Reincarnated in 1880

By mabinibini_78

37.4K 1.9K 228

A girl named Viatiere Alonzo in junior highschool died by a car accident. Suddenly there were a flash of ligh... More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
HALLOWEEN SPECIAL
KABANATA XVIII
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV

KABANATA XIX

1.1K 62 1
By mabinibini_78

Umaga na at maaga akong ginising ng mga katulong ko para makapag-ayos na ako. Eksayted na kase ang aking ama sa aking pagpasok sa unibersidad. Grabe mga 7:00am pa ang pagpunta dun pero 4:00am akong ginising grabe talaga, hindi talaga halatang eksayted na si ama.

Bigla naman akong napaisip kung ano ang itsura ng University of Santo Thomas noong 1880? Naalala kong mga kalalakihan lamang ang pwedeng makapasok dun pero paano? Baka ako lang ang babaeng magaaral doon. Ay hindi, nandun din naman si Samantha malay mo, dun din nag-aaral si Fiona. Tinanong ko kung bakit pwedeng makapasok ang mga babae sa St. Thomas ang sagot naman ni ama ay dahil ginawang "Royal University" ito at ang pwedeng makapasok lang dito ay ang mga mayayaman, maharlika at may maatas na katungkulan. Napagtanto ko namang si ama ay isang hukom at kabilang sa Royal Audencia na kasunod lamang ng Gobernador-heneral.

Wow, big time talaga itong si Catalina grabe anak talaga siya ng isang maharlika. Pero ipapakasal daw si Catalina sa anak ng Gobernador-heneral, bakit kaya ito tinanggihan ni Catalina? Siguro pangit ang anak ng Gobernador-heneral kaagad siyang nagback out hahaha.

Kasalukuyang inaayos na ng mga katulong ko ang aking buhok at inaayusan na din nila ang aking mukha. Grabe, feeling ko pupunta kaming JS prom! Wala pang school uniform dati kaya naman nagsuot ako ng disenteng gown. Oo, as in gown na lobong-lobo! JS talaga ang pupuntahan namin! Maya-maya'y tinawag na ako ng ilang mga gwardya para magalmusal na daw. Kaagad naman akong bumaba at nasilayan ang aking ama na naghihintay sa akin doon na ngiting-ngiti.

'Ipagtapat mo nga ama, ipakakasal mo na ba ako at ganito ang nangyayare sakin ngayon?'

"Victoria!" ngiting bati ni ama at saka bigla naman akong niyakap

'Eh?'

Tinapik-tapik niya ang likod ko at niyakap ko siya pabalik.

"Masayang isipin na ang anak namin ni Victorina ay papasok na ng kolehiyo ngayon." saad ni ama

Inalis niya ang pagkakayakap sakin at tinignan ako. Hinaplos niya ang mukha ko at maluha-luhang ngumiti.

"Mirarte(Tignan mo), isa ka nang napakagandang dalaga" nakangiting usal nito

Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa pisngi ko at nginitian siya.

"Simula ngayon ama, huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong maiuuwi ko ang karangalan sa pamilya." sagot ko

Inilipat niya ang kaniyang kamay mula sa aking pisngi papunta sa aking ulo at tinapik tapik ito.

"Victoria, huwag mong pilitin kung hindi mo kaya anak ha. Nagkamali ako dati dahil masyado kitang iniipit. Gawin mo lang ang makakaya mo at nandito lang ako para suportahan ka" sabi ni ama

'Waaaaah, I can't believe this is happening! Catalina, this is it! Naniniwala na sa kakayahan mo ang iyong ama. Sana nandito ka para narinig mo manlang at maramdaman ang pagbabago ng pakikitungo ng ama mo sa'yo.'

"Salamat, ama. Mahal na mahal ko po kayo" nakangiti kong sagot

"Victoria!!" sabi niya at niyakap niya akong muli at nagsimulang umiyak

'Grabe parang matagal akong mawawala ah!'

"Te extrañaré(Mamimiss kita)" sabi ni ama

'Ano daw? Bat niya ako mamimiss?'

"Qué?(Ano?) Anong ibig mong ipahayag ama?" nagtataka kong tanong

'O diba, marunong narin akong mag-spanish!'

Hinawakan ni ama ang aking balikat

"Nakahanda na ang iyong bagahe dahil kapag nandoon kana ay pansamantala ka munang hindi makakauwi. Kailangan mong tumira sa dormitoryo habang nag-aaral ka dahil mahirap ang pauwi-uwi at malayo ang Sto. Tomas sa atin."

'NANI?? Edi hindi ako makakauwi sa mansyong ito? Waahhh this is so freaking unfair!'

"Alam kong nalulungkot ka rin anak pero sa oras na binulas ka ng mga kaklase mo ay isumbong mo sila sa akin." nakakatakot na banta ni ama. Wala akong nagawa kundi tumungo sa pag-sangayon.

*binulas- binully

Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang mag-ina na nakatingin ng masama sa akin. Kinunutan ko nalang sila ng noo at dahil dun ay napatingin si ama sa kanila at bigla namang umamo ang mga mukha nito.

"Nga pala, kasabay mo narin sa pagpasok ang iyong kapatid na si Samantha. Alam mo bang umuwi kaagad itong kapatid mo nang malamang nahanap ka na? Sana ay magkasundo na kayo." sambit ni ama

'Tsk, palabas lang naman ang mga yan eh. Umuwi siya para bwisitin ako, yun ang totoong nangyare!'

"Salamat kapatid ko" sabi ko

Pineke ko ang ngiti ko at tinignan ko si Samantha. Inis na namumula ang mukha niya at pinilit ring ngumiti. Tumawa si ama at inutusan ang mga katulong na sa karwahe nalang kami kumain ng almusal dahil baka malate pa kami.

Ganun nga ang ginawa nila. Umalis na kami at lumabas na ako upang sumakay. Kasabay kong sumakay si Sam at tinatarayan ako. Nasa magkaharap kaming karwahe at may tig-isa kami nito. Pumasok na ako sa loob ng karwahe at saka nagsimulang ilapag ang mga gamit ko sa lalagyan sa likod ng karwahe. Nagsimula nang hampasin and kabayo at ito'y nagsimula na sa paglakad. Kinawayan ko si ama at ang mga katulong ko mula sa kalayuan habang papalayo ng papalayo ang karwahe sa kanila.

Tumingin ako sa durungawan ng karwahe at napa-tulala rito. Di ko ikinakailang medyo kinakabahan ako at natatakot. Siguro dahil grade 10 palang ako pero naakselereyt ako kaagad sa college and the heck! Wala ring ala-ala si Catalina about dito and malamang hindi nga niya naeksperience ang highschool eh, college pa kaya!

Medyo matagal tagal rin nang makapasok kami sa isang malaking pader na may papasok. Pumasok ang karwahe doon at nasilayan ko ang laki ng building sa harap ko. Dikit-dikit ang mga silid nito at pinagsama kaya naging isang malaking gusali. Naharuyong naman ako sa ganda nito. Ngayon ko lang kase nakita ang UST hindi ko pa siya nakikita sa modern world dahil poor lang kami. Sana all, sana all mayaman! Sumikat lang naman ang UST dahil sa kalandian nina Kyo at Jonas! Sana all, sana all may kalandian! Hustisya naman sa mga walang lovelife!

*naharuyong- nabighani

"Ahh.. Señorita, nandito na po tayo." sabi ng isang gwardya

Tumungo ako at inalalalayan niya akong makababa sa karwahe. Pagkababa ko ay nilibot ko muna ang aking mga mata sa unibersidad. Sadyang napakalaki naman talaga nito!

Ibinaba nila ang aking mga bagahe at binuhat. May isang babae namang sumalubong sa akin at nabigla ako nang hawakan nito ang aking kamay. Medyo may edad na siya at sa tingin ko siya mga nasa mid 30's ganern.

"Ikaw na ba si binibining Catalina? Naku, ang laki laki mo na at sadyang nakakaakit ang iyong kagandahan!" saad niya

'Naku, wag na sanang lumaki ang ulo ko sa mga nagsasabing maganda daw ako!'

"Ah, ako po ginang" magalang kong tugon

Inilagay niya ang kaniyang abaniko sa kaniyang bibig at mahihing tumawa. Sana all, mahinhin.

"Oho, napakagalang mo naman Catalina. Tawagin mo nalang akong tiya" wika niya

Nginitian ko siya. Marahil may mapapagkatiwalaan naman pala ako sa lugar na ito. Hindi dapat ako mahiya.

"Opo, tiya" sagot ko

Tumingin siya sa mga nagbibitbit ng mga bagahe ko at sinenyasan niya itong sumunod sa amin. Hinawakan naman ni tiya ang braso ko at hinayaan ko naman siyang tangayin ako.

"Alam mo ba Catalina, matagal na kitang hinihintay na makapasok ka sa lugar na ito ngunit nung nalaman kong may malubha kang sakit ay akala ko'y hindi na kita makikita pa buti nalatos ko rin na ika'y magaling na kaya naman pinilit ko ang iyong ama na dalhin ka na agad sa unibersidad at masaya ako dahil nandito ka na sa wakas" abot langit ang ngiti niyang wika

'Wait, sino ba ang babaeng ito? Don't tell me kabit din siya ni ama?'

"Uhmm.. Sino po ba kayo?" nahihiya kong tanong habang naglalakad

Mahinhin siyang tumawa but this time, mas malakas.

"Paumanhin Catalina, hindi mo na ba ako naaalala? Ako ito ang iyong tiya Cassandra, kapatid ng iyong amang si Lorenzo. Marahil sobrang bata ka pa ng nakita mo ako kaya hindi mo ako nakikilala. Pasensya na at hindi kita nadadalaw sa inyo at masyado akong abala sa paaralang ito dahil ako ang pangalawang pangulo ng unibersidad." salaysay niya

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Talaga? May tita akong vice president  ng school? Wow naman, kampi talaga sakin ang langit simula nang mabuhay akong muli sa panahong ito. Sana naman ay maayos akong makapagaral dito. Lingid sa kaalaman ko, marahil tama nga ang tiyahin niya. Siguro dahil walang ala-ala si Catalina sa kaniya is because bata pa nung mga panahong yun.

"Naiintindihan ko po tiya--uhmm tiya Cassie" sabi ko

Napahagikgik siya dahil sa narinig niya.

"Cassie? Ang ganda namang palayaw ang binigay mo sakin. Ang akala ko'y maganda na ang Sandra ngunit mas nais ko ang Cassie" sagot niya

'You do note the liar is my fake, Cassie is the fake! Gusto lang kitang pagtripan tita, hahaha!'

Pinipigil ko ang tawa ko dahil sa reaksyon niya. Tuwang tuwa kase siya tas patalon talon pa.

Maya-maya'y kaharap ko na ang isang malaking gusali. Namangha naman ako sa laki nito at talaga namang ang ganda niyang tignan. Ganito ba ang ambience ng 18's?

"Ito ang dormitoryo ng mga babae sa unibersidad. Dito ka pansamantalang titira habang nag-aaral ka pa. Huwag kang mag-alala, ako mismo ang pumili ng iyong kwarto at sisiguraduhin kong magiging masaya ang buhay kolehiyo mo" kinindatan niya ako at saka kami pumasok sa loob ng dormitoryo

Medyo marami kaming dinaanan, halos dalawang beses kaming umakyat at shemay nakakapagod. Lumingon ako at nakita ko namang parang wala lang sa kanila ang lbigat ng mga dinadala nila at take note, ako napagod sila hindi. Sana all, sabayan niyo nga akong mag-sana all! Game, one, two, three, Sana all!

Tumakbo si tiya sa isang pintuan at dali dali niya itong binuksan. Pagkabukas niya ay tumambad sa akin ang isang malaking kwarto na may malaking kama, may book shelves, piano, study corner at palikuran. So much like my own bedroom in the mansion! Mas pinaliit version ngalang pero it's the best to have.

Sa sobrang saya ko ay bigla ko namang niyakap si tiya at niyakap niya rin akong pabalik. Inalis ko ang aking pagyakap at tinignan siya

"Tiya Cassie, sobrang saya ko po sa inihandog niyo sa akin ngayon. Nawa ay masuklian ko po ang inyong pagmamalasakit sa pagdating ng panahon." sabi ko

Tinapik niya ang ulo at ngumiti.

"Huwag kang mag-alala Catalina, narito lang ako kapag kailangan mo ako. Hanapin mo ako sa ikalawang palapag ng gitnang gusali, naroon ang aking silid sa ikaapat na bilang. " sabi niya

Tumungo ako sa kaniya at kumaway. Ipinalagay ko ang aking mga bagahe sa gilid ng pintuan. Bibigyan ko na sana sila ng maiinom baka uhaw narin ang mga gwardyang ito pero tumanggi sila at sinabing babalik na raw sila sa mansyon. Ngumiti nalang ako at masayang kumaway sa kanila.

Isasarado ko na sana ang pintuan nang may isang lalaking medyo may kantandaan ang humarap sa akin. May bigote siya at mukhang isang kagalang galang na propesor.

"Catalina Lopez?" tanong niya

Lumunok muna ako ng laway bago ko siya sinagot.

"O-Opo" tugon ko

"Sumama ka sakin" malamig na wika niya at saka lumakad na papalayo

"Pero---" hindi na ako natapos sa pagsasalita nang bigla namang may dalawang gwardya ang tumayo sa harap ng kwarto ko.

"Kami na ang bahala sa iyong kwarto, binibini. Sumunod ka na kay Propesor Joaqin" sabi ng isang gwardya

Hindi na ako sumagot pa at hinabol ko na agad yung matandang lalaki. Baka mamaya maligaw pa ako at unang araw ko dito ay masira!

Naabutan ko siya sa labas ng dormitoryo na naghihintay. Nang makita niya ako ay agad siyang nagpatuloy sa paglalakad. Tumakbo ako at sinundan ko siya.

"Veo(I see), hindi pala naturuan ng tamang pag-uugali si binibining Catalina. Ang mga kababaihan ay hindi dapat tumatakbo ng ganun kalaswa." direktang wika nito

'OUCH! Bat ganito magsalita ang matandang ito huh? Sino ka baaaaaa?!'

Hindi nalang ako sumagot at sinundan nalang siya. Nakarating kami sa isang malaking silid na may mga upuan at mesa. Marami naring mga estudyante ang naroon. Tinuro ng prof namin yung bakanteng upuan doon at sinabi niya na magmadali daw ako kase ako nalang daw ang hinihintay. Gosh nakakahiya!

"Buenos dias estudiante, ihanda niyo na ang inyong mga sarili dahil ngayon ay magkakaroon tayo ng pagsusulit." saad ni Prof Joaqin

Sa sobrang bigla ko ay nalaksan ko ang aking boses.

"Qué(Ano), pagsusulit?" sigaw ko

Agad namang napalingon sa akin ang mga kaklase ko at tinignan ako ng matalim ng aking propesor.

'Eh kasalanan ko bang nabigla ako kase kakapasok ko palang may test na agad? Bakit ganun? Unfair kayoooo!'

"Binibining Catalina, maari mo bang itahi ang iyong  bibig sa iyong kasatsatan? Ang mga kababaihan ay walang karapatan para maglakas ng kanilang boses!" galit na usal ni Prof

Narinig ko naman ang mga pigil na tawa ng mga kaklase ko.

'Haysss. Ang malas ko talaga! Kawawa naman ang reputasyon ko! Nasanay akong pwedeng gawin ang mga gusto ko pero ngayon, hindi ko alam kung paano na ang gagawin ko!'

Maya-maya ay binigyan na kami ng sagutang papel at test questionare. Walang pinagkaiba sa
modern world. Sinagutan ko ang sa tingin ko ay tama. Kahit na hindi ko naabutang ito'y itinuro sakin, may kaalaman ako at sa mga binabasa ni Catalina na mga libro noon. Alam kong papasa ako!

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
51K 879 14
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
445K 19.7K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...
558K 27.7K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...