Part 52

17.8K 622 83
                                    


A few months later...

"SO, nagpakasal pala si Veronica sa sikat na music producer na si Tom Scott. At mukhang buntis na siya at si Tom ang ama. Tuwang tuwa ang mga paparazzi at may interesante silang maisusulat," bulalas ni Coleen.

"Sinabi sa akin ni Aki na kung hindi pa siya nagpunta ng New York ay baka hindi sinabi ni Veronica kay Tom na buntis siya," sabi ni Alice.

"Hmm." Tumingin sa kaniya si Coleen at ngumiti. "Kahit ang mga reporter dito sa pilipinas ay kasalukuyang tuwang tuwa na may isusulat silang magandang balita."

Napangiti si Alice at sinulyapan ang sarili sa malaking salamin na nasa gilid niya. Kani-kanina lang ay natapos siyang ayusan ng hair and make-up stylist. Nakabihis na rin siya. Hinihintay na lamang nila ang go signal mula sa coordinator.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto at pumasok ang mga magulang niya. Napangiti siya nang makitang napamaang sa kaniya ang mama at papa niya bago namamasa ang mga matang lumapit sa kaniya. "Ang ganda-ganda naman ng anak ko," bulalas ng tatay niya.

"Salamat po. Magsisimula na ba?" tanong niya.

"Oo," sabi ng mama niya.

Tumayo siya at mabilis na lumapit sa kaniya si Coleen upang alalayan siya. "Ingat sa wedding dress."

Tumamis ang ngiti ni Alice at muling napasulyap sa salamin. Today is her wedding day. Hindi na flat ang tiyan niya pero sa suot niyang wedding gown ay hindi iyon masyadong halata. Salamat sa magaling niyang designer.

Nagdesisyon silang pamilya na gawing pribado ang kasal. Subalit para hindi magtampo ang media ay nangako sila na bibigyan ng kopya ng mga larawan at video ng kasal. Bigla tuloy naalala ni Alice ang araw na inanunsyo nila sa press ang tungkol sa kasal.

May isang matabil na reporter ang prangkang tinanong si Aki, "In this country, Alice De Dios is one of the biggest stars. Don't you feel any pressure about that?"

Hindi kumurap si Aki at ginagap pa ang kamay ni Alice. Himbis na tingnan ang mga reporter ay bumaling pa sa kaniya ang binata at buong pagmamahal na ngumiti. "Mula pa noong una kaming nagkakilala, hindi ko na nakita si Alice bilang isang superstar. Nakikita ko siya bilang isang interesanteng tao, nakikita ko siya bilang ang babaeng pinakamamahal ko."

Pagkatapos niyon ay nawala na nang tuluyan ang lahat ng negatibong komento at artikulo tungkol sa kanilang dalawa. Mula sa pagiging scandal makers ay naging pina-well loved couple sila. At ngayon nga ay kumpleto ang pamilya at mga kaibigan niya para sa araw na iyon. Kahit ang ama ni Aki na si Timothy Kennedy ay nagpunta ng pilipinas isang linggo na ang nakararaan upang makilala sila. He was a funny and kind hearted old man. Masaya si Alice na ang isang tulad nito ang naging magulang ni Aki.

Ilang minuto ang naging biyahe bago humimpil ang bridal car niya sa harap ng chapel sa private resort kung nasaan sila. Bumaba sila ng kotse at sinalubong ng mga abay bago sa wakas ay nakapuwesto na sila para sa wedding march.

"Handa ka na?" nakangiting tanong ni Coleen.

Ngumiti si Alice at tumango. Sandali pa ay nagsimula nang maglakad ang entourage. Sa magkabilang gilid niya ay naluluha na ang mga magulang niya. Nang siya na ang naglalakad ay unti-unti na rin siyang nagiging emosyonal. Lalo na nang nasa kalahati na sila ng isle at biglang nagbago ang tugtog. Napakurap si Alice nang pumailanlang ang isang pamilyar na melodiya. May iba sa tunog pero sigurado siya na iyon ang musika na pinarinig sa kaniya ni Aki noong bago pa lamang silang magkakilala, noong sinabi nito sa kaniya na muse daw siya nito. At katulad noong una niya iyong narinig ay nagdulot iyon ng kakaibang emosyon sa puso niya at nagpainit sa mga mata niya.

Hanggang sa marinig niya ang pag-awit ng isa sa mga pinakapaborito niyang tinig sa buong mundo. Lumipad ang tingin ni Alice sa altar kung saan nakatayo si Aki. Nagtama ang kanilang mga mata. Tuluyan siyang naluha. He was holding a microphone and singing the song while staring in her eyes as she walks down the isle. Hindi kasing ganda ng boses ng mga sikat na singer ang boses ni Aki. Subalit nakikita niya sa mga mata nito ang pagmamahal at iba pang mainit na emosyon na alam niyang nakikita rin nito sa mga mata niya. He sings as if he's confessing to her all over again.

Dahil ang awit na iyon ay tungkol sa kaniya. Tungkol sa unang beses na nagkita sila noong maulang gabi. Tungkol sa iba't ibang bahagi ng pagkatao niya na nakita nito sa bawat ekspresyon ng mukha niya. The song is about a girl with a thousand faces, but every face captured his heart.

Nang nasa mismong harap na siya ni Aki at huminto na sila ng mga magulang niya sa paglalakad ay patapos na rin ang awitin. Nakita niya na namamasa rin ang mga mata nito. Hinawakan nito ang isa niyang kamay habang umaawit.

"I promise to make your dreams come true, because girl you are my dream come true. And among all your faces I saw, this one, right at this moment, is the most beautiful thing."

Natapos ang awit. Hinagkan ni Aki ang kamay niyang hawak nito at masuyong ngumiti. "I love you."

Ngumiti si Alice sa kabila ng pamamasa ng kaniyang mga mata. "I love you too."

Bumaling si Aki sa mga magulang niya at niyakap ang mga ito. Pagkatapos ay inakay na siya ng binata sa harap ng pari na magbubuklod sa kanilang dalawa bilang mag-asawa. Huminga siya ng malalim. Handa na siya para sa best role na gagampanan niya sa loob ng dalawang dekada niya bilang artista. Handa na siya para sa role ng isang asawa at ng isang ina. Hindi man siya mananalo ng FAMAS at iba pang Best Actress Trophy na gaya sa iba niyang role ay ayos lang. Because the best award she will ever receive in her life is a future with Aki, a future with the man she loves.

~END~

a/n: maraming salamat sa pagbabasa ng Scandal Makers! I hope you enjoyed your time. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SCANDAL MAKERSWhere stories live. Discover now