The Falling Game (EndMira: Ic...

By alyloony

35.5M 725K 170K

Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang... More

Prologue
Chapter 1 *Timi*
Chapter 2 *Transfer Students*
Chapter 3 *Mr. Ice*
Chapter 4 *voice *
Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (06/14/14)
Chapter 15 (7/7/14)
Chapter 16 (08/18/14)
Chapter 17 (08/27/14)
Chapter 18 (09/07/14)
Chapter 19 (09/16/14)
Chapter 20 (09/29/14)
Chapter 21 (10/03/14)
Chapter 22 (10/15/14)
Chapter 23
Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 25 (11/3/14)
Chapter 27 (11/6/14)
Chapter 28 (11/16/14)
Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 30 (11/24/14)
Chapter 31
Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 33 (12/5/14)
Chapter 34 (12/7/14)
Chapter 35 (12.7.14)
Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 37 (12/19/14)
Chapter 38 [Last Chapter]

Chapter 26 (11/05/14)

673K 14.5K 4.8K
By alyloony

Chapter 26

 

 

[Rika’s POV]

 

Hindi ako nagsasalita habang hila-hila ako ni Geo. Hindi rin naman siya lumilingon sa akin at tuloy lang siya sa pag hatak. Hanggang sa makarating kami sa park sa ‘di kalayuan sa school namin, doon lang huminto si Geo.

            Binitiwan niya ang pagkakahawak niya sa wrist ko at nilingon ako.

            “Gusto mo ba nang makakain?” naka-ngiting tanong niya sa akin.

            “H-ha?”

            Bigla siyang napakamot sa ulo, “sorry. I should’ve brought you in a restaurant or diner, pero nag crave kasi ako bigla sa isaw at Betamax eh. Malinis naman ang pagkain sa banchetto.”

            Tinuro ni Geo ang isang parte sa park kung saan maraming tent ang nakatayo at samu’t-saring mga inihaw at street foods ang paninda.

            “Uhmm Geo… uhmm.. s-salamat…”

            “Para saan?” pagputol niya sa sasabihin ko at nginitian niya ako. “Tara, kain tayo?”

            I smiled back then I nod at him. Sabay kaming pumunta sa banchetto.

            Usually, 6pm ang dagsa ng tao sa banchetto at dahil it’s still five in the afternoon, wala pang masyadong tao rito. Madali akong nakahanap ng pwesto habang si Geo naman ay nag prisinta nang bumili ng pagkain.

            Napa buntong-hininga ako.

            Sobrang laking pasasalamat ko at dumating si Geo kanina kung hindi baka nag mukha na akong tanga doon.

            Oo, alam ko namang gusto ni Kite si Timi eh. Pero sobrang sakit pa rin pala na makita. Yung tipong akala mo tanggap mo na ganun naman talaga ang sitwasyon pero pag nakita mo na, nag rerebelde pa rin ang puso mo.

            Bakit ba kasi nahulog ako kay Kite?

            “O, nakasimangot ka na naman. Ito isaw masarap ‘to.”

            Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Geo na masayang naka-ngiti sa akin habang inilalapag niya sa harap ko ang mga binili niya.

            “Ay wait, kumakain ka ba ng mga street foods?”

            Tumango ako, “oo naman.”

            Kumuha ako ng isang stick ng isaw at sinimulan ito kainin.

            “That’s nice. Ito o, bumili rin ako ng inihaw na mais.”

            Nginitian ko si Geo, “uhmm salamat talaga ha?”

            “Ha? Ah wala lang ‘to! Mura lang naman ang mga ‘to. Kain ka lang.”

            “H-hindi… ‘yung kanina… halatang-hala na siguro ako ‘no?”

            “Hmm? Na ano?”

            Iniwas ko ang tingin ko kay Geo dahil para akong biglang tinamaan ng hiya.

            “Yung nararamdaman ko kay Kite. Halatang-halata na. K-kasi kahit ikaw, alam ko nahalata mo na rin eh…”

            Hindi sumagot si Geo kaya naman napatingin ako sa kanya. Naka-focus lang ang tingin niya sa inihaw na mais na kinakain niya.

            “Halata nga ba?” inangat ni Geo ang tingin niya sa akin at ngumiti siya. “Hmm, siguro observant lang talaga ako, Rika.”

            Binigyan ko rin siya ng isang tipid na ngiti, “pero, salamat pa rin ha?”

            “Wala lang ‘yun. Nagkataon lang na napadaan ako at nakita ko ‘yun. But, uhmm, Rika, I know we’re still not that close and I am not in the position to give you an advice but, kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, malalagpasan mo rin ‘yan.”

            “S-sana nga… k-kasi ang sakit pala ‘no? A-ang hirap mag move-on.”

            Huminga ako ng malalim at mapaiwas ng tingin kay Geo kasi ramdam ko na naman ang pangingilid ng luha ko.

            Nakakainis at nakakahiya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko na ma-control ang emosyon ko at nahihiya ako dahil sa dinami-rami pa ng tao, si Geo pa ang napili kong dramahan.

            Naramdaman kinuha ni Geo ang kamay ko at nag-patong siya rito ng panyo.

            “T-thanks. Sorry talaga, ang drama ko..” sabi ko habang pinupunasan ko ang luha sa mata ko gamit ang panyo niya.

            “Rika, never namang naging madali ang pag mo-move-on eh. Tsaka ‘yung pagiging one-sided love? Ayan na ata ang pinaka-cliché na problema pag dating sa pag-ibig. Oo masakit. Pero wag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan. Marami tayo.”

            Napatawa ako sa sinabi ni Geo, “kung sabagay. Tama ka nga naman.”

            “O ‘di ba? Kahit ang corny ng sinabi ko, at least ngumiti ka na. Tsaka naku, brace yourself, may ma-me-meet ka pang sasaktan ka rin, pero wag kang mag-alala, pag dumating na ang para sa’yo, you’ll realized that all of the pain you have encountered is worth it.”

            Nginitian ko si Geo dahil parang biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

            “Sana nga dumating na siya.”

            He chuckled, “malay mo kumukuha lang ng lakas ng loob para magpakilala sa’yo.”

            “Wag na siyang mahiya. I badly need him now.”

            Tinapik niya ang braso ko, “sa tamang panahon, Rika..”

[Timi’s POV]

 

            “Uh, si Rika ba at si Geo…?” takang-taka na tanong sa akin ni Kite habang nakatingin siya sa pinto ng ice cream parlor kung saan lumabas ‘yung dalawa.

            “Aba malay ko. Wala akong alam diyan. Nagtataka rin ako tulad mo!”

            Tinignan ako ni Kite, “’di ba close ka doon sa dalawa? Ba’t hindi mo alam? Ah! Hindi ka nila pinagkakatiwalaan ‘no?” pangaasar niya sa akin.

            “Heh! Ewan ko sa’yo! Tsaka teka nga nawiwili ka sa pag-akbay sa’kin!” inalis ko ang braso niya sa balikat ko. “Mag uusap tayo!”

            “Relax Timi. Oo maguusap tayo. Pero pwede bang ma-upo muna tayo at umorder?”

            “Okay fine!”

            Naglakad ako doon sa pinaka-dulong lamesa.

            “Wow, dulong-dulo ah? Ikaw talaga, may plano ka sa akin ‘no?” naka-ngising tanong ni Kite.

            “Ang dumi mo mag-isip! Mag uusap nga lang tayo!”

            “Ikaw naman. Ang highblood mo ngayon. Hindi ka mabiro!”

            “Ikaw naman puro ka kalokohan!”

            “Oo na, titino na. But first of all, um-order muna tayo.”

            Tinawag ni Kite ‘yung waitress at umorder siya. Hinayaan ko na lang din na siya ang mamili ng ice cream na para sa akin. After a while, dumating din ang orer namin.

            “Ayan mag ice cream ka para mawala ang init ng ulo mo,” masaya niyang sabi habang enjoy na enjoy naman siya sa pagkait ng ice cream niya. “Anyway, ano baa ng paguusapan natin?”

            “Do you like Rika?” diretsahan at walang patumpik-tumpik kong tanong sa kanya. Kasi like seriously, ayoko nang mag-aksaya pa ng panahon sa taong ‘to lalo na’t nasasaktan ang kaibigan ko dahil sa kanya.

            Natigilan si Kite sa pagkain niya at napatingin siya sa akin.

            “Curious ka na naman ba sa bagay na ‘yan?” naka-ngisi niyang sagot.

            “Kite, I’m serious. Do you like Rika? Kasi kung hindi, please stop being so nice to her.”

            Biglang sumeryoso ang mukha ni Kite.

            “Alam kong ramdam mo na may gusto na sa’yo si Rika,” pagpapatuloy ko sa sinasabi ko sa kanya. “Please wag ka nang magpakita pa nang motibo sa kanya kasi nasasaktan lang siya.”

            Napa buntong-hininga si Kite at tinignan niya ako.

            “Timi, hindi ako nagpapakita ng motibo sa kanya. I told you, ganun ako makitungo sa lahat.”

            “Okay fine. Given na that you’re extra nice to everyone, pero Kite, ang mga babae, pag binuhusan mo ng atensyon ‘yan at naging sobra kang caring sa kanila, mahuhulog at mahuhulog sila sa’yo. And worst, mag e-expect sila na ganun ka rin sa kanila base sa mga pinapakita mo. Not knowing na sa lahat pala ng tao eh ganun ka.”

            Iniwas niya ang tingin niya sa akin, “kaya nga ipinapakita ko sa kanya na gusto kita eh para hindi na siya mag-expect ng kahit ano.”

            Biglang nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko, gusto kong ingudngod ang mukha niya sa ice cream na kinakain niya.

            “You’re a jerk! Ngayon, ginagamit mo ako para hindi mag expect ang kaibigan mo? Then what? Ibang babae na naman ang bibiktimahin mo?”

            “I am not using you, Timi.”

            “Then ano ang tawag mo rito ha?!”

            Tinignan ako ni Kite ng seryoso, “may mga babae rin palang manhid tulad mo ‘no?”

            “W-what?!”

            “I like you. Hindi pa ba obvious sa pinapakita ko? Kasi para sa akin, ibang-iba ang pakikitungo ko sa’yo kumpara sa ibang mga babae.”

            “S-stop lying! Anong iba? Eh playboy ka?”

            “No I’m not. Hindi pagiging playboy ‘tong ginagawa ko Timi. I am just merely showing you my feelings.”

            Natigilan ako bigla dahil sa mga sinasabi ni Kite. Ibinuka ko ang bibig ko para mag salita but I can’t seem to find my voice.

            He likes me?

            Paanong nangyari ‘yun? Impossible. W-we’re just flirting…

            Oh no. Hindi kaya nahulog siya sa akin nang tuluyan dahil minsan kong sinakyan ang pakikipag-flirt niya sa akin?

            Then, bakit ko pa siya pinapangaralan nang ganito kung much worst naman pala ako?

            “I—I need to go home. I’m sorry.”

            Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at agad akong naglakad palayo. Kaya lang nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla niyang hatakin ang kamay ko.

            “Kite please, k-kailangan ko munang mapag-isa. Ayaw ma-absorb ng utak ko ang mga nangyayari.”

            “I’m sorry Timi kung binigla kita. But I really like you. And I swear, I will do everything para magustuhan mo rin ako.”

            Binitiwan niya ako at dali-dali akong lumabas ng ice cream parlor.

            What have I done?

To be continued…

****

Author's Note:

Bakit in demand ang POV ni Ice at ni Kite? Wahahahahaha. Pero next time na lang. Hindi pa ito ang tamang oras. (charot XD)

#TeamIceTi

#TeamKiTi

#TeamRiTe (lol)

#TeamRiEo (hirap bigkasin XD)

#TeamIceKite (whaaaaat? :D)

#TheFallingGame

Continue Reading

You'll Also Like

217K 14.1K 70
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.
28.2K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
3.1M 296K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...