Reincarnated in 1880

By mabinibini_78

37.4K 1.9K 228

A girl named Viatiere Alonzo in junior highschool died by a car accident. Suddenly there were a flash of ligh... More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
HALLOWEEN SPECIAL
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV

KABANATA XVII

1K 66 0
By mabinibini_78

"Hahahahaha" malakas kong pagtawa

'Shemay, hahahaha, baliw na kung baliw pero hindi ko makalimutan ang nangyari kanina'

Bigla ko namang naimagine ang itsura ni Ruiz nang malaman niyang ang hinahanap niya ay nasa harap niya lang. Parang tanga lang talaga hahahaha.

Agad akong nagtaklob ng kumot sa mukha ko. Buti nalang talaga ay wala ang mga katulong ko dito kundi ay mapapagkamalan akong siraulo.

Hay... Kakapagod. Kanina pa ba naman ako naglalakad buti nalang ay nakauwi na ako agad sa mansyon. Pagod na ako, gusto ko nang matulog...

Unti-unti na kong isinara ang aking mga mata at nagsimulang sa mapayapang pagtulog.

sfx: a blag of the door

"Nasaan ang binibini?" naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko

Kaagad akong napabangon sa kinahihigaan ko at tinignan kung sino ang bwisit na kumalampag sa pintuan ko.

"Anong nangyayare?" tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata

Tumabi sa akin si Rosa at mukhang takot na takot.

"Binibini, mukhang galit na galit po sa inyo si Madam Anastasia" sabi nito

'Argh! Kainis, kung kailan nagpapahinga ang tao eh saka mangiistorbo? Anong problema niya.'

"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko? Nasaan ang bini----"

"Bakit nagpapasok kayo ng manok sa kwarto ko!" inis kong sigaw

Napatigil si Anastasia at tumingin ng masama sa akin.

'Ano nanaman ba ang problema nito? Jusko po, lahat na may problema'

"Anong manok, sinong manok Catalina?" inis niyang wika

"Nagtatanong ka pa eh sino ba ang putak ng putak dito sa kwarto ko?" sagot ko

"Bastarda! (Suwail!) Ang lakas ata ng loob mo para sagot-sagutin mo ako? Sino ka sa inaakala mo?" nangngingitngit sa galit niyang sigaw

"Hindi mo pa ba naiintindihan?" matawa tawa kong saad

Kumunot ang noo niya at napa-cross arms.

"Ano naman ang iyong ibig sabihin?"

Ngumisi ako sa kaniya at inilabas ang abaniko ko.

"Ako si Catalina Victoria Lopez, ang tunay na anak ng Lopez sa mansyong ito. Kung nais mong makipagtalastasan sa kapangyarihan, aba, hindi tayo talo. Kahit na kabit ka pa, ako parin ang magmamana ng mga kayamanan ng Lopez. Tinatanong mo ako kung sino ako sa inaakala ko? Ako lang naman ang magpapabagsak sa'yo. Tandaan mo ang araw na ito, pagsisisihan mo at ng anak mo ang ginawa niyo sa aking pagpapahirap noon." wika ko

Itinaas ko ang mga kamay ko at tinuro si Anastasia.

"Mga gwardya, dalhin niyo ang babaeng ito sa labas ng kwarto ko. Huwag din kayong magpapapasok ng kahit sino sa kwarto ko nang wala kong pahintulot, maliwanag?" buong tapang kong wika

Agad na hinila ang magkabilang braso ni Anastasia ng mga gwardya papalabas ng kwarto ko.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sakin, Catalina!" sigaw niya habang nagpupumiglas

"Ahh magkano?" pangaasar ko

"Grrr...  Bitawan niyo ako!" galit niyang saad

"Anastasia Velo, ngayong magaling na ako baka hindi na kailangan ng ama ng panibagong tagapagmana. Haha, bilangin mo na ang mga masasayang araw mo dahil sa oras na magtagumpay ako, paalam~~" sabi ko with matching kaway kaway pa ng kamay na parang magpapaalam.

Sinarado ko na ang pinto at dumiretso sa kama. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama at pumikit. Pinipilit kong matulog ngunit hindi ko magawa.

'Argh, kainis! Sarap na ng tulog ko kanina eh, epal talaga.'

Agad akong bumangon sa pagkakahiga at nagsimulang magmuni muni sa paligid.  Napakalaki ng kwarto ni Catalina, halos katumbas nito ay isang bahay. Pero kumpleto na talaga siya, marami ka nang magagawa. Nakita ko ang mga naglalakihang book shelves doon at namangha ako dahil napakadaming libro. Ayon sa ala-ala ko.....

'OMG, Nabasa ko na'to lahat!! Grabe ka Catalina. Kinaya mo ang book shelves na ito na may laman na halos 4,000? Sana all!'

Agad akong namili ng mga libro sa language section at pumili ako ng Lima. Dictionary siya ng salitang Espanyol at mga tagalog words. Dali-dali akong umupo sa study corner at inilapag ang mga libro.

'Ayokong magmukhang mangmang sa harap nila kaya naman kailangan kong matuto pang magsalita ng normal na malalalim na tagalog at wikang Espanyol. Mamaya eh mapa-Nani nalang ako dahil di ko alam ang mga sinasabi nila. How pitiful..'

Ibinuklat ko na ang aking nakuhang libro tungkol sa malalim na tagalog at nagsimulang basahin ito..

'Teka.. Bakit parang alam ko na to lahat?'

Biglang pumasok sa isip ko ang bawat salitang nasa libro na nabasa na naisaulo na ni Catalina noon.

'Waaahhhhh, ang astig! So yung mga alam ni Catalina eh pwede ko ring malaman kahit hindi ako nag-aaral? Cool! Kahit pala ngayon ko lang nakita or nabasa, basta alam na ni Catalina, malalaman ko na rin! Ang galing talaga, feeling ko sa talino ni Catalina noon at sa kaalaman ko sa future kapag nagtagpo ay hihirangin ang isang genius!'

Imagination:
"Binibining Catalina ng pamilyang Lopez, isa siyang dakilang henyo!"

'Hehehe~ I can't wait na maranasan ko yan kapag nag-aaral na ako.'

Agad ko namang kinuha ang ilan pang mga libro at binuklat ko ito. Kagaya ng unang libro, lahat ng mga kaalaman na nasa libro na alam na ni Catalina ay pumasok na sa isip ko.

'Hehe, just you wait people of the Earth, ako si Catalina ay magtatanyag ng sarili niyang pangalan, ang pinakamatalinong nilalang sa kasaysayan! Huwahahaha! -evil laugh yan'

Nagpatuloy ako sa kakukuha ng libro at pabuklat buklat lang ako. Well, dahil sinuswerte nga naman, book worm si Catalina kaya naman marami siyang alam na hindi ko alam. Makalipas ang ilang oras ay nararamdaman ko nang pagod na pagod na ako.

Hay... Nilubos ko na kase at mga nasa isang libo na ata ang nabuklat kong libro. Kailangan ko kasing malaman at maging advance sa mga pinagaaralan sa kolehiyo lalo na't misyon kong hangaan ako ni ama at palayasin na sa wakas ang mga kontrabida sa buhay ko.

'Hay... Pagod na pagod na ako gusto ko nang matulog..'

Naghihilik na ako nang meron nanamang namburaot sa pagtulog ko. Inis kong binuksan ang aking mga mata dahil sa pagkakaalimpungatan.

"Binibini, tinatawagan ka po ng iyong ama." sabi nung gwardya sa labas

"Oo, pupunta na agad ako" inis kong sagot

'Hays, siguro sinumbong ako ng aking magaling na madrasta. Anyways, kailangan kong maging presentable sa harap ng aking ama para matuwa siya sakin.'

  Pinapasok ko ang aking mga katulong at inayusan nila ang buhok ko. Pagkatapos, sinundan nila ako sa pagbaba at maging patungo sa opisina ni ama.

Laking gulat ko nang may mga kasama si ama na feeling mo eh mga maharlika ring kagaya namin. Nginitian ko sila at agad naman akong nagbow sa kanila.

"Aking mahal na anak, sila ang aking mga matalik na kaibigan sina Guillermo at Francisco. Sila ang mga tanyag na mga negosyante sa Maynila." masayang usal ni ama

Agad na lumapit sa akin ang isang medyo may kaedarang lalaki. Desente ang kaniyang pananamit at makikita mo sa kaniyang itsura ang pagkamaharlika.

"Buenas tardes señora, soy el señor Guillermo. Me alegro de conocerte. (Magandang hapon, binibini, ako si ginoong Guillermo. Nagagalak akong makilala ka)" nakangiti niyang wika at iniabot ang kaniyang kamay

'Waahhh! Nag-eespanyol siya ngunit naiintindihan ko siya! I can't believe this! Kahit kanina ko lang nalaman ay parang bihasa na ako.'

Iniabot ko ang aking kamay at hinalikan niya ito. Ngumiti ako at ganun din siya. Sumunod na humakbang si ginoong Francisco. Nakikita ko sa kaniya ang konting pagkasingkit, siguro ay may lahi siyang instik.

"Ako si ginoong Francisco, nagagalak akong makilala ka, binibining Catalina" sambit niya at yumuko

Yumuko din ako at tinaas ang aking tindig. Kailangan kong gawin ang right conduct and good manners dahil ayokong ipahiya si ama dahil kaharap ko ang mga maharlika.

"Nakakagiliw ang iyong anak na si Catalina. Nagulat ako dahil malaki ang ipinagbago niya simula nang siyay aking nakita. Siguro ay limang taong gulang pa lamang siya noon" usal ni ginoong Guillermo habang hinahawakan ang kaniyang balbas

"Si! (Tama!), nadala rin niya ang kagandahan ng kaniyang inang si Victorina" pag-sangayon ni ginoong Francisco

Agad na napatawa si ama dahil sa magandang komento sa akin ng kaniyang mga kaibigan.

"Hahaha, kayo talaga. Sa araw na bukas ay ipapasok ko na siya sa Unibersidad ng Santo Tomas" masayang wika ni ama

Nagtinginan naman ang dalawa at nagulat sa sinabi ni ama. Maging ako ay nagulat din

'A-Ano bukas? Wala man lang pasabi ni hindi ko nga alam kung anong kurso ang kukunin ko eh. Abogasya kaya?'

"Amigo, hindi mo kailangang madaliin si Catalina at kakagaling lamang niya sa kaniyang sakit" nagaalalang sambit ni ginoong Francisco

"At saka, pwede naman sa isang taon pa" sagot ni ginoong Guillermo

Napailing ang ama at tumingin sa akin.

"Masyado nang matagal ang paghihintay ni Catalina. Halos limang libong libro na ang kaniyang nabasa. Sa tingin ko, handa na siya upang mag-aral sa isang Unibersidad" tugon ni ama

'Waahhh is this real? Nagmamalasakit na siya kay Catalina ngayon? Gusto ko tuloy siyang yakapin.'

Nagulat naman sila sa narinig nilang limang libong libro. Actually mga nasa 4,000 lang naman, si ama talaga oh.

"Kung hindi kayo naniniwala, alam niyo bang napakagaling tumugtog ng musika iyang si Victoria?" wika niya

Tumingin sakin si ama at binigyan niya ako ng diba-look. Tumungo ako dahil wala naman akong magagawa

Natuwa naman sila sa kanilang narinig

"Nakakamangha! Maaari ko bang marinig?" pumalakpak na usal ni ginoong Guillermo

"Nais ko ring mapakinggan" dagdag ni ginoong Francisco

Tununguan ako ni ama at nanginginig akong lumapit sa may pianong nakalagay noon. Wahhh, wag kang kabahan Viatiere, alam ni Catalina kung paano magpiano kaya naman wala kang dapat ipagalala.

Umupo ako sa harap ng piano at nakita ko silang nakangiting nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim at bigla namang pumasok sa isip ko kung paano magpiano. Nagsimula na akong pindutin ang mga tipak nito.

Sfx: Ikaw at ako instrumental by Moira

Dahil naenjoy kong patugtugin ang piano ay napasabay ako dito. Kumakanta ako noon nung nabubuhay pa ako sa dati kong katawan, siguro naman ay maganda rin ang boses ni Catalina.

"Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling🎶"

Napansin kong natigilan sila at imbis na mamangha ay napanganga sila dahil sa magandang musikang nagawa ko.

"At kung dumating ang aking panalangin ay hindi... na maikubli🎶"

'Sorry Moira, sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya, wala lang talaga akong maisip na pwedeng patugtugin.'

"Ang pag-asang nahanap ko sa'yong mga mata at ang pagod kong sakali mang ika'y mawawala🎶"

Napansin kong dumami ang mga taong nakasilip at nakatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa pagkanta.

"At ngayon... nandyan ka na, di mapaliwanag ang nadarama🎶"

Hindi ko alam kung bakit natamaan ako sa aking pagkanta. Bakit ba kase ito pa yung napili kong kanta? Bigla ko tuloy naalala siya.

"Handa ako... sa walang hanggan, di paaasahin, di ka sasaktan🎶"

"Mula noon, hanggang ngayon... ikaw at ako🎶"

At tinapos ko na ang pagtugtog sa huling tipak ng piano. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag-bow sa kanila

Narinig ko ang malakas na palakpakan. Huh? Diba tatlo lang ang audience ko? Lumingon ako at nakita ko ang mga katulong at ibang mga bisita na pumapalakpak sa akin. Kinilig naman ako ng konti dahil ngayon ko lang naranasan na naapreciate ang talent ko. Napahawak ako sa aking puso.

'Salamat... Catalina..'

Maya-maya'y may biglang pumasok na dalaga na kasing edad ko lang at sinalubong si ginoong Guillermo.

"Ama, sino ang babaeng iyan! Ama, ipakilala mo ako sa kaniya ngayon din!" pagpupumilit niya

Medyo malakas ang bosesniya kaya naman naattract niya ang mga tao. Pilit na hinahatak niya rin ang kamay ni ginoong Guillermo at namumula na ito sa kahihiyan sa kawalang asal ng kaniyang anak.

"Oo anak, maghunos-dili ka" sagot nito

Lumapit sila sakin. Napatingin ako sa dalaga at ngiting ngiti ito.

'Nawe-weirdohan na ako kaniya'

"Señora, ito ang aking anak na si Fiona. Nais ka daw niyang makilala" nahihiyang usal ni ginoong Guillermo

'Ah! Naaalala ko na, siya si Fionabella Gristenia y Hernandez. Ang kaniyang kaarawan ang una kong dinaluhan nung bata pa ako siguro limang taon at doon ako nakilala ni ginoong Guillermo. Marahil hindi na ako naaalala ni Fiona.'

"Ahh.. Ako nga pala si Fionabella Gristenia y Hernandez. Tawagin mo akong Fiona. Napahanga mo ako sa iyong pagkanta at pagtugtog ng piano. Sana ay maging magkaibigan tayo." nakangiti ngunit nahihiya niyang sabi

"Ako si Catalina Victoria Lopez. Tawagin mo rin akong Catalina. Maraming salamat sa iyong paghanga. Nais rin kitang maging kaibigan." tugon ko

Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Waahhh, Catalinaaaa" sambit niya habang yakap-yakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Anak, ang asal mo" rinig na bulong ni ginoong Guillermo

'Masarap isipin na sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng kaibigang babae dito.'

Umalis na siya sa pagkakayakap at tinignan ng nakakatakot si ginoong Guillermo. Agad na napa-lunok laway naman ito.

"May problema ba ama?" sabi ni Fiona at ngumiti ng nakakatakot

"W-Wala naman anak" takot na sabi ni ginoong Guillermo

Tumingin sa akin si Fiona at ngumiti.

"Turuan mo naman ako minsang magpiano, Catalina" sabi niya

Grabe nakakatakot siya.

"Pagpasensyahan ninyo ang aking anak. Hindi ko siya naturuan ng magandang asal" nakayukong sabi ni ginoong Guillermo

Napatawa naman ang lahat ng nandoon.

"Bueno, tutal ay maggagabi na, bakit hindi kayo muna dito kumain? Alam niyo bang may ipinagmamalaki rin kaming pagkain?" wika ni ama

"Hindi na ako makapaghintay na kumain niyan, amigo" sagot ni ginoong Francisco

'Hays...  sa tingin ko ay hindi na talaga ako makakatulong nito ng payapa at walang sagabal. Good luck self, babye tulog hindi muna kita madadalaw ngayon.'

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
633K 35.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
513K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...
39.9K 2.7K 140
"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sin...