Chapter 11

5K 170 34
                                    

JeDean's POV

Nasa kwarto na si Jema at Deanna kasama si Uriel. Iniwan din sya ng dalawa sa sala. Nauna kase ang mga ito at sya naman ay nanuod na lang.

Walang gustong mag salita sa dalawa. Si Deanna nag dadalawang isip kung kakausapin  ba nito si Jema. Natatakot kasi ito dito baka bulyawan na lang bigla kapag nangulit na naman sya. Pero mas gugustuhin pa ni Deanna na ganoon ang babae sakanya. Mas gugustuhin pa nito na maingay at bungangaan sya sabihan ng kung ano ano atleast alam nya kung anong iniisip nito.

Hindi katulad ngayon na parang hangin lang sya sa kwartong iyon. Pinapansin lang nito si baby Uriel. Mali mang maramdaman pero nag seselos na si Deanna sa bata ng kaunti. Pero syempre hindi sya galit sa bata. Nag tatampo lang sya kay Jema. Abala ito sa pag papaligo sa bata. Ni hindi man lang nito magawang pansinin o di kaya ay tapunan ng tingin.

Di man lang ako pinapansin ni Jema. Ang saya lang namin kanina tapos ganito na naman kami. Hindi ako sanay ayaw ko sya na ganyan katahimik. Kapag ganyan na tahimik kasi si Jema dalawa lang ibig sabihin. Kung hindi may iniisip na problema, nag tatampo. Pero wala naman akong maalala na ginawa ko na makakasama sa loob nya. Problema ba ako sakanya? Mababaliw na ko sa kakaisip kung bakit ganyan sya.

Nasa banyo ang mag ina. Ang ingay ni Uriel siguro hinaharot ni Jema. Gusto ko silang puntahan. Namimiss ko na silang dalawa. Pati kasi si Uriel parang hindi rin ako napapansin. Anong problema nong dalawa sakin? Nako nababaliw na ko talaga. "Uuuuggghhh" napasigaw si Deanna. Sakto namang pag labas ng mag ina sa pintuan ng banyo. Sabay pa itong napatingin sakanya. At sabay rin ang mga itong inalis ang tingin sa direksyon nya. "what? seriously! Anong nangyayari sakanila?" sa mahina nitong sambit.

nakakainis na talaga para akong nakagawa ng napaka laking kasalanan para tratuhin nila ako ng ganito. Hindi ko na talaga kaya to. Gusto kong mag wala.

Tumayo si Deanna para puntahan sana ang dalawang kanina pa sakanya nang babaliwala. Naka balot pa ng towalya ang bata. Nakatayo pa rin si Jema hindi pa nito nilalapag sa kama para bihisan. Nag prisinta si Deanna na sya na lang mag nibihis.

"ako na mag bibihis kay Baby Uriel" offer ni Deanna kay Jema.

Ngunit baliwala lang itong nilagpasan ang babae. Na lalo namang kinainis ni Deanna. Napapikit ng madiin ang dalaga dahil hindi na sya natutuwa sa inaasal ng babae. Pinahiga na nito si baby Uriel sa kama. Medyo nasa gilid sila ng kama dahil bibihisan lang nito ang bata. Habang sya nanatiling nakatingin lang sa dalawa. Sobra pa rin itong nayayamot.

Habang binibihisan ang bata nag tatalo naman ang isip ni Jema sa inaasal sa babae.

Wala akong pakialam kahit mainis ka d'yan bakit ba wala ba akong karapatan na manahimik o di kaya hindi sya pansinin? Bahala ka talaga d'yan. Aba at itong anak ko nakikisimpatya rin sakin hindi pinapansin ang mama Deanna nya.
Kasalanan mo din naman kung bakit di ka namin pinapansin kaya mag tiis ka. "May karapatan kaba?" sita ng kabilang utak ni Jema. "bakit ba? Buhay ko to ako mag di-decide kung sino papansinin ko" sagot nya sa sarili.
"eh, wala naman sayong ginagawa yong tao, ah. Nagpaalam lang na aalis nagkaganyan kana" komento ng isang bahagi ng kanyang utak. "bakit ba? Wala syang magagawa kung mag taray ako. Tsaka bahay ko to dun sya sa bahay nya kung ayaw nya masungitan!" pangangatuwiran nya.
"Bahala ka pag talaga yan umalis ikaw din" pananakot pa ng sariling utak.
"hahaha, sino tinakot nya ako? Dah, kinaya ko nga ng dalawang taon na wala sya, ngayon pa!" confidence na sabi nya sa sarili. Nasira ang pag mumunimuni nya ng magulat sya sa sigaw ni Deanna.

"Little Angel!" sigaw nito habang patakbong sinalo si Baby Uriel. Buti na lang at mabilis nitong nasalo ang bata kung hindi ay paniguradong nahulog iyon sa sahig.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon