Entity Of Promises

By reignlyst

40K 1.3K 70

A woman who values her loved ones deeply. Even though it hurts, she continues to believe in the promise. Her... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Entity of Promises
New Update!

Chapter 6

1.4K 63 2
By reignlyst


Nasa labas na ako sa kwarto ni Gabriel. Huminga ako ng malalim. Pang-apat palang ako pumasok sa kwarto ni Gab. Halong kaba at masaya ang nararamdaman ko. Kaba dahil ko alam ang dahilan at masaya dahil makikita ko na naman siya.

Inayos ko yung magulo kong buhok at tinali ito. Huminga muna ako ng malalim at kinatok ang pintuan ni Gab.

Ilang segundo lang ay agad itong bumukas at bumungad sa akin si Gab na naka topless lang at naka boxer. Opo. Nakaboxer lang siya at may abs siya.

Narinig ko ang mura niya at agad niyang sinara ang pinto at ako naman ay tinalikuran siya. For the first time, nakita ko siyang nakaganyan sa harap ko. Hindi ko kaya Pinaypayan ko ang sarili ko dahil ang init. Sana all naiinitan. Pinilit kong alisin sa isipan ko si Gab pero hindi eh. Ang gwapo niya. Bakit ka ganyan ka Gab?

Ilang minuto na akong nakatayo dito at narinig ko na tinatawag ako ni Gab sa loob kaya pumasok na ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil naka tshirt na siya at short. Akala ko nakaboxer siya.

Nilapitan ko sa at ilang segundo pa kami nagkatitigan. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang iwasan ang mga magaganda niyang mga mata.

"Aray!" Napadaing siya sa sakit dahil binatukan ko siya.

Umupo ako sa tabi niya at pinisil ang pisngi niya. Alam kong nasasaktan na siya sa ginawa ko. Dapat lang.

"Lhiane! Stop it, will you?" Naiinis niyang tanong kaya agad ko siyang binitawan.

Tinignan ko siya ng masama.

"Ano?"

"Bakit hindi ka pumasok kanina?" Nag-alala kong tanong at nakita kong nakangisi na siya sa akin.

"Miss mo na ako? Agad agad?" Nakangisi niyang tanong at nakatanggap naman siya ng batok sa akin.

Miss ka diyan. Hindi 'no. Asa siya.

"Bakit nga?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Ano kasi....gusto ko lang,  ano kaba" Sambit niya.

Tumayo siya at may kinuha sa study table niya. Isang notebook. Agad naman niyang ibinigay sa akin at umupo na siya sa tabi ko.

Tinanong ko siya kung anong gawin ko dito. "Notes ko 'yan sa klase namin,"  Nilagay ko sa tabi ko ang notebook at tinignan ko siya ulit ng masama. Naalala ko kasi ang sinabi kanina ni Skiel tungkol kay Gabriel.

"Hinahanap ka nga pala sa akin ni Skiel." Seryoso kong sabi at narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Oh? Tapos?" Natatawa niyang tanong kaya hahampasin ko na sana siya pero agad niya itong napigilan at hinawakan ang kamay ko.

"Sa susunod na hahampasin mo ako ay may kapalit na halik." Seryoso niyang sabi at napalunok naman ako sa kaba.

Weird. Wala na akong ginawa kundi nagma-make face nalang sa harap niya. Mukha akong bata sa ginawa ko.

Nakwentuhan lang kami ni Gab. Bakit pa ako pumunta dito sa bahay ni Gab? Siguro pinagloloko ko lang ang sarili ko.

Eh okay naman pala si Gab at isa pa trip niya lang pala umabsent. Sayang 'yong attendance niya.

"Loko ka ba? Sayang ang attendance,"

"Hindi naman at sigurado akong naiintindihan nila ang reason kung bakit" Tumango siya habang sinasagot ako.

"Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo at bakit umabsent kapa?" Pag-uusisa ko ngunit tumahimik nalang siya.

Kwento lang ako sa kanya na kwento tungkol sa pamilya ko. Masaya ako dahil muli naman mabubuo ang pamilya ko. Sa paraan na pagkwento ko ay nasasayahin din si Gab para sa akin.

"Masaya nga ako ngunit si Kuya ay galit,"

"Pabayaan mo nalang siya at naiintindihan ko ang nararamdaman niya,"

"Pero bakit ako ay masaya naman?" Nakangiting tanong ko.

"Iba't ibang emosyon ang mayroon tayo, Lhiane. 'Wag mong aasahan na kapag masaya ka ay masaya rin ang isang tao." Namamanghang tumango ako dahil sa komento niya.

"Pero hindi niya dapat ipatagal ang galit niya," Paalala ko.

"Hayaan mo muna ang Kuya mo, Lhi. Kailangan niya lang siguro ng kaunting oras para tanggapin ang lahat na 'yon," Sambit niya.

"Tama ka naman, Gab" Napangiti ako at naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Kuya.

Pero nung tinignan ko si Gab na malapitan ay napalunok ulit ako sa kaba. Ito na naman ang kabang nararamdaman ko. Maganda yung mga mata niya. Pababa sa mapupula niyang labi. Hindi ko alam na palapit na palapit na pala ang mukha namin.

Napapikit ako dahil naramdaman ko na ang hininga niya sa akin. Malapit na niya akong halikan.

"Lhi? Gab?"

Agad kaming napaatras at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Leoren kasama si Nheka. Anong ginagawa nila dito? Agad akong tumayo at agad silang nilapitan.

Paanong?

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Pinapasundo ka ni Mama mo sa akin dahil gabi na" Kalmadong wika ni Nheka habang naglalaro ng cellphone niya at lumabas na. Wala siyang pakialam sa paligid niya.

Nakita kong nakangisi na si Leoren sa akin.

"Bitin?" Nang-aasar niyang tanong att tumawa pa.

Baliw talaga. Nagpaalam na ako kay Gab na uuwi na kami kaya hinatid niya kami sa labas ng bahay. Nandon ang kotse namin.

Naunang sumakay si Leoren at Nheka samantalang ako ay nagpaiwan pa para magpaalam kay Gab. Sinabihan ko siya na bukas ay may pupuntahan kami dahil ipakilala na ni Ate yung boyfriend niya sa akin.

"Muntik mo na itong kalimutan" Habol niya sabay bigay sakin ang notebook niya.

Inakbayan ko siya at tumango. Kumalas na ako sa pagkaakbay sa kaniya at papasok na sana ako sa kotse namin pero narinig kong nagsalita si Gab.

"Mag-ingat ka," Wika niya at ngumiti naman ako.

Nakapasok na ako sa sasakyan at umalis na kami. Napahawak ako sa puso ko. Grabe yung tibok ng puso ko. Ang bilis at isa pa ay nilalamig ako. Totoo ba ang sinabi niya? Masyado ata akong wala sa sarili kaya hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ni Leoren at Nheka sa akin.

"Sandali lang!" Sigaw ko kina Ate galing sa ibaba. Tinignan ko lang ang notebook na binigay ni Gab sa akin. Sa susunod ko nalang iyon basahin ang mga notes niya sa klase.

Excited naman masyado sina Mama na makilala na yung boyfriend ni Ate. Well, magkikita kami sa isang simpleng restaurant lamang. At isa pa ay sasama sa amin si Papa pero si Kuya Kyroh ay hindi. Malamang, galit yun sa amin.

White dress ang suot ko ngayon at dollshoes. Simple yet beautiful. Inayos ko yung buhok ko at lumabas na sa bahay. Nasa loob na sina Ate, Mama at Papa kaya nagmamadali akong pumasok. Sasama sa amin si Papa.

Pagkaupo ko ay may binigay sa akin si Ate. Tubig. Agad ko naman itong ininom. Nagsimula na si Papa magmaneho at umalis na kami. Walang tao sa bahay namin dahil si Kuya ay gumala kasama ang mga kaibigan niya.

"Excited ka naman masyado, Ma!" Natatawang sigaw ni Ate sa gilid ko dahil panay ang bulong ni Mama na bilisan pa raw. "Malamang!"

Kinuha ko yung cellphone ko at may mensahe galing kay Gab.

Gabriel: Good Morning.

Napangiti ako kahit simpleng pagbati niya lang sa akin. Hindi ko nalamang siya sinagot at tinago na yung cellphone ko.Ilang saglit na ang nakalipas ay nakarating na kami at pinarada nalamang ni Papa yung kotse niya.

Bumaba na kami at naunang pumasok sina Mama sa loob dahil excited sila. Sa huli ako at si Papa. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya.

"Malaki na ang Tori ko. Masaya ako para sa kanya. Sana mapatawad niyo na ako" Malungkot na sabi ni Papa kaya agad ko siyang niyakap.

"Okay lang 'yon" Ngumiti ako.

Matagal na kitang pinatawad. Niyakap ako pabalik ni Papa. Napangiti si Papa sa akin at sabay na kaming pumasok sa loob. Nakita kong nakatayo si Mama at Ate kaya pinuntahan namin siya.

"Mama. Ito nga pala yung boyfriend ko Ma" pakilala ni Ate.

"By the way, si Carlos nga po pala" Uanng pakilala ni Ate kaya tinignan ko siya. Ang gwapo nga niya pero may kapatid ba siya? Sayang.

Umupo na kami at nagpakilala sina Mama at Mommy ni Kuya Carlos sa isa't isa. Masaya silang nag-uusap hanggang nagsalita si Kuya Carlos.

"Mommy. Nandito na po siya" sabi ni Kuya kay Mommy niya.

"Oo nga pala. Papunta na yung bunso namin. Kasing-edad mo lang siya Lhiane at isa pa lalaki yun" Napangiti ako sa sinabi ni Tita Cariel.

Nagtatanong si Mama tungkol kay Kuya Carlos kung kailan sila nagkakilala at paano. Agad naman sumasagot si Kuya Carlos. Well, pasado na siya sa akin na magiging brother-in-law ko. Natawa ako ng mahina dahil sa aking iniisip.

Paano kaya ako? Kung magkakaroon ulit ng boyfriend tapos ipakilala ko siya kay Mama? Masaya ba si Mama para sa akin? Siguro dahil masaya rin siya kay Ate.

Ang gwapo niya pero parang may kamukha siya. Pilit kong inaalala ngunit nabigo ako kaya hindi ko nalang 'yon pinansin at sa halip ay napayumo ako. Nagsimula na kaming kumain dahil dumating na yung in-order ni Tita Cariel para sa amin.

"Sorry. I'm late Mommy and Kuya"

Napatigil ako sa kinakain ko. Nakagawa ako ng ingay na hindi ko sinasadya. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil narinig ko na naman ang boses niya. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Skiel na nakatingin kay Tita Cariel.

Ibig sabihin siya yung kapatid ni Kuya Carlos at anak ni Tita Cariel. Bakit biglang nanlamig ako?

Napatingin siya sa akin dahil naramdaman niya na tinitignan ko siya. Wala pa ring emosyon ang mukha niya niya sa akin. Matagal kaming nagkatitigan at umiwas ako ng tingin sa kanya. Umupo siya sa tabi ni Tita Cariel.

"Anak ko nga pala. Si Skiel Vesoz"

Bigla akong nasamid at napakagat sa labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
9.9M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
1.1M 59.7K 38
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...