St. Achelous Academy: The Hid...

Por PranzzSipe

32.2K 1K 186

Welcome to St. Achelous Academy! In a secluded school, far away from mortals. No one knows about this except... Mais

DISCLAIMER
Chapter1: Secretary Lacy Whitt
Chapter 2: Erebus
Chapter 3: Head Leaders Meeting
Chapter 4: Faded Clues
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: The House
Chapter 7: Unrevealed Secret
Chapter 8: Another Case
Chapter 9: Chasing the Daemon
Chapter 10: Danger Zone
Chapter 11: Started
Chapter 12: Midnight
Chapter 13: Announcement
Chapter 14: St. Achelous Annual Game: Begins
Chapter 15: S.A.A.G - Arachnids
Chapter 16: S.A.A.G - Getting Worst
Chapter 17: S.A.A.G - Under Attacked
Chapter 18: S.A.A.G - Devil in Disguised
Chapter 19: S.A.A.G - Battle of Survival
Chapter 20: S.A.A.G - Battle of survival Pt.2
Chapter 21: S.A.A.G - Escape Plan
Chaper 22: S.A.A.G - Last Day
Chapter 23: St. Achelous Annual Game: End
Chapter 24: Revelation of Secrets
Chapter 25: Aftermath
Chapter 26: Mandate
Chapter 27: Zeus Warning
Chapter 28: Thalia's Dream
Chapter 29: Unexpected Visitor
Chapter 30: Hermes
Chapter 31: Aristaeus
Chapter 32: Darkness
Chapter 33: Fall of Two
Chapter 34: Bad Omen
Chapter 35: Final Battle
Chapter 36: Rhea's Message
Final Chapter: In Memories

St. Achelous Academy: The Hidden School for Demigods

9.7K 206 95
Por PranzzSipe

(Ps. If you encountered some of grammatical errors here, don't hesitate to comment here for me to be informed. Thank you.)

Prologue
St. Achelous Academy: the hidden school for demigods

The Gods and Goddesses may divine, but it doesn't mean they don't like to hangout with mortal humans from time to time. They change their divine form to a normal human for them to interact with each other. It seems that some Gods and Goddesses just can't get enough of human company and end up having their children who are half-god and half mortal; in other words, a DEMIGOD.

-Mythology.net

•••

Alasyete na ng gabi. Maliwanag ang buong nasasakupan nitong akademya. Ang malapad na field ay napapalibutan ng mga four storey buildings. May malapad din itong parke at may mga street lights sa gilid na mas lalong nagpapaganda sa lugar lalo na kapag gabi. May malaking food court din dito ba tamang tama para sa amin. May museo kung saan nakalagay ang mga mahahalagang artifacts mula sa iba't ibang personalidad. Mayroon din silang library kung saan naglalaman ito ng napakaraming libro. Sa likurang bahagi ng akademyang ito ay may makapal na gubat papunta sa itaas ng bundok. Ang gubat na ito ay tinatawag na "Daemons Forest" dahil sa mga nakakatakot na halimaw at nilalang na naninirahan dito. Sa dulong bahagi ng kagubatan ay naroroon ang lagusan palabas ng akademya sa labas nito ay mundo na ng mga tao.

Ang bawat building na ito ay naaayon sa section ng nga estudyanteng nandirito. 60 estudyante lamang ang maaaring makapasok sa akademyang ito maliban sa mga miyembro ng council. Hindi ito basta-bastang eskwelahan dahil tanging mga demi-gods at maliit na bilang ng mga mutants lamang ang maaaring makapag aral dito.

Walang may nakakaalam sa sekretong akademya na ito maliban sa amin, sa mga miyembro ng council at ibang staff nitong academy.

Nahahati ang mga estudyante ayun sa sections nila. Ang anim na sections na ito ay ang: Aristaesus, Boreas, Clotho, Demeter, Eileithyia at Gaia. Ang bawat sections ay binubuo ng hindi bababa sa sampo na naaayon sa patakaran ng akademya.

Mapapansin na ang mga pangalan ng anim na sections ay mula sa mga pangalan ng mga Gods and Goddesses sapagkat ang mga ito ay nagtulong tulong para bou-in ang akademyang ito para sa mga tulad kong demigod.

Bawat sections ay may HEAD LEADER na tinatawag, sila ay inatasan ng Presidente ng akademya na mamuno sa kanilang section para maiwasan ang kaguluhan at hindi pagkaunawaan sa mga taga ibang section.

Ang mga uniporme ng babae ay kulay putibg long sleeves na may kulay dark grey na collar at may 6 inches grey na necktie. Dark grey din ang kulay ng waistline ng kanilang palda na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Sa ibabang bahagi nito, isang pulgada ang distansiya ang layo mula sa dulo ay may dark grey na lining ito. Ang natirang bahagi ng kanilang palda ay kulay grey. May nakalagay na pins sa upper right corner ng kanilang damit ayun sa aming section.

Sa mga lalake naman ang aming puting long sleeves ay may pinapatungan namin ng dark grey coat o di kaya chaleco. Dark grey ang kulay ng necktie na 5 inches lang ang haba mas maikli ito kaysa sa mga babae ngunit ang pinagkaiba lamang dahil may pocket sa right part ng uniporme namin. Ang aming slacks naman ay grey ang kulay.

Bawat isa sa mga estudyanteng nag aaral dito sa academy ay may kaniya-kaniyang dorm para komportable ang mga estudyante.

•••

"Whoooo wala na namang pasok...ano na kaya ang pwede nating gawin ngayon?" pagdidiwang ni Luke.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa isang shed dito sa ground floor sa harap ng aming building. Maganda ang lugar na ito tamang tama lang dahil sa presko ng hangin na dumadaan dito.

"Alam niyo guys let's enjoy this vacation nalang, total nakakapagod din naman yung mga ginagawa nating activity last week." saad ni Thalia habang nakaupo sa sementong upuan nitong shed.

"Wow, bakasyon na ba tawag mo dito? Isang araw lang naman ito at sa susunod na araw ay may pasok na tayo." giit ni Annabeth.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at tumingin sa kanila.
"Ano ba sa tingin niyo ang pumasok sa utak ng presidente kaya niya naisipang magpaholiday ngayon?" natatawang tanong ko sa kanila. Nagtinginan lamang ang mga ito.

"Oo nga noh, sana i-extend nalang niya hanggang Friday." pagsang-ayon ni Thalia bago tumayo sabay pagpag ng kaniyang palda.

''Haissst stop thinking that thing na lang kaya baka mastress lang kayo niyan." saway ni Annabeth sa amin.

"I agree with you Anna, punta nalang kaya tayo ng food court." yaya ko sa kanila.

"That's a good idea tho, lets go." tumayo na rin si Luke saka naglakad patungo sa food court, nakasunod na lamang ako sa kanila.

Medyo malayo layo rin ang food court mula sa shed na tinambayan namin. Mukhang kunti lang ata ang gumagala dito sa campus ngayon ah. I guess they are enjoying their 2days vacation, nice.

Nandito na kami sa loob ng food court. Hindi na masyadong matao ang lugar na ito kapag lumalalim na ang gabi. We are sitting near the center of this food court. Kasalukuyan kaming kumakain ng inorder ni Luke. Treat niya daw kami ngayon so hindi na kami pumalag pa. Sayang yung libre pag tinanggihan ei.

"Hmmm...ang sarap ah. Gusto ko tong ulit-ulitin." saad ko matapos ubusin ang isang pinggan ng fruit salad na inorder ni Luke para sa akin.

"Halata namang inuulit-ulit mo, yan rin naman ang kinain mo last time na nilibre kita." nakangising sabat ni Luke na napasandal sa kaniyang upuan.

"Ayy ba't hindi ko alam na nilibre mo siya Luke? Andaya mo ah." napasimangot si Thalia sa kaniyang nalaman.

"Ano kasi, ganto yun ha. It's just a coincidence galing kasi ako ng meeting nun then nakita ko siya." pagpapaliwanag ko. Tumingin ako kay Luke at sinenyasang sakyan lang ang nga sinasabi ko.

"Ah oo. yes, tama ang sinabi niya." Napatingin din ito sa akin.

"What time nga ulit yung curfew?" singit ni Annabeth sa aming usapan. Kasalukuyan itong kumakain ng fries.

"10pm, that is from our new schedule na inilabas ng presidente." Thalia answered. Inilabas nito ang kaniyang cellphone.

Boooommm!
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong academy. Natigilan kami sa aming ginagawa. Bumilis ang pag tibok ng aking puso dahil sa kaba.

"A-ano yun? Anong nangyari?" kinakabahang tanong ni Thalia.

"Tara tingnan natin." kaagad kaming tumayo at patakbong lumabas ng food court.

Ilang metro pa ang aming tatakbuhin bago makapunta sa building kung saan nagmula ang pagsabog. Tumigil kami sa gitnang bahagi ng field at hinanap ng aming paningin kung saan ito nagmula. Medyo nahirapan kami sa paghahanap dahil gabi na.

"Building three, Council's building second floor!" saad ni Annabeth.

Dalidali namang tinungo ng tatlo ang building three. Sa hindi kalayuan ay natatanaw namin ang ilang mga estudyanteng nakatingin sa harap ng councils building. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan paakyat ng second floor nitong building ng masalubong namin sI Leo mula sa section Gaia.

"Guys si Secretary Lacy...." hingal na hingal na bungad niya sa amin. Napahawak ito sa pader dahil sa labis na pagod.

"Bakit anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Thalia.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo we need to save her right now." muling umakyat sa second floor si Leo.

Sumunod naman kamI sa kaniya. Nas lalo akong kinakabahan sa nangyayari ngayon.

"Anong room number niya?" Tanong ni Luke ng makatuntong kami dito sa second floor.

"Room number 15." kaagad na sagot ni Leo.

Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa marating namin ang kwarto ni Lacy. Bukas ang pinto nito ngunit hindi namin mabatid kung ano ang kaniyang kalagayan sa loob.

Napaubo kami dahil sa kapal na usok na bumungad sa amin. Tinakpan namin ang aming ilong bago sinuong ang silid na puno ng usok.

"Lacy? Secretary Lacy? Andyan ka ba?" tawag ni Leo sa kaniya.

"Wala akong makita, sobrang makapal ang usok dito," saad ni Thalia na lumapit sa higaan ni Lacy. "Wala siya dito." dagdag pa niya.

Napabaling ang aking atensiyon sa pader malapit sa bintana ng kwarto ni Lacy. Naglakad ako papalapit dito. Unti unting lumilinaw ang aking paningin hanggang sa bumungad sa akin ang malaking butas na dulot ng pagsabog. Tumagos ito sa gubat sa likurang bahagi ng akademya.

"Guys I guess you'll need to see this." saad ko habang pinagmamasdan ang Daemons Forest sa likod nitong building.

Narinig ko ang kanilang mga pag yabag papalapit sa kinaroroonan ko.

"Who the hell made this explosion?" tanong ni Luke ng makalapit na sila sa akin.

"We don't know kung sino ang salarin sa pagsabog na ito guys." saad ni Thalia.

"Anong gagawin natin? Secretary Lacy is missing nasisigurado akong malalagot ang may sala sa presidente." giit ni Leo na nakatingin sa kagubatan.

"Kailangan nating mahanap si Secretary Lacy at ang salarin bago pa huli ang lahat." saad ko.

I am Austine Tindle, son of Posiedon. The head leader of Aristaeus section and welcome to St. Achelous Academy. The hidden school for demigods.

•••continue reading•••

This prologue is dedicated to:Purple_Shadow09

JenyxViolet
Bluery_A
sapiro_maiden

Continuar a ler

Também vai Gostar

61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1K 65 8
As they enjoy their relaxing moment in Australia, all of their excitements turns to fear. No guns in their pockets. No signal to communicate. No one...
1K 151 20
CURRENTLY ONHOLD, OUTLINING AND REVISING The sounds of gunfires, screams of help, growls, and bomb exploding echoes throughout the country. No one a...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...