Chapter 12

5.8K 225 86
                                    

Deanna's POV

Matapos nitong malaman mula kay Jema na pagod na ito ay bigla na lang syang nanghina. Tumulo nalang ng  bigla ang kanyang luha. Hanggang ang iyak ay  humantong sa hagulgol. Hindi nya napigilan ang sakit at pagod. Bumalik sakanya lahat ng nangyari mula sa pag uusap nila ni Sophia ang pagyaya nya kay Tots at Bea hanggang sa pag uwi nya malaman na umiinom ito kasama ang mga kaibigan nila at ang sinabi sakanya ni ate nya Jia. Napaupo na lang ito bigla sa sahig. Hindi na nya kayang tumayo para syang nauupos na kandila. Kahit ang tuhod nito ay hindi na rin makayanan ang bigat ng kanyang nararamdaman. Nakasalampak si Deanna sa sahig habang naka subsob sa gilid ng kama nila. Patuloy pa rin ang pag iyak nito. Si Jema naman ay tulog na tulog ni hindi nito naririnig ang bighati ng kasama.




Flash Back

Nasa harapan na si Deanna ng unit ni Sophia. Matagal na itong nakatayo doon ngunit hindi pa nito magawang pindutin ang doorbell. Andun na sya sa punto na nakalapat na ang daliri nya sa doorbell didiinan na lang ngunit napapa urong ulit sya na para bang mainit ito at nakakapaso. Ilang ulit pa itong nagpa urong sulong. Ngunit ng pumikit sya at makita ang mukha ni Jema at Baby Uriel na nakangiti sakanya ay lumakas ang loob nya.

Hindi sa nag dadalawang isip pa si Deanna sa Desisyon na makipag hiwalay kay Sophia o sa nararamdaman nya kay Jema. Sakatunayan buo na ang desisyon nya na tapusin na ang sakanila ni Sophia. Simula kaninang umaga ng maramdaman nya ang tila kahungkagan at mabaliw baliw sya sa kakahanap sa mag ina nya at maging ng titigan nya ang mga ito habang natutulog. Alam na nito na hindi nya kayang mawala ulit si Jema sa buhay nya at maging si Baby Uriel. Lumabas si Deanna ng kwarto na handang handa na itong mag simula kasama ang kanyang mag ina.

Ang tanging naramamdaman nito ay kaba at sobrang takot. Wala lang lakas ng loob si Deanna na harapin ito dahil takot sya. Takot na baka hindi nito matanggap, takot sya sa makikitang sakit kapag sinabi nya ang lahat lahat. Takot na may masasaktan dahil sakanya. Alam kasi ni Deanna ang pinag daanan nito bago pa nya makilala.

Nagkalakas na ng loob si Deanna para harapin ito. She pressed the button at naririnig na nga nya iyon na tumunog. Nakailang beses na ring huminga ng napakalalim ang babae sa harap ng saradong pinto. Ang bawat minutong pag hihintay nya na mag bukas iyon ay para itong pinapatay sa kaba. Ngunit wala ng urungan. Para ito sa kanila ni Jema.

Ilang sigundo pang nag hintay si Deanna. Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Sophia. Napaka lawak ng ngiti nito. Maayos ang suot ng babae mukhang aalis. Red dress na simple, Yumakap ito sakanya at humalik sa pisngi ni Deanna.

"I miss you so much Hon" sambit nito habang nakatitig sa mga mata nya.

Kinapa nya sa sarili kung ano ba ang nararamdaman nya. Ngunit ang tanging nanduon ay kagustuhan na tapusin ang pag hihirap at pag lilihim nya dito.

Nanatiling nakatitig lang si Deanna sa babae. Makikita dito ang pag tataka, pag tatanong kung para saan ang suot nito. Nahalata naman ito ng babae kaya nagyaya na ito sa loob. "So, tara na sa loob?" at tinuro nito ang papasok sa unit nito.

"aalis kaba?" tanong ni Deanna sa babae dahil takang taka pa rin sya.

"Nope, tara na nga sa loob para malaman mo kung bakit ganito ang suot ko" sa sinabing iyon ni Sophia ay nagpatianod na lang sya.

Papasok pa lang sa living room ay nagulat si Deanna sa nanduon. Napaka romantic ng ambiance. Mula sa dinaanan nila kita nya ang mga red roses petals na nakalagay sa gilid ng dinadaanan nila kasama ng mga kandila na nasa baso at ang ibang petals ay naka kalat pa. Idagdag pa ang magandang music na maririnig doon.

PLAYING MY VALENTINE....

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon