SCANDAL MAKERS

נכתב על ידי maricardizonwrites

479K 16.5K 677

Dalawang dekada na sa show business si Alice De Dios. Hindi man halata sa kaniyang pisikal na hitsura ay mala... עוד

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52

Part 15

8.4K 305 8
נכתב על ידי maricardizonwrites


DAHIL masyadong nasabik si Alice na mag-ayos sa unit ni Aki, nagdesisyon siyang magplano na pagkatapos niyang magligpit ng pinagkainan nila. Binitbit niya ang laptop niya sa living room niya kung nasaan si Aki na abala naman sa pagtingin sa collection niya ng music album at DVDs ng mga pelikulang pinagbidahan niya sa nakaraang dalawang dekada.

"Ang dami mo palang pelikula," komento nito nang maramdaman ang pagdating niya.

Nagkibit balikat si Alice at umupo sa sofa. Pagkatapos ay binuksan niya ang laptop at pumunta sa paborito niyang shopping website. "Well, dalawampung taon na trabaho ang mga iyan. Hindi pa kasama diyan ang mga teleserye. Anyway, halika rito. Hindi tayo puwede lumabas para mamili ng gamit pero puwede tayo mag online shopping."

Lumapit sa kaniya si Aki at umupo sa tabi niya. Napaigtad siya dahil sobrang lapit nito na halos magkadikit na ang mga tagiliran nila. Napatingala siya rito at nahigit ang paghinga nang makitang kahit ang mukha nito ay halos ilang pulgada lamang ang layo mula sa kaniya. Nakatingin si Aki sa screen ng laptop niya at nang mapansin na nakatingala siya rito at nag-angat ng tingin hanggang magtama ang kanilang mga mata. "Yes?"

Hinamig niya ang sarili. "Masyado kang malapit," reklamo ni Alice.

Umangat ang mga kilay ni Aki pero hindi nakaligtas sa kaniya ang amused na kislap sa mga mata nito. "Hindi ko makikita ang nasa screen kung malayo ako."

Sandaling naningkit lang ang mga mata niya pero dahil hindi nagbawi ng tingin ang lalaki ay naisip ni Alice na baka siya lang ang nagbibigay ng malisya sa pagkakalapit ng mga katawan nila. Bumuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa screen. Sandali pa ay natuon na ang atensiyon niya sa pagtingin ng mga living room furniture sa shopping site. Natuwa si Alice dahil sa tuwing may naiisip siyang magandang furniture ay ibinibigay ni Aki ang opinyon nito. Masaya siya na nakakapag-usap sila ng ganoon. She likes the fact that it seems he's not just patronizing her.

Nang may makita siyang center table na pareho nilang nagustuhan ay biglang may naalala si Alice. "Teka pala, ano ba ang budget mo?"

"Huwag mo alalahanin ang pera. Akin na iyang laptop mo. Bibilhin ko iyang tinitingnan mo," sabi ni Aki at kinuha mula sa kandungan niya ang laptop.

Napatitig si Alice sa binata. "Sigurado ka ba?"

"Oo," nakatutok pa rin sa laptop na sagot nito.

"Malaki ang kita sa pagtugtog ng piano sa music bar?" maingat na tanong niya.

Nagkibit balikat lang si Aki. Pagkatapos ay muling ibinalik sa kaniya ang laptop at ngumiti. "Humanap pa tayo ng mabibili."

Iniiwasan niya ang tanong ko. Napailing na lang si Alice at itinuon na lang uli ang atensiyon sa pagpili ng mga gamit para sa unit ng binata.

Ginugol nila ang ilang oras doon. Nang matapos sila ay pinatay niya ang laptop at nag-inat. "Hihintayin na lang natin dumating ang mga order. Pero hindi ko pa alam kung kailan ko maaayos ang mga iyon sa living room mo dahil hindi ko alam kung kailan uli ako magkakaroon ng oras." Marahas na bumaling siya sa lalaki at naningkit ang mga mata. "Huwag na huwag mong aayusin ang mga gamit nang wala ako," babala niya.

Natawa si Aki at tila natural lang sa kanilang dalawa na inakbayan siya nito at pinisil ang balikat niya. "Hindi ko aayusin."

Parang may mga karayom na biglang tumusok sa bahaging pinisil ng binata. Napaigtad siya. Bagay na mukhang napansin ni Aki dahil napatingin ito sa mukha niya. Bahagyang sumeryoso ang mukha nito at magaan na namang hinaplos ang balikat niya, katulad noong nasa elevator sila. Bigla naging mabigat at mainit ang hangin sa pagitan nilang dalawa kahit pa malakas ang aircon sa unit ni Alice. At ang titig ni Aki ay unti-unti ring umiinit. Halos makita na niya ang mga lumilipad na sparks sa pagitan nila.

Bigla ay napagtanto niya na ganoong ganoon ang ekspresyon sa mukha ng binata noong biglang bumukas ang ilaw sa elevator at magkadikit din ang mga katawan nila. Nakita ni Alice ang pinaka-guwapong ekspresyon ni Aki. It was the face of a man that is slowly being consumed by desire.

Masyado na siyang maraming romance movies at tv series na inartehan para malaman ni Alice kung ano ang nangyayari sa kanila ni Aki. Lalong alam niya kung ano ang susunod na sequence pagkatapos ng titigan na iyon. Subalit kahit nagtutunungan ang warning bells sa utak niya ay hindi kumilos si Alice upang putulin ang sandaling iyon sa pagitan nila. Hindi niya alam kung bakit. Marahil dahil mas matindi ang antisipasyon na nararamdaman niya kaysa sa babala. Marahil ay naimpluwensiyahan siya ng paulit-ulit na litanya ni Coleen ng "get loose and have fun". O marahil ang dahilan lang ng lahat ay walang iba kung hindi si Aki mismo. Dahil sa titig nito, sa haplos ng mga daliri nito sa balat niya, sa init na nagmumula sa binata na kanina pa niya nararamdaman at sa comfort na nakukuha niya sa magkadikit nilang mga katawan.

Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay parang gusto ni Alice na idikit ang katawan sa isang lalaki, ang tawirin ang pagitan ng kanilang mga mukha at hayaan ang sariling magpatalo sa tila kuryenteng nakapalibot sa kanilang dalawa. Mukhang ganoon din ang nararamdaman ni Aki dahil unti-unti ay lumapit ang mukha nito sa kaniya. Hanggang sa wakas ay magaang na lumapat ang mga labi nito sa bibig niya. Katulad noong unang beses siya nitong hinawakan, ang halik ay magaan at halos hindi naman lumapat sa kaniya. Tulad ng isang tao na lulusong sa tubig at tinatantiya kung gaano iyon kalamig at kalalim, ang mga labi ni Aki ay sumusubok at naghihintay ng reaksiyon mula sa kaniya.

Pero hindi makagalaw si Alice. Hindi dahil sa kung ano pa man kung hindi dahil halos hindi siya makahinga sa kabog ng dibdib niya. Ang lohikal na bahagi ng utak niya ay unti-unting nag-sha-shut down. Mainit at malambot ang mga labi ni Aki at nagdudulot ng kakaibang kiliti sa buong sistema niya ang pagkakalapat ng mga labi nila. And she wanted more.

Umangat ang mga kamay ni Alice at ikinulong ang magkabilang pisngi ng binata sa mga palad niya. Aki seems to take that as permission. Dahil saglit pa ay bahagya nang lumalim at naging mapanghanap ang halik nito. Natagpuan niya ang sariling gumaganti ng halik at kahit siya ay nagulat na mas mapusok at mainit kaysa intensiyon niya ang naging dating ng paghalik niya sa binata. Umangat na rin sa magkabilang pisngi niya ang mga palad ni Aki at bumulong, "Open your mouth." May kilabot na kumalat sa katawan ni Alice at ibinuka na ang mga labi upang hayaan ang binata na palalimin ang halik nang biglang tumunog ang telepono.

Napahinto sila at napadilat si Alice. Nagtama ang mga mata nila ni Aki habang patuloy sa pag-ring ang telepono. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang inalis ang mga kamay sa mukha nito. "Kailangan ko sagutin iyan," mahinang sabi niya.

Tumango si Aki at bantulot din siyang binitiwan. Saka lang siya mabilis na tumayo at halos takbuhin ang telepono na nasa hindi kalayuan. Hindi pa rin kasi kumakalma ang tibok ng puso niya. Lalo na at unti-unti nang bumabalik ang lohika at rason sa utak niya na nawala kanina nang magkalapat ang mga labi nila ng binata. Ngayon ay paikot-ikot ang katanungan sa isip ni Alice. Bakit niya hinayaan si Aki na halikan siya? Bakit siya gumanti ng halik na parang uhaw? Hindi ba matagal na siyang resigned at indifferent pagdating sa lalaki? Kaya nga naniniwala siyang kuntento na siyang mag-isa at kaya niyang mabuhay at tumandang single. Pero ngayon... Ngayon ay binubuhay ni Aki ang mga sensasyon at emosyon sa loob niya na akala niya ay matagal nang patay.

המשך קריאה

You'll Also Like

2.5M 99.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
376K 10.6K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...