Chapter 18

7.4K 202 35
                                    

Jema's POV

Simula pa lang, pag mulat ng mga mata ko binubuo na ni  Deanna ang araw ko. Mula sa simpleng pag titig na halos dinadala ako sa mundong gawa nya para sa aming dalawa. Mga ngiting alam ko na ako ang dahilan. Pag halik sa aking noo na palagiang ginagawa nya, na lalong nakaka dagdag sa respeto ko sa sarili. Mga yakap nyang mahigpit, pakiramdam ko kapag nasa mga bisig nya ako ay wala ni sino mang makakapag paramdam sakin ng sakit. Dahil makulong sa mga bisig nya ay isa sa pinaka ligtas na lugar para sa'kin.

Nakatitig ako ngayon kay Deanna. Hindi ko alam kung bakit sa simpling pag kakatitig ko sakanya iba ang epekto nito sakin. Ewan ko ba, masarap lang sa pakiramdam. Yong gigising ka sa umaga mukha agad ng mahal mo ang bubungad sayo. Almost one week na rin ng bumalik sya sa dati. Ang dating Deanna na minahal ko. Malambing na kahit saan man kami mapunta pinaparamdam nya, maalaga na kulang na lang kahit nasa trabaho ito pag silbihan sya  nito.

Minsan pa nga magugulat na lang ako tatawag ito kung kumain na ba ako o mag tatanong kung pagod ba ako. Ang  pang huli at pinaka gusto ko sa lahat, bumalik na ang Deanna ko na mapag mahal, sobrang clingy nya. Kapag nasa bahay hindi na maalis sa tabi ko. Ang hirap punitin parang linta kung maka dikit. Magagalit pa kung minsan napag sasabihan ko na lumayo naman kahit saglit.

Napangiti si Jema ng maalala nya ang tagpong iyon ng pag gising nila sa umaga at papuntahin nya si Mafe sa bahay nila dahil sa panunulsol nito kay Deanna. Kahit panga nag katampuhan sila ng araw na iyon ay humantong iyon sa matamis na pag tatapos.


Flash back 1 week ago

Nauna syang nagising kay Deanna. Mahimbing pa rin itong natutulog sa kanyang tabi ngunit nakadungaw ang ngiti sa mga labi ng babaeng himbing na natutulog. Maaring napagod ito sa ginawa nila kagabi .  Sa isiping iyon napahawak sya sa kanyang mukha. Ramdam nya na parang namanhid at medyo kumapal iyon. Dala siguro ng pamumula ng kanyang mukha.

Pinakalma   ni Jema ang kanyang sarili. Hindi kasi sya makapaniwala sa nangyari kagabi. Damang-dama nya ang lubos na pag mamahal nito sakanya.

Tumagilid sya paharap dito. Habang ang siko ay nakatukod at ang kanyang palad ay sinasalo ang ulo upang mas lalong masilayan nya ito. Pinag mamasdan nya si Deanna habang ang ngiti ay naka pinta sa kanyang mukha at labi.

Iba talaga ang nagagawang saya ni Deanna kay Jema. Kulang na lang ay lumipad ito literal. Iyon kasi ang nararamdaman nya sa mga oras na iyon. nakatitig lang  sya sa mukha ng babaeng natutulog.

Hindi na mawari parang gusto nya uli itong maramdaman. Gusto nya itong yakapin ikulong sa kanyang mga bisig. Kahit pa nga mag katabi sila para pa rin syang nangungulila dito.

"Hay Deanna Wong, mukhang masama  na naman ang epekto mo sakin, ah" sa isip isip ni Jema.

Hindi nga napigilan, hinaplos nya ito sa mukha gamit ang kanang kamay.
"Nag sisimula na naman akong mabaliw sayo. Alam ko nagamot ko na to, eh. Kaso ayan kana naman, binabaliw mo ulit ako" sabi ni Jema sa isip habang nakatitig kay Deanna.

Nawili si Jema sa pag haplos sa mukha ni Deanna. Nagulat pa sya ng gumalaw ang babae. Hindi ito mapakali tumagilid ito ngunit patalikod sakanya. Agad namang sumilay ang lungkot sa mukha ni Jema. Ngunit hindi rin  iyon nag tagal ng makita nito na panay ang galaw nito na parang may hinahanap ito. Alam  nya sya ang hinahanap nito. Maging ang mga kamay ay hindi mapakali. Patuloy lang sa pag masid si Jema. Ng hindi nito siguro mahanap ang gusto ay tumagilid uli ito ngunit paharap na sakanya. Maagap naman si Jema. Ng pumihit si Deanna paharap sakanya ay agad nyang nilapag ang kanyang mga braso sa kama upang hintayin masapo ng kanyang  braso ang ulo nng babaeng hindi mapakali. Ng tuluyang makaikot si Deanna paharap sakanya ay sakto namang napailalim ang nag hihintay na bisig ni Jema paraan upang mapaunan ito sakanya.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon