Chapter 11.5

5.3K 160 21
                                    

Jema's POV

Nagising si Jema sa  boses ni Deanna. Ngunit nanatili pa rin syang nakapikit. May kausap ito sa Cellphone alam  agad kung sino ang kausap nito sa kabilang linya. Narinig nya itong nag salita.

"Yes Hon, mag aayos lang ako." rinig ni Jema. "okay hintayin mo ko sa condo mo" rinig nya ulit na sambit nito. "okay, see you bye" huling rinig mula kay Deanna.

Naramdaman nya umalis ito marahil ay pupunta na ng banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Well malamang mag aayos yon kasi anniversary nila. At malamang sa malamang mag di-date sila. "Ano ini expect mo Jema? Suway nya sa isip." wag kanang mag isip. Binabaliw mo lang lalo sarili mo" suway ng puso nya sa isip. "eh, kung itigil mo na yang pag mamahal  kay Deanna mo, para wala na akong isipin!" sumbat naman ng isip sa puso nya. "eh kasalanan mo naman, kung di mo pinapasok yang si Deanna d'yan sa kokote mo eh, di sana tahimik akong tumitibok. Yan tuloy nasasaktan tayo pareho! " hay nako Jema nababaliw kana talaga.

Habang nag tatalo ang isip at puso ng babae ay panay buntong hininga lang ang maririnig sa kwartong iyon.

Tiningnan nya ang alarm clock na nasa table. Almost 5:00pm na pala. Haba ng tulog nya. 

pakapananghalian kasi nila umakyat ulit sila ni baby Uriel sa kwarto. Duon nag lagi ang mag ina. Iniwan kasi nila ito. Umakyat sila sa kwarto habang si Deanna naman ay nasa sala nanunuod. Pagkatapos kasi ng tagpo nila ng umagang iyon ay umiwas na sya ng todo kay Deanna.

Ramdam man ni Jema na bumabalik na ulit ito sa dati. Hindi parin mababago nito ang katutuhanan na may mahal na itong iba . Bukod doon ay may masasaktan silang tao. Lalo pa at ang taong iyon ay walang ginawa kundi mahalin at intindihin si Deanna. Magagawa ba nyang saktan ang taong bumuo ulit sa taong winasak nya? Hindi nya kayang may nakikita syang tao na nasasaktan ng dahil sa gusto nyang sumaya.

Sa isip ng babae siguro kaya ganoon na lang si Deanna sakanya dahil araw araw silang mag kasama kaya naman nababaling minsan ang atensyon sakanya at kay Uriel. Okay lang sa bata pero sakanya ibang usapan na iyon.

Lagi na lang nasa utak ni Jema mas mabuti pa na  sya ang masaktan kesa ang ibang tao. Iyan ang ugali ng dalaga noon pa man.

Naramdaman nito ang pag bukas ng pinto sa banyo. Nakatalikod kasi sya  doon kaya hindi nya ito makita. Bale nakaharap si Jema sa pinto papuntang Veranda. Ng maramdaman na ni Jema ang presensya nito sa loob ng kwarto ay pumikit ulit ito. Ayaw nito na malaman ni Deanna na gising na sya.

Naramdaman ni Jema na gumalaw ang kama at bahagya itong lumubog marahil ay umupo ito sa gilid ng kama. Ramdam nito na  naka titig sakanya ang babae. Gustong gusto na sana nitong tumalikod ngunit hindi nya alam kung paano ito gagawin. Para syang napako sa posisyon nyang iyon.

Tiniis na nga lang nito ang kakaibang nararamdaman sa titig ng babae sakanya. Kahit kasi nakapikit ay ramdam nito na parang may tumititig sakanya. Hihintayin na lang  na mag sawa ito sa kaka titig. Mukhang wala pa itong balak na umalis. Humalik muna ito kay Uriel na kasalukuyang yakap yakap nya habang natutulog. "Bahala ka d'yan Deanna kapag nagising tong si Baby Uriel, ewan ko lang kung makaalis ka pa papunta sa Hon mo"  sa loob loob nya.

Natigil si Jema sa pag iisip ng halikan sya ni Deanna sa noo. Hindi ito masyadong makagalaw. Naramdaman nya na hinahaplos haplos nito ang mukha nya. Bigla  naman syang napakislot. Napasinghap sya sa ginawa nitong pag haplos ng banayad sa kanyang pisngi. Kaya naman wala syang choice kundi imulat nya ang mga mata dahil pinag kanulo sya ng taksil nyang mga mata.

Pag mulat ni Jema ay nakita nitong mataman nakatitig sakanya si Deanna. Patuloy lang nitong hinahaplos ang kanyang mukha. Nag tagpo ang kanilang mga mata. Love and respect iyon ang nakikita nya sa mga mata nito na nagpagulo sa isipan ni Jema. Hindi nya alam kung bakit ganito si Deanna sakanya. Sinasabi tuloy ng kanyang puso na kailangan nyang umasa ngunit iba ang idinidikta ng kanyang isip iyon ay ang huwag ng patuloy na pahirapan pa ang sarili. Sa bawat ganoon kasing mga tagpo nila nararamdaman ni Jema na may roon pa itong nararamdaman sakanya hindi man buo at hindi man katulad ng dati katiting man iyon kahit papaano ay nararamdaman nya na ulit ito. 

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon