Sanctuary Heart

By kismet0315

147K 4.4K 842

JD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'ki... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
TEASER
Chapter 11
Chapter 11.5
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13. 5
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 17.5
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21 "THE ONE"

Chapter 20 "The One"

4K 117 43
By kismet0315

Maganda ang gising ng dalawa. Lalo pa't inaalala nila ang mga nangyari ng nakaraang gabi. Hindi man sila mag usap ng mag usap. Ngunit ang mga ngiting nakapinta sa kanilang mga labi ay iyon ang ibinibigkas.

"Ang sarap palang matulog dito love" sambit ni Deanna sa inaantok pa na si Jema.

"Kaya nga sabi ko sayo, matulog pa tayo" Bigkas nito habang nakapikit na. Dahil nais pa nitong matulog uli.

"Gusto ko rin naman matulog pa uli. Sino ba naman hindi, inaantok pa kaya ako. Tsaka parang ayaw ko muna bumangon. Ang sarap kaya humilata kasama ka" nangingiti si Deanna habang sinasambit ito.

"kaya nga matulog tayo uli please. Wala naman tayong gagawin ngayon." pakiusap ni Jema sa babae. Naka pout pa ito halatang nag papaawa sa kasama. Tumalab ang pag lalambing ni Jema ngunit hindi pa rin sapat upang pagbigyan ito ng babae.

Niyakap ng mahigpit ni Deanna si Jema. "Kung p'wede lang talaga love mag hapon tayo matulog." inayos nito ang pag higa ni Jema at ipinaunan nito ang ulo ng babae sa kanyang braso.

"Bangon na tayo, mamaya lang nandito na yon sila Kyla para sunduin ka" pag papaalala ni Deanna kay Jema.

"kasi naman! Bakit ngayon pa sila nag yaya! Inis na turan ni Jema.

" love hayaan mo na. Nami miss ka ng mga yon, pag bigyan mo na sila" hinahalik halikan nito ang buhok ng nag mamaktol na si Jema.

"eh, kasi naman! Araw natin to eh! Nayayamot nitong sambit. Natatawa na lang si Deanna sa inaasta nito.

" hayaan mo na love, araw araw naman na akong nasayo." isang matamis na ngiti ang iginawad ni Deanna sa nag mamaktol na dalaga.

" okay, sige pero 5 minutes pa" sabay yakap nito kay Deanna at pumikit na ito.

Wala ng nagawa ang babae. Maging sya man ay gusto na lamang na ganoon sila buong mag hapon. Ngunit may mas magandang plano si tadhana na mangyayari para sakanila sa araw na iyon. Ang pag lakad sa dalawang daan. Ang isang daan patungo sa dulo ng katapusan at ang isa ay patungo sa daang walang hanggan.

Dumating ang sandali. Kinailangan muna nilang mag hiwalay. May mga kanya kanya silang lakad. Si Jema kasama nila Kyla. Habang si Deanna patungo sa lugar kung saan na naman nya isusugal ang lahat. Kung saan ipupusta na naman nya ang lahat ng kung anong meron sya. Sangalan ng kanyang pinapangarap.

"San ba tayo pupunta?" reklamo ni Jema sa mga kasama.

"Mag papaganda" tipid na sagot ni Kyla. Kasama nila si Mafe pao Dani at Ponggya.

"Maganda na ko, di ko na kailangan magpaganda" Napairap si Mafe sa sinabi ni Jema habang ang iba ay kunway nasusuka at natatawa.

"Bahala ka wag kang magpa ganda, napapansin ko si ate Deanna parang may pinag kakaabalahang iba. Baka.......?" pabitin ng bunsong kapatid. Nag titinginan ang iba nilang kasama.

"Ano baka may babae? Subukan nya lang" maktol ni Jema na halatang kumakagat na sa pang aasar ng kapatid

"Kaya nga kailangan mo mag paganda. Naku ate! Wag kang pakampante no," pananakot pa nito. Kunot na ang noo ni Jema halata na ang pagka irita nito.

"Kita mo yong mukha ni ate Deanna? Sa mukha non kahit ipag siksikan mo dyan sa utak mo na walang aagaw sayo. Nananah........ ( isinasayaw pa nito ang daliri na sinasabi nitong no) dyan ka nag kakamali baka sa sobrang kampanti mo magising ka isang araw wala na sya sayo" may halo pang pananakot sa mukha nito. Hindi naman nag sasalita ang mga kasama parang may kung anong pinipigilan na bumulalas sakanila.

Sa sobrang pananakot ay nadala si Jema sa sinabi ng bunsong kapatid. Agad itong nag yaya sa mga kasama.

"Malaman ko lang talaga na meron syang pinag kakaabalahang babae makita nila" nanggagalaiti na ito sa inis.

"Kaya nga kailangan mong magpaganda, ayon ang purpose namin kaya kami nag yaya" gatong pa ni Pongay.

"Kaya din ako nandito para samahan ka mag hanap ng nababagay sayong style. Alam mo naman magaling ako pag dating dyan" pag mamalaki nito umiikot ikot pa. Halatang puro ang kompiyansa sa sarili.

"Tara na nga ng mabilis tayong makauwi, may itatanong pa ako kay Deanna" nag tawanan ang mga kasama nito ng marinig nila ang sinabi ni Jema.

"Wag kang mag alala ate mahal ka non" natatawa pang sambit ng bunsong kapatid.

"Ewan ko sayo Maria Fe! Matapos mo lagyan ng dumi tong isip ko bigla kang mag gaganyan" irita nyang sambit sa bunsong kapatid.

"kaya nga hanggat di kapa napapalitan ni ate Deanna magpaganda kana. Pangit mo na eh" sabay tawa na naman ng malakas.

Nag punta na nga ang mga ito sa lugar kung san mapapaganda silang lahat.

FAST FORWARD........

Nakatayo ang mga ito kasama ang kanina pa naguguluhan na si Jema sa harap ng bahay nila ni Deanna. Kasama ng pag tataka ay ang maraming tanong na kanina pa paikot ikot at nananatiling tumatakbo sa kanyang isip. Isa sa maraming tanong ay kung bakit ganoon ang kanyang suot at kungbakit ngayon ay nasa harap sila ng bahay nila ni Jema.

"Bakit tayo nandito" di na napigilang tanong nito sa mga kasama.

"Malamang uuwi kana. Sa bahay nyo ka uuwi. San pa iba mong uuwian?" pabalang na asar ng kapatid. Na agarang pinag tawanan ng mga kasama.

"Kanina pa ako naiirita sayo Maria Fe ah!" galit na sita ni Jema sa bunsong kapatid.

"Tama na nga yang bangayan nyong dalawa. Kanina pa kayo" Sita ni Kyla sa dalawa.

"Ano ba kasing pakulo nyo?" iritang sagot ni Jema kay Kyla.

"Mag hintay ka kaya, atat lang te?" pang asar ni Ponggay.

"Isa kapa!" pandidilat ni Jema sa nag salita.

"hay nako Jemalyn mag hintay ka lang kasi, sigurado matutuwa ka" pag aalo naman ni Dani. Si Pao naman busy sa kaka cellphone. Mukhang may hinihintay.

Nagulat sila ng mag salita ito.
"Ready na daw kayo bubukas na" pag kumpirma nito.

Pinag masdan ng mga ito si Jema. Manghang mangha ang mga ito sa nakikitang kagandahan sa babaeng tinititigan nila.

Totoong nakakamangha ang kagandahan na ngayon ay nasisilayan nila sa mga oras na yaon. Oo nga at maganda na si Jema ngunit lalo pa itong gumanda. Mula sa simpleng make up nito na bumagay sa inosenteng mukha ng babae at sa yellow dress na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito.

"Perfect!" sambit ni Dani.

"you're beautiful Jemalyn" ngiting puri ni Kyla.

"Basta kahit ano mang maging desisyon mo nandito lang kami ate ah" pag bibigay ng assurance ni Mafe kay Jema.

"Mahal na mahal ka namin, tandaan mo yan" ngiting sambit ni Pao. Makikita mo sa mga ito ang nag babadyang luha. Kita sa mga mata nito ang luhang gustong kumawala.

"Tama na nga yan. Baka magkaiyakan pa tayo dito. Sayang ang make up. Mahal pa naman ang binayaran ni Jema" kunwaring biro ni Ponggay sa mga ito.

Naguguluhan man sa mga sinasabi at inaasta ng mga kasama ay nagpasalamat si Jema. Sa effort na ginawa sa araw na iyon. Sa kanilang mag kakasama sya lang ata hindi napagod sa ginawa nila. Sakanya kasi naka tuon ang buong araw ng mga ito.

Unti-unting bumubukas ang main gate ng bahay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jema. Parang may kakaibang mangyayari. Kasabay ng malakas at mabilis na pintig ng puso nito ay ang maraming tanong na naman na pilit pumapasok sa kanyang utak.

Ngunit ang kabang nararamdaman nya ay kaba ng tuwa at excitement. Nanduon na sya sa puntong labis na ang hungkag sa mabagal na pag bukas ng gate. Sa pag kaka alam nya mabilis lang naman itong mabuksan. Di kaya'y ito ang sinasabi nilang bumabagal ang bagay bagay na nangyayari sa paligid. Lahat slow motion. Sa galak na nadarama may kung anong bagay ang gustong kumawala sa kanyang sikmura. Hindi nya malaman kung naduduwal ba sya masakit ang sikmura at nahihilo. Para kasing ang gaan ng kanyang pakiramdam. Pakiramdam na parang binubuhat sya ng hangin sa mga panahong yaon.

Nakatingin lang si Jema sa unti unting pag bukas ng gate. Parang gusto nya na itong hatakin para mabuksan agad. Gusto na kasi nyang makita ang nasa loob. Para bang may nag hihintay sakanya sa loob. At ang taong nasa isip lang nya ay si Deanna ang kanyang pinaka mamahal.

Ngunit paano kung wala sya? Paano kung mali ang mga nakikinita nya sa imahinasyon. Bahala na.

"Pasok na ate, Goodluck, I love you naandito lang kami sa likod mo" napalingon si Jema sa nag salitang kapatid. kita nya ang pamumula ng mata nito nag babadya ang pag tulo ng luha. Ngunit hindi dahil sa lungkot ngunit sa sobrang galak. Ganon din ang makikita sa mga mata at mukha ng kasama nya. Muling itinuon ni Jema ang paningin sa unahan. Ang kaninang kaunti pa lang na uwang na gate ngayon ay matagumpay ng nabuksan. Lumingon ulit si Jema sa mga kasama. At sabay sabay itong tuminango senyas na pumasok na sya. Unti unti ng hinihakbang ni Jema ang paa papasok. Nangangatog man ay pilit nya itong inihakbang.

Ng tuluyan na itong makapasok at sa ilang hakbang na ginawa ng babae ay nag simulang mag ilawan ang daan patungo sa unahan. Natuod si Jema sa kinatatayuan. Nagulat at may kasamang pagka mangha sa nasilayan. Iyon pa lang ang nakikita nya ay sobrang galak na ang kanyang nadama. Sobrang effort ng ginawa.

Biglang may lumiwanag bumukas na malaking flat tv screen sa di kalayuan. Iyon na pala ang dulo ng ilaw. Doon pala patungo ang inilawan na daan. Biglang may lumitaw na larawan nila ni Deanna. Kasabay ng musikang nag simulang umalingaw-ngaw sa paligid.

(Habang binabasa nyo tong moment na to pakinggan nyo yong kanta para mas dama nyo😍😉)

The One
Song by: Kodaline

Tell me
Tell me that you want me

Nag simula ng kumanta ang taong nasa unahan. Hindi man nya ito masyadong masilayan dahil sa kadiliman ng paligid na ang makikita lamang ay mga mumunting ilaw. Ganon pa man alam nya na ang taong kumakanta at nag hihintay sa dulo ay walang iba kun'di si Deanna.

And I'll be yours completely
For better or for worse

Sa bawat nyang pag hakbang ay ang unti unting pag linaw ng bulto ng tao na nag hihintay sakanya sa dulo.

I know
We'll have our disagreements
Be fighting for no reason
I wouldn't change it for the world

Kasabay ng unti unting pag hakbang ng kanyang mga pa ay ang pag bilis ng tibok ng kanyang puso. Para ba itong sasabog sa sobrang bilis at lakas. Doble pa sa tibok ng kanyang puso sa tuwing tatakbo sya. Ibang pakiramdam iyon nakakapang hina ng tuhod.

'Cause I know
The first day that I met you
I was never gonna let you
Let you slip away

Sa mga salitang pinupukol sakanya ni Deanna sa pamamagitan ng kanta nito ay lalo nyang gustong mayakap ang babae. Na sa pamamagitan ng yakap ng minamahal na ngayon ay payapang nag hihintay sakanya ay mawawala ang panghihina nyang nadarama.

And I
Still remember feeling nervous
Trying to find the words to
Get you here today

Sa mabagal na pag hakbang ay ang paunti unting pag linaw ng paligid. O baka pakiramdam lang nya iyon dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman. Ang sarap kasi sa tenga. Ang ibinabahaging musika ngayon ni Deanna. Sobra pa sa sobra ang pag uumapaw nyang kasiyahan sa mga oras na iyon.

'Cause you make my heart feel like it's summer
When the rain is pouring down
You make my whole world feel so right when it's wrong
That's why I know you are the one
That's how I know you are the one

Ilang hakbang nalamang ay maaabot nya na ang babaeng kanina pa nagpapahina ng kanyang tuhod. Babaeng Kanina pa nag papalutang sakanya sa ulap ngunit tila ba nagpapalunod sa malamyos nitong boses sa nakakatunaw nitong titig. Lalo pa at napaka lalim ng mga salitang ipinupukol nito sakanya.

Nakalapit na si Jema kay Deanna. Simula ng huling hakbang ng babae ay magka dikit na ang mga mata nitong tila ba naka pulot sa isa't isa. Sa pamamagitan ng kanilang titigan. Patuloy pa rin sa pag kanta si Deanna. Hindi na namalayan ni Jema ang dumadaloy na luha sa kanyang mga mata.

In life
It's easy to get scared oh
But with you I am prepared for
What has yet to come


Ngumiti ng matamis si Deanna. Tila sinasambit nito ang lubos na pag mamahal nito sa babaeng kaharap. Nakikita nya sa mga mata nito na kahit anong mangyari hinding hindi na ito bibitaw.

Cause our two
Hearts will make it easy
Joining up the pieces
Together making life

Ngumiti ulit si Deanna ng ubod tamis na tila ba nakaka tunaw sa pakiramdam ni Jema. Hindi nya maiwasang mamula. Alam nyang nasisilayan iyon ni Deanna ngunit wala syang pakialam. Iyon ang nararamdaman nya sa mga oras na yaon.

'Cause you make my heart feel like it's summer
When the rain is pouring down
You make my whole world feel so right when it's wrong
That's why I know you are the one
That's how I know you are the one

Matang nag susumamo at may halong panunuyo iyon ang nakikita nya sa mga mata ni Deanna. Kasabay ng pag patak ng kanyang mga luha ay sya ding malayang pag dampi ng mga luha sa maamong mukha ni Deanna.

When we are together you make me feel like my mind is free and my dreams are reachable
Woah
You know I never ever believed in love, I believed one day you were gonna come along

Free me

Nakalutang sa hangin iyon ang nararamdaman ng dalawang puso na sa mga oras na iyon ay nagiging isa sa tibok ng mga iti at kapwa parehas na isinisigaw ang pangalan ng minamahal. Parang Deanna at Jema lang noon. Hindi na alintana ang mga tao sa paligid kapag sila ang magkasama.

'Cause you make my heart feel like it's summer
When the rain is pouring down
You make my whole world feel so right when it's wrong

That's why I know you are the one [x4]

Hanggang sahuling bigkas ng tono ni Deanna. Nanatiling nakalapat ang kanilang paningin sa isa't isa. Para bagang ang kanilang pakiramdam ay puno ng alitaptap na masayang nag liliparan paikot ikot sa kanila. Sobrang saya lang. May luha man sa mata dahil iyon sa sobrang galak.

Ibinaba ni Deanna ang gitara at mas lumapit ito kay Jema. Hinapit nya ito at banayad na nag salita.

"Maganda kana sa paningin ko, kahit pa basahan ang isuot mo. You are beautiful in my eyes"

Pag katapos na sabihin iyon ay humalik ito sa noo ni Jema. Pinamulahan naman ito sa sinabi ni Deanna.

Agad na niyakap ni Jema si Deanna. Dahil iyon ang gusto nyang gawin. Iyon ang kanina pa gusto ng kanyang puso. Ang madama ang kanyang minamahal sa mga oras na iyon. Hindi kasi sapat ang mapag masdan lang nya ito.

Kumalas si Deanna sa mahigpit na pag kakayakap ni Jema. Pinakatitigan nya ito ng mabuti. Ikinulong sa kanyang mga palad ang mukha ng lumuluhang babae at dahan dahang pinupunasan ang dumadaloy na luha.

"Tahan na mahal, ayaw ko na nakikita kang umiiyak" sambit nito habang pinupunasan nito ang luha ni Jema.

"Masaya lang ako love, hindi ko akalain na gagawin mo 'to" habang hawak na nito ang kamay ni Deanna na naka lapat sa kanyang mukha.

"This is all for you, sayo lahat ng ito. Nagustuhan mo ba?" tanong ni Deanna dito.

"Oo naman sobrang nagustuhan ko" masayang sagot nito sa kaharap. Dahil totoo namang sobrang galak ang nararamdaman nya sa mga oras na yaon. Sinong taong hindi diba. Lalo na at mahal mo ang may gawa.

"Love"

huminga ng malalom si Deanna.

Napapitlag si Jema. Kaba at excitement ang nadama nya sa tawag na iyon ng babae. Tila may kung anong nais nitong sabihin sakanya. Dali dali syang sumagot para malaman nya ito.

"Y-Yes?" nauutal pa nyang tugon dito.

"Alam mo ba?" huminga muna ng malalim si Deanna bago nag salita. Nanatili lang na nakatingin si Jema dito. Nag hihintay ng sasabihin pa nito.

"Hindi pa" sagot ni Jema. Ito kasi ang laging sagot nito sa babae kapag nag tatanong. Pang asar lang. Nag tawanan ang dalawa.

"Baliw, seryoso na" napapangiti p a arin si Deanna sa sagot ni Jema. Sa pamamagitnsanan ng pang aasar nito biglang gumaan ang pakiramdam nila.

"Okay Game na" hinalikan nito ang kamay ni Deanna na nakakulong sa mukha nya.

"Alam mo love, walang araw na hindi ko pinangarap na maging akin ka" huminga ulit ng malalim si Deanna. Halata sa boses nito at sa mukha ang sobrang kaba.

Nag salitang muli si Deanna.
"Love you're so sweet" (huminga ng malalim si Deanna "I really don't deserve you, honesty" (napayuko si Deanna sa sinabi. Ngunit tinaas ni Jema ang mukha nito sa pag kaka yuko) "you're so perfect in every way" (buntong hininga) "Yong makita ko ang mukha mo pag mulat ko ng aking mga mata, literally gives me so many butterflies" (hinga ulit ng malalim pang pawi ng kaba) "I love waking up next to you" (ngumiti ito ng napakatamis kay Jema) "you never haved to worry about losing me, because I'm to addicted to you and I don't think I can go on living without knowing that you're mine" (hilam na sa luha ang mata nito ngunit wala syang pakialam kahit pa nga garalgal na ito sa pag sasalita at tila ba nahihibang dahil habang nakangiti ay lumuluha ito. Masambit lang nya ang gustong sabihin kay Jema. "Ikaw ang kaligayahan ko, ang unang naiisip ko sa pag mulat pa lang ng mga mata ko at nag papangiti saakin. Ikaw lang ang nakaraan, kasalukuyan at magiging kinabukasan ko. Wala na akong naiisip pang iba ikaw lang." (parehas ng hilam ang kanilang mga mata sa luha."How did you make me fall so deeply inlove with you like this uh? Siguro ginayuma mo ako" (parehas silang natawa ni Jema sa tanong ni Deanna. Siryoso na muli ang mukha ni Deanna nangungusap na itong nakatingin kay Jema. "But seriously, I don't ever want to lose the feelings you give me. The stupid smile I try to hide, the lip bites when we're being playful, the butterflies while we're talking, how red my face gets when I hear your voice, and so many other things na hindi ko mabubuong masulat lahat sa isang buong libro. But just know I'm completely in love with you." humugot ulit ng lakas si Deanna sa pamamagitan ng pag hinga ng malalim " So be mine again? Be my girl again and I promise I'll be yours and only yours for the rest of our lives"

Matapos sabihin iyon ni Deanna ay kaunting katahimikan ang namayani. Bagamat kapwa hilam na ang mga mata ay hindi alintana iyon. Ang nais lang ni Deanna ay ang kasagutan ni Jema kung tatanggapin ba sya o hindi na. At si Jema naman ay ang pakiramdam na pinuno sya ng labis na pag mamahal ni Deanna sa mga sinabi nito.

"Yes I'm yours, and I'm only yours" matamis na sambit ni Jema kay Deanna. Matapos sambitin iyon ni Jema ay nag palakpakan ang mga taong naandoon. Na hindi man lang napansin ni Jema na may roong mga tao sa paligid bukod sakanilang dalawa.

Nagpalinga linga si Jema. Sa lumiliwanag na ilaw kumaklaro sa kanyang paningin ang mga taong nandoon. Hindi man gaanong maliwanag dahil tanging ilaw lamang nila ay mga mumunting bumbilya na nakapaligid sa hardin na iyon sapat lang para makilala nya ang mga nandoon. Naluha sya ng makita nito ang kanyang mga magulang at maging magulang ni Deanna na nakangiti kahit mga hilam din ang mga mata sa luha. Lahat naman ng nandoon ay ganon ang mga mata mga matang kakabakasan ng pag iyak ngunit mga nakangiti. Masaya ang lahat sakanilang dalawa. Naroon din ang mga kaibigan nila na lubos ang kagalakan na kahit ang mga mata ng mga ito ay kapwa naka ngiti. Totoong kasiyahan para sakanila ang mga nakapaloob sa mga mata ng bawat isa. Buong kaibigan nila nandoon sa gabi ng kasiyahan lahat naka saksi sa pag ibig na binahagi nilang dalawa.

Ng makita nya si ate nya Jia ay isang tango lang at ngiti. Katumbas niyon sakanya ang kagalakan. Ibig sabihin ay tanggap na nitong muli si Deanna para sakanya.

Walang pag sidlan ang saya sa puso ng dalawa. Nag uumapaw iyon. Ng mag tagal ay hinawakan ni Deanna ang kamay ni Jema. At may binulong ito. "Hindi pa tapos may isa pa akong hinihanda para sayo" napuno naman ng excitement ang puso ni Jema. Kasabay niyon ay ang pag hila ni Deanna sa loob ng bahay ni Deanna. Mukhang alam iyon ng mga kasama.
Nag palakpakan pa ang lahat ng papasok na ito sa bahay.

"Go Deanna, isa na lang kaya mo yan, dito lang kami mag hihintay sainyo" sigaw ni Ate nya Jia. Pinapalakas nito ang loob ni Deanna.

"Kaya mo yan Deanna Wong" Sigaw ni Kyla. Nag palakpakan naman ang lahat. Kita ng dalawa ang galak sa mga mukha ng magulang. Tango lang ng mga ito ang ginagawad sakanila. Hudyat na pumasok na sa loob.

Hinihintay na ng lahat ang resulta. Kung pumayag ba si Jema na mag pakasal kay Deanna o hindi. Naiinip man ay matiyagang nag hihintay ang lahat may halong kaba at galak. Kaba na baka hindi ito pumayag. Ngunit confident sila na papayag ito. Sino ba ang hindi sa effort ni Deanna aayaw pa ba ito. Matagal na ang lumipas pero wala pa ring Deanna at Jema na lumalabas.

Malalaman lang nila na pumayag si Jema sa alok ni Deanna kung iilaw yong sa harapan nilang screen na hugis pusong may nakalagay na "SHE SAID YES". Bale nakaharap ngayon ang mga nag hihintay sa harap ng balcony ni Deanna. dederetso kasi ang dalawa sa balcony ng bahay ni Deanna. Sa balcony may dalawang switch doon na aapakan si Deanna isa para sa off kung hindi tinanggap ni Jema mamamatay lahat ng ilaw. At kung tinanggap naman ni Deanna mag bubukas yong isa pang surprise nito sa babae. Iilaw ang screen na hugis puso na may nakasulat ng pag tanggap nito sa alok at isang fireworks display na talagang matutuwa ang lahat.

Ngunit matagal na ay wala pa ang mga ito. Naiinip na ang ilan.

"Ano ba yan, wala pa yong dalawa, siguro gumawa na ng pangalawang baby" reklamo ni Ponggay.

"Bunganga mo Ponggay, marinig ka nga nila tito" Sita ni Maddie sa babae.

"Wait ka lang kasi, mag papakita rin ang mga yon" dugtong naman ni Dani.

Habang sila Ate nya Ly at ang iba pang mga kasama ay matiyagang nag aabang.

Nakita nila ang dalawa na nakatayo na sa harapan nila. Nag ingay ang lahat. Nag hiyawan at palak pakan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ngunit nawala ang saya nila ng dumilim ang buong paligid. Hudyat na hindi tinanggap ni Jema ang alok na pag papakasal ni Deanna dito.





















To be continued ✌🏻...........






Surprise!!!!!! Enjoy guys sa pag babasa sa maikling update. Salamat sa mga kumapit at nag hintay. Sana all nag hihintay hehehhe. Miss you 'n love you all. Till next chapter mwuaaah 😘😘😘😘.

PS: Sorry sa sobrang tagal na update. Busy talaga masyado sa work. Pero promise tatapusin ko to and gagawa ako ulit ng panibagong kwento ng Gawong para sainyo. I love you all guys. Take care and more power ❤️😘😉



Continue Reading

You'll Also Like

245K 6.6K 58
Kung paano siya nawala.....hindi ko rin alam...basta naramdaman ko nalang na wala na...wala na akong nararamdaman para kay deanna...siguro napagod na...
258K 8.7K 63
character: deanna jema ced caloy fhen bea ps: thank you po sa totoong may ari ng account na ito at pinapayagan mo kong mag sulat ng kwento.. hahahha...
135K 4.2K 51
It all started with a joke..Tinanggap ni Jema ang pambubuyo ng mga kaibigan..Nilapitan niya si Deanna, ang campus crush nilang kaklase. Nakipagkilala...
997K 17.7K 49
⚠️⚠️⚠️SPG content ⚠️⚠️⚠️ You've been warned 🙊 Recently became a fan of Jedean and they inspired me to write my first story ever. Please bear with me...
Wattpad App - Unlock exclusive features