang nagtatalo sila.

"Ano bang ginagawa mo dito?!" helpless pero galit na asik ni Robie doon sa babae

"What's wrong kung nandito ako?" pumameywang yung babae at masama siyang tinignan.

Sasagot pa sana si Robie pero nakita niya na ako. Nagulat pa siya pero nakagalaw din. Kahit hirap, tumayo siya at pinuntahan ako.

"Let's go, babe" mariin niyang sabi at hinawi na ako palayo. Alam kong nahihilo pa din siya pero mabilis kaming naglalakad.

"Sino yung babaeng yun?" tanong ko

"Yeah, that's my cousin. Nakakabadtrip kasi eh" his jaw tightened. At senyales na yun na wag na akong magtanong pa.

Malaki nga talaga tong amusement park dahil hindi na namin nakita yung pinsan niya. Pero duda ako. I know I shouldn't thinking this pero pakiramdam ko that girl is not a cousin.

Umupo lang kami saglit para uminom ng tubig then kumain na kami. Marami siyang in order than the usual but we dont mind. Gutom na gutom kami pareho.

Guess, unexpected plans always turned out to be the best ones. Parang kanina lang nagtatalo kami, then now we're here. One of the place na kung saan malimit din puntahan ng mga couples na katulad namin.

"Will you eat properly?" bago ko pa tanungin kung ano ibig niyang sabihin, pinunasan niya yung labi ko gamit ang tissue. May gravy pala sa pisngi ko. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pag kain.

Nagpatunaw lang kami ng kinain then nag try na ulit kami ng ibang rides. Maliban lang doon sa may tubig dahil wala naman kaming dalang spare clothes. We rode the roller coaster, shouting our throats out, pumasok din kami doon sa horror house at halos mapunit ko yung t shirt niya dahil sa pagkapit ko ng mahigpit sa kanya, at marami pang iba na hindi nagpawala sa ngiti ko.

"I love you" he whispered habang naglalakad kami ng mabagal. Im glad na kahit sandali lang wala kami sa Manila dahil dito iba ang hangin. Sariwa, malinis. I want to inhale it hanggang kaya ko dahil mamaya aalis na din kami.

"I love you too" there's something inside me snapped. I dont know, but for the first time I really mean this three words, eight letters pagkasabi ko sa kanya.

Napatingin kami sa ulap. May mga fireworks na iba't ibang kulay. Lumiwanag ang langit dahil sa mga yun.

"Wow" manghang sabi ko. Nagulat naman ako kay Robie. Binuhat niya ako and kissed me. Nakatungo ako sa kanya habang hawak yung magkabila niyang pisngi para hindi kami ma out of balance.

Parang ang bilis. Kanina sinabi ko lang na parang may kulang pero bakit ngayon pakiramdam ko kumpleto ako. Is this because of the fireworks? The kiss? I dont know.

Basta ang masasabi ko lang, pakiramdam ko kapag kasama ko siya ibang tao ako.

And it scares me. Hindi dahil baka nahuhulog na ako. Natatakot ako sa realidad. Reality has a way of always catching up to you, kahit takbuhan mo pa to. It has a way to destroy one's hopes and dreams at maging ikaw. Reality doesn't caress your cheek, o magbibigay man lang ng signs na paparating na siya. Basta bigla ka na lang magugulat, nalingat ka lang ng onti nandyan na pala siya. Reminding you that a dream is just a dream. Nothing more.

Before I planned of making him fall for me, hindi ko man lang naisip ang pinanggalingan niya. Basta ko na lang kinalimutan ang katotohanan na mayaman siya just like Derick. Hindi sila magkasingyaman at hindi ko alam kung sino ang nakakahigit but it doesnt change the fact na pareho pa din sila.

Eight pm kami umalis. Medyo traffic kaya tumawag ako sa bahay na gagabihin kami. Si kuya ang sumagot nung phone. Nag usap pa sila ni Robie and after a few minutes okay na. Kung tutuusin, maliit na bagay lang naman tong paglabas namin pero parang malaking hakbang to sa relasyon namin.

Bumalik sa isip ko yung sinabi ni Kuya Glenn sakin nung sinabi ko sa kanya ang lahat. He told me "Every small thing grow when you nurture it. Kung may maliit kang pagmamahal para sa kanya, then hold onto it dahil pwede pang madagdagan ang pagmamahal na yan. But if it makes you miserable, just leave. Be with someone who gives you happiness"

At sa pagkakataong ito, si Robie ang someone na yun. Hindi si Derick

Continue Reading

You'll Also Like

53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
24.2K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.