The Sweetest Escape

Por endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... Más

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Twenty-three

4.6K 153 6
Por endlesslaugh

Migs

Hapon na ako bumalik sa rancho dahil sa dami ng gawain sa clinic. May mga nagpabakuna ng mga alaga nila at meron din kaninang isang aso na kinailangan na naming i-putdown dahil kung hindi ay mas mahihirapan pa siya sa sakit niya. 

Kahit na mga hayop ang hina-handle ko, hindi pa rin madali kapag napunta sa ganoong sitwasyon. Buhay pa rin ang nakasalalay, doktor pa rin ako, kaya dapat walang mali.

Ito ang tumatakbo sa isip ko nang iparada ang motor sa garahe ng Kakang Isko. Pero nang patayin ko ang makina, pinakawalan ko muna ang pagproblema ng burden ng trabaho ko at ibinaling ang isip kay Hannah. Ngayong nagkaroon na kami ng konting distansya sa mga pangyayari, papatuluyin niya pa rin ba ako o tatakas na lang siya gaya ng lagi niyang ginagawa?

Iyon din ang dahilan kung bakit iniwan ko muna siya. Dahil ayaw kong pilitin siyang magdesisyon para sa akin. Rerespetuhin ko kung ano ang magiging reaksyon niya at hahayaan siya sa kung ano man ang gusto niya.

Kahit na gusto ko talaga siyang manatili at i-recognize itong namamagitan sa'min.

Dahil mas malapit sa garahe, sa harap ng bahay ako dumaan. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang gawin iyon ni Hannah para sa akin mula sa loob ng bahay. Nagulat kaming pareho at nag-hesitate.

Hindi ko mapigilang madismaya sa nakita ko.

Nakasukbit sa likod niya ang bag na bitbit niya noong una siyang dumating sa Batangas at nakagayak na siya para umalis.

Kahit na may kutob na ako sa gagawin niya, nagtanong pa rin ako. "Saan ka pupunta?"

Pinaglaruan niya ang strap ng bag niya. "Babalik ako sa Maynila."

Napatango na lang ako dahil wala na akong iba pang masabi. Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siyang manatili dito. Na tutulungan ko siyang puksain lahat ng problema niya. Na wala na siyang dapat ikatakot dahil poprotektahan ko siya. Pero hindi ko nasabi iyon dahil mukhang buo na ang loob niya na umalis.

At heto pa ako, umaasang mananatili siya.

Napansin niya ata ang internal battle ko. "Gusto mo ba akong samahan?"

"Saan kita ihahatid?" 

"Sa Maynila."

Ayaw ko siyang ihatid pero kung iyon ang gusto niya, gagawin ko. Isa pa, maggagabi na at hindi ligtas kung babiyahe siya nang madilim.

Tumango lang ako at tinahak muli sa dinaanan ko kanina para balikan ang motor ko. Kaso hindi pa ako nakakahakbang, hinawakan niya ang manggas ng damit ko. Tumigil ako at hinarap siya.

Nagulat talaga ako nang tingnan siyang maigi. Yung talagang tingin. Hindi ako sanay na makita siyang vulnerable at yung vulnerability na nakapinta sa mata niya ay sobrang tumama sa akin. Yung hawak niya sa manggas ko, tentative. Parang batang natatakot na mapagalitan. At sa isang mahina't mahinahong boses ay nagtanong siya, "Anong problema?"

"Wala."

Biglang nag-shift yung ekspresyon niya, napalitan ng inis. "Alam mo, nagbago na ang isip ko. I take it back. 'Wag mo na akong samahan. Umakyat ka na. Magpahinga ka. Halata namang merong bumabagabag sa'yo."

Sa pagkakataong ito, ako naman ang humabol sa kanya, naiinis na rin. Siya na nga ang aalis, siya pa ang may ganang magalit. "Huwag mo akong idamay sa mga mood swing mo, Hannah. Napapagod na ko sa rollercoaster na sinasakyan mo."

Suminghal siya at tumuro sa dibdib niya. "Ako pa ang may mood swing ngayon?"

"Ano'ng tawag sa ginagawa mo? Hindi pa ba mood swing iyan?" Sa sobrang frustration, sumasabay na yung kamay ko sa pakikipagtalo sa kanya.

"Ang tawag dito ay concern at pagpapatuloy sa'yo sa buhay ko. Well, excuse me. Akala ko nagkakaintindihan tayo pagkatapos ng nangyari kagabi pero mali pala ako." Kulang na lang may lumabas na usok sa ilong niya habang nagsasalita. Nang makita niyang wala akong masabi, inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya sa likod at nag-walkout.

Ako naman ay nakatanga lang sa papalayo niyang pigura. Medyo mabagal yung pagpoproseso ng utak ko pero isa lang ang malinaw: hindi kami nagkakaunawaan.

"Hannah, sandali." Hinabol ko siya at hinawakan sa balikat na agad niya namang tinabig. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi ko siya mapigilan dahil ilag pa rin siya sa paghawak ko kaya hinarangan ko na lang ang daanan niya.

Sa dibdib ko siya nakatingin. "Tabi."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kilalang-kilala ko na siya para masabing kapag uncomfortable, nagiging defensive siya.  "Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan. Mag-usap muna tayo. Magsimula tayo sa umpisa. Saan ka pupunta?"

Inangat niya ang tingin niya sa akin. "Sinabi ko na sa'yo 'di ba? Sa Maynila nga."

Pinanlisikan ko siya ng mata. "'Wag mo nang gamitin yung attitude, wala nang bisa sakin 'yan."

Inirapan niya ako. "Sinasayang mo ang oras ko, Migs. Paalisin mo na ako."

"Ang tigas naman kasi ng ulo mo. Kung kinakausap mo ako ngayon edi sana nakaalis ka na. Babalik ka pa ba?" Iiwan mo na ba ako? ang hindi ko masabi. Napag-usapan na lang rin naman namin ni Hannah ang tungkol sa mga kinatatakutan niya kagabi, siyempre maging ako meron ding sariling demons.

Ayaw kong naiiwanan. Si Inay, si Itay, si Claire. Lahat sila iniwanan ako nang wala man lang pasabi. Iniwanan ako sa punto kung kailan ko sila pinakakailangan. Si Hannah...

'Di ko masabi ngayon kung kailangan ko siya. Kaninang umaga akala ko ayos ang lahat at settled ang pakiramdam ko sa amin. Pero nang makita ko siyang nakagayak nang umalis, bumalik yung pakiramdam ng abandonment na ginawa ni Claire. Biglang naguluhan ako dahil hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ko.

Ayaw ko siyang umalis.

Pero gaano kasigurado bang mananatili siya rito?

Natamnan na ng pagdududa ang puso ko. Si Hannah lang ang makakaalis nito. "Anong gagawin mo sa Maynila? Aalis ka na ba?" paglilinaw ko.

Nakita kong nasorpresa siya sa tanong ko. "Ba't mo naman naisip 'yan?"

Itinuon ko ang tingin ko sa bag niya.

Naintindihan niya naman ang nais kong iparating at nagpakawala siya ng isang relieved na tawa. "Tinawagan ako ng kaibigan ko. May binigay siyang trabaho sa akin, sandali lang 'yon tapos babalik ako. Naisip ko lang na baka gusto mo akong samahan."

Ako naman ang natanggalan ng pag-aalala sa sinabi niya. "Pasensya na. Akala ko kasi—"

"Sorry din. Bago lang ako sa mga ganitong bagay."

"Saan?"

"Dito."

Kumunot ang noo ko. "Hindi kita maintindihan."

"Dito. Ugh!"Napapadyak siya ng paa. "Bahala ka na nga diyan."

Hinawakan ko siya sa bisig niya at buti na lang hindi siya nagpumiglas. "Joke lang. Naiintindihan kita."

I do. Sa mga nasaksihan ko, pinaparating niyang pinagkakatiwalaan niya ako at pinapatuloy sa buhay niya. Inaya niya akong samahan ko siya sa Maynila gayong ang normal na Hannah ay hindi maghihintay o magpapaalam kung saan siya pupunta. Ang ibig sabihin niya ng dito ay yung kung ano mang namamagitan sa aming dalawa.

Hanga ako sa adjustment na ginagawa niya. Pinapatuloy niya ako sa buhay niya.

Suddenly, nawala yung pangangambang naramdaman ko kanina. Hindi siya aalis. Hindi niya ako iiwanan. At itong ginawa niya ngayon ay nagpakita na kaya pa rin pala niya akong sorpresahin because she's strong. Strong enough para buksan niya ang puso niya para sa akin.

At doon ko napagtanto na matagal ko na rin palang binuksan ang puso ko sa kanya.

Kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa sarili ko. Kaya wala nang sorpresa nang maisip na hindi malayong mahalin ko ang babaing ito—with her issues and all.

"Bakit ka ganyan?" pagputol niya sa iniisip ko.

"Anong ganyan?" nakangiting tanong ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Biglang lumambot yung hitsura mo. Anong iniisip mo?"

Sa sinabi niya ay mas lumaki yung ngiti ko. "Huwag mo nang alamin ngayon. Baka atakihin ka sa puso."

"Ano nga kasi?" pagpupumilit niya.

I sighed. "Naisip ko lang na gusto kitang makilala."

"Pick-up line mo ba 'yan? Kilala mo naman ako." Nakita kong nabibigatan na siya sa bag niya kaya kinuha ko iyon mula sa kanya. Buti na lang at masyado siyang abala sa pag-iintindi sa sinabi ko para gawan ng big deal ang pagtulong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat ako. "Naisip ko lang yung kagabi. May mga bagay kang sinabi, mga personal na bagay, pero meron pa ring mga bagay na iniwasan at ikinubli mo." Sa sinabi ko ay naging guarded na naman siya. "Gusto ko lang sabihin na gusto pa kitang makilala. Lahat ng sugat mo, lahat ng sama ng loob. At higit sa lahat, ang mga makakapagpangiti sa'yo."

Natameme ata siya.

"Sabi sa'yo baka atakihin ka."

Umiling siya. "A-ano. Hindi ko lang alam kung anong sasabihin ko."

May namumuong blush sa pisngi niya. Namangha ako dito dahil ngayon ko lang nakita na ganito kapula ang mukha niya. Sobrang flustered niya kaya hindi ko mapigilang ma-cute-an sa kanya. Kung alam niya lang itong iniisip ko panigurado sesermunan niya ako pero hindi na ako nakatiis. Nasabi ko na rin naman ang lahat kaya itinodo ko na. "Isang salita lang, Hannah. Go out on a date with me."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi ako sigurado kung magandang ideya 'yan."

"It is," pagkukumbinsi ko. "Malayo na ang narating mo. Magba-back out ka pa ba?"

Nag-contemplate pa siya sa sinabi ko. Buti na lang, pagkatapos ng pagpapakawala ng buntong-hininga ay pumayag siya. "Okay. Pagbalik natin galing Maynila." Saka niya sinundan ng isang ngiti. Mukhang makaka-cross out na ako ng isa sa mga items sa checklist.


Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta sa motor ko. "It's a date." 

Seguir leyendo

También te gustarán

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.5K 160 36
MOON SERIES #2 | COMPLETED Gabrielle Angela Garcia is a very close person to Arely in their squad- buddy, sister, name it that she will do everything...
858K 16.4K 41
Almost Perfect Series II Damn that playboy. He asked me to be his girlfriend. I'll never fall for that. I know him so well. I've seen him flirt and d...
12.8K 5.2K 60
METANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto...