The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #31: Game over

124K 1.5K 176
By kathipuneraaa

"Do you really love him?" suddenly gusto ko na lang na sana bumukas ang lupa at lamunin ako nun. Im really not comfortable to talk about my love life. Pero alam kong wala akong takas kung anim na pares ng mga mata ang nakatingin sakin ngayon at naghihintay ng isasagot ko.

"Oo naman" sagot ko just like kung ano ang tinanim ko sa isip ko. Boyfriend ko si Robie. I should love him.

"Why it seems to us that you dont?" tanong ni Sarah na nakakunot ang noo. I sighed helplessly. Kung nandito sana si Kuya Glenn ngayon alam kong pipigilan niya ang mga to na kausapin ako. But as I can see, no way.

"Hindi ko alam ang sinasabi niyo. Paano ko siya magiging boyfriend kung hindi ko siya mahal?" I spit back and rolled my eyes.

"Not because two people are in a relationship, hindi ibig sabihin nun na nagmamahalan na sila. You may want to spill everything to us. Magpipinsan naman tayo eh. Nalito lang talaga kami. That scene last time nung naglalaro tayo, well that's quite interesting. At nung hinatid namin si Derick sa kanila, he said that he loves you" litanya ni Louisse at umiling. Bakas sa mukha niya na parang naguguluhan nga siya.

Gusto ko naman i share sa kanila eh. Kaso hindi lang talaga ako komportable sa idea na parang bukas na libro ang buhay ko. I just want that to be a little secret of mine. And who knows na baka makarating pa kay Robie. Knowing how talkative they are.

"Sorry. Hindi ko talaga kaya" I put an edge sa boses ko para maipahiwatig kong hindi ko talaga sasabihin. Mukha naman effective because they shrugged their shoulders at tinalikuran na ako para maghanap ng komportableng pwesto nila. Pinag gigitnaan ako sa kama ni Sarah at Sam na tinalikuran ako.

Moments later we're all drifiting to a deep sleep.

Nagising ako sa sunod sunod na katok sa pintuan ko. Just like me, nagising na din isa isa ang mga pinsan ko na halatang kulang pa ang tulog dahil makikita sa mga mukha nila ang pagkairita dahil sa biglaang pag gising.

"Girls, open up" sabi ni Kuya Michael sa malaking boses at mas nilakasan ang katok. I cant take it anymore dahil mukhang mababasag ang eardrums ko kaya ako na ang bumangon at nagbukas ng pintuan.

"Tanghali na, bakit tulog pa kayo?" tanong samin ni Kuya sa medyo malakas na boses. Bigla tuloy nawala ang antok ko. Sa itsura niya ngayon para siyang sundalo. Naka diretso ang posture at naka cross arms. Sabay naalala ko na core commander nga pala siya sa CAT nung highschool kaya medyo may pagka disciplinarian. Katulad na lang ngayon.

"Mag aalmusal na. Within one dapat nasa baba na kayo" tumalikod na siya at lumabas ulit. Nagmadali naman sa pag aayos yung mga pinsan ko. Basta na lang nilang sinuklay yung buhok nila gamit ang daliri, yung iba nagsuot ng bra, ako nag ponytail lang. Paglabas ko naririnig ko si Kuya Michael na nagbibilang.

"Grabe naman si kuya alas otso pa lang pala!" reklamo ni Sam at nagpatiuna sa pagbaba. Mabuti na lang at bago matapos magbilang si kuya nasa mesa na kami lahat at nakaupo. Kahit hindi ko alam ang mangyayari if ever na hindi kami nakapwesto within one minute, nakisama na lang ako. Since hindi naman kami kasya dito sa dining, nauna na daw sila kumain kanina. Nasa labas yung iba pang lalaki at nags stretching.

"Kumain na kayo at may pupuntahan tayo" pumwesto si Kuya Michael sa likuran ko para makita siya ng lahat.

"Saan pupunta? Ang aga pa, kuya!" reklamo ni Sarah. Siniko siya ni Louisse sa sikmura at sinabihan ito na manahimik. Hindi ako makapaniwala na istrikto si Kuya Michael. Na lahat ng pinsan kong babae takot sa kanya. Kungsabagay, si Nathan nga na gusto matulog sa kwarto ko kagabi, hindi nakatulog dahil hindi siya pinayagan ni kuya. Lalaki pa din daw siya at dapat mga lalaki ang kasama niya pagtulog.

"Are you kidding me?" tanong ni kuya kay Sarah. Magkapatid sila but I can see na kahit babae si Sarah hindi pa din siya papalag kay kuya. Commonly ang mga kuya sweet sa kapatid na babae pero parang sila naman hindi.

"Mukha ba akong nagjo joke? Saan naman tayo pupunta ng ganito kaaga? Kuya kaunting konsiderasyon naman! Puyat tayo lahat kagabi" patuloy pa din si Sarah sa kabila ng pangungusap na mga tingin nung iba.

"You know what? Shut up and just eat" umalis na si kuya. Nakahinga naman sila ng maluwag. Nagsimula na kami kumain kahit na sige pa din sa pagrereklamo si Sam at Sarah. Saan nga ba kasi kami pupunta? Kahit paano may point din naman si Sarah. Maaga pa para umalis.

Bigla kong naalala kagabi. Parang narinig ko na may lakad sila kuya kasama si Robie. Di kaya ito yun?

Inako ko ang paghuhugas ng mga pinggan habang isa isa nang naliligo yung mga pinsan ko. Sinabi na ni kuya kung saan kami pupunta. Magba basketball pala silang mga lalaki kasama si Derick at Robie and they want us there para daw may mag cheer sa kanila. Though, if I know, uutusan lang naman nila kami.

"Need help?" napalingon ako ng may magsalita. Si Kuya Michael na nakangiti at naka cross arms as usual.

"Wag na kuya konti lang naman to" tanggi ko dahil totoo naman. Isa pa matatapos na din naman ako. Akala ko aalis na si kuya pero nanatili lang siya sa likod ko at dahan dahan na lumakad papunta sa tabi ko.

"May dapat ba akong malaman, Owl?" I stopped what Im doing at marahas akong napatingin sa kanya dahil doon sa huli niyang sinabi. Tumawa lang si kuya at nag peace sign kaya natawa na lang din ako. Bumalik na naman yung pang asar sakin nung mga bata pa kami.

"Tungkol saan naman, kuya?" though medyo may pakiramdam na ako kung ano yung tinutukoy niya at kung saan kami papunta.

"Im no expert in love, im not good in hitting on girls but I can tell if they like one.." umusod siya ng kaunti sakin Hinawakan niya ako at hinarap sa kanya "Kapag tinitignan mo si Derick, there's something sparkling in your eyes"

Tumawa ako ng malakas at mahinang hinampas sa braso si Kuya Michael. "Ang lakas ng imagination mo, kuya" pabirong sabi ko. Really? Ganun ang tingin niya sakin kapag tinitignan ko si Derick?

"Malakas ang imagination ko, mahina ang pakiramdam mo" sagot niya at pinitik ang ilong ko.

"Kuya!" sigaw ko dahil nasaktan ako. He just ruffled my hair at tumalikod na. Ang weird ng mga pinsan ko. Parang pakiramdam ko pinipilit nila masyado si Derick sakin.

Nagpapasalamat si mama na aalis kami. Ng sa ganun daw kahit sandali matahimik naman ang bahay. Nagpabaon pa sila ni papa ng water jug at mga chips na kakainin namin. Magbibigay pa sana sila ng pera pero tumanggi ang mga pinsan ko. Nandyan naman daw si Kuya Glenn na magfi finance samin.

"Im soo excited. Makikita na naman natin si Derick!" excited na sabi ni Sam at pasayaw sayaw pa habang naglalakad. Walking distance lang naman yung basketball court. Si Derick daw ang nakapagpa schedule dahil may kakilala siya doon.

Nagdala din ng bola ng volleyball si Louisse para daw maglaro kami in case na ma bored kami. So now im wearing my usual playing get up. Tight shirt at jersey shirts na kalahati ng hita ko ang iksi.

"Uhm, may sasabihin ako sa inyo" sabi ko sa medyo malakas na boses para marinig din nila Kuya Michael na nauuna saming maglakad. They slowed down a bit to catch up with us at nagkumpol kumpol kami.

"May pakiusap lang sana ako. Kung pwede, wag niyo masyado pinapaboran si Derick sa harap ni Robie. Hindi kasi ako komportable pag ganun. Sana kung kinakausap niyo si Derick, kausapin niyo din si Robie. Sana pantay lang ang treatment niyo sa kanila" nagkatinginan sila na parang may ibig sabihin. Tumabi sakin si Kuya Glenn at inakbayan ako.

"Hindi naman namin siya pinapaboran. It's just mas madali kasing pakisamahan yung isa" he explained

"Kahit na kuya. Kahit plastic in niyo siya okay lang sakin. Basta ipakita niyo lang na gusto niyo siya. Na masaya kayo para sakin. Pwede ko bang ipakiusap yun sa inyo?" I said in a desperate voice.

Ewan ko ba. Kasi parang nakikita ko na ang pwedeng mangyari mamaya. Kagabi nga lang grabe ang pag welcome nila kay Derick compare kay Robie paano pa kaya ngayon? Ayoko lang na mag isip si Robie ng kung ano ano. Nung isang araw at kagabi nagkaroon kami ng pagtatalo kaya ayoko naman sana na madagdagan pa yun. Lalo't may katwiran naman siya.

Lalaki si Robie. Kahit paano alam kong masasaktan ang ego niya. Lalo't mahal naman niya ako. Ganon naman yun eh. Kahit siguro ako nasa kalagayan niya, makakaramdam ako ng sakit.

Hindi sila sumagot but I assume na nagkaintindihan naman kami dahil bigla silang sumeryoso lahat. Kahit si Sam at Nathan na tatawa tawa parang napaisip din sa sinabi ko.

Sa loob pala ng subdivision yung basketball court. May guard na humarang samin at kinausap kami kung saan kami pupunta. Nung sinabi namin na sa basketball court, hindi siya pumayag. Para lang daw sa homeowners yung court.

"Pero manong, may schedule po kami dito. Si Derick Lusterio pa nga yung nagpa sched eh" katwiran ni Kuya Michael at napapansin kong unti unti na din ang pagkainis niya. May ten minutes na din kasi kami dito.

Tumalikod yung guard at kinuha yung parang record book niya. "Walang Lusterio na nakatira dito" sabi niya sa min pagtapos ng ilang sandali

"Fuck, baka naman usapang lasing lang yung kagabi?" tanong ni Tej na as if naman na masasagot namin ang tanong niya. Magkasabay siyang binatukan ni Kuya Levi at Kuya Marvin sa hindi ko malamang dahilan.

"Kuya pwede bang i check mo ulit?" natutop ni Kuya Glenn ang noo niya at huminga ng sunod sunod. Sign na napipikon na din siya.

"Matagal na ako dito. At sinasabi ko sa inyo wala ngang Lusterio na taga dito" pilit pa din nung guard.

Pagtapos ng ilang sandali pang pag uusap napag desisyunan namin na umuwi na lang. Hindi pa man kami nakakalayo may humintong van sa harapan namin at nagbukas ng bintana yung nasa driver's seat.

"Hey, Dela Serna, clan!" natatawang sigaw ni Nico at nagtanggal ng shades. Naaninag ko na nasa passenger seat si Derick na tumatawa din.

"Who's this faggot?" tanong ni Louisse at nakatingin nang masama kay Nico. Nag peace sign naman si Nico at kumindat.

"Valdez!" I exclaimed at lumapit sa kanya bago pa siya suntukin ng pinsan ko. Hindi ko tinitignan si Derick pero alam kong nakatitig siya sakin.

"Ayaw ba kayong papasukin?" tanong ni Nico

"Oo. Wala daw kasing Derick Lusterio na nakatira dyan" sagot ko at sandaling tinignan si Derick then rolled my eyes. Peste, pinaasa lang ang mga pinsan ko. Imbes na natutulog kami ngayon eto kami nagsasayang ng oras.

"Alam mo naman na hindi kami dito nakatira di ba?" pasok niya sa usapan at parang nang aasar pa

"Malay ko ba naman kung may bahay din kayo dito di ba?!" sigaw ko

"Kitties, ang aga aga pa para sa away. Anyway, hindi talaga kilala si Derick dito since ako ang nagpa sched. So tell your cousins to hop in"

Tumalikod ako at sinabihan yung mga pinsan ko na pinasasakay kami. Nagdadalawang isip pa ata sila pero lumabas si Derick para bumati sa kanila. Kumaway siya sa mga pinsan ko habang nakipagtapik naman siya sa mga lalaki. Pinauna ko sila na sumakay then we realized na hindi pala kami kasya.

"Manilla and me will walk tutal malapit lang naman yun" sabi ni Derick at sinara yung front seat kung saan doon na nakaupo si Kuya Michael. Nahuli ko yung nag aalalang tingin nila pero nag nod na lang ako.

"Sumakay ka dito Erica, kami na lang" sabi ni Kuya Michael at bumaba pero pinabalik ko siya.

"Okay lang, kuya. Gusto ko din mag exercise"

"Sigurado ka ba?" unsure na tanong niya

"Opo"

"Wag ka mag alala, Kuya. I'll take care of her" napataas ang kilay ko sa pagtawag niya ng kuya kay Kuya Michael. The ever so rude, Derick gumalang sa pinsan ko? This is new.

"You better be or else you're dead" biro ni kuya at nag high five pa sila. Tumalikod na si kuya at sumakay ulit.

"See you, ladies!" sigaw ni Nico samin at pinaandar na yung van, leaving us both.

"Hindi ko alam na taga dito pala si Nico" pagbubukas ko ng usapan habang naglalakad na kami. Within three to four minutes nandun na siguro kami since isang diretso lang naman yung kalsada at nasa bandang dulo yung court.

"Actually, nope. Tita niya ang taga dito" sagot niya at pinantayan ang paglalakad ko. Hindi na ako nagsalita pa. At sa totoo lang hindi ako komportable na naglalakad kami ngayon. Hindi ko din alam kung bakit nag reason out ako na gusto ko mag exercise pero ang totoo hindi naman.

Maybe some part of me wants this. Itong moment na kaming dalawa lang even though sandali lang.

"How are you?" tanong niya pero hindi ko pa din siya tinitignan

"Okay naman. Ikaw kamusta? Si Elise bakit hindi mo sinama?"

"Tulog pa siya nung iniwan ko"

Nag nod lang ako at nanahimik. Nararamdaman kong nagpapawis ang palad ko kaya pasimple ko yung pinunas sa shorts ko.

"I dont like your shorts. Too short"

"Bakit tinawag na shorts kung hindi short?" pamimilosopo ko na on the other hand totoo naman

"Dont you dare do sarcasm on me, sweetheart"

"Stop calling me by that"

Nanahimik na siya na ipinagpapasalamat ko. Medyo natatanaw ko na yung court. Mula dito nakikita ko na din yung mga pinsan ko.

"Papuntahin ko si Eustace dito at sasabihin kong magdala ng pants para sayo. Im sure kahit naman ang boyfriend mo hindi magugustuhan na makitang pinagpipyestahan yang legs mo" kahit hindi ko nakikita ang sarili ko alam kong namumula ako. Yung way ng pagkakasabi niya ng legs, may something eh.

"Magvo volleyball ako"

"So what?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya "For once, pwede ba na tigilan mo ako? Anyway, di ba sabi na pinapakawalan mo na ako? Now what? If you'll excuse me. Hindi kita boyfriend kaya wala kang pakiilam sa kung ano ang gusto ko suotin. Kahit maghubad pa ako, wala na sayo yun!"

With that, binilisan ko na ang paglalakad at hindi na siya nilingon pa. Kinalma ko yung mukha ko para naman hindi makahalata yung mga pinsan ko na nagtalo kami. Ayoko na mag isip pa sila lalo na sila Kuya Michael. Kahit naman binadtrip ako ng taong yun ayoko naman na awayin siya ng mga yun.

Whole court pero hindi covered. Inisa isang hakbang ko ang pagpasok dahil may malambot na lupa malapit sa entrance at baka lumubog ang paa ko.

"Nasaan si Derick? Hey nandyan na yung boyfriend--" hindi ko na narinig pa yung sasabihin ni Kuya Glenn dahil bigla na lang may yumakap sakin mula sa likod at inikot ako para halikan. Robie.

"Hey" sabi ko sa nahihiyang boses dahil alam kong nakita ng mga pinsan ko ang nangyari. He just kissed me under the sun with audience. Napapaisip tuloy ako bakit parang bigla siyang naging sweet. Alam ko naman na wala siyang kasalanang ginawa pero biglaan ata to na na naging showy siya. That he's able to kiss me in front of people. In front of my family.

"Cut it out, lovebirds. Let's play" at gaya ng karaniwang nangyayari, may sumira ng moment namin. Natatawa na humiwalay sakin si Robie.

"Umupo lang kung saan kita makikita ah? Para ganahan ako" bilin niya at tumalikod para puntahan na yung mga pinsan ko at si Derick. Hindi ko makita si Nico kaya hinanap ko siya. Paglingon ko nandun pala siya sa bleachers kung nasaan din ang mga pinsan ko pero medyo malayo. Nasa itaas siya samantalang yung mga pinsan ko nasa baba.

Naglalaro sa gilid ng volleyball si Nathan at Louisse. Pinuntahan ko sila saglit para makipaglaro. Ng medyo mapagod na ako iniwan ko na sila.

Naglakad ako papunta sa bleachers at umupo sa tabi ni Nico "Hindi ka maglalaro?" tanong ko

"I suck at basketball. Rugby kasi ang sports ko ever since" tumango ako at tinignan na namin yung mga naglalaro na nakapabilog doon sa gitna. May pinag uusapan ata sila at may nakita akong dalawang lalaki na sumali sa kanila. Kulang din kasi sila ng dalawa kaya siguro sumali ang mga yun. Hindi naman sasali si Nathan dahil volleyball ang laro niya. Kaya ayan kasama lang siya nung mga babae.

After a few moments, mag uumpisa na. Napasigaw yung mga pinsan ko nang maghubad ng saplot yung iba kong pinsan at si Derick.

"Basketball to, hindi porn!" sigaw ni Sarah. Tumingin sa gawi namin si Kuya Michael na nakahubad din at kumindat. Naalala ko yung PE parang ganito din. Kaya hindi na ako nagugulat kung nakikita ko si Derick na nakahubad ngayon except doon sa tattoo sa dibdib niya na sinabi niyang pangalan ko daw ang ibig sabihin.

May mga tao na din sa paligid na mukhang nakuha namin ang atensyon. Dahil may mga babaeng nagjo jogging na huminto at pinagmasdan sila. Mula dito sa kinauupuan ko nakikita kong naghahagikgikan sila.

Jusko. Hindi ko din naman akalain na ganito din kalaki ang katawan ng mga pinsan ko. Kaya hindi ko din masisisi tong mga babae na nags swoon sa kanila.

Tumingin sakin si Robie and blew a kiss. Nginitian ko lang siya at nag thumbs up. He mouthed the words I love you pero hindi na ako sumagot dahil mag uumpisa na din sila.

Magkakampi si Kuya Michael, Kuya Glenn, Derick, Tej, at yung isang lalaki na hindi ko kilala. Samantalang sa kabila naman si Kuya Levi, Kuya Marvin, Robie, Arsen, at yung lalaki na kasama nung isa.

"Kamusta kayo ni Robie, Erica? Fuck, kinocontact ka ba ni Elise?" tanong sakin ni Nico. Hindi ko tinatanggal yung tingin doon sa mga naglalaro pero nakuha nun ang atensyon ko.

"Hindi eh. Bakit naman?" I asked back. Nag umpisa na yung laro. Na kay Kuya Glenn yung bola at nagtatakbuhan na sila.

"She keeps on asking kung ano ang meron sa inyo ni Derick. Nung isang gabi daw ginulpi ni Robie ang kaibigan ko. Is that accurate?"

"Oo"

"What happened? Nahuli niya ba kayo na may ginagawa?" this time napatingin na ako kay Nico.

"Hindi. Kinakausap lang ako ni Derick nun pero hindi maganda ang posisyon namin. So Robie assumed that he was kissing me" ipinasa ni Kuya Michael yung bola kay Derick at naka shoot siya. Nagsigawan ng malakas ang mga pinsan ko.

"Oh darn it" napailing si Nico hindi ko alam kung dahil naka shoot si Derick o dahil sa sinabi ko.

"Erica, hindi ba parang unfair tayo kay Elise? Naaawa ako sa kanya. Everyone in the school knows everything about you and Derick tapos siya lang ang walang alam. Sa tingin ko kailangan niyong mag usap usap na"

Bigla parang naging malabo ang paligid ko. I am now completely hooked up sa sinasabi ni Nico. At some point, hindi ko na din alam ang iisipin. I dont want to be mean, pero duda ako na hindi nararamdaman ni Elise na may something samin ni Derick.

Siguro ayaw niya lang talagang tanggapin. Oh damn, now I sound so brat! O dahil natatakot lang ako na masaktan siya?

"That something between me and Derick ay matagal ng wala. Ni hindi naging kami so I dont think na may kailangan pang pag usapan" nanghihinang sabi ko. Naka shoot si Robie sabay tingin sa gawi ko. Ngumiti ako kaagad at pumalakpak. Thankfully, chineer din naman siya ng mga pinsan ko.

"Wag kang magpanggap na wala. You cant deny the hurt na nakikita ko sayo sa tuwing magkasama sila"

"Ayoko na pag usapan. Anyway, hindi naman siguro ako guguluhin ni Derick. After what happened? He wont have any guts"

"Oh yeah, I can see that. Kaya nga kanina lang magkasama kayo di ba?" he said then smirked that shut me up.

"May sides ba ang circle?" tanong niya ng hindi na ako nagsalita. Napakunot ang noo ko.

"Nag geometry ka ba? Syempre wala!"

"Exactly. You know what, bilog ang mundong ito kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan sa ayaw at sa gusto mo. Dahil wala ka din namang kanto na pagtataguan"

Napatingin ako kay Nico because of his sudden seriousness. Nakataas ang isamg kilay niya as if waiting for me na kontrahin ang sinabi niya.

"Ano ang gusto mong gawin ko? Tell her directly, like, 'Hey Elise! Muntik ko na nga pala maging boyfriend ang boyfriend mo! Actually we kissed a couple of times already! Ganun ba?"

"Hindi ko sinabi na gawin mo yun. Pero kasi alam mo naman na ang dapat gawin, ayaw mo lang talaga tanggapin"

"You dont realize, do you? Hindi mo man lang ba naisip na masasaktan yung tao?" mabuti na lang pala at medyo malayo kami at maiingay ang mga pinsan ko ng hindi nila kami naririnig. Medyo tumataas na din kasi ang boses ko.

Ano ba ang problema nito ni Nico? Na out of the blue, bigla na lang gusto niya magpaka righteous? Samantalang naaalala ko nun siya pa ang nagtutulak sakin kay Derick

"At kapag hindi niyo sinabi, hindi siya masasaktan? Ganun ba? Mag isip ka nga, Erica. Wag naman sana dumating yung araw na sa ibang tao pa manggaling yun"

"Wag mong gawing big deal to. Hindi naman na kami pinag uusapan sa school eh. Namatay na din ng kusa yung istorya ng kung ano man ang meron samin ni Derick. Kaya sana magpakasaya na lang tayong lahat"

Hindi ko gusto na magalit. Cause in the first place may utang na loob ako kay Nico. Pero ayoko talaga tong pinag uusapan namin. Totoo naman kasi eh. Wala na yung samin ni Derick pero bakit pilit binubuhay pa?!

"Masaya ka ba, Erica?"

Masaya ako. Kahit na minsan pakiramdam ko may kulang pa rin

"Oo. Wala akong maipipintas kay Robie bilang boyfriend. He's perfect from the tips of his hair down to his toenails" hindi ko alam kung paano ko naisip yung linyang yan pero sinabi ko na lang for the sake na matigil na lang kami.

Binalik ko na sa laro ang atensyon. Magsho shoot si Robie pero natampal ni Derick yung kamay niya kaya nabitawan niya yung bola. Napakunot ang noo ko. Nakita kong nag igting yung panga ni Robie at masamang tinignan si Derick. At bago ko pa maisip ang susunod na mangyayari tinulak niya ito.

Napatayo ako. Ganun din yung mga pinsan kong babae na nanonood lang.

"What's your problem?" Derick growled at inilapit ang mukha kay Robie. Hindi naman siya inurungan nung isa. Nakapalibot lang sila kuya sa kanila dahil siguro akala nila wala lang.

Then to our shock, bigla na lang sinuntok ni Derick si Robie. Doon na umawat yung mga pinsan ko. Pinag gitnaan sila ni Kuya Glenn. Hawak ni Tej at Kuya Levi si Robie habang yung magkapatid naman kay Derick. Yung dalawang lalaki nanonood lang pero nakaantabay.

"You sonofabitch bakit bigla ka na lang nanulak?!" Derick shouted

"Basketball to. Natural ang tulakan" Robie spit back at pilit lumalapit sa kabila ng pagpipigil sa kanya

"What's wrong with you guys? Laro lang to" saway ni Kuya Glenn at pinaglipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Nope. Sinadya mo yun!" sigaw na naman ni Derick at binalewala ang sinabi niya kuya. Yung mga pinsan kong babae lalapit sana pero nagbigay ng nagbababalang tingin sa kanila si Kuya Glenn so they stopped on their tracks. Mabuti pa sila nagawa na gumalaw samantalang ako napako na lang dito. Mabuti na lang din at hindi umaalis si Nico sa tabi ko.

"Wag mo kong itulad sayo, Lusterio! Hindi ko ugali na gumawa ng kabalbalan basta nakatalikod yung tao!"

"Ano bang gusto mo sabihin? Gusto mo magsuntukan na lang tayo?" nagreact na yung ibang kuya ko but I cant make out their words dahil sabay sabay silang nagsasalita.

"Oh yes sige, hindi kita uurungan. Gusto mo dito na eh? Come on, let's do few rounds" bumaba na ako at inilang hakbang ang papunta sa kanila. Hinawakan ko sa braso si Robie

"Ano ba naman? Dont take this personally. Para kayong mga bata" sabi ko para sa kanilang dalawa

"Siya ang nauna! Siya ang naghahamon!" tinapunan ni Robie ng masamang tingin si Derick.

"Ikaw ang nauna! You pushed me remember?! Erica, alam kong nakita mo yung nangyari!" I winced. Galit na din talaga si Derick. For the second time tinawag na naman niya ako sa pangalawa kong pangalan na hindi naman niya karaniwang ginagawa.

"Now what anong gusto mo mangyari? Gusto mo na ikaw ang kaawaan ng girlfriend ko? Oh for all I know, you're hitting on my girl kaya ka ganyan! Bakit, hindi mo ba matanggap na sakin siya napunta?"

Derick smirked. Disgusted. "Ikaw nga ang boyfriend, ang tanong mahal ka ba?" nang aasar niyang sabi.

And all of the sudden I just want to fly away from here kasama si Robie. Alam ko naman na wala akong ginawang masama pero pakiramdam ko nagi guilty ako.

"You two both need to shut up or else ako sasapak sa inyo" mukha naman atang natauhan sila dahil galit na ang boses ni Kuya Glenn at dinuro pa sila "Naglalaro lang tayo then now you'll drag my cousin into this! Eh kung gulpihin na lang namin kayo magpipinsan?!"

Derick looked away at mukhang kumalma na. Ganon din si Robie dahil nararamdaman ko yung pag relax ng muscles niya.

Hinatak na namain si Robie para kahit paano magkalayo na sila ni Derick.

"Listen up!" napahinto kami at napalingon nang magsalita si Kuya Michael na naiwan kung nasaan kami kanina. Ganon din yung grupo nila Kuya Marvin na may hawak kay Derick

"What you see, what you hear, what you do, when you leave, leave it here. Wag niyong ipagsasabi ang nangyaring to kahit kanino. Naiintindihan niyo? Kayo dyan?!" tukoy niya sa mga pinsan kong babae na sabay sabay tumango.

Pansamantala, nakalimutan ko na may mga tao nga pala dito bukod samin. Marahil nakita nila yung nangyari dahil maya maya may natatanaw kaming dalawang gwardya na papunta dito. Sinalubong sila ni Nico at siya ang nakipag usap.

"I guess, the game is over now" bulong sakin ni Tej and shrugged his shoulders na sinamahan ng pag iling.

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 359 13
Sister Clarianara realized that there was something wrong about her after a notorious syndicate ambushed their convent to kidnap just one person. Her...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
9.4K 168 15
Our love will continue until our next life
2.1M 41.8K 52
[Book 3 of 3] She thought it's the happily ever after. She thought everything she believed was true until life happened to her. After her mom's death...